HENDRIX LOVE
May mahaba at umaalon-alon din itong buhok, at ang mala-porselanang kutis nito ay mas lalong nagpadagdag sa taglay nitong kariktan.
Nang tuluyang iharap ni Hendrix ang dalaga sa kanyang direksyon, doon lamang napagtanto ni Pink kung bakit nabaliw nang husto ang binatang minsan niyang inibig. Mula sa hugis ng mukha nito hanggang sa mapupungay at magagandang mata na may pambihirang kulay berde, napakaganda nito.
"Fuck!" malutong na mura ni Pink sa kanyang sarili. Tila ba maging siya ay natitibo sa pambihirang ganda ng babaeng kalong-kalong ng demonyo.
인기 회차