Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
He Left Me? I Married His Mysterious Brother

He Left Me? I Married His Mysterious Brother

Kilala sa high society ng Pilipinas ang five year relationship nina Nevaeh Solene Dizon at Jeston Stefan Ferrer. Sigurado ang lahat na kasal na ang susunod na mangyayari. Pero sa araw mismo na pipirma na sana sila ng marriage certificate, hindi dumating si Jeston dahil sa adopted sister nito. Doon na napuno si Nevaeh. Nakipaghiwalay siya at piniling talikuran ang lalaking akala niya’y makakasama niya habang-buhay. Ngunit dahil sa isang mapang-asar na phone call, bigla siyang gumawa ng impulsive decision, ang magpakasal sa ibang lalaki. Kay Sven Antonius Ferrer. Si Sven ang kinatatakutang “Prince” ng Philippine Entertainment Industry at ang utak sa likod ng isang malaking financial empire sa ibang bansa. Powerful, Cold, and no one could easily approach him. Pero may isang mas malaking problema… si Sven ang nakatatandang kapatid ng ex-boyfriend ni Nevaeh kaya laking gulat ng lahat nang bigla silang maging mag-asawa. Mas lalo pang nagulat ang mga tao nang makita kung paano tratuhin ni Sven si Nevaeh. Sobra ang pag-aalaga ni Sven kay Nevaeh: pinoprotektahan, inaalagaan, at tinatrato na parang reyna. At nang muli si Nevaeh maliitin ng ex-boyfriend, hindi nagdalawang-isip si Sven na ipagtanggol siya, kahit kapatid pa nito ang kaaway. Doon lang nalaman ni Nevaeh ang totoo: sampung taon na palang may lihim na pagtingin si Sven sa kanya. Ang kasal nila ay hindi aksidente… bahagi ito ng planong matagal na niyang hinihintay. Ngayon na alam na niya ang lahat, tatakbo ba si Nevaeh… o pipiliin niyang mahalin ang lalaking sampung taon na naghintay para sa kanya?
Romance
825 viewsOngoing
Read
Add to library
THE HALF SIBLINGS

THE HALF SIBLINGS

THE HALF SIBLINGS “Hindi ka magiging masaya! Mawawala ang lahat sa iyo!” Galit na galit si Lyria sa kakambal niyang si Lyrie at lalong lalo na sa asawa niya na si Draken dahil sa ginawang panloloko ng dalawa sa kaniya. Bilang isang asawa at kapatid, sobrang sakit para kay Lyria na nagawa siyang lokohin ng kaniyang asawa at sariling niya pang kakambal ang umahas sa asawa niya, pero wala nang mas sasakit pa nang malaman niyang nabuntis din Ng asawa niya ang kakambal niyang si Lyrie.
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Seeking Forgiveness: The Ex-Husband’s Second Chance

Seeking Forgiveness: The Ex-Husband’s Second Chance

Oceania Verity
Sa ikalawang taon ng kanyang kasal, natuklasan ni Isabel na siya ay nagdadalang-tao. Labis ang kanyang tuwa, umaasa na ang kanilang magiging anak ang magpapatibay sa kanilang marupok na relasyon ni Allen, ang kanyang asawa. Ngunit sa likod ng kanyang kaligayahan ay may takot—alam niyang ang puso ni Allen ay para kay Victoria, ang babaeng hindi niya kayang kalimutan. Sa kabila nito, umaasa si Isabel na magbabago ang lahat dahil sa kanilang anak. Ngunit naglaho ang kanyang pag-asa nang mangyari ang isang malagim na aksidente. Malubhang nasugatan si Isabel at desperadong nakiusap kay Allen na iligtas ang kanilang anak. Subalit, tinalikuran siya ni Allen at pinili si Victoria, iniwan si Isabel sa kanyang sariling kapalaran. Habang lumalayo si Allen, parang pinipiga ang puso ni Isabel sa sakit. Kumalat ang balita sa Laoag tungkol kay Allen Alvarez, isang lalaking lumubog sa matinding pagsisisi. Ang pangalan ni Isabel Fajardo-Alvarez ay naging simbolo ng hindi maipaliwanag na kalungkutan at pighati, at walang sinuman ang naglakas-loob na banggitin ito sa harap ni Allen. Pagkalipas ng ilang taon, nakilala ni Isabel si Luis Mendoza, isang mayamang mamamayan ng Laoag at nag-iisang tagapagmana ng kanilang pamilya. Mabait si Luis at inalagaan si Isabel, tinuring ding parang sariling anak ang bata. Sa paglipas ng panahon, ipinakilala ni Luis si Isabel sa kanilang business partners, kasama ang pamilya nina Allen. Sa gitna ng isang masayang pagtitipon, biglang nagwala si Allen, lumuhod sa harap ni Isabel, ang kanyang mga mata’y pulang-pula at puno ng pighati. "Isabel, comeback to me... I’m begging for your forgiveness" aniya, humihingi ng kapatawaran, umaasang maibabalik pa ang dati nilang pagsasama. Mapatawad kaya siya ni Isabel o mananatili nalang alaala ang kanilang pagsasama?
Romance
10749 viewsOngoing
Read
Add to library
He's My Boyfriend

He's My Boyfriend

Thep13
May Isang anak mayaman na babae, na Ang pangalan ay Mae, SI mae ay nangangarap na sana hanggang sa huli, maayos Ang pamilya Niya, Ang pamilya Niya Na kinaiingat ingatan Niya sa kanyang buhay. Pero simula nung dumating Ang mag Ina na SI Janna at Carla, Nagbago ang lahat o Ang Buhay ni mae, at aNg pamilya ni mae, dahil halos Ang mag ina, Ang nasusunod sa buhay ng pamilya ni mae. hindi inaasahan ni mae,na magiging mahirap Pala Ang sitwasyon Niya sa mag inang iyon, at Ng kanyang pamiya, namatay Ang mommy ni mae, na SI Maezil dahil sa kagagawan Ng maginang iyon, ngunit Hindi kaagad nabigyan Ng hustisya. Subalit sa paningin ng kanyang boyfriend, isa lang itong madaling sitwasyon para Kay mae doon sa mag inang Yun, na nagpapahirap sa Buhay ni mae. Ang boyfriend ni mae, Ang tumulong sa kanya para makayanan ni mae Ang lahat ng paghihirap sa mag inang yun. Siya si mark, ang boyfriend ni mae. guwapo, matalino, at mabait, pero Hindi sa inaasahan na mangyayari, na Isa SI mark sa balak din na Kunin ni Janna sa Buhay ni mae. SI Janna Ang step sister ni mae, sa daddy Niya, dahil Ang mommy ni Janna na SI Carla,ay dating babae o kabit Ng daddy ni mae, at Hindi nga inaasahan nabuntis SI Carla, at SI janna iyon. Paano makaka-survive si mae kung pati ang daddy Niya, nakuha na rin nila Janna tuluyan Ang loob nito,At ano ang alam na paraan ni mae,para tanggapin sya ulit ng daddy niya,magkakaayos pa kaya Sila ulit Ng daddy niya? Mababawe pa kaya ni mae Ang dapat sa kanya.
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Our Love, My Baby, Forever

Our Love, My Baby, Forever

Belladiana17
(S E A S O N 1) Nalaman ng magulang lalo na si Rafael na magkasintahan sila Cassandra at Miguel, pilit silang pinaghihiwalay dahil si Rafael ang gusto ng ama ni Cassandra lalo na't ito ay nagdadalang tao. Sadyang mapaglaro ang tadhana sa kanila. Mahal na mahal ng magkasintahan ang isa't isa kung kaya't gumawa ng paraan si Rafael, ang ipapatay si Miguel ngunit nadamay din si Cassandra pati ang kanilang munting anghel. Sumumpa sila sa isa't isa na magsasama sila habang buhay. ang kwentong ito, ay tungkol sa REINCARNATION. Bibigyan ko ito ng twist para mas gumanda ang takbo ng kwento. Sa muli nilang pagkikita bilang MACEY at MARCO, muli kaya silang paglalapitin ng tadhana?.. sila kaya talaga hanggang huli?.. Magwawagi ba muli si RAFAEL sa pagsira sa pangalawang pagkakataon? (S E A S O N 2) Subaybayan po natin ang pag iibigan sa pangalawang buhay nila MACEY at MARCO..
Romance
104.6K viewsCompleted
Read
Add to library
CARIÑO ETERNO

CARIÑO ETERNO

Tale of Sol
Si Selestina Amor, isang dalagang ipinanganak noong 1724 ay nakatakdang mamatay sa kanyang ika-21st birthday subalit nakatadhana ring muling mabuhay paglipas ng isang daan taon pagtapos. Ang sumpang iyon ay bigay ng Diyos na si Ulilang Kaluluwa. Pero apat na beses lamang siyang pwedeng muling mabuhay at ang kanyang minamahal na si Pedro Lazaro lamang ang makakapigil sa mapait niyang tadhana. Si Pedro Lazaro, isang katutubong kayumanggi ang balat na nagtatago sa gitna ng kabundukan kasama ang kanyang mga ka-tribo dahil sa walang tigil na pagpatay ng mga Kastila sa kanilang lahi. Sa di inaasahang pangyayari ay nakakilala siya ng isang dalagang anak ng isang mayamang Mestizo. Ang dalagang iyon na nagpaibig sa kanya ay si Selestina. Ngunit nang mamatay ang kanyang iniirog ay nakipagkasundo siya sa Diyos na si Ulilang Kaluluwa. Binigyan siya ng walang hanggang buhay upang hintayin muli ang muling pagkabuhay ng kanyang Greatest Love.
Fantasy
5.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Attorney Zander Velasquez Excessively Adores Me

Attorney Zander Velasquez Excessively Adores Me

Alam ni Tessa na hindi siya ganoon kamahal ni Zander, ngunit nanatili pa rin siya sa tabi nito dahil may kailangan siya kay Zander at ganoon din naman ang lalaki sa kanya. Pero nang bumalik ang dating minahal ni Zander, bihira na lamang itong umuwi sa kanila. Nanatili si Tessa sa walang laman na silid, ginugugol ang hindi mabilang na gabi na hindi niya kasama si Zander. Kalaunan, nang mapagod na si Tessa, tinanggap niya ang isang tseke at tuluyan na niyang iniwan si Zander. Nang muli silang magkita, may iba nang lalaking kasama si Tessa. “Mr. Velasquez, ikaw ang unang nakipaghiwalay. If you want to date me, kailangan mong pumila.” — Tessa Jewel Morales. Kinabukasan, nakatanggap si Tessa ng deposito na isang daang bilyong piso at isang dyamanteng singsing. May pag-asa pa kayang magkabalikan ang dalawa? O mas pipiliin ni Tessa na hindi na bumalik sa buhay ni Zander?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
ESCAPE From My Estranged Husband

ESCAPE From My Estranged Husband

Mahirap lamang si Cory Luna. Isang singer sa High End Bar. Nang makilala niya si Eliseo Andrew. Ang unang pagkikita ay naging isang gabi na nagpabago sa buhay ni Cory. Umalis si Cory para maiwasan si Ely. Dahil para sa kanya hindi sila nababagay. Isang mahirap at isang mayaman. Malayong malayo ang kanilang agwat sa buhay. Gaano ba kahirap ang magmahal? Hanggang kailan ko tatakasan ang taong minahal mo dahil lang sa pagkakamali? Mamahalin mo pa kaya siya kung palagi ka na lamang iiwan niya?
Romance
1012.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Fiancee

The Billionaire's Fiancee

Mahal na mahal ni Hannah si Jared. Sampung taon na silang magkasintahan at ikakasal na, pero may ibang pakiramdam si Hannah sa kanyang fiancee. Pakiramdam niya ay m ay iba na ito kaya malamig na ang pakikitungo ni Jared sa kanya. Lalo pa siyang nag-isip nang makilala niya si Jane, ang buntis na kaibigan ni Jared.
Romance
9.612.8K viewsOngoing
Read
Add to library
He Tricked Me Into Becoming His Daughter's Nanny

He Tricked Me Into Becoming His Daughter's Nanny

(Ship of Temptation 2) Nang dahil sa wine, nalagay sa panganib ang buhay ni Meldy. Muntik na siyang ipakulong ni Eliot Santisas, ang mayamang negosyante sa bayan nila sa pag-aakalang ninakaw niya ang isang box ng wine na nagkakahalaga ng isang milyon. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang dumating si Elise—ang anak ni Eliot at inakalang si Meldy ang ina niya. “Bad ka papa! Inaway mo si mama!” Umiiyak na sabi ni Elise habang yakap-yakap si Meldy. Nakita yun ni Meldy na oportunidad para hindi tuluyang makulong. “Sir, b-babayaran ko po ang wine. Pagta-trabahuan ko po yun sa inyo kung maaari.” Tumingin si Meldy kay Elise. “Pwede po akong maging yaya ng anak niyo. Magta-trabaho po ako ng libre hanggang sa mabayaran ko po ang halaga no'ng nawalang wine niyo.” Isang mahabang katahimikan ang namayani bago sumagot si Eliot. “Pag-iisipan ko,” sabi nito at kinuha si Elise at umalis. Nakahinga si Meldy at inakalang nakalusot siya sa kamalasan sa buhay, hindi niya alam na pinasok niya pala ang pa-in na nilaan para sa kaniya ni Eliot Santisas. Ngumisi siya habang binabaybay ang daan papunta sa kwarto ni Elise. “I think it’s time for you to pay your sin.” Ang mga salitang naglalaro sa isipan ni Eliot.
Romance
1049.8K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2829303132
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status