Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
A Contract Marriage With Abe Dela Torre

A Contract Marriage With Abe Dela Torre

Kinakaya ni Isla Aguilar ang mabigat na hamon ng buhay. Nagtatrabaho sa araw, nag-aaral sa gabi para sa pangarap na mas maayos na buhay at makatulong sa gamutan ng bunsong kapatid na may Down Syndrome at butas sa puso. Sa gitna ng kanyang pagsusumikap, ang kanyang tanging pahinga ay ang lihim na talon malapit sa likod ng kanilang bahay, kung saan isang araw ay iniligtas siya ng isang guwapo at matipunong estranghero sa pag-aakalang siya ay nagpapatiwakal. Hindi niya inakalang ang estrangherong iyon ay si Johan Abraham Dela Torre, ang bagong CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya na kilalang istrikto at malupit sa pamamalakad sa kumpanya, at mailap sa mga babae. Kaya’t laking gulat ni Isla nang bigla siyang alukin ng CEO ng kasal kapalit ng tulong para sa operasyon ng kanyang kapatid. May kundisyon ang kasunduan: walang pisikal na relasyon, sikreto ang kasal maliban sa pamilya ng lalaki, at isang taon lamang ang bisa. Habang tumatakbo ang mga araw, unti-unting nahuhulog ang loob nina Isla at Abe sa isa’t isa. Dahil sa angking galing at talino, si Isla ay naging isang asset ng kumpanya, at si Abe, sa kabila ng pagkukunwaring malamig at matigas, ay palihim na sinusuportahan si Isla sa kanyang pangarap. Ngunit paano kung may ibang babae na nagpupumilit maging parte ng buhay ni Abe at palaging minamaliit ng matapobreng ina ni Abe si Isla? Magagawa ba nilang ipaglaban ang pag-ibig sa kabila ng takot, sakit, at mga hadlang?
Romance
1019.4K viewsOngoing
Read
Add to library
I Kissed A Girl (FILIPINO)

I Kissed A Girl (FILIPINO)

Hindi matanggap ni Erica kung bakit lumaki siya sa pamilya na kakaiba. Papaanong kakaiba? Namulat kasi ito na ang kanyang ina ay isang Lesbian habang ang kanyang Ama naman ay isang bakla. Inggit na inggit siya sa normal na mga pamilya, iyon bang straight ang nanay at tatay, hindi katulad ng sa kanya. Palagi siyang tinutukso ng kanyang mga kaklase noong nag-aaral pa lamang ito, hanggang ngayon ba naman na may trabaho na siya? Kaya ipinangako nito sa kanyang sarili na siya ang magbabago ng kapalaran ng kanyang pamilya. Ipinangako nito na hinding-hindi siya matutulad sa kanyang ina o ama. Pero paano kung biglang makilala nito ang bagong CEO ng kanilang kompanya na si Pearl Torres? Kasing ganda nito ang kanyang pangalan na parang perlas na kumikinang. Magiging baliko rin kaya siya kagaya ng kanyang mga magulang? O mas pipiliin parin nito ang magkaroon ng normal na buhay na palagi niyang hinahangad para sa kanyang sarili.
LGBTQ+
1037.3K viewsCompleted
Read
Add to library
I Caught The Billionaire's Obsession

I Caught The Billionaire's Obsession

THEGUYWITHTHEGLASSESIndependentDramaMysteryTragedy
Bakit kaya hindi pantay ang mundo? Bakit hindi na lang kaya mayaman ang lahat ng tao para wala ng mahirap? Para wala ng nagugutom? Para wala ng gumagawa ng masama para lang may mauwing pagkain sa hapag? Bakit kaya may mga mahihirap na katulad ko? Bata pa lang ako. Iyon na palagi ang tinatanong ko sa sarili ko. Kung bakit may mga mahirap na kagaya ko. Masama ba akong tao sa nakaraan kong buhay at pinaparuhasan Niya ako't ang pamilya ko ng ganito? Ewan ko. Basta ang alam ko lang na tinatak ko sa isip ko ng magdalaga ako- hindi titigil ang mundo sa 'yo kung patuloy at patuloy mo lang iisipin kung gaano kahirap ang buhay. Hindi uulan ng pera kapag hiniling mo. At mas lalong hindi magiging magaan ang buhay mo kung puro hiling ka lang sa Kanya at walang kasamang pagbabanat ng buto. Natuto ako sa mahirap na paraan. At iyon ang ginagamit ko ngayon na sandata araw-araw sa malupit at madilim na mundo na ginagalawan ko ngayon. "KEISHA! Ikaw na ang sasalang sa stage! Bilisan mo na! Marami ng mga guest ang naghihintay sa 'yo!" A novel by: TheGuyWithTheGlasses STATUS: COMPLETED Date started: June 18, 2022 Date finished: September 19, 2022
Romance
9.940.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Most Whipped Husband after Divorce

Most Whipped Husband after Divorce

Umalis si Juliette at iniwan ang kambal na anak at asawa na binuhusan niya ng anim na taon ng buhay niya ngunit binalewala lamang ng mga ito. Sa kanyang pagbabalik, isang bagong Juliette at bagong identity na ang makikita. Ngunit dala niya ang alaala ng nakaraan. Inakala niya na balewala lamang siya sa asawa. Ngunit bakit ngayon ay hinahabol-habol siya nito?
Romance
10376 viewsOngoing
Read
Add to library
I’m Inlove With Mr. Pervert

I’m Inlove With Mr. Pervert

Isa lamang akong estudyante na lumipat ng School, dahil sa kagustuhan ng ama ko. Akala ko maging okay ang lahat, maging tahimik ang buhay ko. Nagkamali ako sa isiping ‘yun. Hanggang sa nakilala ko ang pitong lalaki na sinugo yata ng diyablo. Sasakan ng sama ng ugali, manyak, lahat na yata ng negative na mga salita pwede ng ibato sa kanila. I didn’t realize na mahuhulog ako sa isa kanila, na maging delikado ang puso ko dahil sa kaniya. What should I do? Pano ko tanggalin ang nararamdaman kung ‘to? Pano? Iiwasan ko ba siya? Mag mo-move on? Oh hayaan ko na lang ‘tong puso ko na tumibok sa kaniya. I’m so doomed!
YA/TEEN
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Forsaken Wife

The Billionaire's Forsaken Wife

Labing-walong taon mula nang makabalik si Andrea sa piling ng kanyang tunay na mga magulang. Sa loob ng labing-walong taon na iyon ay wala siyang ibang pinangarap kung hindi ang makabuo ng masayang pamilya. Kaya nang ikinasal siya kay Alejandro at nabiyayaan ng kambal na anak ay pinangako niya sa kanyang sarili na mamahalin at aalagaan niya ito. Kahit na ang kapalit ay ang masakit na katotohanang hindi siya mahal ng kanyang asawa. Para sa mga anak ay handa siyang magtiis, ngunit gumuho nang tuluyan ang mundo ni Andrea nang hilingin ng kanyang anak, sa mismong araw ng kaarawan nito na si Clarisse na ang ituturing nitong ina at hindi siya. Si Clarisse, ang kababata ni Alejandro. Ang babaeng tanging minamahal nito.
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Hacienda Del Puedo #1 Hara

Hacienda Del Puedo #1 Hara

Si Hara Del Puedo ay kilala sa buong hacienda bilang pinakamabait, pinakamadaling lapitan at higit sa lahat ay pinakamatapang na apo ni Don Ernesto. Iginagalang at minamahal siya ng mga tauhan nila. Sa edad niyang bente anyos ay marami na siyang naranasan katulad ng isang insidente limang taon na ang nakakaraan. Dahil dito ay umalis ang dalaga sa Hacienda Del Puedo upang makalimot. Ngayon, nagbabalik na si Hara sa kaniyang bayang sinilangan upang harapin ang malagim na trahedya ng kahapon. Sa kaniyang pagdating ay may isang Xandro na naghihintay sa kanya. Kasabay ng mga alaalang muling nanunumbalik ay ang pagkahulog ng loob ng dalaga sa lalaking katulad niya ay may amnesia rin. Sa tulong ng binata ay gagawin ng dalaga ang lahat upang hanapin ang mga totoong salarin sa Hacienda Del Puedo massacre. Unti-unting makakamit ng dalaga ang hustisya ngunit maraming hadlang ang sa kaniya'y naghihintay. Pakiramdam ng dalaga ay pilit ibinabaon ng sinuman ang katotohanan upang wala siyang matuklasan. Gamit ang tatag ng loob at determinasyon ay malalaman ni Hara ang mga lihim ng kahapon kasama na rin ang mga sikreto ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ang katotohanang akala niya ay magpapalaya sa kaniya ay muli palang susugat sa puso niyang durog na durog na kaya gagawin ni Xandro ang lahat upang muling mabuo ang dalagang ngayon ay hindi na kayang magtiwala pa sa kahit sino man.
Romance
9.936.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Never Tame A Beast

Never Tame A Beast

(Ship of Temptation 3) Si Olie ay inampon ng isang mayamang matandang lalaki na walang kakayahang magkaanak. Gusto ng adoptive father niya na mapalapit siya kay Cly, a mentally retarded person, for a marriage proposal. Nais ng ama ni Olie na makuha ang kayamanan ni Cly sa pamamagitan ng kasal, na iniwan ng mga magulang nito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nalaman ni Olie ang pagpapanggap ni Cly. Natakot siya at tumakas lalo na ng gusto ni Cly na ikulong siya at angkinin. After 8 years, nagkita muli si Cly at Olie. But this time, may boyfriend na si Olie na iba na kaibigan ni Cly. Anong gagawin ni Cly para mabawi si Olie? Magpapatuloy ba ang nasimulan nila noong una? O tuluyan ng sarado ang puso ni Olie sa kaniya?
Romance
1014.6K viewsOngoing
Read
Add to library
My Possessive Billionaire Husband

My Possessive Billionaire Husband

Si Ashley delos Santos, lumaki sa kahirapan ng buhay at nagpasyang lumuwas ng Maynila para maghanap ng pansamantalang trabaho pagkatapos makagraduate ng High School sa edad na daisy-otso. Gusto niyang makaipon ng pera para muling ituloy ang pag-aaral ng college kaya nagpasya siyang sumama sa kanilang kapitbahay para maghanap ng trabaho sa Maynila.Hindi niya akalain na ibang klaseng offer ang kanyang matatanggap mula sa isang mayamang abwela ng isang Bilyonaryong tinakasan ng kanyang bride at sumama sa kanyang Bestfriend sa araw mismo ng kanilang kasal. Tatanggpin kaya ni Ashley ang offer sa kanya ni Donya Agatha na ten Million pesos kapalit ng pagiging substitute bride ng mismong araw na iyun? O papakawalan niya ang isang malaking oportunidad para maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya na naghihintay sa kanyang muling pagbabalik ng probensiya?
Romance
9.88.0M viewsOngoing
Show Reviews (668)
Read
Add to library
Rosatis Navarro Mucha
sa story nko no dj mganda din story ni dj Kaya lng Hindi ko Alam but Ganon Wala ng episode na lumalabas blanko nlng sya kakastart ko plng Taz blanko na sya dko na mabasa....katulad din ng sa billionaire true love Yong Kay Elias malapit nko matapos tas pagbinuksan ko book nya blanko nlang Yong episod
Luna Devilles Charmain
akala ko hndi na mtatapos ang kabanata ng my possessive billionaire husband. at ngaun ntapos ko na ang pagbabasa. slmat author s magandang kwento. naiimagine ko tuloy lhat ang mga pangyayari doon s mga malulungkot na pngya2ri ay tlgang ginawa din akong malungkot at hndi p yn umiyak rn s crying scene
Read All Reviews
Ang Ganti ni Amarra Villasanta

Ang Ganti ni Amarra Villasanta

Sa likod ng karangyaan ng Hacienda Avaristo, may mga lihim na itinago — mga sigaw ng kababaihang inapi, mga pag-ibig na pinagkait, at mga kasalanang sinilaban ng panahon. Isang dalagang kasambahay, isang panginoong marahas, at isang pag-ibig na ipinagbawal— mula sa abo ng kahapon ay babangon ang isang babaeng gagamitin ang bawat sugat bilang kanyang sandata. Ito ang kuwento ni Amarra Villasanta, ang babaeng minsang inalipin, ginahasa, itinapon, ngunit muling bumangon upang ibalik ang hustisya sa lupaing minsang kinasusuklaman niya. Isang epikong kasaysayan ng pagdurusa, paghihiganti, at kapatawaran, kung saan matutuklasan na ang tunay na “lihim” ng Hacienda ay hindi ang kasalanan ng nakaraan— kundi ang kapangyarihan ng isang pusong marunong magmahal kahit sa gitna ng impyerno.
Romance
10180 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4041424344
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status