Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY WIFE

THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY WIFE

iamsimple
Dahil sa utang-na-loob ay pinakasalan ni Amber ang apo ni Don Fidel Salvatore na si Phil Salvatore, ang CEO ng Salvatore Conglomerate. At dahil naman nakalagay sa last will and testament ng kanyang lolong may sakit na mapupunta lamang kay Phil ang mga ari-arian nito at pati na rin ang malaking shares nito sa kompanya kung pakakasalan niya si Amber na apo ng matalik na kaibigan ng kanyang lolo kaya niya pinakasalan ang dalaga. Dalawang taong magkaiba ng mundong kinagisnan ang magsasama sa iisang bubong bilang mag-asawa. Matutunan kaya nilang mahalin ang isa't isa sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad at pagkakaiba ng kanilang mga ugali? Mabago kaya ng isang babaeng masayahin at kuwela ang isang lalaking seryoso sa buhay at tila hindi marunong umibig? O mauuwi lamang sa paghihiwalay at hindi pagkakaunawaan ang kanilang kuwento?
1.5K viewsOngoingAdded to Library 52 Times as dylan wang wife
Read
+Library
The Billionaire's Seventh Wife

The Billionaire's Seventh Wife

Naging katatawanan ng buong sambayanan si Zarayah Del Valle nang kumalat ang balitang nakipagrelasyon siya sa isang magsasaka matapos siyang hiwalayan ng asawa. Desperada na raw siya at kung kani-kanino na lang pumatol. Sa galit at kahihiyan na dulot niya sa kanilang pamilya ay itinakwil siya ng mga magulang. Ngunit pagkalipas ng ilang taon ay parang asong ulol na naghahabol ulit sa kanya ang dating asawa. Halos magkanda-dapa ito at magmakaawa para lang makuha ang atensyon niya. "Please, Zarayah. Bumalik ka na sa akin. I'll do anything. Gagawin ko ang lahat upang mahalin mo ulit ako." Pumayag ang dalaga sa kagustuhang makaganti dito at sa kanyang kapatid sa ginawa nitong pang-aagaw kay Ethan. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay malalaman ng bago niyang asawa ang kanyang mga pinaggagagawa! At isang gabi nga, sa loob ng mahabang panahon ay bigla itong lumitaw sa kanyang tirahan ng walang pasabi, wala ng pang-itaas na damit at nagbabaklas ng sinturon. Madilim ang mukha nito at nag-iigting ang panga sabay sabing... "Get your hands and knees on the bed, my lovely wife. You need to be punish." •• THIS STORY CONTAINS A LOT OF MATURE SCENES | PLEASE, READ AT YOUR OWN RISK. ••
1043.1K viewsOngoingAdded to Library 949 Times as dylan wang wife
Show Reviews (7)
Read
+Library
SUMMERIASWINTER
Hello, dear readers. ...️ Completed na po ang first book nito, while currently ongoing naman ang kasunod na story which is yung sa mga anak nila. Daily update po. I hope you'll support it also. Thank you!...️
Neng degracia
bakit naman paisa-isa update mo author? di ka na nga nag-update nung Christmas break tapos ganto pa. Sana naman wag Kang gumaya sa Isang author na manhid na sa kakapalan ng mukha na inabot ng Isang taon ang kwento di pa rin tinatapos..
Read All Reviews
The Billionaire's Ex-Wife

The Billionaire's Ex-Wife

Lumaki si Angela mula sa bahay ampunan dahil sanggol pa lamang siya nang iwan siya ng kanyang mga magulang. Simula nang magkaisip siya ay si Donya Cynthia na ang nagbibigay ng lahat ng pangangailangan pati na rin ang nagpaaral sa kanya hangang kolehiyo. Ngunit nang maka-graduate siya sa kursong business administration ay tuluyan na siyang inampon ni Donya Cynthia. Upang ipakasal sa nag-iisa nitong apo na si Rafael Valdez. Matangap kaya ng binata si Angela upang maging asawa? Paano kung bumalik ang kasintahan ni Rafael na dalawang taon nang nang-iwan sa kanya ng walang dahilan? Kaya bang panindigan ni Rafael ang sapilitang kasal?
10108.5K viewsCompletedAdded to Library 3.8K Times as dylan wang wife
Read
+Library
THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

Si Merlyn Claveria Santiago, isang 28 taong gulang na OFW sa Dubai, ay kilala sa kanyang sipag at sakripisyo para sa kanyang pamilya. Sa kabila ng hirap ng trabaho at lumbay ng pangungulila, nanatili siyang tapat sa kanyang kasintahang naiwan sa Pilipinas. Ngunit isang araw, ang kanyang mundo’y gumuho nang malaman niyang nabuntis ng kanyang nobyo ang bunsong kapatid na 18 taong gulang lamang. Labis ang sakit ng pagtataksil, lalo na’t itinago ito sa kanyang mga magulang upang hindi maapektuhan ang perang ipinapadala niya buwan-buwan. Sa hinanakit at kawalang pag-asa, iniwan ni Merlyn ang kanyang pamilya at lumayo. Habang naglalakad, napadpad siya sa isang simbahan kung saan nagaganap ang isang kasalan—isang kasalan na nauwi sa eskandalo nang tuklasin ng lalaking ikakasal na pinagtaksilan siya ng kanyang kasintahan. Sa isang di-inaasahang pagkakataon, nilapitan si Merlyn ng ina ng lalaking iniwan sa altar. Isang alok ang binitiwan: pakasalan ang kanyang anak upang mailigtas ang pamilya nila sa kahihiyan. Dahil sa galit sa mundo at pagnanais na makalimot, tinanggap ni Merlyn ang kasunduan. Ngunit ang kanyang pinasok na kasal ay hindi basta-basta. Ang lalaking kanyang pinakasalan ay si Crisanto "Cris" Montereal, isang bilyonaryo na may makapangyarihang impluwensya at mga negosyo sa iba't ibang panig ng mundo. Sa likod ng kanilang kunwaring pagsasama, unti-unting masusubok ang kanilang damdamin, at mahuhulog sila sa komplikadong laro ng pag-ibig, paghihiganti, at mga lihim na pilit nilang tinatakasan. Makakahanap kaya si Merlyn ng kapayapaan sa piling ng isang lalaking puno ng galit sa pag-ibig? At mapapatawad kaya niya ang mga taong minsang sumira sa kanyang tiwala? O tuluyan siyang magpapatalo sa mga sugat ng kahapon?
1010.6K viewsCompletedAdded to Library 382 Times as dylan wang wife
Read
+Library
CEO's Mistreated Wife (Taglish)

CEO's Mistreated Wife (Taglish)

Chantria Saavedra is the illegitimate daughter of a prominent businessman. It isn't easy because all of her life she feels nothing but indifferences. Her father sees him as a fruit of a mistake. He made her a payment for all of his debt when their family faced bankruptcy. Since Chantria is craving to feel the warmth, love and care of having a family, she wholeheartedly agreed to marry Aziel Navarro, the newly elected CEO of the S&N company… but then, little did she know that being his wife will be the biggest mistake she will make in her whole life.
10107.1K viewsCompletedAdded to Library 2.6K Times as dylan wang wife
Read
+Library
The Billionaire's Forgotten Wife

The Billionaire's Forgotten Wife

​"Sino ka sa akala mo para pagsalitaan ako nang ganyan? You’re just my brother’s secretary. Know your place." ​Iyan ang mga salitang binitawan sa akin ni Ezekiel Morgan—ang bilyonaryong suplado, mapagmataas, at walang pakialam sa mundo. Pero sa likod ng bawat matatalim niyang tingin, ang nakikita ko ay ang lalaking pinakasalan ko limang taon na ang nakalilipas sa isang liblib na probinsya. ​Para sa kanya, isa lamang akong hamak na empleyado. Pero para sa akin, siya si Vince Sullivan—ang misteryosong estranghero na naging mundo ko sa loob ng tatlong buwan bago niya ako iniwan nang walang paalam. ​Ngayong nakatira ako sa iisang bubong kasama siya, dalawang bagay lang ang maaari kong kahantungan. ​Ang mapatunayan ko na siya ang nawawala kong asawa. ​O ang madurog muli sa harap ng lalaking mahal ko na hindi ako maalala.
392 viewsOngoingAdded to Library 15 Times as dylan wang wife
Read
+Library
The Billionaire's Wife (Tagalog)

The Billionaire's Wife (Tagalog)

Lexus Clark Salvatore still enjoying his bachelor's life. He doesn't do love only make love. It was a hot steamy night when his father called and said he needs to marry Celeste Hara Villamore. He is just pretending at first, until he didn't notice that he's already falling. What do you think will Lexus do? Entertain his feelings? Or just go with the flow?
9.4162.9K viewsCompletedAdded to Library 5.1K Times as dylan wang wife
Read
+Library
The Billionaire's Abandoned Wife

The Billionaire's Abandoned Wife

Nang dahil sa isang gabi ng pagkakamali, sapilitang ipinakasal si Diana Saavedra sa lalaking kanyang pinakamamahal na si Nick Gutierrez. Na siyang nagpangyari upang tuluyang mamuhi si Nick sa kanya. Pagkatapos ng kanilang kasal, iniwan siya nito at nanirahan sa ibang bansa kasama ang babaeng itinatangi nito. Nang pumanaw ang abuelo ni Nick, muli itong bumalik sa bansa upang tuparin ang huling habilin ng abuelo, ang magsama sila ni Diana sa iisang bubong at bumuo ng pamilya. Noong una, hindi magawang pakisamahan ni Diana ang kalupitan ni Nick sa kanya, lalo pa at laging nakapagitan ang babaeng tunay na iniibig ng asawa. Nagtiis siya, sa pag-aakalang sa huli, magagawa rin siyang mahalin ng asawa. Subalit dahil sa isang kasinungalingan, napilitang umalis si Diana at tuluyang ibigay ang kalayaan ni Nick sa pamamagitan ng annulment. Kasabay niyon ang kanyang pagtuklas sa tunay niyang pagkatao. Makalipas ang limang taon, sa di inaasahang pagkakataon, muli silang nagkita ni Nick. Lalong tumindi ang pagkamuhi nito sa kanya at pinipilit siya nitong makisama rito dahil hindi raw ito sumang-ayon sa annulment at ito pa rin ang legal niyang asawa. Paano muling pakikisamahan ni Diana ang galit ni Nick? Paano kung muli siyang mahulog dito sa kabila ng kalupitan nito? At higit sa lahat, paano niya hihilingin nang tuluyan ang kalayaan niya rito kung… mayroon silang anak na lihim niyang dinadala nang iwan niya ito? Isang anak na siyang susi upang makuha ni Nick ang kabuuan ng mana nito.
10594.9K viewsOngoingAdded to Library 14.9K Times as dylan wang wife
Read
+Library
The Billionaire's Neglected Wife

The Billionaire's Neglected Wife

Isang babaeng pinagpala. 'Yan ang tingin kay Chynna ng mga taong nakapaligid sa kanya nang pakasalan niya si Geoff Montecarlo. Para sa kanila, kainggit-inggit ang pagkakaroon ng asawang bukod sa mayaman na ay ubod pa ng gwapo. Total package 'ika nga! Madalas na biro tuloy sa kanya, nang magpaulan daw siguro ng pagpapala ang Diyos ay malamang nasalo niya ang lahat ng iyon. Lingid sa kaalaman ng lahat, hindi na masaya si Chynna sa piling ng asawa. Sa loob kasi ng halos isang taon nilang pagsasama, madalang pa sa  patak ng ulan kung siya ay bigyan ng atensyon nito. Dahil doon ay nagsimula siyang magkaroon ng depresyon at insekyuridad. Sa kanyang pangungulila sa pagmamahal ay natagpuan niya ang kanyang sarili sa loob ng isang gaybar, ang Narcissus. Doon niya nakilala si Bryle. Isa itong macho dancer at siyang naging tagapag-aliw niya ng gabing iyon. Sa palagian nilang pagkikita ng lalaki ay unti-unti silang nagkahulugan ng loob nito. Dito niya natagpuan ang pagkalinga na siyang ipinagdadamot sa kanya ng asawa. Dahil doon ay naisip niyang iwanan na lang si Geoff at tuluyan nang sumama kay Bryle. Ngunit sadya nga talagang mapagbiro ang tadhana... Sa hindi inaasahang pagkakataon, natuklasan niyang magkakilala pala ang dalawa nang makita niyang magkasama ang mga ito. Ano kaya ang ugnayan ng mga ito sa isa't isa? At sa labis na pagtataka ni Chynna, bakit kaya umiiyak na nakaluhod si Geoff sa harapan ni Bryle?
558 viewsOngoingAdded to Library 11 Times as dylan wang wife
Read
+Library
THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE

THE BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE

“Be my wife, Lianna.” Kapalit ng pagpapagaling ng kanyang ama na nasa kritikal na kondisyon ay napilitan si Lianna na kumapit sa isang bagay na wala siyang kaalam-alam kung ano ang magiging kalalabasan at nagpakasal sa isang bilyonaryong lalaki na si Emmanuel Montecarlo. Akala niya ay magiging masaya na ang lahat, akala niya ay maging kaaya-aya na ang kanyang buhay sa piling ng kanyang asawa ngunit tila nagkabaliktad ang mundo ng unti-unti niyang malaman madilim at mapanganib na sikreto nito pati ang pamilya Montecarlo. Ano nga ba ang magiging buhay ni Lianna sa likod ng maamong mukha at matatamis na ngiti ng mga taong nakapalibot sa mansyon ng Montecarlo? Ano nga ba ang mga sikretong kanyang malalaman upang maranasan niya ang mala-impyernong buhay sa loob ng pamamahay ng kanyang asawa? “Good girl, Lianna. Now, start taking off your clothes. I want you naked tonight,”
1020.3K viewsOngoingAdded to Library 792 Times as dylan wang wife
Read
+Library
PREV
1
...
1819202122
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status