YOU'RE STILL THE ONE
Isinandal niya ang ulo sa headboard ng kama at napapikit na.
Meanwhile in Hannah's room, pagkatapos niya maligo, nagbihis na siya, nakapantalon lang at blouse na floral pink, inilugay niya ang buhok na lagpas balikat, hinawi ng bahagya ang ilang hibla papunta sa harap, sakto lang para matakpan ng bahagya ang maliit niyang mukha. Naglagay siya ng konting polbo at nag lip-gloss, saka tiningnan muna ang sarili sa salamin. Bumagay ung kulay pink na damit sa kanya dahil di naman siya maiitim, hindi rin maputi, morena beauty 'ika nga. Kinuha niya ang brown shoulder bag, maliit lang iyon kasya lang ang wallet at baby powder. Lumabas na siya ng room at pinuntahan si Steven sa sala.
인기 회차