Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Instant Billionaire (tagalog) Part 2

Instant Billionaire (tagalog) Part 2

Alex ang mayamang pangalawang henerasyong tagapagmana ng prestihiyosong pamilyang Ambrose, sa wakas ay natapos na ang kanyang pitong taong mahabang programa sa pagsasanay sa kahirapan. Minsan ay isang milyonaryo ay hinubaran siya ng kanyang kayamanan upang malaman ang halaga ng pera at pagsusumikap. Ngayon, nabawi na niya ang kanyang pagiging milyonaryo. Ngunit sa wakas ay makakatagpo na ba ng kaligayahan at pag-ibig si Alex ngayong mayaman na ulit siya? Tunay bang ginto ang lahat ng kumikinang? Sa muling pagpasok ni Alex sa mundo ng kayamanan at pribilehiyo, dapat niyang i-navigate ang mga hamon ng pagkakasundo ng kanyang mga nakaraang karanasan sa kanyang kasalukuyang katotohanan. Nagbago ang mga tao sa paligid niya, at ganoon din siya. Ang mga dating kaibigan at bagong kakilala ay susubok sa kanyang integridad, habang ang mga potensyal na pag-iibigan ay magtatanong sa kanya ng tunay na kahulugan ng pag-ibig at kaligayahan. Samahan si Alex sa kanyang paglalakbay nang matuklasan niya na ang kayamanan lamang ay hindi makakabili ng pinakamahalagang bagay sa buhay. Makakahanap ba siya ng tunay na kaligayahan at pag-ibig, o ang mga bitag ng kayamanan ay magdadala sa kanya sa landas ng kawalan ng laman at kababawan? Tuklasin ang mga kumplikado ng kanyang buhay sa isang kuwento ng pagbabago, pagtuklas sa sarili, at paghahanap ng tunay na katuparan.
Urban
595 viewsOngoing
Read
Add to library
Lustful Affair

Lustful Affair

Dahil sa isang gabi ng pagkakamali, nagsimula ang pagmamahalan ng mag-among sina Magnus at Milana. Ngunit sa pagbabalik ng nakaraan ng dalaga, ang inaakalang magiging maayos na relasyon ay biglang naging magulo. Maipaglalaban kaya ng dalawa ang kanilang pagmamahalan o magpapadala sila sa bagsik ng nakaraan?
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Wild Night With My Ex's Uncle

Wild Night With My Ex's Uncle

“Pakasalan mo ako at ako ng bahala sa mga utang ng pamilya mo. Kapalit nun ay ang pagdadala mo ng anak ko para sa mamanahin ko.” ------ Isang gabing pagkakamali na naging dahilan para mabago ang takbo ng buhay ni Athy. Matagal na pala siyang pinaglalaruan ng boyfriend at pinsan niya. Dahil sa sama ng loob ay naglasing siya at naibigay ang sarili sa Tito ni Matt mismo! Puno ng pagsisisi ay kaagad siyang umalis ngunit sinong mag-aakala na ang isang gabing iyon ay mabubuntis pala siya. Inalok siya nito ng isang kasal na may kasunduan, kapalit ng pagdadala niya ng magiging tagapagmana nito ay babayaran nito ang utang ng mga magulang niya at bukod pa doon ay nangako ito na tutulungan siyang makapaghiganti sa kanyang ex-boyfriend at pinsan. Ngunit saan kaya sila dadalhin ng kanilang kasunduan?
Romance
102.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Wallflower: His Wife in Name Only

The CEO's Wallflower: His Wife in Name Only

Knock Knock “Boss?” “Come in.” Pagkatapos ng pahintulot, agad na bumukas ang pinto ng opisina. “Narito na po ang mga dokumentong kailangan ninyo.” “Dalhin mo rito,” utos ng lalaki. Nag-aatubili ang sekretarya na lumapit—marahil dahil naroon pa ang ina ng kanyang boss at ayaw niyang makisali sa usapan. Maingat na lumapit ang dalagang may maayos na tindig, at iniabot ang mga dokumento sa presidente ng kompanya na nakaupo sa kanyang upuan. Ngunit sa halip na kunin ang folder, hinawakan ng lalaki ang kamay niya at hinila siya paupo sa kanyang kandungan Nanlaki ang mata ng babae, nanigas sa gulat, at hindi makapagsalita. “Lorien! Anong ginagawa mo sa kanya?!” Napabalikwas ng tayo ang ina ng lalaki sa labis na pagkagulat. “Mula ngayon, hindi mo na kailangang uminom ng pills. Gusto na ng mama ko ng apo.” “Ano???” Nagulat si Madame Hazel sa narinig mula sa anak.
Romance
1011.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Shoemaker

The Shoemaker

Achyxia
Napakarami na ng problema ng bayan ng Garapal dahil sa bilang ng mga krimeng nangyayari ngunit parang mas malaki pa yata ang problema ni Ruanne. Nais lang naman ni Ruanne na makalimot sa pangangaliwa ng nobyo niya na sa kaaway pa niya napiling makipaglandian. Ngunit ang taksil niyang puso ay hindi umaayon sa gusto ng kanyang isip. Sa gitna ng kanyang pagmomove-on ay nakilala niya si Pio, ang isa sa mga staff ng sikat na tindahang 'The Shoemaker'. Ang 'The Shoemaker' lang naman ang pinakasikat na tindahan ng sapatos na mayroon lamang isang branch na nakapuwesto pa sa tapat ng boutique ni Ruanne. Ito lang din naman ang magiging kalaban ni Ruanne kung sakaling simulan niya na ang kanyang shoe line. At ang tahimik na buhay ng binatang nag-aasikaso nito ay mabubulabog dahil sa alok ni Ruanne na maging pekeng kasintahan niya na siya namang tinanggap agad ng binata. Ngunit sa pagsunud-sunod ni Ruanne kay Pio, may malalaman siyang hindi dapat. At matatagpuan niya na lamang ang sarili niyang sinusunod ang lahat ng gusto ng binata, maging sa ibabaw ng kama. At hindi lang iyon, mapapasok niya pa ang delikadong mundo ng mafia.
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire found his Soulmate

Billionaire found his Soulmate

Sa pagtatakasil ng kaniyang boyfriend ay naisipan niyang ikama ang ibang lalaki, ang hindi niya inaasahan ang lalaking naikama niya ay ang tito ng kaniyang ex-boyfriend at ang CEO ng kompanyang pinagtra-trabahuan niya. Pinilit siya ng madrasta niya na mag-asawa ng ibang lalaki para hindi niya maagaw kay Diane ang step-sister niyang umagaw sa boyfriend niya, ang hindi inaasahan ay binayaran ng lalaking nakatalik niya ang lalaking dapat magiging asawa niya at ito ang pumalit dito. Ang CEO ng kompanya ay ang kaniyang asawa at ng malaman ito ng madrasta at step-sister niya ay hindi sila makapaniwala
Romance
1062.1K viewsCompleted
Read
Add to library
I'M THE BILLIONAIRES SLAVE

I'M THE BILLIONAIRES SLAVE

Sa isang mundong pinaghaharian ng yaman at kapangyarihan, ipinanganak si Elena Cruz sa kahirapan. Maganda siya—mala-porselanang kutis, brown ang mata, at may alindog na kahit sa simpleng ayos ay nakakakuha ng pansin. Pero sa likod ng ganda, puno ng sugat ang kanyang buhay—ama niyang lulong sa sugal at inang kasambahay sa pamilya ng mga Monteverde, isa sa pinakamayamang angkan sa bansa. Isang gabi, nagbago ang lahat. Sa desperasyon at gutom, nagnakaw ang kanyang ama mula sa mansion ng mga Monteverde—isang kasalanang nahuli sa CCTV. At nang mabunyag ito, nasira hindi lang ang tiwala, kundi pati ang buhay nilang mag-ina. Sa gitna ng kahihiyan, pagkakautang, at apoy na sumunog sa kanilang tahanan, namatay ang kanyang ina sa konsensya at pangamba, habang nagtatago naman ang ama. Walang ibang natira kay Elena kundi ang pangalang minantsahan ng kasalanan. Hanggang sa isang gabi, muling tumagpo ang landas nila ni Lance Monteverde—ang bilyonaryong CEO na anak ng among pinagsilbihan ng kanyang ina. Malamig, makapangyarihan, at walang pakialam sa pag-ibig. Ngunit sa kabila ng lahat, tila may kakaibang puwersang nagtulak sa kanya na iligtas si Elena mula sa kamay ng mga mapang-abusong nanghihingi ng utang. Kapalit ng kaligtasan, isang alok ang binitawan ni Lance: “Babayaran ko ang lahat ng utang mo, Elena. Pero may kapalit... ikaw.” Sa pagitan ng utang, galit, at pag-ibig na unti-unting tumutubo sa gitna ng poot—mapipilitan si Elena na maging asawa ng lalaking kinaiinisan at kinatatakutan niya… ang lalaking unti-unti ring matututo kung ano ang tunay na halaga ng pag-ibig at pagkatao. Ngunit sa mundo ng mga Monteverde, walang libre. At sa dulo ng bawat pangako, may kapalit na kalayaan.
Romance
362 viewsOngoing
Read
Add to library
THE CONGRESSMAN'S MISTRESS

THE CONGRESSMAN'S MISTRESS

Kontento si Jovy sa pamilyang mayroon siya. Hindi sila mayaman pero may sarili silang bahay ng asawa niyang si Kristoff at biniyayaan ng dalawang anak, lalaki ang panganay at babae ang bunso. Mechanical techinican ng isang malaking precision company sa kanilang lungsod si Kristoff. Sapat na ang sahod nito sa pangangailangan nila. Ngunit sinubok ng panahon ang kanilang pamilya nang magkasakit ang bunso nilang anak. Nagkaroon ng bukol ang atay nito at kailangang alisin ang bahagi kung saan tumubo ang cancer. Hindi lamang iyon, nirekomenda rin ng doctor ang pagkakaroon ng liver transplant para maagapan ang pagkalat ng cancer cells sa malusog na parte ng atay ng bata. Hindi sila handa lalo na sa financial na aspeto. Wala silang matakbuhan. Buhay ng anak niya laban sa kaniyang dignidad at katapatan bilang asawa, pinili niya ang una. Tinanggap ang alok na tulong ng congressman kapalit ang isang gabing aliw. Pero ang gabing iyon ng pagkakasala ang nagsadlak sa kaniya sa kulungang hindi niya alam kung may karapatan pa ba siyang lumaya.
Romance
106.0K viewsOngoing
Read
Add to library
My Mother’s Fiancé: Yes, Daddy Governor

My Mother’s Fiancé: Yes, Daddy Governor

Napilitang mag-extra sa bar si Danica Olivarez bilang tindera ng sigarilyo at mga alak para sa mayayamang customer dala ng pangangailangan para sa operasyon ng kanyang ina. Hindi niya inakalang may estrangherong ubod ng gwapo at misteryoso na mag-aalok ng malaking halaga kapalit ng isang gabi sa kama. Dahil sa desperasyon, pumayag siya, at ang perang iyon ang nakatulong sa operasyon ng ina at pagtatapos niya sa kolehiyo. Pagkaraan ng tatlong taon sa Maynila, umuwi siya para sa kasal ng ina, ngunit halos bumagsak ang mundo niya nang makilalang ang mapapangasawa nito ay si Zachary Cuevas, ang gobernador ng probinsya, at ang lalaking minsang bumili ng kanyang dangal. Paano siya makikisalamuha sa magiging ama kung bawat tinginan nila ay bumabalik ang alaala ng gabing iyon, lalo na’t tila mas lalo pa itong lumalapit sa kanya?
Romance
406 viewsOngoing
Read
Add to library
Marriage A Debt Payment

Marriage A Debt Payment

SERA LOUISA MENDIVEL ay isang masayahing babae at sinasabi ng karamihan na nasa kanya na ang lahat ng hinahangad ng isang dalaga. Lalo na ng masungkit niya ang korona ng Miss Universe. Meron siyang pamilya na sinusuportahan siya sa mga kagustuhan niya at kahit nga boung pamilya niya ay mga doktor, siya lang ang bukod tanging hindi sumunod sa yapak ng kanyang pamilya. Ngunit sa likod ng yaman at influensya ng pamilya niya, di niya alam nasa ilalim pala ng napakalaking sindikato na pinamumunuan ng isang arroganteng Mafia boss at may bukod tanging nag-iisang anak ito na si Nathaniel Yao. Binata na nangunguna sa industriya ng negosyo, at marami nang babae ang pinagkasundo sa kanya ngunit gumagawa siya ng paraan para hindi matuloy. Walang alam si Sera ipinagkasundo na pala siya, kaya ng umuwi nagulat siya at naguluhan kung bakit. Ngunit isang araw natuklasan niya ang dahilan, ang mga ginagawa ng kanyang pamilya... ay taliwas sa inaakala niyang maayos ang mga ito na nagsisilbi sa bayan. Whether she like it or not, she is getting married to the bachelor who might kill her. Or she might change him completely. @DeathWish
Romance
1031.6K viewsCompleted
Show Reviews (14)
Read
Add to library
Tanya
Okay na sana kaso itong Wilma talaga na to nakakagigil na.. iwanan mo na nga yang si Nathan Sera. Kakawawain ka na naman nyan maniniwala na naman sa pisting Wia yang pisting lalaking yan. Selfish kahit kuya nya ipapahamak nya para lang sa kaligayahan nya. Naaawa ako sayo Sera...
Shaira Tanya
Sa wakas natapos narin ako.. pinag puyatan ko talaga ang pagbabasa nito from chapter 1 to 48.. mix emotions sa totoo lang ang nafefeel ko why reading this story but mostly pain. I feel the pain of Sera.. waiting for the next chapter... keep writing author. Sinisimulan ko din yung iba mo pang gawa...
Read All Reviews
PREV
1
...
3839404142
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status