Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Legacy

The Billionaire's Legacy

Virgo Constantino
Anim na buwan. Iyon lang ang ibinigay na panahon ng tiyahin ni Elainne para makapag-asawa siya ng isang Imperial -ang pinakamayamang angkan sa Pilipinas. Pumayag siya dahil alam niyang suntok sa buwan na mangyari iyon dahil isa lamang siyang hawak na squatter girl. Kung mabibigo raw kasi siyang makapangasawa ng isang Imperial ay papayagan na siya ng tiyahin na pumasok sa kumbento at magmadre. Ang lahat ay umaayon sa plano ni Elainne not until Lucas Imperial enter the picture. Disaster ang unang pagkikita nila dahil aksidente niyang natapunan ng pintura ang bago at magarang sports car nito. Kahit isangla niya ang buhay niya ay hindi niya mababayaran ang halagang hinihingi nitong kabayaran sa “perwisyong” idinulot niya sa kotse nito. Tinakot pa siya nito na ipapapulis kung hindi niya magagawang bayaran ang kalahating milyong hinihingi nito sa kanya. “Be my wife, then,” kaswal na tanong ng kumag ng aminin niyang hindi niya mababayaran ang halagang hinihingi nito. “Be my wife, your face!” tigas na tanggi niya. Hinding-hindi siya papayag sa alok ng lalaki dahil una, wala siyang balak na maging asawa ng isang hambog, playboy at walang-direksiyong lalaki. Ikalawa, paano na lang ang pangarap niyang madre? Pero hinalikan siya ng kumag sa harapan ng kumbento at ipinagsigawan sa buong universe na asawa siya nito. Ang ending, itinakda ang kasal nila. Desidido si Elainne na gawin ang lahat para mapawalang-bisa ang kasal nila pero mas desidido yata si Lucas na gawin ang lahat para mapaibig siya. Hanggang nangyari ang kinatatakutan ni Elainne, nahulog siya sa lalaki...ng very hard. At kung kailan handa na siyang gampanan ang pagiging ulirang asawa sa lalaki ay saka naman ito naghamon ng hiwalayan...
Romance
104.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
In My Stepbrother’s Bed

In My Stepbrother’s Bed

Nang mamatay ang ama ni Isabelle “Bela” ay naging independent na ito. Siya na ang mag isang nagpatakbo sa restaurant na iniwan ng kaniyang ama. Tatlong taon na tahimik ang buhay ni Bela ng tawagan siya ng ina niyang matagal na silang iniwan mag ama at sumama sa ibang lalaki. Tumawag ito upang humiling na gusto niyang makasama si Bela bago ito tuluyang maikasal sa lalaking naging dahilan ng pagkasira ng pamilya nila. Pumayag si Bela dahil nangako itong matapos ang kasal ay hindi na siya guguluhin ng Ina niya, pero tila napaglaruan ng tadhana si Bela, dahil makikita niya ang lalaking minsan nagbigay ng ligaya sakaniya kahit isang gabi lang, si Keiran na anak pala ng mapapangasawa ng mama niya. Tatanggapin nalang ba nila na magiging magkapatid na sila? o magpapalamon nalang sa tawag ng laman at pagnanasa nila sa bawat isa.
Romance
10544 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Contract Marriage: Love Beyond Agreement

Contract Marriage: Love Beyond Agreement

Sa isang mundo kung saan ang pag-ibig ay tila isang laro ng kapangyarihan at pangangailangan, nagkrus ang landas nina Isla Montemayor at Liam Callisto-dalawang taong magkaiba ng mundo pero parehong desperado sa isang bagay. Si Isla, isang matapang at determinadong babae, ay kailangang iligtas ang kanilang naluluging negosyo at ang nag-iisang pamilya niyang natitira—ang kapatid niyang si Lucas na may malubhang sakit. Samantalang si Liam, isang malamig at istriktong CEO, ay nangangailangan ng isang huwad na asawa upang mapanatili ang kanyang posisyon sa Callisto Group at hindi ito mapasakamay ng kanyang tusong madrasta. Dahil sa desperasyon, isang kasunduang kasal ang nagbuklod sa kanila—isang kasunduan na dapat ay walang halong damdamin. Ngunit paano kung ang larong ito ng pagpapanggap ay unti-unting maging totoo? Paano kung sa kabila ng kanilang matinding away, pagkakaiba, at mga lihim, ay matutunan nilang umibig sa isa't isa? Sa gitna ng pagsubok, pagtataksil, at mga hindi inaasahang rebelasyon, matutuklasan nina Isla at Liam na ang tunay na pag-ibig ay hindi isang kasunduan—ito ay isang bagay na lalampas sa kahit anong kontrata. Ngunit sapat ba ang pagmamahal upang talunin ang lahat ng balakid? Isang kwento ng pag-ibig na hindi lang tungkol sa isang kasunduan, kundi sa pagpili ng pagmamahal kahit gaano kahirap. Dahil sa huli, kahit anong pagsubok, ang tunay na pag-ibig ang magtatagumpay.
Romance
10324 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Love's Desire

Love's Desire

Anastasia Celeste Montano — a secretive, manipulative, and ambitious wife of the number one business tycoon in the country — Frederick Maxwell Dominguez. Dahil sa kagustuhang umangat at makaahon sa kahirapan ay nagawang akitin ni Anastasia ang nag-iisang tagapagmana ng KeyStone Legacy Builder — isang kumpanya na siyang nangunguna sa bansa pagdating sa construction supplies. Ngunit lingid sa kaalaman ni Anastasia ay hindi lamang pala siya ang nagmamanipula sa mga nangyayari. Dahil sa kagustuhan ni Frederick na magustuhan ng ama at maipamana sa kanya nang tuluyan ang kumpanya ay pumayag siyang maikasal kay Anastasia kahit hindi niya naman talaga mahal ito, sa kadahilanang ang angkin nitong talino at galing sa lahat ng bagay ay lubos na makakatulong sa kanyang sariling pag-angat. Samantala, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob nina Frederick at Anastasia sa isa’t isa sa kabila ng lahat ng pagpapanggap at lihim na kanilang itinatago sa bawat isa. Ngunit walang kasinungalingan ang hindi nabubunyag. Nalaman ni Frederick at ng kanyang pamilya na si Anastasia ay hindi pala nagmula sa mayamang pamilya dahilan upang kamuhian siya ng mga ito dahil sa kanyang ginawang panloloko, lalo na ng ina ni Fred na isang matapobre. At hindi rin nakaligtas ang pagbunyag ng isang sikretong tuluyang nakasira sa kanila. Nalaman ni Anastasia na ang nakababatang kapatid ni Frederick ay anak pala nito sa unang kasintahan. Naging sanhi ito ng kanilang paghihiwalay. Ngunit dahil sa tagal nilang naging magkasama ay napalapit na pala ang loob ng ina ni Fred kay Anastasia kung kaya’t siya mismo ang nagpumilit na makipagbalikan ang kanyang anak sa asawa nito. Maaari pa kayang maibalik ang relasyong nasira? O tuluyan na itong mawawala?
Romance
1067 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Mark by Him: A Marriage Meant To Burn (Series #1)

Mark by Him: A Marriage Meant To Burn (Series #1)

Bago makuha ni Valeria Solano ang kayamanang iniwan ng kanyang pamilya, kailangan niyang magpakasal sa isang mayamang lalaki at magkaanak bilang kundisyon. Nang muling bumalik si Luciano Navarro — ang lalaking unang kumuha ng kanyang pagkabirhen. Nakita ni Valeria ang pagkakataong gamitin ito para sa kanyang mga plano. Desperada at handa siyang gawin ang lahat kaya pumayag siyang pumasok sa isang kasunduan para makuha ang mga yamang iniwan sa kanya. Ngunit may lihim si Luciano na magpapabago sa takbo ng buhay ni Valeria, at ang kalayaang inaasam niya ay maaaring maging kanyang pinakamalaking pagkakakulong.
Romance
288 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Bastarda Series-|√: Deal of Love

Bastarda Series-|√: Deal of Love

Siya si Chryll Araneta, 19 year old. Maganda, may balingkinitang katawan at morena ang kutis ng kanyang balat. Si Chyrll ay anak ni Police General. Wilson Araneta sa kanyang dating kasintahan, hindi niya alam na nabuntis niya ito noon bago sila maghiwalay at ipakasal siya sa anak ng kaibigan ng kanyang ina. Nalaman nalang niya na may anak siya dito ng madengue at nanganganib ang buhay ng bata na kailangan agad itong masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon. Simula noon ay kinuha nito ang bata sa kanyang dating kasintahan na hindi nagustuhan ng kanyang asawa. Bata pa lamang si Chyrll ay nakakaranas na ito ng kalupitan sa kanyang step-mother at sa kapatid nitong si Carlyn, ng tumuntong siya sa edad na dese-otso ay natuto siyang ipagtanggol ang kanyang sarili. Walang kaalam-alam si General Wilson sa nagaganap sa pagitan ng kanyang asawa at anak na panganay at sa bunso nito. Dahil sa kagustuhan ni Chyrll bumukod ng tirahan ay nagkaroon sila ng kasunduan ng kanyang ama, papayag lamang ito kapag kaya na niyang tumayo sa sarili niyang paa, kaya napag-isipan niyang magtayo ng negosyo at ito ang Chyselle Coffee Shop ng kaniyang kaibigan. Habang namamahala siya ng negosyo nila ng kanyang kaibigan ay pinagpatuloy parin nito ang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. At doon niya nakilala si Red Simon Marcos na isang negosyante ng mag hurado ito sa ginanap na ntramurals sa university. Unang kita pa lamang niya sa binata ay nagkagusto na siya dito. Lahat ng lakad nito ay inaalam niya ng palihim, hanggang sa nahuli siya at hindi ito nagustuhan ng binata. Atin pong alamin kung paano mapapaibig ni Chyrll o mapaibig nga ba niya ang isang Red Simon na mahilig maglaro ng damdamin ng isang babae. At sabay-sabay din po nating tuklasin ang kanilang mga tinatagong lihim.
Romance
104.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
My Ugly Husband is a Billionaire

My Ugly Husband is a Billionaire

Nagpakasal ako sa lalaking tinatawag na pangit at inutil ng aking pamilya, pero tagapagmana pala at isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas. *** Nakahandang ibenta ni Rosita ang sarili sa mababang halaga, mabayaran lang ang utang ng mga taong itinuring na niyang mga magulang. Pero inalok siya ng limang milyong piso ng matandang nakabili sa kaniya. Ang kapalit? Pakasalan niya ang anak-anakan nito. Kapalit ang malaking halaga ay pumayag si Rosita na pakasal sa estranghero. Ang hindi niya alam, ubod ng pangit ang lalaking kailangan niyang pakasalan. Wala siyang nagawa kundi pumayag sa kasal at ibigay ang sarili sa pangit na lalaki, pero hindi ang kaniyang puso. Sigurado siyang hinding-hindi niya mamahalin ang katulad ni Sixto na pangit na nga, utusan pa sa Villa Hernandez. Dumating sa buhay niya si Hanz Concepcion—guwapo, simpatico, haciendero at gusto siyang agawin mula sa pangit niyang asawa. Paano kung ang inaakala nilang patay na—magbabalik bilang pinakamayaman at isa sa pinakaguwapong lalaki sa bansa? Titibok na kaya ang puso ni Rosita para sa asawa? Paano kung may ibang babae na pala sa buhay nito? Nakahanda ba siyang ilaban ang pagiging asawa niya—lalo pa't may anak sila?
Romance
9.465.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
THE BILLIONAIRE'S SUBSTITUTE WIFE

THE BILLIONAIRE'S SUBSTITUTE WIFE

Nagising na lamang si Alex na nasa loob ng isang magarang kuwarto at nakasuot ng mamahaling wedding dress habang may hawak na sulat sa isa niyang kamay. Nakiusap sa kanya ang kakambal niyang si Alexa na ngayong lang niya nakilala na magpanggap siyang si Alexa at magpakasal kay Uriel Fontagio na isang milyonaryo kapalit ng pagpapagamot nito sa may sakit niyang ina. Wala siyang choice kundi ang pumayag sa nais ni Alexa kaya siya ang nagpakasal sa fiance nito. Ngunit paano pakikisamahan ng isang katulad niyang may pagka-clumsy at hindi sanay sa karangyaan ang kanyang asawang seryoso at may pagkamasungit pa?
Romance
1014.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
BOUGHT BY THE DEVIL BILLIONAIRE

BOUGHT BY THE DEVIL BILLIONAIRE

Isang gabi. Isang kasunduan. Isang halimaw na may mukha ng diyos. Desperada si Sierra Ramirez na mabayaran ang utang ng amang may sakit, kaya’t kahit labag sa loob, pumayag siyang ibenta ang sarili—sa halagang tinakda ng lalaking may pinaka-mabangis na reputasyon sa buong siyudad. Si Leonardo Dela Vega, kilala bilang “The Devil Billionaire,” ay hindi lang mayaman. Siya ang lalaking kinatatakutan at kinahuhumalingan ng lahat. Malamig. Mapanganib. At walang puso. “Isang gabi lang,” aniya. Pero hindi iyon ang naging kapalaran ni Sierra. Dahil matapos ang gabing iyon, isinara ni Leonardo ang lahat ng pinto ng kalayaan ni Sierra. Ginawa niya itong alipin ng kanyang kagustuhan—hindi lang sa katawan, kundi maging sa puso. Ngunit may mas malalim na dahilan ang pagkakabili niya sa dalaga. At kapag nalaman ni Sierra ang tunay na rason… ito ba'y magiging wakas ng kanyang pagkatao—o simula ng impyerno sa piling ng lalaking hindi niya kailanman kayang takasan?
Romance
720 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Bitter Sweet Lover (ATS2) TAGALOG COMPLETED

Bitter Sweet Lover (ATS2) TAGALOG COMPLETED

Kilalang walang sinasanto ang katulad ni Novice De Guzman. Pagdating man sa business world o usaping buhay. Hindi siya nangingiming kalabanin ang sino man hahadlang sa kaniyang mga plano. Kung kinakailangan niyang pumatay, magagawa niya. Sa kabila ng lahat ay mapapasunod siya ng taong higit na kinasusuklaman nito- ang sariling ama. Iminungkahi nitong magpakasal siya, pumayag si Novice kahit labag sa kaniyang loob. Natuklasan niyang kilala niya ang babaeng napipisil nito para sa kaniya. Walang iba, kun'di si Shaina Monuz, ang dating nobya ng binata! Ipapakita niya sa nagmamagaling na ama na maling-mali ito na ipakasal siya. Pakikisamahan ni Novice ang babae at sasaktan katulad ng dati... Pero namamalayan na lang niyang unti-unti siyang nahuhulog dito, kasabay ng pagkasira ng pagsasama nila, dahil na rin sa mga maling desisyon ng binata. Maisasalba pa ba niya ang pagsasama nila? O hahayaan niyang muling mawala ito sa kaniyang buhay...
Romance
9.519.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1617181920
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status