Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Runaway from My Jerk Husband

Runaway from My Jerk Husband

Sa mata ng buong mundo, si Catherine Adams ang pinakamapalad na babae—minahal, pinrotektahan, at pinangakuan ng habang-buhay ng lalaking pinapangarap ng lahat: si Nolan Martinez. Mula pagkabata hanggang sa proposal na isinahimpapawid sa buong mundo, saksi ang lahat sa tila perpektong pag-iibigan nila. Ngunit sa likod ng matatamis na ngiti at engrandeng singsing, may lihim na pilit niyang nilulunok—ang pagkakanulo ng lalaking minahal niya ng buong puso. Sa bawat "overtime", sa bawat palusot, unti-unting nalaman ni Catherine ang sakit ng katotohanang may ibang babae sa buhay ni Nolan. Kaya’t isang desisyon ang binuo niya: maglaho. Sa mismong araw ng kasal, ang bride na inaasahang pupuno ng altar ay isang “patay” na katauhan. “Wala na kaming kinabukasan.” Ito ang paniniwala ni Catherine, kahit pa sa bawat sulyap ni Nolan ay tila may lambing na totoo. Pero sa isang mundong puno ng kasinungalingan, may lugar pa ba para sa tunay na pagmamahal? Isang kwento ng pagkakanulo, paglimos ng katotohanan, at ang masakit na pagpili—pag-ibig o paghilom?
Romance
6.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Redemption

The Billionaire's Redemption

Para iligtas ang kanyang pamilya sa matinding pagkakautang ay pumayag si Alia na makipagsundo sa 1 year marriage kay Elias Valiente. Si Elias ay isang bilyonaryo na may malaking pangalan sa buong Asia. Kailangan niya ng heir na magpapatuloy sa kanyang pangalan kaya niya inalok si Alia ng kasal. Ang kanilang kontrata ay may mahigpit na patakaran at iyon ay dapat maging perfect husband and wife sila sa mga mata ng publiko. Bukod doon ay kailangan din nilang tuparin ang lahat ng marital duties kabilang ang pagiging intimate sa isa’t-isa. Gayunpaman, ang kasunduan ay mahigpit na nagbabawal sa pagkakaroon ng anumang emosyonal na damdamin para sa isa’t-isa. Ngunit habang tumatagal ay nagsisimulang makita ni Alia ang lamat sa bakal na pader ni Elias. Nakikita niya ang kalungkutan sa mga mata nito at ang lihim na sakit ng nakaraan. Samantala si Elias na nasanay sa pagkontrol ay naguguluhan na din dahil sa pagiging tunay at pagpapasakop ni Alia sa kanya. Kailangan nilang mamili kung susundin ba nila ang napagkasunduan sa kontrata, o harapin ang bawal at mapanganib na katotohanan na sila ay nahuhulog na sa isa’t-isa.
Romance
333 viewsOngoing
Read
Add to library
My Husband's Karma

My Husband's Karma

aiLa'veinz
Pumayag sina Hyder at Jihan na magpakasal sa isa't isa base sa napagkasunduan ng magulang nila. Napag-usapan ni Hyder at Jihan na palabas lamang ang gagawin nilang pagpapakasal at magdidivorce sila pagkatapos ng dalawang taon dahil may girlfriend na si Hyder. Nasasaktan man ay tinitiis ni Jihan dahil totoong mahal nya si Hyder. Nagkaroon ng lakas ng loob si Jihan na aminin ang totoong nararamdaman sa asawa. Mula noon ay naging malamig na ang trato ni Hyder at madalas gumagawa pa ito ng mga bagay na ikakadurog ni Jihan. Napagpasyahan ni Jihan na palayain na Hyder dahil hindi na nya kinakaya ang sitwasyon nya. Hanggang sa isang kakaibang uri ng sakit ang dumapo kay Jihan. Nilihim ni Jihan ang kanyang sakit. Sumusubok si Jihan na magpagamot pero hindi nya alam kung hanggang kailan kakayanin ng katawan nya. Muling makikipag-ugnayan si Jihan kay Hyder upang ipagbigay alam ang buong katotohan ngunit sarado na ang isip at puso ng binata. Sa pagkakataong malalaman ni Hyder ang kalagayan ni Jihan, lalambot kayang muli ang kanyang puso? Hanggang kailan lalaban si Jihan para sa lalaking mahal nya? Hanggang kailan din nya lalabanan ang sakit na dumapo sa kanya? "Kahit isa man lang sa laban na ito ang maipanalo ko, masaya na ako"- Jihan
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
A Billionaire's Confession

A Billionaire's Confession

Janvir Neo Dela Fuente- isang multi-billionaire businessman at isang mafia. Suplado pagdating sa mga babae at mainitin ang ulo. Shin Madeleine Andrada- isang mahirap na single mom na mamasukan bilang maid ng mga Dela Fuente. Laging pinag-iinitan ng ulo ni Janvir si Shin dahil sa kagagawan ng kasamahan nyang maid at sya ang laging pinagmumukhang may kasalanan na umabot pa sa puntong sinuspende sya ng kanyang amo. Kasabay ng kanyang suspension may hindi inaasahan na mangyayari na sya mismo ang makakakita. Malalaman ni Janvir ang tungkol sa sitwasyon ni Shin kaya mas lalo itong nagalit nang malaman nyang may anak si Shin at iisipin nyang gagamitin lang sya ni Shin para buhayin silang mag-ina. Umalis si Janvir ng bansa para kalimutan ang mga nangyari. Habang wala si Janvir sa bansa, mababago ang takbo ng buhay ni Shin. Hindi nagtagal bumalik si Janvir ng Pilipinas. Magkikita ang dalawa nang hindi inaasahan . Marerealize ni Janvir na mahal pa nya ang dalaga kung kailan hindi na sya kilala ng puso at isip nito. Bibigyan kaya ng tadhana ang dalawang puso na nawalay ng matagal na panahon ? May pag-asa pa kayang mabuksan ni Janvir ang puso ng dalaga at maamin ang tunay nyang nararamdaman?
Romance
1012.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Alipin ng bilyonaryo

Alipin ng bilyonaryo

Matapos ang ilang taon na pamamalagi sa America, muling bumalik sa Pilipinas si Kiara, upang alagaan ang inakalang may sakit na mga magulang. Ngunit napunta s'ya sa kamay ng isang bilyonaryo at mafia boss na si Tristan Mondragon, matapos siyang gawing pambayad-utang ng kanyang mga magulang. At sa hindi inaasahan, muling nagsanga ang landas nila ng kanyang ex-boyfriend na nagtaksil sa kanya at muling humihingi ng kanyang kapatawaran. Magawa pa kayang takasan ni Kiara ang bagong masalimuot niyang mundo? O mananatili siyang alipin ng kanyang kasalukuyan at nakaraan? May pag-asa pa kayang mapalambot niya ang puso ng mala-leon na si Tristan?
Romance
1010.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire's Secret Wife is His Secretary

Billionaire's Secret Wife is His Secretary

Isang kasal na nakatali sa papel. Isang kasunduan na may hangganan. At isang gabi na hindi dapat nangyari. Pitong taon na si Vaiana bilang secretary ni Kyro, at sa loob ng tatlong taon, si Vaiana ay naging anino ni Kyro de Vera—sekretarya sa umaga, asawa sa papel sa gabi. Alam niya ang lahat ng ugali nito, mula sa paboritong kulay ng suit hanggang sa mga lihim na hindi nito kailanman inamin. Pero isang gabing hindi niya matandaan ang tuluyang gumulo sa lahat. Nang magising siya sa tabi ng lalaking hindi dapat kanya, ramdam niya ang pait ng katotohanan—siya lang ang nagseryoso sa kasal na ito. Pero nang muli siyang harapin ni Kyro, may isang bagay itong sinabi na nagpayanig sa kanya: "Vaiana, ang babaeng kasama ko kagabi… ikaw ‘yon." Sa isang kasunduang dapat ay walang damdamin, paano kung hindi na niya kayang itanggi ang sakit? At paano kung si Kyro mismo ang magsimulang magtanong—sino nga ba ang tunay niyang babae?
Romance
8.8655.4K viewsOngoing
Show Reviews (88)
Read
Add to library
Shiela
ano ba author mag 400 chapter na ang kwento mu.ne minsan wala pang kilig na nagaganap.baka nman paabotin mu pa hangang 1k nyan.dami muna sinali sa kwento nila para lng humaba.bat kaya hnd mu nlng gawan ng mga bagong kwento.ang mga sinasali mu.hnd nako magtataka sa mga susunod na mga bagong kwento mu
vzy
medyo nalilito lang ako sa characters mo author. sa kabanata 1, may pinapasok na magandang babae si vaiana para tumabi kay kyro di ba bago siya lumabas sa suite? sabi pa roon na “babaeng siya mismo ang tumawag”, e bakit kailangan pa oumunta ni vaiana sa bar para maghanap ng babaeng ihaharap kay kyro
Read All Reviews
A Night With My Stepsister's Fiance

A Night With My Stepsister's Fiance

Gumuho ang mundo ni Ashley nang mahuli niya ang kanyang long-time boyfriend na niloloko siya, at sa sobrang sakit, napunta siya sa isang bar para maglasing at mag-vent out. Hindi inaasahan, ang gabing iyon ay nauwi sa isang one-night stand kasama ang isang lalaking hindi man lang niya kilala ang pangalan. Makalipas ang isang buwan ay nagbunga ang nangyari sa kanila ng hindi kilalang lalaki. Naguluhan siya at hindi alam kung ano ang gagawin, pero ang mas ikinagulat niya ay nang biglang magpakita ang lalaking iyon sa harap ng kanilang pintuan. Ang mas shocking? Siya pala ang fiancé ng kanyang stepsister!
Romance
1021.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Paghihiganti ng Dating Asawa ng Isang Bilyonaryo

Paghihiganti ng Dating Asawa ng Isang Bilyonaryo

Iniwan ni Celine, isang kilalang modelo, ang kanyang matagumpay na karera sa mundo ng pagmomodelo alang-alang sa kahilingan ni Nicolas at ng kanyang biyenang babae. Ngunit ano ang kanyang napala? Pagkatapos ng limang taon ng pagsasama bilang mag-asawa, ipinakilala ni Nicolas ang ibang babae bilang kanyang kalaguyo—dahil lamang hindi mabigyan ni Celine ng anak si Nicolas, at hindi rin siya makapagbigay ng apo sa kanyang mga biyenan. Lingid sa kaalaman ni Nicolas at ng kanyang pamilya, nagdadalan-tao na pala si Celine. Balak niyang ibalita ang magandang balita sa gabi ng kanilang ikalimang anibersaryo bilang mag-asawa. Subalit, matapos ang maraming pagtitiis at pananahimik, dumating din ang oras na sumuko si Celine. Pinili niyang tuluyang lumayo sa buhay ni Nicolas. Inilihim niya ang kanyang pagbubuntis, at sa halip ay nangakong ipapalasap sa asawa at biyenan ang sakit ng pagkakanulo sa kanya. Ano kaya ang susunod na mangyayari?
Romance
18.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The Marriage Deal

The Marriage Deal

BM_BLACK301
Danica, anak ng bayarang babae sa isang esklusibong Club. Hindi pinanagutan ang ina ni Danica dahil sa mayroon itong asawa. Binigyan lang ng pera ang mama niya upang magpakalayo-layo at huwag ng maisipan na manggulo. Ngunit sa paglipas ng taon ay darating ang araw na kakailanganin na tanggapin ni Danica ang alok ng yumaong ama kapalit ng mamanahin niya. Dahil na rin sa may sakit ang kanyang ina kaya mabilis niyang sinunggaban ang alok na magpakasal sa isang lalaking hindi niya pa nakikilala. Nagpagkasunduan sa loob lamang ng limang buwan ay maghihiwalay kapag nakuha na nila ang kanilang mga mamanahin. At sa kanilang paghihiwalay 'ay magbubunga ang isang gabing naganap sa kanila ng isang batang lalaki. Ang anak kaya nila ang magiging daan upang mabuo sila? At maging ganap na pamilya?
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband

Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband

Nananatili sina Isabella Russo at Adam Kingsley sa kanilang limang taong pagsasama bilang mag-asawa ngunit nagsanhi ito ng pagyurak sa kanilang dignidad. Naisip ni Isabella na kahit walang pagmamahal sa isa't isa ay sapat na ang mahalin na lamang ang kanilang anak. Hanggang sa dumating ang araw. Sabay-sabay na lumabas ang balitang may malubhang sakit ang kanilang nag-iisang anak at ang balita tungkol sa paggastos ni Adam ng malaking halaga para kay Bree Morgan. Hindi na kailangang magpanggap bilang Mrs. Kingsley si Isabella. Gayunpaman, may isang lalaki binili ang lahat ng media entertainment at lumuhod sa kanya na nangungusap ang mga mata at nagmamakaawa na bumalik siya sa piling niya. Nagkataong lumitaw si Isabella na hawak ang kamay ng isa pang lalaki. Ang kanyang bagong pag-ibig ay ipinagsigawan niya sa mundo.
Romance
10862 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3334353637
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status