Mistaken Identity
anito sa kanya, “Yan ang pen name ko.”
Mas lalong lumaki ang mga mata niya. May nabasa na siyang mga romance novel nito at isa ito sa mga best selling authors ng bansa, “Oh my God, hindi ko palalampasin ang araw na ito na hindi man lang makapag-pa authograph at makapagpapicture saiyo! Alam mo bang may collection ako ng mga libro mo? My God, dalawang authors na ang nakilala ko ng personal. Mga sikat pa!” Masayang-masayang bulalas niya. Palagay niya ay sign na ito ng Diyos na talagang ipagpatuloy niya ang pinili niyang karera.
“Sino iyong isa?” Tanong nito.