Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?
Sa araw na dapat sana'y pinakamasaya para kay Professor, Maya Trinidad, doon mismo winasak ang puso niya. Sa harap ng buong bansa, nasaksihan niya ang pagtataksil ng nobyo niyang si Kenji Sandoval, isang sikat na race car driver, ang ka-trabaho matapos manalo sa Grand Apex International Cup.
Habang pilit niyang tinatakasan ang kahihiyan, aksidente siyang napadpad sa pribadong locker room ng malamig at aroganteng si Nikolai Sandoval—ang nakatatandang kapatid ni Kenji at kilalang "King of the Track." Sa unang pagkikita pa lang nila, nagbanggaan na ang kanilang mga personalidad. Akala ni Nikolai isa lamang siyang babaeng habol ang pera, habang para kay Maya, isa itong mayabang at walang pusong bilyonaryo.
Ngunit isang hindi inaasahang pagkakataon ang magdudugtong sa kanilang dalawa. Ang munting si Tala Sandoval, ang makulit ngunit malungkot na anak ni Nikolai, na agad nagdesisyong si Maya ang gusto niyang maging bagong mommy.
Mula sa isang simpleng pagkikita, nauwi ito sa isang nakakagulat na marriage proposal. Ngunit paano tatanggapin ni Maya ang alok ng lalaking naniniwalang lahat ay kayang bilhin ng pera? At paano kung ang pekeng relasyon na nagsimula dahil sa isang bata ay unti-unting maging totoo?
Sa mundo ng karera, kayamanan, at mga lihim ng pamilya Sandoval, kaya bang lampasan nina Maya at Nikolai ang kanilang mga sugat sa nakaraan upang matagpuan ang totoong finish line ng pag-ibig?