Seducing My Hot Ninong Everett
Sa bilis nilang kumilos, talagang hihingalin agad sila.
Proud akong tumango. “Yan ang sinasabi ko. Hindi man siya gumagamit ng armas, pero bawat galaw niya ay may disiplina. Malinis ang execution.”
Isa pang kalaban ang sumugod, nagbitaw ito ng tatlong sunod-sunod na suntok. Dalawa ang nakalusot at tumama sa mukha ni Nyra. Napa-atras siya, may dugo na agad ito sa labi, pero sa ikatlong suntok, inararo niya iyon ng counter hook. Tumama ang kamao niya sa panga ng kalaban, at halos mahulog ito sa sahig. Ewan ko ba, pero tila tumanda na ang mga dating student ng school at tila mas magaling at mas malakas pa ang mga bagong student na gaya ni Nyra, lalo na itong girlfriend kong si Ahva.
Hot Chapters