Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Inima Luna

Inima Luna

Seirinsky
( Mature Content Inside ) Si Serenety ay isang dalagang puno ng pangarap sa buhay, na kahit imposible ay naniniwala siyang matutupad iyon. Isa na doon ay ang makapunta ng kabayanan at makapasyal sa kapatagan, dahil lumaki siya at nagkaisip sa isla kasama ang kanyang ina na ni minsan ay hindi siya isinama paalis ng isla upang magbenta ng kanilang ani. Nauunawaan niya iyon ayaw ng kanyang ina na makatagpo siya ng masasamang tao. Pero isang araw ay may dumating na bisita sa kanilang tahimik na tahanan ang lalaking natagpuan niya sa dalampasigan walang malay at may mga sugat katawan na halos ikamatay na nito. Mula ng araw na iyon ng makilala niya ang lalaki ay nagkaroon na ng kulay ang kanyang buhay dahil marami itong naituro sa kanya isa na doon ang kung paano umibig ang bata niyang puso. SEIRINSKY Book cover design by: Hera Venice Arts ALL RIGHTS RESERVED JUNE 2020
Romance
103.5K viewsCompleted
Read
Add to library
WHEN I FOUND YOU MY LOVE

WHEN I FOUND YOU MY LOVE

Si Andrea ay isang guro na tumandang dalaga dahil sa pagmamanipula ng ina niyang si Selya. Nang mamatay ito, lalong nakadama ng kahungkagan sa buhay niya si Andrea. Hinangad niya na magkaroon ng anak. Kahit walang asawa. Basta kahit isang anak lang na kukumpleto sa kan'yang pagkababae at makakasama niya sa kan'yang pagtanda. Ang problema, wala siyang nobyo. Sino ang magbibigay sa kan'ya ng anak? Dumating sa isip niya ang isang plano. Hahanap siya ng lalaking may magagandang katangian upang maging ama ng pinapangarap niyang anak. Hanggang sa makilala niya si Vincent. Si Vincent na pasado ang kwalipikasyon sa hinahanap niyang lalaki. Ang isa pa uling problema, paano niya sasabihin dito na sipingan siya nito gayong hindi naman sila personal na magkakilala? Gumawa siya ng paraan. At nagtagpo uli ang landas nila ni Vincent. Sinipingan siya nito. Isang pagsisiping lang na nagbunga agad ng binhi sa sinapupunan ni Andrea. Pagkatapos noon, lumayo siya. Sapat na sa kan'ya na magkakaroon siya ng anak sinira niya man ang dangal at ginawang mababa ang kan'yang pagkatao. Sapat na sa kan'ya na natupad ang inaasam niya kahit na nga ba, sa loob lamang ng maikling panahon, minahal niya na si Vincent at pinapangarap din na makasama ito habangbuhay. Hindi malalaman ni Vincent na nagkaroon sila ng anak. Pagkatapos ng gabing iyon, ang lahat ay mababaon nito sa limot.
Romance
1019.9K viewsCompleted
Show Reviews (9)
Read
Add to library
Bhie Rambonanza In
grabe super ganda ng kwento na ito.. I'm so proud kay Ate Ne na author nito..napakaganda tlga..this is her second story here in goodnovel na inaabangan ko tlga ung update.. congrats Ate Ne..labyu always .........
Angelita Nobelista
Maraming salamat po sa mga nagbabasa kina Vincent at Andrea. Almost a week pa lang po since nang i-publish ko sila pero malaking achievement na po sa akin na sa kasalukuyan ay nasa 120+ na ang views nila. Maraming salamat po talaga. maligayang pagbabasa po lagi...
Read All Reviews
Melting The CEO's Cold Heart

Melting The CEO's Cold Heart

Glen Da O2r
Davidson is known as a cold as Ice CEO of Montevella Corp. Everyone in Montevella Corp can't get close to him, unless they are executive members or family-related. At age of thirty, he didn't expect na kailangan niya ng magpakasal kahit wala sa plano niya. He needs to make a marriage arrangement with the daughter of Benavidez Company.  Pero bago pa mangyari ang kasalang pinaplano ay biglang dumating ang isang babae sa buhay ni Davidson. She's Keirah Gustavo, a twenty-years old childish employee of Montevella Corp.  Akala ni Davidson ay normal lang ang lahat, ngunit hindi niya alam na ito na pala ang umpisa na magulo ang nananahimik niyang mundo.  Ang kaibahan ni Keirah ay nagpabago sa malamig na binata. Dahil unti-unti lang naman nitong pinapainit ang ulo niya. But Keirah is always approaching him even tho tinataboy niya ito.  He can’t accept the fact na napapasaya siya ng dalaga sa mga simpleng bagay na ginagawa nito.  Kung kailan naman ay masaya na si Davidson sa presensya ng dalaga ay saka naman ito naglahong parang bula. And for the second time doubting himself, he couldn’t accept the fact na namimiss niya ang dalaga. Nahuhulog na ba siya dito o nadadala lang siya sa mainit na pakikisama nito sa kanya?  At isang tanong ang bumabagabag kay Davidson… Paano niya ba sasabihin sa dalaga na ikakasal na siya? Paano niya ba sasabihin dito na nakatali na siya sa isang kasunduan? 
Romance
105.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Mistaken Night with the Billionaire (R18)

Mistaken Night with the Billionaire (R18)

Desperada si Solara Hilario na sirain ang kasunduan ng kanyang ama para sa isang arranged marriage na nakatali sa kanyang kalayaan, yaman at kapangyarihan. Kaya naman nagplano siyang humanap ng isang birheng lalaking papayag sa isang one-night arrangement para makalaya siya. Pero mali ang kwartong napasukan ng lalake. At ang lalaking ito ay si Draven Imperiale. Isang enigmatic billionaire na kayang paluhurin ang kahit na sinong tao sa kanyang harapan. Inakala niya na ito na ang bayarang lalake na kanyang inarkila. Matapos ang gabi na kanilang pinagsaluhan ay binayaran niya ito at tumakas nang walang paalam. Pero si Draven ay hindi sanay na tratuhin bilang isang disposable. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat? Magasgasan ang kanyang ego. Ginamit niya ang lahat ng kanyang impluwensya at kapangyarihan para hanapin ang babae na naglakas-loob na nang-insulto at sumira ng kanyang ego. Nang sa wakas ay natunton niya ito ay may nalaman itong malaking rebelasyon. Tatlong buwan na itong buntis at tumakas papuntang ibang bansa. Pitong taon ang lumipas ay bumalik si Solara sa bansa. Ngayon ay handa si Draven na bawiin lahat. Ang kanyang magiging tagapagmana at ang babaeng nagpabagsak sa ego ng isang hari. Kapag nagtagpo silang muli ay magtatagisan ba ang fiery at rebellious spirit ni Solara sa icy dominance ni Draven? O pipiliin niyang magpaubaya sa kapangyarihan at angking kagwapuhan na kaakit-akit ng isang billionaire na ayaw magpatalo?
Romance
10191 viewsOngoing
Read
Add to library
My Sixteen Year's Old Meixie

My Sixteen Year's Old Meixie

Thegirlmakesyouhappy
I'm only sixteen ng makilala ko si Franz Zorego, ang hot business man na mas matanda sakin ng s'yam na taon. Unang kita ko pa lang sa kanya nasabi ko agad sa sarili ko na itong ang lalaking mamahalin ko. Kaya naman ginawa ko ang lahat para akalain nito na nasa tamang edad na ako. Pero hindi naitatago ang sikreto ng matagal na panahon. Dahil natuklasan nito na isa lang akong highschool student sa paaralang mismong pag aari ng kanilang pamilya. Mula noon ay umiwas na ito sa akin at 'di na ako pinapansin. Aaminin ko nasasaktan ako sa pag iwas nito pero anong magagawa ng isang gaya ko? Sabi nga nila isa lang akong hamak na bata na pagdating ng panahon mawawala at mababago rin ang nararamdaman. Totoo ba ang gano'n? Paano kung hindi?
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
MAYARI

MAYARI

Isigani
Si Mayari na pinoprotektahan ng isang babaylan, ay isang prinsesang niligtas ni Adonis na isang tikbalang. Isang malaking pagsubok ang kakaharapin nito at kakailanganin niya ang isang matinding pagsasanay, malaking sakripisyo para sa misyon ukol sa kapakanan ng bayan ng Maharlika. Pipilitin ni Mayari na makuha ang pamumuno sa palasyo, na hawak ng isang salamangkerong dating kanang kamay ng hari na nagpapahirap sa bayang nasasakupan. Mahihirapan si Mayari sa paghahanap ng mga kasama na aayon sa kanya dahil sa takot ng mga ito na paghigantiahan ng makapangyarihang salamangkero na tumatayong pinuno sa kaharian pagkatapos nitong lasunin ang hari. Sa kaniyang paglalakbay ay makikila niya ang mga kaibigan na tutulong sa kaniya upang magwagi laban sa kay Elyazar na salamangkero. Mahihirapan man, gagawin ng bida ang lahat para maibalik sa kaayusan ang bayan.
Fantasy
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying My Ex-Husband's Best Friend

Marrying My Ex-Husband's Best Friend

Walang maramdaming kahit na katiting si Lucilia mula sa asawa. At kinamumuhian siya ng anak niyang lalaki dahil gusto nito ng ibang nanay. Hanngang sa mapagod at mapuno na si Lucilia ay nakipaghiwalay siya sa asawa. Iniwan niya ito. Umalis siya kasama ang anak na babae. Nagpatulong siya para ma divorce sa asawa sa pinakasikat at high paid na lawyer na si Donovan, na best friend ng asawa niyang si Nolan. Matagal ng gusto ni Donovan si Lucilia pero naunahan siya ni Nolan. Pero ngayon ay hindi niya na palalampasin ang pagkakataon na mapasakanya si Lucilia. Kaya gumawa siya ng kasunduan na tutulungan niya si Lucilia na ma divorce sa asawa kung papayag itong magpakasal sa kanya pagkatapos. Papayag ba si Lucilia? Makukuha ba ni Donovan si Lucilia? Abangan ang kwento nina Donovan at Lucilia...
Romance
8.710.2K viewsOngoing
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE

THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE

Musika
Si Rebecca Jacinto ay ikinasal sa kaniyang matagal na kasintahan na si Roland Estrella. Matagumpay nilang naisagawa ang kanilang kasal subalit isang hindi inaasahang trahedya ang nangyari sa mismong araw na iyon. Nagkaroon ng amnesia ang kaniyang asawa dahil sa isang aksidente na tumagal ng ilang taon. Ang pangyayari na iyon ang naging dahilan upang magkaroon ng pagkakataon na pumasok sa buhay nila ang kaniyang biyenan na si Zenaida Estrella para pahirapan siya. Sa kabila ng masamang pagtrato ng kaniyang sariling biyenan ay nanatili siya at hindi sumuko. Patuloy pa rin niyang pinagsisilbihan ang asawa. Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na iyon ang magiging mitsa para mas lalong umapaw ang galit ng kaniyang biyenan para paghiwalayin silang mag-asawa. Dinala pa nito ang ex-girlfriend ng kaniyang asawa na si Cynthia Sebastian na tanging nakikilala ng kaniyang asawa. Hanggang saan tatagal ang pagiging martyr na asawa ni Rebecca? Handa ba siyang ipaglaban ang kaniyang pagmamahal sa asawang hindi siya maalala o susuko na lang at ipauubaya sa iba ito?
Romance
10836 viewsOngoing
Read
Add to library
Eternally

Eternally

Isang car accident ang kinasangkutan ng sikat na nobelista na si Jia Molejon. Ang beinte-singko anyos na dalaga, nakatakda na sanang ikasal sa anak ng Gobernador ng kanilang probinsiya. Sikat at maimpluwensya ang kasintahan nitong si William Cervantes. Ang kanilang kasal na tila hinadlangan ng trahedya. Nagising si Jia mula sa mahabang panahon na pagka-comatose. Ngunit nang magising ito, tila nagbago na ang mundo niya. Bagong kapaligiran, bagong kabanata. Nagising siya sa katauhan ng isang nagngangalang Matilda. Tila nagkatotoo ang mga kwentong-pantasya na dati ay isinusulat lamang niya. TIME TRAVEL. At sa lumang mundo, tila kaya niyang baguhin ang tadhana sa hinaharap. Ngunit paano kung mas nagugustuhan niya na ang lumang panahon, ang panahong kaedad niya ang kaniyang Abuela? O, dahil sa lumang panahon niya rin nakilala ang lalakeng bahagi na ng mga libro ng kasaysayan, si Macario Manlapaz Apolinario na nagpakulo ng kaniyang dugo ngunit palihim na nagpatibok ng kaniyang puso. Sa mundo ng kahapon at kasalukuyan. Paano pipigilan ang itinakda ng tadhana?
Romance
10709 viewsOngoing
Read
Add to library
NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO

NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO

Twenty-three years old si Tori nang makilala niya si Taj na isang bombero sa isang maliit na bayan sa Guimaras. Nasa kasagsagan siya noon ng tagumpay bilang isang popstar ngunit na-in love siya sa lalaki at ang dating organisado niyang buhay ay nagulo. It was a whirlwind romance ngunit dahil sa pangingialam ng kanyang ina ay napilitan siyang magpakasal nang lihim kay Taj. Kung gaano sila kabilis na nagkalapit ng lalaki ay ganoon din sila kadaling nagkalayo nang pumutok ang balitang nabuntis si Tori ng CEO ng Crystal Music na si Sid Rodriguez kasunod ng pagkakatuklas niya sa tunay na pagkatao ni Taj. Limang taon na ang dumaan at pareho na silang may magkaibang landas na tinatahak. Ayaw na ni Tori na magkaroon pang muli ng kaugnayan kay Taj ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil muling nagsanga ang landas nila sa isang hindi inaasahang pagkakataon. Muli kaya silang magkakalapit o tuluyan na nilang tutuldukan ang ugnayang siyang naging dahilan ng kirot sa puso na pareho pa rin nilang nararamdaman?
Romance
1022.4K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3839404142
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status