Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Bakit Ikaw Pa Rin?

Bakit Ikaw Pa Rin?

Pagkalipas ng apat na taong pagkukulong sa maliit na mundo niya, ipinasya ni Amber na piliting kalimutan ang mapait na karanasan sa buhay at makipagsapalaran sa Maynila para muling bumangon at tuparin ang kaniyang mga pangarap para sa kaniyang pamilya. Pero ang hindi niya napaghandaan sa kaniyang pagbangon ay ang muling pagsasanga ng kanilang landas ng lalaking pilit na niyang kinakalimutan. Sa muli nilang pagkikita ng dating kasintahan ay mapapatunayan niyang mahal pa rin niya ito sa kabila ng pagdaan ng mga taon. Muling nagmahal ang puso niya para sa lalaking ang nararamdaman sa kaniya ay pagkasuklam. At wala itong ginawa kun'di ang sariwain ang sugat na nag-iwan sa kaniya ng napakalalim na peklat. Darating pa nga ba ang pagkakataon na malalaman nila ang tunay na dahilan kung bakit sila nagkahiwalay noon, o pinagtagpo lang silang muli para tukdukan ang kanilang relasyon na sinubok ng panahon?
1070.7K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 2.5K Beses bilang handa-kun
Read
+Library
My Bittersweet Mistake

My Bittersweet Mistake

Si Marion Yuna "Mayu" Selvestre ay bunga ng isang kataksilan. Uhaw sa pag-ibig ng mga magulang. Walang hiniling ang dalaga kun'di maging parte ng pamilya ng kanyang Tatay o Nanay. Ngunit iyon ay naging mas malabo matapos siyang mapiling fiancée ng isang kilalang bilyonaryo na parehong gusto ng kanyang mga kapatid. Hindi iyon matanggap ng kanyang mga magulang sapagkat maging ang mga ito ay naghahabol sa bilyonaryo. At mas lalo pang lumabo ang kanyang kahilingan nang siya ay mabuntis dahil sa isang gabing pagkakamali. Sa takot na ito ay ipalaglag ng kanyang mga magulang at sa takot na malaman ng lalaki na siya ay nagdadalang tao, nagawa niyang lumisan sa kinagisnang lugar at magpalipat-lipat pa sa tuwing siya'y nahuhuli nito. Takot man sa buhay ay mas takot si Mayu na kuhanin sa kanya ang anak ng tuso at tinuturing niyang halimaw na si Aldo Hendrix Castellanos.
1074.2K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 2.2K Beses bilang handa-kun
Read
+Library
SALVAJE SERIES 1: HITMAN'S TARGET BXB (TAGALOG)

SALVAJE SERIES 1: HITMAN'S TARGET BXB (TAGALOG)

ColaPrinsesa
Diego Salvaje is a hitman and his target is the sole heir of Morales clan that has extensive connections when it comes to large businesses either inside or outside the country. Dahil sa palpak na assassination, nag-isip nang panibagong paraan si Diego para mailigpit si Drian Morales. Ngunit paano kung ang taong target mo ay ang siyang taong magpapanginig sa kalamnan at mga tuhod mo? Handa niya pa kayang ituloy ang misyon? O hahayaan ang puso na magpalunod sa nakababaliw na pag-ibig?
102.4K viewsOngoingIdinagdag sa Library 55 Beses bilang handa-kun
Read
+Library
Wife For Sale

Wife For Sale

Blazingfire
Si Tyronia Gonzales ay anak sa labas ng kanyang ama. Namatay ang ina niya dahil sa panganganak sa kanya kaya naman sa bahay ng ama niya siya nakatira, at lumaki. Kahit pa mayaman ang ama niya ay kahit kailan ay hindi siya naging buhay prinsesa dahil galit sa kanya ang asawa ng ama niya. Walang araw na sinasabi nito na anak lang siya sa labas, at malandi ang ina niya kahit hindi naman totoo. Isang araw dahil nalulugi na ang kompanya ng ama niya ay nakaisip ng paraan ang asawa nito. Nabalitaan nito na naghahanap ng mapapangasawa si Grey Del Rosario. Bibili ito ng mapapangasawa dahil walang gustong magpakasal dito dahil sa sunog nitong itsura. Binenta si Tyronia ng asawa ng ama niya, at wala siyang nagawa. Naging madali din naman kay Tyronia na mahalin ang binata lalo na't mabait ito sa kanya, at binibigay ang lahat ng gusto niya. Pero natatakot siya na baka magbago ang pakikitungo ng binata sa kanya kapag nalaman nitong isa lang siyang bastardo. Pero ang mas malaking tanong ay handa ba siyang makita ang mukha ng asawa na nakatago sa maskara? Handa kaya niya itong tanggapin kapag nalaman niya ang malaki nitong lihim sa kanya?
102.3K viewsOngoingIdinagdag sa Library 53 Beses bilang handa-kun
Read
+Library
The Seven Sins Series: Wrath (Wregan Leath)

The Seven Sins Series: Wrath (Wregan Leath)

Nasa kanya na ang lahat—pamilya, pera, kagandahan at kasikatan ngunit hindi pa rin masaya si Petunia. Ang kaisa-isang lalaki kasi na minahal niya ay piniling magpakasal sa iba, dahil likas na may mabuting puso nagparaya si Petunia. Ngunit paano kung dumating muli sa kanya ang pag-ibig? Handa pa rin ba siyang magparaya para sa iba gayong nagbunga ang isang gabing kapusukan nila ni Wregan Leath, ang matalik na kaibigan ng first love niya?
107.3K viewsOngoingIdinagdag sa Library 196 Beses bilang handa-kun
Read
+Library
Stealing The Billionaire

Stealing The Billionaire

FaithLovelle
Hanggang saan ang kaya mong gawin para maabot ang iyong mga pangarap? Handa ka bang lumaban, mang-agaw at manakit ng kapwa para sa sariling kaligayahan? Siya sa Geneva at gagawin niya ang lahat para agawin si Tristan sa asawa nito. Matalino, ubod ng guwapo at higit sa lahat ay sobrang yaman. Ika niya'y pag mabingwit niya ito, para siyang nanalo sa lotto. Jackpot nga kaya kung maisakatuparan niya ang plano o pagsisisihan niyang inagaw niya ang guwapong bilyonaryo?
1.0K viewsOngoingIdinagdag sa Library 21 Beses bilang handa-kun
Read
+Library
[Tagalog] The Mafia's Angel

[Tagalog] The Mafia's Angel

Si Clarisse Marshall ay isang magandang babae at simpleng empleyado sa isang convenience store. Siya ay may dalisay na puso, at handa siyang tumulong sa ibang tao. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nailigtas niya ang buhay ni Michele Montserrat. She was not expecting that this mysterious man will fall deeply in love with her! However, this man has a deep, dark secret. Siya lang naman ang nag-iisang anak ng mafia lord, at ito rin ang magiging leader ng mafia organized crime group in the future. Magagawa ba niyang mahalin ang isang tulad ni Michele Montserrat?
1010.7K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 321 Beses bilang handa-kun
Read
+Library
One Night Stand with the Impotence Billionaire

One Night Stand with the Impotence Billionaire

Akala ni Jessi Maximo ay mamatay na siya dahil sa cancer. Handa na sana siyang magpaalam sa mundo nang matuklasan niya ang pinakamasakit na katotohanan. Ang malambing niyang boyfriend na si David at ang matalik niyang kaibigan na si Jessica ay nagtataksil sa mismong paanan ng hospital bed niya! ​Dala ng matinding galit at desperasyon nagdesisyon siyang ibigay ang kanyang pagkababae sa isang gwapong estranghero sa club bago siya bawian ng buhay. Pero kinabukasan nagising siya sa dalawang nakakalokang balita. Una misdiagnosed pala siya at malusog ang katawan niya! Pangalawa ang lalaking inangkin niya ay walang iba kundi ang bilyonaryong si Alistair Montemayor na limang taon na palang impotent at tanging sa kanya lang tinablan ng init! ​Dahil kailangan ni Alistair ng tagapagmana para makuha ang kumpanya ng pamilya niya inalok niya si Jessi ng isang pabor na hindi pwedeng tanggihan. Isang kontratang kasal kung saan kailangan ni Jessi na maging asawa at magbigay ng anak sa kanya. Ang kapalit? Gagamitin ni Alistair ang buong yaman niya para durugin ang mga taong nanloko kay Jessi. ​Ngayon nagbabalik si Jessi bilang ang nag iisang Misis Montemayor. Handa na siyang ipatikim ang impyerno sa ex niya at sa ahas niyang kaibigan.
10205 viewsOngoingIdinagdag sa Library 4 Beses bilang handa-kun
Read
+Library
My Sugar Daddy's Brother

My Sugar Daddy's Brother

Mahirap ang buhay para sa labing-anim na taon gulang si Cassandra Vidal. Napilitan siyang magtrabaho sa club upang ipagamot ang inang may malubhang karamdaman. Akala niya'y hanggang doon na lamang ang kan'yang kapalaran, ngunit hindi nang makilala niya si Arman Solis, ang lalaking labing-walong taon gulang ang tanda sa kan'ya. Nagkaroon sila ng relasyon. Hindi naglaon ay namatay sa isang aksidente ang lalaki at iniwan sa kan'ya ang lahat ng ari-arian nito kabilang na ang Hacienda Miraflor. Lumipas ang limang taon, isang bagong pag-ibig ang dumating sa ngalan ni Mateo Bermudez. Mabilis silang nagkapalagayan ng loob. Subalit isang linggo bago ang kanilang kasal ay bigla itong naglaho sa hindi malamang dahilan. Labis na nasaktan si Cassandra, hanggang sa bumalik ang binata, hindi para sa kan'ya kun'di para sa hacienda. Sa kanilang muling pagsasama, paano niya lalabanan ang pag-ibig na muling sumisibol? Paano kung isa pala si Mateo sa mga taong nais magpabagsak sa kan'ya?
1020.0K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 800 Beses bilang handa-kun
Read
+Library
Married to the Wrong Billionaire

Married to the Wrong Billionaire

Naniniwala si Sloane Persephone Rivera o mas kilala sa tawag na Percy na ang tanging makakapagligtas lang sa pamilya niya laban sa kahihiyan ay iyong pumayag siya na makipagpalit nang pwesto sa kanyang kakambal na si Blaire sa kasal nito pansamantala. Pero nagbago ang lahat nang 'yon nang maaksidente si Blaire at magpanggap si Percy bilang kakambal niya at mapunta sa buhay na hindi naman niya kinabibilangan. Hindi handa si Percy na makilala ang lalaking pinakasalan niya noong araw na 'yon lalo na ang pakisamahan ang ugali nito. Nangako siya sa sarili niya na kahit kailan ay hindi mahuhulog ang loob niya sa lalaking hindi naman niya talaga asawa dahil nagpapanggap lang naman siya.Pero sa bawat gabi na nagkakasama sila sa iisang bubong, mga pag-uusap at tawanan na tanging sila lamang ang may alam, ay unti-unti no'n nabasag ang pader na pilit niyang itinatayo para protektahan ang sarili niya. Nakulong si Percy sa pagkatao na kailanman ay hindi niya pinili na naging sanhi nang pagkahulog niya sa lalaking hindi niya naman dapat mahalin pero aksidente niyang minahal. Ang mapaglinlang ba na pag-ibig ay kayang mabuhay kapag dumating na ang katotohanan? Paano kung kailan handa ka nang ipaglaban ang taong mahal mo ay saka pa bumalik ang taong nagmamay-ari naman talaga nito?
529 viewsOngoingIdinagdag sa Library 17 Beses bilang handa-kun
Read
+Library
PREV
1
...
56789
...
35
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status