Bastarda Series-|√: Deal of Love
"Ano Daddy, hito na ako? Simulan mo ng sermunan ako at pagbawalan lumabas. Diyan ka naman diba magaling, ang ikulong ako palagi? Sabi ni Chyrll sa kanyang ama na puno ng hinanakit. Tiningnan pa nito ang kanyang madrasta na si Rochelle ng masama.
"Ganyan ba ang natutunan mo sa mga bago mong kaibigan na mga taga eskwater ha, Chyrll?" Tanong naman sa kanya ni Rochelle. Hindi narin ito nakatiis, at nakisali na ito sa pagtatalo ng dalawa.
"Sinabing tumigil na kayo!" Saway muli ni General. Wilson, pero binaliwala ulit nila ito.