Chasing Her Heart
Childhood love.
Diyan nagsimula ang lahat. Akala ko matamis ang unang pag-ibig. Pero ito pala ang magtuturo sa akin na sa buhay ay hindi puro kasiyahan lamang— na ang reyalidad sa mundo ay may kaakibat na paghihirap at sakit.
Ibinigay ko ang lahat na kahit ang pangarap kong maging engineer ay isinakripisyo ko alang-alang sa lalakeng minamahal ko. Akala ko ay sapat na iyon para masungkit ko ang puso niya at ipaalala sa kanya ang mga pangakong binitiwan niya.
Pero hindi pa pala sapat kahit na pati sarili ko ay ibinigay ko ng buo sa kanya. Walang kulang, labis-labis na pagmamahal.
Lumayo ako dala ang bunga ng aking pagmamahal at ng kanyang kapusukan. Hindi ko sinalba ang sarili ko, sinalba ko ang magiging anak ko.
Muli, inakala kong nakalaya na ako sa bulag na pag-ibig. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana— nagkita kaming muli sa hindi inaasahang pagkakataon.
Wala siyang maalala. Ginamit ko iyon para makapaghiganti.
Pero hanggang kailan ko lolokohin ang sarili? Hanggang kailan ako tatakbo para hanapin ang sariling minsang nawala dahil sa aking unang pag-ibig?