Diary Ng XXX Celebrity
Naririnig ko sa background ang masayang usapan ng pamilya ko, ang tawa nina Rosanna at Quinn, at ang mga bulungan ng ibang bisita na parang humahanga sa kung gaano kaganda ang gabing ito.
Pagkatapos ng fireworks, nagsimula ang dinner—may long buffet table na puno ng seafood, steak, sushi, pasta at mga international cuisines. Ang desserts naman ay halos hindi ka makakapili agad dahil sa dami nito.
Nang i-announce na ang toast, si Ravi ang tumayo sa gitna. Hinawakan niya ang mic at ngumiti sa crowd.
“Good evening, everyone. Thank you for coming tonight. This is not just a celebration of love, but also of gratitude—for family, for friends, and for the journey that brought us here.”