Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)

Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)

Dahil sawa na si Thea sa pagbubunganga ng ina. Napilitang mag-abroad ang dalaga. Graduate siya ng BS Tourism. Sa isang construction company siya nakakuha ng trabaho sa Dubai. Maliban sa pag-o-opisina, on-call cleaner din siya. Isang araw, tinawagan si Thea ng kaibigan para maglinis ng unit ng boss nito. Sa isang hotel and casino nagtatrabaho ang kaibigan. Wala siyang hinihindian na part-time, kaya umo-oo kaagad siya. Hindi sukat akalain ng dalaga, na ang sikat na miyembro ng banda, na si Keith Hernandez pala ang kanyang kliyente nang gabing iyon. Kilala ito sa tawag na KH. Hindi niya maiwasang hangaan ito ng sobra. Sa loob ng dalawang buwan na pamamalagi ng binata, siya lang ang bukod tanging naglilinis at cook nito. At, sa maikling panahon na iyon, natutunan ni Thea na mahalin si Keith. Naisuko pa niya sa binata ang iniingatang perlas ng silangan, kahit na may iba itong minamahal. Hanggang kailan siya magiging rebound? Ano kaya ang gagawin ni Thea kapag nalamang ikakasal na pala ang binata sa iba?
Romance
1028.8K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
THE CEO'S ENTERTAINER

THE CEO'S ENTERTAINER

Sanay si Belle Elfero mamuhay sa makasalanang mundo. Tumagal siya sa trabaho niya bilang entertainer sa loob ng anim na taon at nananatiling protektado. Isa siyang berhin, na nakakuha ng attention ng isang doctor na tumingin sa kaniya sa health center. Naging dahilan iyon upang bisitahin siya ng lalaki sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Hindi niya akalain na iyon ang simula ng pagbabago ng kaniyang buhay. Mahalaga para sa kaniya ang salitang first time at kasal, nais niyang makamit ito sa isang lalaking mahal niya sakaling magkaroon siya. At ang alas na mayroon siya ay ang pagiging berhin niya. Ngunit ang doctor na iyon, na nakilala niya bilang Hivo Soulvero, isa rin palang CEO at nais siyang bilhin upang gawing legal na asawa sa milyones na halaga. Nagkataong nagkaproblema siya sa kaniyang pamilya at talagang kailangan niya ng isang milyon. Wala siyang ganoon kalaking halaga at ang tanging paraan lamang niya ay ang tanggapin ang kasal na alok ng doctor na CEO. Papayag kaya siyang magpakasal sa isang lalaking binibili lamang siya?
Romance
1026.3K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Wife Corporation 5: Mia Kassidy Borromeo

Wife Corporation 5: Mia Kassidy Borromeo

HIRE A WIFE BUT DON'T FALL IN LOVE! Ang isang tambay na kagaya ni Kassidy ay walang matino na pinag-aralan. Nakatira sila sa isang skwater kasama ang nanay niya na sugarol. Kadalasan ay nasa kalsada siya at nakikilaro sa mga ka-tambay niya na naging kaibigan niya na rin. Unlike the other girls, she dressed like a man. Malaki ang shirt, malaki ang short at may sombrero palagi. Mahilig siya kumain ng lollipop at masayahin siyang Babae kahit sa kabila ng pamumuhay nila. Parati siyang ipinapahamak ng ina niya sa iba't-ibang trabaho na ikinakainis niya, subalit gano'n man ang ina niya ay mahal niya ito at parating pinagbibigyan. Takot na baka magkautang na naman sila. Ngunit, papaano kaya kung ipasok siya ng nanay niya sa isang corporation na hindi niya alam? At isang araw ay may isang lalake na gusto siyang e-hire bilang asawa nito at wala siyang kaalam-alam sa klase ng trabaho na tatahakin niya? Mapapahiyaw nalang siguro siya sa inis lalo na kung malalaman niyang guwapo at appealing ang makakasama niya at magiging asawa pa niya talaga for 3 months! Kaya kaya nitong tunawin ang boyish niyang puso, at mapa-ibig sa ka-guwapohang charms nito?
Romance
1015.9K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
THE WICKED BILLIONAIRE'S SON

THE WICKED BILLIONAIRE'S SON

SHADOWWRITES
Ang nobelang ito ay nagpapakita ng isang tunay at wagas na pagmamahalan. Masasaksihan natin na ang puso ay kusang tumitibok para sa isang taong itinakda ng tadhana para sa atin. Kahit na sino pa siya at kahit saan pa siya nagmula, kapag puso na ang nagdikta ay wala na tayong magagawa kundi tanggapin ito.
Fantasy
101.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
I Will Take Back What's Originally Mine

I Will Take Back What's Originally Mine

FireQUEEN
Si Jessa Diryln, isang part timer na babae na na-frame-up ng sarili niyang step sister. Matapos niya itong suportahan sa pag-aaral, ang nakukuha niya sa kanyang madrasta ay mga paninisi, pagpapahirap at pang-huli, na-frame-up siya. Upang makatakas sa posibleng pagkamatay na sinabi ng pamilya ng biktima, sinubukan niyang maglakbay nang hindi nililinis ang kanyang pangalan. Gayunpaman, sa halip na makalaya mula sa kamatayan, siya ay talagang namatay. Well, parang ganun nga. Pero bigla siyang nagising sa katawan ni Estacie Somyls. Ang pinakamasama pa, talagang mahirap din ang buhay ng may-ari ng katawan na sinapian niya! Isang babae na iniwan ng sariling ama para makasama ang bagong pamilya. Hindi lang iyon, ginamit pa ang sarili niyang mana mula sa yumaong ina! Ngayong siya na ang bagong may-ari ng katawan na ito, makukuha na ba niya ang orihinal na sa kanya?
Romance
101.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Innocent Maid

The Billionaire's Innocent Maid

Dulot ng kahirapan, maagang nagtrabaho si Hera dala na rin nang hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Maliban sa kaniyang magandang mukha at katawan, wala na siyang iba pang maipagmamalaki sa kaniyang sarili. Dahil sa kagandahang taglay, natanggap siya sa isang fancy restaurant bilang waitress pero hindi rin naman din siya nagtagal doon. Bumalik ulit siya sa dati, kung saan-saan lang naglilibot at naghahanap ng trabaho. Hanggang sa isang gabi, may bigla na lang estranghero ang nag-alok sa kaniya ng isang trabaho. Malaki ang sahod at hindi kailangan ng magandang background. Tinanggap ni Hera ang trabaho. Lingid sa kaniyang kaalaman na ang trabaho na kaniyang pinasukan ay simula na pala ng panibagong hamon at kalbaryo ng kaniyang buhay. Ano na lang ang kaniyang magiging reaksyon kung isang araw, natagpuan na lang ni Hera ang kaniyang sarili na may kakaiba at hindi normal na relasyon sa kaniyang amo?
Romance
1022.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
A man that I loved or A man that he loved me

A man that I loved or A man that he loved me

Emma
Una pa lamang ay magustuhan na ni Helomina Ang binatang si Miguel na Ngayon lang niya nakilala. Ngunit ayaw niyang aminin sa kanyang sarili na gusto niya Ang binata. Dahil sa takot itong sumubok sa isang relasyon. Natatakot Kasi itong masaktan. Kaya minabuti na lamang niya itong irito sa kanyang matalik na kaibigan. Ngunit nalaman niya na may gusto Rin Pala Ang binata sa dalagang si Helomina. At inamin niya ito na siya Ang gusto niya at Hindi Ang kaibigan. Sa una ay nag-alinlangan Ang dalaga sa pagmamahal Ng binata ngunit hindi naglaun ay inamin din Ng dalaga na gusto niya Ang binata. Nagtagal Ang relasyon nila kahit malayo Ang binata sa dalaga. Pero dahil sa malayo at Hindi palaging nagkikita Ang dalawa ay nag-alinlangan Ang binata sa pagmamahal Ng dalaga. Kahit alam Naman niya Ang tunay na nararamdaman Ng dalaga para sa kanya. Kahit pa malayo sila sa isa't Isa naging tapat Naman Ang dalaga sa pagmamahal niya sa dalaga. Pero Hindi naglaon kahit mahal Ng binata Ang dalaga ay Hindi siya naging tapat dito. Dahil na rin sa hindi ito kapilinging Ang dalaga. Pero patuloy Rin ang pagmamahal Ng dalaga sa binata kahit na Kung minsan ay Hindi na ito nagpaparamdam sa dalaga. Kalaonan ay Ang binata na mismo Ang bumitiw sa relasyon Ng dalawa. Kahit masakit sa dalaga Ang katotohan na iniwan siya Ng kanyang minahal dahil Hindi niya ito kayang panindigan at ipaglaban. Nagdusa Ang dalaga dahil doon. Pero sa Oras na iyon ay may dumating sa kanyang buhay na isang lalaking na handa siya mahalin at ipaglaban. Kaya siyang panindingan at pasayahin sa abot Ng kanyang makakaya. Hindi Naman nabigo ang lalaki. Pero paano Kung may gustong bumalik sa buhay niya nagustong ipaglaban Ang pagmamahal niya pero huli na Ang lahat.
Other
838 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Seductress Unforgotten

Seductress Unforgotten

Sa mundo ng marangya at makapangyarihan, si Apple Imperial ang babae na pinapangarap ng lahat ngunit kinatatakutan ng iilan. Sa kanyang mala-anghel na mukha at maalindog na katawan, nagagawa niyang paikutin ang puso ng kahit sinong lalaki. Ngunit sa likod ng kanyang mapanlinlang na ngiti, nakatago ang isang madilim na lihim—si Apple ay isang mapanganib na gold digger. Dati siyang prinsesa ng kayamanan, lumaki sa karangyaan ng pamilyang Imperial. Ngunit nang bumagsak ang kanilang negosyo, nawala ang lahat—ang yaman, at ang dangal. Ang bawat halik niya ay may presyo, ang bawat yakap ay may layunin. Sa bawat lalaking nahuhulog sa kanyang bitag, isang hakbang siya papalapit sa pagbabalik ng yaman na nawala sa kanya. Ngunit nang makilala niya si Lance Martin—ang guwapo, makapangyarihan, at sobrang yaman na CEO ng Emerald Malls—nagbago ang pananaw niya sa buhay at pag-ibig. Si Lance ang perpektong target, ngunit siya rin ang tanging lalaking nagpaalala kay Apple kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pagmamahal. Sa kabila ng kanyang mapanlinlang na paraan, si Lance ang nagdala ng liwanag sa madilim niyang mundo. Subalit ang lihim ni Apple ay hindi kayang itago habang-buhay. Nang magdesisyon si Lance na ipagkatiwala ang kanyang buong puso at yaman kay Apple at nagbabalak na pakasalan ito,ngunit nalaman niya ang masakit na katotohanan—ang babaeng kanyang minahal ay naglalaro sa apoy. Sa gitna ng kanyang pagtataksil, iniwan siya ni Lance, at tuluyang nawala sa kanyang buhay. Pero hindi pa tapos ang kanyang kabiguan. Nang malaman ni Apple na siya’y nagdadalang-tao, biglang nagbago ang lahat. Ang anak na nasa kanyang sinapupunan ang maaaring maging dahilan ng kanilang pagbabalikan—o ang maghahatid sa kanya sa mas malalim na pagdurusa. Magagawa kaya ni Apple na itama ang kanyang mga kasalanan? O magbabayad siya ng pinakamabigat na presyo para sa lahat ng kanyang kasinungalingan?
Romance
102.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Lost Acceptance [Tagalog]

Lost Acceptance [Tagalog]

Ang tunay na nagpapatawad ay taos-puso, bukal sa loob, at hindi pilit. Ang pagtanggap sa patawad nang walang pag-aalinlangan ay magpapalaya sa masakit na nakaraan. Ngunit paano kapag nabulag siya sa galit? Galit na nakalalason, galit na mapanganib, at galit na patuloy kinukulong sa pagkatao. Makakalaya kaya siya? Sinong magtutulak? Sa anong pagkakataon?
Urban
107.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Billionaire Ex-Fiance

My Billionaire Ex-Fiance

Limang taon na nakulong si Brianna at inakusahan na manloloko ng pamilya Smith at ng fiance nito na si David. Pagkalabas ng kulungan ay pinilit itong mag-donate ng kidney para sa anak ng mga Smith na nauwi sa isang trahedya. Buong akala niya ay tuluyan nang nawalan ng pakielam si David sa kanya ngunit sa burol ni Brianna ay labis ang naging pag-iyak at pagwawala ng lalaki na taliwas sa inaasahan ng lahat na magsasaya siya. At pagkatapos ng tatlong taon, nagulat ang lahat nang makita nila si Brianna, ngayon ay fiance na ng kapatid ni David, buhay at ibang-iba na sa Brianna na nakilala ng lahat. David and the Smiths are all mad... ngunit nagulat ang lahat nang halos magmakaawa si David para lang balikan siya ng dalaga. Ngunit paano gagawin iyon ni Brianna kung halos lahat ng trauma na dinanas niya ay nagmula nang makilala niya ang lalaki?
Romance
9.247.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
454647484950
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status