Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Gorgeous Pet

The Billionaire's Gorgeous Pet

Si Arkin Andres, isang batang bilyonaryo, ay malapit nang ikasal sa babaeng pinakamamahal niya, si Zandreah Binonzo—isang elegante at napakagandang babae na hinahangaan ng lahat. Ang kanilang kasal ay itinakdang magbuklod sa dalawang makapangyarihang pamilya, ngunit isang buwan bago ang seremonya, natuklasan ni Arkin ang pagtataksil ni Zandreah. Sa isang pribadong beach sa Pilar, nasaksihan ni Arkin ang masayang pagtitinginan nina Zandreah at ng isang lalaking hindi niya kilala. Ang tagpong iyon ay winasak ang kanyang puso. Galit at sugatan, nagpasyang ipatigil ni Arkin ang kasal, ngunit tinutulan ito ng kanyang ama. Para sa pamilya, ang kasal ay hindi lamang tungkol sa pag-ibig—ito ay isang selyo ng kapangyarihan at karangalan. Sa desperasyon ng kanyang ama na mapanatili ang plano, kinuha nila si Yunifer Alcalde—isang bagong graduate ng fine arts na baon sa utang—upang pansamantalang ilihis ang atensyon ni Arkin. Bagamat nag-aalangan, tinanggap ni Yunifer ang kakaibang alok kapalit ng malaking bayad, kahit alam niyang si Arkin ay kilala bilang malamig, arogante, at malupit. Akala ni Yunifer, madali lang sundin ang mga utos ni Arkin at tiisin ang kanyang ugali. Ngunit habang magkasama sila, hindi niya inaasahang mas mahirap ito kaysa sa kanyang iniisip. Unti-unting nabuo ang tensyon sa pagitan nila, at ang damdamin ni Arkin para kay Yunifer ay naging mas matindi at makapangyarihan. Tatanggapin ba ni Yunifer ang baluktot na pagmamahal ni Arkin, o pipiliin niyang tumakas bago pa tuluyang maging huli ang lahat?
Romance
442 viewsOngoing
Read
Add to library
Chasing the Runaway

Chasing the Runaway

akarayue
Hindi man totoo ang relasyon ni Dorothea kay Clarence, hindi niya matanggap ang nangyari sa pagitan niya at ng lalaking hindi niya kilala matapos magising sa tabi nito sa isang estrangherong motel na hindi niya maalala kung paano niya napuntahan. Pinaghalong sakit at pagkadismaya sa sarili ang naramdaman niya at hindi niya maatim na harapin ang lalaking nagbigay ng kalayaan niya kaya mas pinili niyang lumayo rito. In her pursuit of distance between herself and the man who she genuinely loved despite their unusual connection, she found herself bearing the fruit of that one blurry night with a complete stranger. Iniisip na isang malaking pagtataksil iyon sa lahat ng kabaitan ni Clarence sa kanya, mas pinili ni Dorothea sa itago ang katotohanan tungkol sa kanyang anak. Pero paano kung lingid sa kanyang kaalaman, na ang lalaking pilit niyang tinatakbuhan ay patuloy ring humahabol sa kanya? Paano kung ang kanyang bawat paglayo, ang katumbas ay ang lalong paglalapit ng kanilang mga landas? Ano ang gagawin ni Dorothea kung isang araw, makita niya ang lalaking pilit niyang iniiwasan sa kanyang harapan, at itanong ang mga bagay na pilit niyang itinatago? Magagawa ba niyang magsinungaling? O ipagpatuloy ang nasimulang pagtakbo sa totoo?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Maid Who Stole My Heart (Filipino)

The Maid Who Stole My Heart (Filipino)

Kailangan na kailangan ni Cassy ng pera para sa may sakit niyang ina kaya napilitan siyang nakawin ang mamahaling kuwintas ng amo niyang babae. Hindi pa naman siya sumasahod kaya wala pa siyang pera at kahit naman may sahod na siya ay hindi pa rin sapat 'yon para sa pagpapagamot ng may sakit niyang ina. Walang kaalam-alam si Cassy na nakita pala siya ng anak ng amo niyang babae na si Zach na ninakaw ang kuwintas na 'yon. Walang umaamin sa kanilang mga katulong kung sino ang kumuha ng kuwintas na 'yon kahit siya. Kinausap siya ni Zach at sinabi sa kanya na nakita siya nito na ninakaw ang kuwintas ng mommy niya. Takot na takot si Cassy matapos na sabihin 'yon ni Zach sa kanya. Nagmakaawa siya kay Zach na huwag isusumbong sa mommy nito dahil posibleng mawalan siya ng trabaho. Zach was obsessed with her. He really wants to fuck her. Sinamantala nga ni Zach ang pagkakataon na 'yon kaya sinabihan niya si Cassy na hindi siya magsusumbong sa mommy niya tungkol sa nalalaman niya kung papayag si Cassy sa nais niya na maka-sex ito. Papayag kaya si Cassy sa nais na 'yon ni Zach? Paano kung hindi? Mawawalan siya ng trabaho kapag hindi siya pumayag. Wala siyang kaalam-alam na may gusto pala si Zach sa kanya. Hindi lang nais nito na maka-sex siya kundi nais rin nito na maging girlfriend siya kaso nga lang ay isang katulong lamang siya.
Romance
211.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Flawed Desires

Flawed Desires

seraphimxzs
Bethylia Monteamor is a 19 years old woman who has everything on her shoulder, simula nang mamatay ang ama ay siya na ang tumaguyod sa pamilya, dahilan kung bakit sa murang edad ay masasabing batak na siya sa takbo ng buhay. Tahimik siyang namumuhay sa probinsiyang kinalakihan, not until he Aaren 'Pedro' Winslow came. She hates him, maraming hindi magandang pag-uugali ang lalaki at mas lalong sa itsura nito dahil hindi pala-ayos. Ang presensiya ng lalaki ay nagsusumigaw ng negatibong enerhiya. Dahil mula sa marangyang pamilya ay sanay rin na nakukuha lahat ng gusto kaya noong nagsimula siya nitong pagtuunan ng pansin ay halos ikaputi ito ng kanyang mata. Aaren won't stop even though she doesn't like him, pati dahas ay gumagamit siya para lang makuha ang dalaga. Unaware with her own feelings, hindi niya na napansin na unti-unti na ring nakukuha ng lalaki ang puso niya. She pushed him away, she tried, loving someone is not even in her plans, lalo na sa estado ng buhay nila, but she failed. Ang problema ay hindi ito nagustuhan ng ama ni Aaren. Dahil galing politika ay hindi ito tumatanggap ng babaeng basta basta lang nakuha sa hindi naman kilalang pamilya. Her father did everything he could to separate them. At the end of the day, sa mga panahong kinailangan niya ang lalaki ay walang pagdadalawang isip siya nitong tinalikuran. Sa lahat ng masasamang salitang kumakalat tungkol sa kanya ang pinakahuling inisip niya ay ang hindi siya papaniwalaan ng lalaki, ngunit iyon pa rin ang nangyari. Kaya pa bang tanggapin ni Bethylia si Aaren kahit na punong puno ito ng kasiraan? Despite experiencing the worst while being with him? Or will she give up the thoughts that Aaren can still change?
Romance
104.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Reclaiming the Billionaire's Love

Reclaiming the Billionaire's Love

Limang taon ang nakalipas mula nang maghiwalay sina Luna at Alexus—isang flight attendant at isang bilyonaryong piloto na dating nagmamahalan. Ngunit ang kanilang pagmamahalan ay nawasak nang matuklasan ni Luna ang lihim na maaaring magdulot ng matinding sakit kay Alexus: ang kanyang sariling ama ang dahilan ng pagkamatay ng ama ni Alexus. Sa desperasyong protektahan ito mula sa masakit na katotohanan, sinira niya ang relasyon nila sa pamamagitan ng isang kasinungalingan. Sinabi niyang niloko niya ito at hindi si Alexus ang ama ng dinadala niyang anak. Ngunit hindi kailanman nawala ang nakatagong sugat sa kanilang mga puso. Ngayon, limang taon ang nakalipas, muling nagkrus ang kanilang landas sa isang flight na hindi inaasahan. Si Alexus ay isang matagumpay na piloto at bilyonaryo, ngunit dala pa rin ang sakit ng nakaraan. Si Luna naman, isang single mom, ay pilit na binubuo ang buhay kasama ang kanilang lihim na anak na si Bella. Habang nalalantad ang katotohanan tungkol sa nakaraan at ang lihim ni Luna, magagawa kaya nilang buuin muli ang nawasak na pag-ibig? At kapag nalaman ni Alexus na si Bella ay anak niya, handa ba siyang patawarin si Luna at labanan ang mga multo ng kanilang nakaraan para sa pagkakataong maging buo muli bilang isang pamilya?
Romance
9.721.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Seeking Forgiveness: The Ex-Husband’s Second Chance

Seeking Forgiveness: The Ex-Husband’s Second Chance

Oceania Verity
Sa ikalawang taon ng kanyang kasal, natuklasan ni Isabel na siya ay nagdadalang-tao. Labis ang kanyang tuwa, umaasa na ang kanilang magiging anak ang magpapatibay sa kanilang marupok na relasyon ni Allen, ang kanyang asawa. Ngunit sa likod ng kanyang kaligayahan ay may takot—alam niyang ang puso ni Allen ay para kay Victoria, ang babaeng hindi niya kayang kalimutan. Sa kabila nito, umaasa si Isabel na magbabago ang lahat dahil sa kanilang anak. Ngunit naglaho ang kanyang pag-asa nang mangyari ang isang malagim na aksidente. Malubhang nasugatan si Isabel at desperadong nakiusap kay Allen na iligtas ang kanilang anak. Subalit, tinalikuran siya ni Allen at pinili si Victoria, iniwan si Isabel sa kanyang sariling kapalaran. Habang lumalayo si Allen, parang pinipiga ang puso ni Isabel sa sakit. Kumalat ang balita sa Laoag tungkol kay Allen Alvarez, isang lalaking lumubog sa matinding pagsisisi. Ang pangalan ni Isabel Fajardo-Alvarez ay naging simbolo ng hindi maipaliwanag na kalungkutan at pighati, at walang sinuman ang naglakas-loob na banggitin ito sa harap ni Allen. Pagkalipas ng ilang taon, nakilala ni Isabel si Luis Mendoza, isang mayamang mamamayan ng Laoag at nag-iisang tagapagmana ng kanilang pamilya. Mabait si Luis at inalagaan si Isabel, tinuring ding parang sariling anak ang bata. Sa paglipas ng panahon, ipinakilala ni Luis si Isabel sa kanilang business partners, kasama ang pamilya nina Allen. Sa gitna ng isang masayang pagtitipon, biglang nagwala si Allen, lumuhod sa harap ni Isabel, ang kanyang mga mata’y pulang-pula at puno ng pighati. "Isabel, comeback to me... I’m begging for your forgiveness" aniya, humihingi ng kapatawaran, umaasang maibabalik pa ang dati nilang pagsasama. Mapatawad kaya siya ni Isabel o mananatili nalang alaala ang kanilang pagsasama?
Romance
10592 viewsOngoing
Read
Add to library
The Mafia' Seeds Thief

The Mafia' Seeds Thief

Si Lucky ay NBSB, at isang matagumpay na manunulat ng erotika. Lumaki siyang malaya at may sariling kakayahan kahit na ipinanganak siya sa isang mayamang pamilya. Siya ay kontento na sa kanyang dalawampu't walong taong pag-iral. Gayunpaman, umabot siya sa punto ng kanyang buhay na nais niyang magkaroon ng anak. Nasa tamang edad na si Lucky; marami na siyang naipon na pera at may sariling bahay. Ito rin ang paulit-ulit na hinihiling ng kanyang mga magulang. Isa lang ang problema ni Lucky: dumaranas siya ng genophobia, isang mental health disorder na nailalarawan sa pamamagitan ng takot sa sekswal na intimacy. Walang ibang nakakaalam sa kalagayan niya bukod sa matalik niyang kaibigan na si Genesis. Maging ang sariling pamilya ay walang kamalay-malay dahil natatakot siyang kutyain ng iba ang kanyang kalagayan; kaya, hindi solusyon ang pag-ampon sa kanyang pagnanais na magkaroon ng anak. Isang opsyon lang ang maiisip niya: IUI, isang medikal na pamamaraan kung saan direktang itinatanim ang sp*rm ng isang lalaking donor sa matris ng babae. Sinabi ni Lucky kay Genesis ang tungkol sa kanyang plano, at sinuportahan siya ng kanyang matalik na kaibigan; gayunpaman, nang sabihin niya na gusto niyang si Genesis ang kanyang sp*rm donor, tumanggi ang lalaki, na sinasabing ayaw niyang managot sa sinumang babae, lalo na kay Lucky. May paraan na, pero hindi inasahan ni Lucky na mahihirapan siyang kumbinsihin ang matalik na kaibigan, kaya naman gumawa ng krimen si Lucky isang gabi matapos makipagtalik si Genesis sa kanyang flavor of the month; ninakaw niya ang ginamit na condom ni Genesis. Magtatagumpay kaya ang insemation ni Lucky? Ano ang mangyayari sa pagkakaibigan nila ni Genesis dahil sa makasarili niyang desisyon? Mawawasak ba sila o may bagong pag-ibig ang uusbong sa panahong sinubok ang kanilang pagkakaibigan.
Romance
1016.3K viewsCompleted
Read
Add to library
SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY

SHE RETURNS WITH MR. CEO’S BABY

Nagising si Freya sa hospital, nahihilo, nasusuka, at natatakot, kasabay ng pagtambad ng balitang, siya ay nagdadalantao. Naalala niya ang dahilan kung bakit siya napunta sa ospital, ang dahilan ng kanyang paghihirap: si Alexander Evans, ang CEO ng Evens Industry. Isang mapanganib at malupit na bilyonaryo. Inakala ni Freya na magiging masaya siya sa piling ng binata, ngunit hindi pala dahil sakuna ang dala ni Alexander sa buhay niya. Binigyan siya nito ng pag-ibig na siya ring sumira. Tumulo ang mga luha ni Freya. Si Alexander, ang pinakamalaking pagkakamali sa kanyang buhay! Ngayon, determinado siyang hindi na ito mauulit. Iniwan niya si Alexander na sugatan ang kanyang puso, dala ang kanilang anak sa kanyang sinapupunan. Itinago niya ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya at nagsimula muli upang bumangon. Akala niya'y hindi na sila magkikita muli, ngunit pagkalipas ng limang taon, muling nagkrus ang kanilang landas. "Mommy, gusto ko si Uncle Evans ang maging daddy ko, please!" pakiusap ni Rose, ang anak ni Freya. Hindi kayang tanggihan ni Freya ang kanyang anak. Hindi rin niya kayang sabihin ang katotohanan na si Alexander ang ama ni Rose. Paano kung malaman ni Alexander na si Rose ay kanyang anak? Guguluhin ba nito muli ang buhay ni Freya? Susugatan, sasaktan ba nito ang kanyang puso na magiging dahilan ng kanyang muling pagkalugmok?
Romance
9.871.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Accident Surrogate

The Billionaire's Accident Surrogate

Purple Hyacinth
"Congratulations! You are pregnant!" After having a one night stand with someone she didn't even know, Scarlett Reyes got pregnant without knowing who the father of her child is and worst, she had no idea who the man was. Until their path crosses on the hospital, at sa pagkakataong ito, hindi hahayaan ni Scarlett na umalis ang lalaki ng hindi nito nalalaman ang tungkol sa batang pinagbubuntis niya. It wasn't part of her plan, but Scarlett was super overwhelmed by the news. Hindi niya ine-expect na ang ama ng batang dinadala niya ay isang bilyonaryo na si Tristan Montenegro. Isang kontrata ang nagbuklod sa kanilang dalawa. Kailangan niyang pakasalan si Tristan upang maiwasan ang anumang issue na pwedeng maging dahilan ng pagbagsak nito, and the contract will last until she gave birth to his child. She need to leave the baby to his responsibility, and leave like they didn't met. Scarlett agreed for the money that offered to her, it was enough to treat her sick mom and pay off their debts. Paano kung unti-unting mahulog ang loob niya sa ama ng kanyang anak? Handa na nga ba siyang mag mahal muli? Pero paano kung bumalik ang ex-fiance ni Tristan at ang lalaking minsan ng naging dahilan ng mga luha niya?
Romance
61.2K viewsOngoing
Read
Add to library
My Fiance is my Ex

My Fiance is my Ex

Reading_letters
"Mahal ko siya, pero hindi pa ako handa" "My instinct was wrong about him and my best friend, now that I can say I'm ready..." "Doon palang naging huli na ang lahat" ---Athena Delight Teneza "I like you... No- that's not the right word..." "I love you..." "Turns out, you love someone else..." "I want to forget you, and look for someone who will love me back... Until I realized, I'm not loving her back... Ikaw parin talaga kahit ituon ko Ang pansin ko sa iba" --- Justin Meyer Cruz Minahal nila ang isa't isa sa hindi naaayon na panahon, dahil sa mapaglarong tadhana... Nauwi sa 'huli na ang lahat' ang 'handa na ako'. Ngunit paano kung sa pagdating ng panahon na masasabi mong 'magmumove forward na ako' ay mauuwi nalang sa 'fiance ko ang Ex ko'?? Magkasintahan sina Athena at Justin mula kolehiyo. Naghiwalay dahil sa isang serye ng mga maling akala at nasirang tiwala. Ngayon, sa hindi inaasahang pagkakataon, sila'y pinilit magpakasal sa papapamitan ng arrange marriage na napagkasunduan ng kanilang mga pamilya. Mas pinili nilang maging estranghero at wala sa kanila ang nagpaalala tungkol sa kanilang nakaraan. Sa kanilang pagsasama ay unti-unti nilang narirealize ang tunay nilang nararamdaman sa isa't isa. Lihim silang may malalim na pagmamahal sa isa't isa. Sa panahong napagdesisyonan nilang aminin at ituon ang pagmamahalan nila sa isa't isa ay muling magbabalik ang dahilan ng naging hiwalayan nila sa nakaraan? Paano kung dumating ang pagkakataong pagdedeaisyonan ni Justin ang pagpayag sa debusyong kagustuhan ni Athena? Ano nga ba ang dahilan ni Athena sa divorce na hihilingin kay Justin? Katapusan na nga ba ng kanilang kwento o simula pa lamang ito ng masalimuot na kabanata ng kanilang relasyon?
Romance
1.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3132333435
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status