Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
One Hot Summer with the Billionaire

One Hot Summer with the Billionaire

Matapos masaksihan ang pagtataksil ng kanyang nobyo, nagpasya si Iya na lumayo at magtungo sa isang island resort upang pansamantalang kalimutan ang sakit na iniwan ng lalaking minahal. Inasahan niyang ang tunog ng hampas ng alon at ang init ng araw ang magiging lunas sa sugatan niyang puso. Ngunit tila may ibang plano ang tadhana. Sa resort na iyon, nakilala niya si Troy — isang gwapo at misteryosong estranghero na may kakaibang dating. Hindi pa sana siya handa sa presensiya ng lalaki. Ngunit paano niya tatanggihan ang init na dala nito sa kanyang puso at buong sistema? And with his one look and soft touch, Iya’s summer heat turned into fire. Hanggang sa halos gabi gabi na niyang natatagpuan ang sarili sa kanlungan ng lalaking maging pangalan ay hindi niya kilala.
Romance
103.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle

Breaking Up With Fiancé, Married His Uncle

Sa loob ng walong taon, inakala ni Lizzy na ang fiancé niyang si Jarren ang katuparan ng kanyang mga pangarap—isang perpektong kasal at masayang pamilya. Ngunit ang masakit na katotohanan ay tumambad sa kanya: si Jarren, ang lalaking minahal niya, ay may relasyon sa iba... at ang kabit nito ay hindi lamang basta kung sino, kundi ang sekretarya niya. Hindi na tumingin pa si Lizzy sa nakaraan. Sa halip, pinili niyang balikan ang dignidad niya at lumakad palayo sa kanyang engagement. Sa gitna ng gulo at kahihiyan, pumasok sa kanyang buhay ang isang bagong mukha—si Lysander Sanchez, ang misteryosong uncle ni Jarren na puno ng karisma at lihim na intensyon. Habang bumabawi si Lizzy mula sa sakit ng pagtataksil, matutuklasan niya na ang kanyang landas ay puno ng panibagong hamon, tukso, at pagkakataon para sa tunay na pagmamahal. Magagawa kaya niyang ipaglaban ang kanyang kalayaan at puso, o muli siyang masasaktan sa gitna ng isang mas komplikadong mundo?
Romance
7.960.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Unforgotten Love

The Billionaire's Unforgotten Love

"Akin ka na lang ulit, please... ako na lang ulit..." Hindi lubos akalain ni Sloane na masisira ang tiwala niya sa kaniyang best friend at nobyo matapos itong mahuling nagtatalik. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ay dinala siya ng kaniyang mga paa sa isang bar kung saan niya nakilala si Saint, ang sikat na CEO na nagmamay-ari ng isang multibillion company sa tatlong magkakaibang bansa, at hindi inaasahang makaka-one-night stand ito dahil sa sobrang kalasingan. Ang mas malala pa ay nakita niya itong may suot na singsing kaya naisipan niya itong takasan, walang kaalam-alam na ipapahanap na pala siya ng lalaki. Sa muli nilang pagkikita at sa hindi inaasahang pagbubuntis ni Sloane, may mabubuo pa kayang mas malalim sa kanila sa pagtira nila sa iisang bubong o patuloy pa rin silang babalikan ng mga tiwala na nasira mula sa mga taong hindi nila inaasahan? Paano kung ang taong hinahanap nila ay ang isa't isa?
Romance
10120.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Mr. CEO, Marry My Mommy

Mr. CEO, Marry My Mommy

Hindi akalain ni Guia Cordero na pagtataksilan siya ng kanyang boyfriend na si Renz at best friend na si Melinda. Sa sobrang sama ng kanyang loob, naglasing siya. Isang misteryosong lalaki na nangagalangalang 'John' ang nagligtas sa kanya sa isang ma***k. Kinabukasan, natagpuan na lang ang sarili niyang walang saplot kasama si John. Tumakas siya bago pa man ito nagising. Nagbunga ang isang gabing iyon at nalaman ng kanyang magulang dahilan para ipatapon siya sa Australia dahil sa kahihiyan. Limang taon ang nakalipas, muli siyang nagbalik para kitain ang amang may sakit, kasama ang kambal na anak. Unang araw pa lang sa trabaho nagkasalubong na ang kanyang mga anak at ang among si JJ Larsen. "Mr. CEO, Marry My Mommy," sabi ng isa sa kambal.
Romance
1092.4K viewsOngoing
Read
Add to library
My Slave Wife

My Slave Wife

Annaliza Benavidez BediaBillionaireDramaArrogant
Inalok ng kasal ni Glazer si Maureen hindi bilang asawa kundi bilang slave ninto upang maging kabayaran sa tulong na ibibigay niya sa ama ninto,ngunit ang kasal ay paraan lamang ni Glazer upang makaganti sa ama ni Maureen,nais niyang si Maureen ang magbayad ng lahat ng kasalanan ng ama ninto sa kanya,kaya't gagawin niyang lahat upang maiparamdam kay Maureen ang ganti ng pagkapoot niya,pahihirapan niya ito, hangga't maramdaman ninto ang sakit at pagdurusa na naranasan din niya ng dahil sa ama ninto. Ngunit lumipas ang panahon na nasasaktan na rin siya sa ginagawa niya kay Maureen at may parte sa puso niya na sumisigaw na mahal na rin niya ito at handa na siyang iparamdam dito ang kanyang pagmamahal ngunit sa paanong paraan dahil sa panahong iyon ay puno na ng pagkapoot ang puso ni Maureen para sa kanya at handa na siya nintong talikuran.
Romance
1042.9K viewsOngoing
Read
Add to library
My Boss is Obsessed with me

My Boss is Obsessed with me

[MATURE CONTENT !!!] Bilang isang mapagmahal na anak ay handang gawin ni Jillian ang lahat para lamang mapaoperahan niya ang kanyang ina na may sakit sa puso dahil ito na lamang ang meron siya. At dahil sa kahirapan ay pikit mata na lamang na nagbenta ng kanyang katawan si Jillian sa isang bar. Kahit takot na takot siya ay pinilit na lamang niyang magpakatatag para sa kanyang ina na may sakit. Lingid sa kaalaman ni Jillian ay may lihim pala na pagtingin sa kanya ang kanyang boss na si Harold Villanueva at sa hindi inaasahang pagkakataon ay ito ang nakakuha sa kanya sa bar. Sa paglipas naman ng mga araw ay tuluyan nang naging obsessed si Harold kay Jillian at para bang gusto na lamang niya na palagi niya itong nakikita at nakakasama. Paano kaya ito matatakasan ni Jillian? O mas magandang tanong ay tatakasan pa ba niya ito? O mapapamahal na rin siya rito?
Romance
9.493.9K viewsCompleted
Show Reviews (16)
Read
Add to library
Analyn Bermudez
ayie !!!nakakakilig Ms A..sna lang wla gaano problema KC mukhang nararamdaman ko Ang kontra Dito ay ung tatay ni Harold at baka mmya lalayo SI Jillian at buntis pa..tpos Ng ilang taon magkikita ulit naku Ms A wag nmn sana ,nakakasawa Yung ganung pangyayari..sna happy ending Sila Yun lng thanks Ms A
Analyn Bermudez
haha ang saya!!! grabeh ang ganda...noong una si Jillian at Harold .tapos ito naman kay Rose at Jeffrey..hays..nakakaiyak na nakaka-proud ito dlwa magkapatid..thanks Ms Anne ang ganda nitong story na sinulat mo grabeh.:):):)
Read All Reviews
Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband

Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband

"I want you back." Iyan ang mga katagang lumabas sa bibig ni Tyson matapos ang ilang buwang pakikipag-hiwalay kay Mariana at muling magpakasal sa babaeng una at tanging minahal nito, nakaluhod at umiiyak, nagmamakaawang tanggapin siya muli ng babaeng itinapon niya ng ganon ganon na lang. Talaga nga namang nasa huli ang pagsisisi. Sa tatlong taon nilang mag-asawa, ni hindi nito pinaramdam kay Mariana ang pagmamahal at pag-aaruga. Sakit at pighati ang isinusukli ni Tyson sa pagmamahal ni Mariana, hindi lang mula sa kanya, maging sa ina at kapatid nito na tila isang basura ang tingin kay Mariana. Matatanggap pa kaya siya ni Mariana? Gayong may iba nang lalaki ang pumupuno sa mga bagay na hindi pinaramdam ni Tyson sa kanya noong sila ay kasal, ang lubos na pag-aalaga at pagmamahal na matagal na niyang gustong maramdaman kay Tyson, ay pinaparamdam na sa kanya ng ibang lalaki na mas karapat-dapat sa kanya.
Romance
1018.0K viewsOngoing
Read
Add to library
ISLA FERRER: Unspoken Sacrifice

ISLA FERRER: Unspoken Sacrifice

"Let's file an annulment, Isla..." Ibinigay ni Isla Ferrer ang lahat-lahat sa pinakamamahal niyang asawa na si George Madrigal. Mula sa pagmamahal, oras, atensyon at salapi. Subalit imbes na suklian ng kaakibat na pagmamahal, isang pagtataksil ang ginawa ng kanyang asawa at balak pang pakasalan ang kabit nito, dahilan kung bakit tuluyang nawasak ang puso ni Isla. Dahil sa sakit na ipinaramdam ni George sa kanya, ipinapangako ni Isla sa sarili niya na gaganti siya sa mga taong nanakit sa kanya. Kahit pa pabagsakin ang sarili niyang asawa na minsan na niyang minahal at sinamba. At sa kanyang pagbangon, mapagtatagumpayan kaya ni Isla ang balak niyang paghihiganti? O muli lang na manunumbalik ang dati niyang pagmamahal sa lalaki. Hanggang saan dadalhin si Isla ng galit na bumabalot sa kanyang puso? Magawa kaya niyang pabagsakin ang negosyo at ang pamilya Madrigal? Kayanin kaya niyang paghigantihan ang pamilyang naging ikalawa niyang tahanan?
Romance
103.0K viewsOngoing
Read
Add to library
My Contract Lovey

My Contract Lovey

Si Fayette Mersid ay ang nag-iisang anak na babae sa kanilang 5 magkakapatid, maganda, matalino, mala model at higit sa lahat ay mabait. Mayaman ang kanyang pamilya ngunit ni minsan ay di niya naranasan o di siya nakaranas ng marangyang buhay dahil tinuturing siyang malas ng kanyang ina, hanggang sa nagka sakit ang kanyang ama kaya ipinagkasundo siya ng kanyang ina na ipakasal sa isang Mafia Boss na si Landon Dela Vega. ‎ ‎Si Landon Dela Vega ay isang Mafia Boss na nagmamay ari ng bilyon bilyon na mga ari-arian at kilalang mabagsik at nakakatakot dahil sa napaka strict nito. Pero sa kabila ng nakakatakot nitong awra ay madami padin ang nababaliw dito dahil sa ankin nitong ka-gwapuhan, kakisigan ng katawan at higit sa lahat ay mayaman. ‎ ‎Ano kaya ang magiging kapalaran ni Fayette sa piling ng isang mabaksik na Mafia Boss na si Landon???
Mafia
176 viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying My Ex-boyfriend

Marrying My Ex-boyfriend

Si Tianna Sloane David ay isang guro at mapagmahal na anak sa kanyang nanay na may sakit kaya niyang isakripisyo ang lahat para sa kanyang ina kahit pa ang hiwalayan noon ang pinakamamahal niyang ex-boyfriend na si Lev Nimuel Gray Makalipas ang maraming taon ay muling nagkrus ang landas nila. Gusto na sanang kalimutan ni Tianna ang nakaraan ngunit tila may pumipigil sa kanya at palagi pa rin siyang inilalapit kay Lev nang utusan siya ng principal sa pinagtuturuan niyang school na kumbinsihin si Lev na mag-invest sa school nila. Sa gitna nang pagkukumbinsi niya kay Lev ay may unti-unting umuusbong na damdamin… mas mapusok… ngunit nanlamig ulit nang malaman ni Tianna na may anak na si Lev... Pero paano kung kailangang pakasalan ni Tianna ang ex-boyfriend niya na si Lev dahil sa matinding pangangailangan sa pera?
Romance
1012.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3435363738
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status