My Ex-husband’s brother, My billionaire secret
Tatlong taon nang ipinaglaban ni Gianna Rosalie Montero ang pag-ibig na siya lang ang may hawak. Pero isang aksidenteng nagdulot ng pagkalaglag ng anak, isang malamig na asawang hindi man lang sumipot sa ospital, at isang video ng pagtataksil ang tuluyang gumiba sa kanya.
Pag-uwi niya, dala ang isang maleta at basag na puso, nagpasya siyang tapusin na ang pagiging Mrs. Collins. Pinirmahan niya ang divorce agreement—ang dokumentong ibinigay pa sa kanya noong gabi ng kasal nila.
Sigurado si Jaxton, babalik si Gianna bukas, gaya ng dati.
Ngunit ngayong gabi, habang papalayo ang sasakyan…
hindi na siya babalik.
At magsisimula ang kwento ng isang babaeng iniwan, nasaktan, at muling babangon—hindi para sa iba, kundi para sa sarili niya.