Promesa Rota
Gusto ko mang basahin kung anong klaseng emosyon ang nakabadha sa mukha niya, ngunit hindi ko alam.
Ilang minuto pang magkahinang lang ang mga mata namin. Mukhang wala naman siyang balak magsalita. Tatalikod na sana ako ulit pero hinawakan niya ang balikat ko, dahilan upang muling tumingin sa kaniya ng nakataas ang isang kilay. Naghihintay ng salitang lalabas sa bibig niya.
"I vow to choose you, always you no matter what happens. Ikaw at ikaw lang ang pipiliin ko, tititigan ko, at paniniwalaan ko. Kahit na talikuran ka ng buong mundo, mananatili ako sa tabi mo."
Hot Chapters