Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Thank Your Stars

Thank Your Stars

Iya Perez
Enemies. Iyan ang uri ng relasyon na mayroon sina Georgianna Ramirez at Eliam Sevilla. Ang kanilang mga magulang ay matalik na magkakaibigan kaya isang malaking palaisipan sa mga ito kung bakit lumaking hindi magkasundo ang dalawa. Bata palang sila ay hindi na sila magkaintindihan sa mga bagay-bagay. At ang kanilang diskusyon ay palaging nauuwi sa mga away. Pareho kasing matalino ang dalawa. At walang ayaw magpatalo sa kanila. Bukod kasi sa palaging magkalaban sa mga patimpalak sa kanilang eskuwelahan ay palagi ring nag-aagawan ang dalawa sa pagiging top 1 sa kanilang klase. Ang kanilang hindi pagkakaunawaan ay nagpatuloy hanggang sa kanilang pagtanda. Kahit graduate na ang mga ito at may kaniya-kaniya nang trabaho, hindi pa rin nagbabago ang tingin nila sa isa’t isa. Parehong rin silang galing sa angkan ng mga negosyante. Hindi pa man sila naipapanganak ay may kasunduan na ang kanilang mga lolo na silang dalawa ang siyang magbibigkis at mag-iisa sa dalawang pamilyang pinagtibay na ng panahon ang pagsasama. At kasal din lang ang natatanging paraan para mailigtas nila sa pagkakabenta ang plantasyon ng manggahan na matagal nang pag-aari ng kanilang pamilya. Pero paano nila gagawin iyon kung hindi naman nila gusto ang isa’t-isa? Handa ba nilang iwan ang kanilang mga karelasyon para lang sa kasal na hindi nila inakalang magaganap nang biglaan? At sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa, posible nga kayang may mabuong pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire

Wrong Blind Date: Suddenly Married to a Billionaire

Sawang asawa na si Graciella sa palaging panunumbat ng tiyahin sa kaniya. Makipagblind date siya sa isang lalaki sa pag aakala na iyon ang taong sasalba para maka alis sa poder ng tiyahin. Paano kung hindi pala dapat si Menard Young ang dapat na ka blind date? Sisibol kaya ang pag-ibig sa dalawang nilalang na ang pakay sa pavpapakasal ay para lang takasan ang panggigipit ng pamilya?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Ruthless: Nicholas Buenaventura (Tagalog)

Ruthless: Nicholas Buenaventura (Tagalog)

Buenaventura Trilogy: One Nicholas Buenaventura is a certified bachelor at halos umikot na ang buhay niya sa dalawang bagay; pera at negosyo. In short, Workaholic. Minsan na siyang nagmahal ngunit dahil sa ginawa sa kaniya ng babaeng minahal niya ay tuluyan nang nagbago ang pananaw niya sa pag-ibig. Paano kung dumating ang babaeng isa sa magpapasakit sa ulo niya? Maari kayang maibalik ang dating siya? Ang dating seryoso sa pag-ibig?
Romance
9.923.0K viewsOngoing
Read
Add to library
A Deal With The Billionaire

A Deal With The Billionaire

Si Lyrica ay galing sa isang pamilya sa probinsiya, siya ay sumubok makipagsapalaran sa Maynila. Doon ay nakilala niya ang binatang si Lucian, inalok siya nito ng isang kasunduan, isang kasunduang hindi niya mahindian. Ano kaya ang mangyayari sa kasunduan ng dalawa? Mahuhulog kaya ang loob nilang dalawa sa isa't isa? Ano ano kaya ang mga sikretong mabubunyag sa pagpasok nilang dalawa sa kasunduan?
Romance
1075.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Make Him Better in 370 Days

Make Him Better in 370 Days

Line_Evanss
Jaxon Rayleigh Laxamana ay isa sa tinaguriang hottest and powerful bachelor sa bansa. Matalinong businessman, misteryoso, at kilala rin bilang isang magaling na engineer sa loob at labas ng bansa. Ngunit isang malagim na trahedya ang makakapagpabago sa kanyang buhay. Siya ay naparalisa, naging mahina at itinago ng kanyang pamilya sa loob ng mansyon upang ilihim sa lahat ang nangyari dahil lubos na makakaapekto sa mga taong nasasakupan niya at sa kanyang career. Shantal Alleiah Magnayon, ay isang fresh graduate criminology student at kilala din sa larangan ng taekwondo dahil sa mga napanalo niyang medalya sa labas ng bansa. Akala niya ay magkakaroon siya ng normal na buhay at trabaho sa oras na siya ay nakapagtapos. Ngunit kakaibang trabaho ang ibinigay sa kanya ng kanyang tiyuhin na isang higher official. Papasok siya bilang private nurse ni Jaxon Laxamana at tutulungan niya itong gumaling sa loob ng 370 days. Dahil kapag hindi nagawa iyon ni Shantal, ay tuluyan nang mawawala kay Jaxon ang lahat. Ang kanyang kayamanan, tauhan at kapangyarihan. Ano kaya ang matutuklasan ni Shantal sa misteryosong nangyari kay Jaxon kung bakit ito naparalisa at nawalan ng kridibilidad. Paano matutulungan ni Shantal si Jaxon para makabalik sa dating sitwasyon ang binata? Will she able to help Jaxon and retrieve all his wealth and strengths or she will fail him? Will she be able to make him better in 370 days?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
INSTANT BILLIONAIRE (Tagalog)

INSTANT BILLIONAIRE (Tagalog)

Alex ang mayamang pangalawang henerasyong tagapagmana ng prestihiyosong pamilyang Ambrose, sa wakas ay natapos na ang kanyang pitong taong mahabang programa sa pagsasanay sa kahirapan. Minsan ay isang milyonaryo ay hinubaran siya ng kanyang kayamanan upang malaman ang halaga ng pera at pagsusumikap. Ngayon, nabawi na niya ang kanyang pagiging milyonaryo. Ngunit sa wakas ay makakatagpo na ba ng kaligayahan at pag-ibig si Alex ngayong mayaman na ulit siya? Tunay bang ginto ang lahat ng kumikinang? Sa muling pagpasok ni Alex sa mundo ng kayamanan at pribilehiyo, dapat niyang i-navigate ang mga hamon ng pagkakasundo ng kanyang mga nakaraang karanasan sa kanyang kasalukuyang katotohanan. Nagbago ang mga tao sa paligid niya, at ganoon din siya. Ang mga dating kaibigan at bagong kakilala ay susubok sa kanyang integridad, habang ang mga potensyal na pag-iibigan ay magtatanong sa kanya ng tunay na kahulugan ng pag-ibig at kaligayahan. Samahan si Alex sa kanyang paglalakbay nang matuklasan niya na ang kayamanan lamang ay hindi makakabili ng pinakamahalagang bagay sa buhay. Makakahanap ba siya ng tunay na kaligayahan at pag-ibig, o ang mga bitag ng kayamanan ay magdadala sa kanya sa landas ng kawalan ng laman at kababawan? Tuklasin ang mga kumplikado ng kanyang buhay sa isang kuwento ng pagbabago, pagtuklas sa sarili, at paghahanap ng tunay na katuparan.
Urban
1027.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Foolish Heart

Foolish Heart

Latte
Paano ba dapat aminin sa isang kaibigan na mahal mo siya? O paano mo sasabihin na higit pa sa bilang magkaibigan ang pagtingin mo para sa kaniya? "The more you hate, the more you love." Ito ang naging motto sa buhay pag-ibig ni Aziz Dimitri Tyson, matapos niyang makilala ang babaeng kinaiinisan niya sa lahat. Ngunit hindi naman niya inaasahan na ito rin pala ang magyayanig sa tahimik niyang mundo. Sasha Edmonia, ang pangalan ng babaeng bumihag sa torpe nitong puso. Bagamat na love at first sight siya rito ay pinili na lamang niya na itago ito sa sarili at maghintay ng tamang pagkakataon upang maipagtapat ito sa kaniya. Naging kampante ito sa kaniyang sarili na hindi nalalamang marami na siyang nasasayang na oportunidad upang mas lalo pang mapalapit sa kaniya. He missed the right timing. Dahil sa kakahintay niya ng right time ay may iba ng nauna sa kaniya. Magagawa pa kaya ni Aziz Dimitri na maipagtapat sa dalaga ang tunay niyang nararamdaman? O magpapaubaya na lang ba siya para sa iba?
Romance
900 viewsOngoing
Read
Add to library
Tinawag Ako ng Ex kong Gold Digger

Tinawag Ako ng Ex kong Gold Digger

Biglang inatake sa puso ang aking mom, at mabilis na umapaw ang kaniyang medical bills bago pa man ako makahinga nang maayos.   Desperado na ako kaya agad akong humarap sa mayaman kong boyfriend sa pagasa na baka makatulong siya sa akin, o makaisip manlang ng solusyon sa sitwasyon. Pero sa halip na suporta ang aking matanggap, nagpakawala siya ng isang tirada na mas matindi pa sa kahit na anong salitang narinig ko.   “Ito ba ang dahilan kung bakit ka sumama sa akin? Para sa pera ko? Wala kang pinagkaiba sa ibang mga babaeng nagbibigay sa kanilang mga sarili sa akin. Parepareho kayong lahat—kaawa awa at walanghiya kayong mga babae kayo!”   Bago pa man ako makapagreact, agad niya na akong itinulak palabas ng pinto.   At nang maintindihan niya ang buong kwento, binigyan niya ako ng isang bank card nang hindi nagtatanong ng kahit na ano. “Candice”, tahimik nitong sinabi gamit ang nagsisisi niyang boses. “Birthday mo ang password nito.”   Hindi ako nagsabi ng kahit na ano sa kaniya. Hinayaan kong mahulog ang card sa sahig bago ako umalis nang hindi lumilingon sa kaniya.
Short Story · Romance
1.2K viewsCompleted
Read
Add to library
My Married Lover

My Married Lover

[Kumpleto - Completed] Si Ina na isang yaya sa Gomez family. Isang maayos at walang pinoproblema sa buhay magmula nang siya ay makatuntong sa bahay ng mga ito ngunit sa isang iglap ay nagbago na lamang ang lahat nang magkagusto ang asawa ng kaniyang amo na si Roy Gomez sa kaniya at maging siya ay nahulog din. Gayunpaman, sa una ay alam na niya na mali ito dahil may asawa na rin ito at ang babae pa na kumupkop sa kaniya mula sa ampunan. Sadya nga yata na kay lupit ng tadhana at nang nagmahal siya ay sa maling pagkakataon at tao pa. Kaniya nga ba na tatahakin ang daan na alam niya ay mali para lamang sa pagmamahal o tatahakin pa rin ang daan patungo sa kung saan ang dapat at tama? Kaniya ba na ipaglalaban ang kaniyang pagmamahal para sa lalaki, o ibabaon na lamang sa limot ang lahat upang protektahan ang pamilya nito? Siya na nga ba kaya ang magiging dahilan ng muling pagkawasak ng puso ng babaeng umampon sa kaniya o ang tutulong dito na malampasan ang trauma na naranasan sa nakaraan?
Romance
1013.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Ex-Wife Comeback

The Billionaire's Ex-Wife Comeback

Isabel G
Minahal ko siya sa kabila nang malamig niyang trato sa akin, ngunit sa huli ay parang basura niya lang kung itapon ako sa pagbabalik ng kaniyang unang pag-ibig. Pero hindi ako papayag na mauwi sa wala ang mga araw na natitira sa akin. Hindi mo na ako maaangking muli, President Riego!
Romance
44.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3132333435
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status