Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
ONE NIGHTSTAND: HOT BILLIONAIRE

ONE NIGHTSTAND: HOT BILLIONAIRE

Synopsis Si Luigi Mondragon, isang multi-billionaire at matagumpay na negosyante, ay kilala sa pagiging mapaglaro sa pag-ibig at sa mga babae. Sa likod ng kanyang marangyang pamumuhay, maraming naiinggit at nagtatangkang pabagsakin siya dahil sa kanyang kasikatan at tagumpay sa iba't ibang bansa. Sa isang gabi ng kasiyahan na iniayos ng kaibigan niya sa isang sikat na bar, hindi inaasahan ni Luigi na magbabago ang takbo ng kanyang buhay. Doon niya nakilala si Leona Suarez, isang babaeng lasing at sugatan ang puso, nag-iisa habang naglalasing sa sakit ng pag-iwan sa kanya ng dating kasintahan—pinagpalit ito sa isang bakla. Kaya balis ito nasaktan dahil sa dina-daming pwede ipalit ay bakla pa. Habang umiiyak at sinisigaw ni Leona ang kanyang galit sa mga lalaki, hindi mapigilan ni Luigi ang mabighani sa kanyang tapang at pagiging totoo. Ngunit sa mundo ni Luigi na puno ng intriga, selos, at mga lihim, magagawa ba niyang makuha ang puso ng babaeng pilit iniiwasan ang pagmamahal? O magiging isa lamang si Leona sa mga nadamay sa mapanganib na laro ni Luigi? Isang kwentong puno ng pighati, galit, at pagmamahalan.
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Three Month Agreement

Three Month Agreement

“Tatlong buwan na kasunduan sa isang Aroganteng Bilyonaryo." Dalawang bagay lang ang mahalaga kay Zehra: ang kapatid niya at pera. Sa murang edad ay namulat na siya sa hirap ng buhay kaya naman wala siyang ibang ginawa kundi ang magtrabaho nang magtrabaho upang matugunan ang pang-araw-araw nilang pangangailangan. Ngunit isang dagok ang siyang susubok sa kaniyang katatagan—nagkaroon ng malubhang sakit ang kaniyang minamahal na kapatid. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa nang mga oras na iyon; wala siyang malapitan at wala rin siyang ideya kung saan kukuha ng malaking halaga. Sa gitna ng kaniyang pakikipagsapalaran, isang kilalang tao ang lumapit sa kaniya sa pinagtatrabahuhan niyang bar. Ito ay si Thauce Arzen Alessandro Cervelli. Isang bilyonaryong negosyante. In-offer-an siya nito ng limang milyon kapalit ng tatlong buwan. Kailangan niyang kuhanin ang atensyon at mapaibig ang pinsan nito na si Errol sapagkat ito ang napupusuan ng babaeng minamahal ni Thauce. Ngunit sa loob ng tatlong buwan na kasunduan, aayon kaya ang lahat sa plano? Mapapaibig nga kaya ni Zehra si Errol o sisingit ang mapaglarong tadhana at iba ang mahuhulog sa kaniya?
Romance
9.9214.7K viewsCompleted
Show Reviews (56)
Read
Add to library
Nnayram0722
I really love the thrill.. Some may think that it's a typical scenario from telenovela or movies but then again it has a different pang, mind shattering and heart shattering... Our author can make us so inlove with recent updates but then will shatter us into pieces on next... Well done Author
El-c Dok
Sobrang Ganda nitong Story ni Thauce at Zehra' yung kakaiba ang mga Name ng Main Character tas ang Ganda pa ng Kwento, nagscroll lang ako dito sa GN kasi may hinahanap akong Story tas na Caught yung Attention ko ng TITLE binasa ko yung Plot tas ayun nagtuloytuloy na pagread ko., Thank You po Ms. Pen
Read All Reviews
MY STEP BROTHER (TAGALOG)

MY STEP BROTHER (TAGALOG)

Black_rose🖋️
si eunice ay nag iisang anak ng kanyang magulang simula nung anim na taon ito na aksidente ang kanyang ama at nabawian ng buhay. habang nagdadalaga ito ay para bang lumalaki itong laging kasama ang kaibigan kesa sa kanyang ina dahil hindi niya matanggap na mag aasawa ulit ang kanyang ina. na tatakot ito na baka mawalan na ng oras ang kanyang ina sa kanya. kaya minsan hindi sila mag kasundo, hanggang sa nag asawa muli ang kanyang ina at napaka swerte nito dahil ito ay isang bilyonaryo at business man, pero kahit mayaman ang kanyang magiging step dad hindi parin siya masaya o hindi niya parin ito matanggap. at lalo na ng nakilala niya ang step brother niya na anak sa unang asawa ng kanyang step dad. kilala ito bilang isang perfect son dahil yun ang tawag ng kanyang ama. pero sa likod ng maamo nitong muka ay may nakatago itong ibang pagkatao na malalaman ni eunice at hindi niya inaasahan na mahuhulog ang loob niya dito.
Romance
1010.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Living With The Billionaire

Living With The Billionaire

Isang linggo bago ang kasal ni Sandra, nagdesisyon siyang sulitin ang pagiging dalaga kaya uminom siya sa isang bar. Sinabi niya sa fiancé na sunduin siya sa isang hotel room dahil sa epekto ng alak sa katawan niya. Ngunit dahil sa kalasingan, maling silid ang napasok ni Sandra. Isang lalaki ang nandoon sa kwarto at inakala niyang ito ang kanyang fiancé, dahilan upang ibigay niya ang katawan sa lalaki. Kinaumagahan, nagising si Sandra, gulat na gulat ito nang makitang hindi ang fiancé ang kanyang katabi. Mas lalo siyang nagulantang nang maaktohan siya ng fiancé sa loob ng silid na iyon, kasama ang ibang lalaki na tanging kumot lang ang nakatakip sa kapwa hubad na katawan.
Romance
1068.0K viewsCompleted
Read
Add to library
HEARTLESS MARRIAGE WITH THE COLD BILLIONAIRE

HEARTLESS MARRIAGE WITH THE COLD BILLIONAIRE

Sa limang taon nilang kasal, kailanman ay hindi naramdaman ni Aina na asawa siya ni Alexander Montero. Ang lalaking minsan niyang iniligtas, ang dahilan kung bakit siya ngayon ay pilay, ay nanatiling malamig at mailap, at bawat taon, parehong relo lang ang ibinibigay bilang regalo. Hanggang sa gabing narinig niya itong umuungol ng ibang pangalan. Si Juliana. Ang babaeng unang minahal ni Alex, at ang babaeng bumalik para bawiin ang lahat. Habang muling bumabalik si Julie sa buhay ni Alex, unti-unti namang napupuno ng sugat ang puso ni Aina. Pero ngayong may pagkakataon na siyang makaalis, pipiliin ba niyang manatili sa piling ng lalaking hindi siya kayang mahalin o tuluyan nang tapusin ang isang kasal na kailanman ay hindi naging kanya?
Romance
234 viewsOngoing
Read
Add to library
FIELDS OF PLEASURE

FIELDS OF PLEASURE

vivaciouswitch
Si Sabrina Villalon ay isang mapagmahal na probinsyana, na walang ibang hinangad kundi ang mabigyan ng masaganang pamumuhay ang kanyang pamilya. Nayanig ang tahimik at inosente niyang mundo simula nang dumating ang isang Roger Bernardino sa kanilang baryo. Si Roger Bernardino ay ang nobyo ng kaniyang pinakamamahal na ninang--si Marites. Kasabay nang pagdating nito ay ang pagkatuklas niya sa isang nakakawindang na sekreto na matagal nang inilihim sa kanila ng ninang Marites niya. Isang sekretong maaring ikasisira at makapagpabago sa pananaw niya sa buhay. Dahilan upang mabuo ang isang ipinagbabawal na pag-iibigan ng dalawang nilalang. Isang pagmamahalan na marami ang hadlang. Isang pagmamahalan na hahamakin ang lahat para makamit lang ang hustisya para magkaisa ang kanilang mga puso. Ano kaya ang nakakawindang na sekretong itinatago ng ninang niya? Ikakapahamak ba nilang dalawa ito? At papaano nila mapanindigan ang mapanghusgang mundo? o hahayaan nalang nilang mawawasak ng tuluyan ang kaniyang puso?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Wife's Comeback

The Wife's Comeback

Maayos ang paghihiwalay ng mag-asawang Theodore Agoncillo at Janissa, nagkaroon ng bagong kinakasama si Theodore dahil hiwalay na siya sa kaniyang asawa, nagkaniya-kaniya sila matapos ang hiwalayan at naging masaya naman sila sa pinili nilang landas. Ngunit isang pangyayari ang hindi nila inasahan matapos ang ilang taong paghihiwalay at ilang taon na hindi pagkikita, inimbitahan silang dalawa sa kasal ng kanilang kaibigan, pareho silang nabigla nang makita ang isa't isa dahil hindi nila iyon inasahan. At sa araw din na iyon ay nagkaroon ng isang pangyayari na hindi nila pwedeng takasan, natukso ulit sila sa isa't isa, hindi inasahan ng dating mag-asawa na magagawa nila ang mapusok na gabing iyon dahil kung kailan sila naghiwalay ay saka naman sila makabubuo ng anak...when they're not ready to become a parent, lalo na ngayon at may ibang babaeng kinakasama si Theodore, 'yon ay si Emie Castro. Paano haharapin ni Janessa ang pagiging kabit sa dati niyang asawa?
Romance
1.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Office Romance: Who's your Daddy?

Office Romance: Who's your Daddy?

Zenaida Cabrera, isang multimedia journalist mula isang kilalang news website sa bansa. Sa edad na dalawang pu't walo, hindi pa niya nararanasan magkaroon ng kasintahan dahil nakatuon lang ang kaniyang atensyon sa trabaho at pamilya. Sa takot na mapag-iwanan, sumubok siyang makipag-date ngunit palagi itong nauuwi sa wala dahil sa demanding na boss na walang ibang ginawa kung hindi ang subukin at pahirapan siya. Buong akala ni Zenaida ay hindi na niya mararanasan ang pagkakaroon ng sariling pamilya dahil sa mga responsibilidad na hawak niya, subalit isang araw, nalaman na lamang niya na siya'y nagdadalang tao na at kasamaang palad, hindi niya maalala at makilala kung sino ang ama ng bata sa sinapupunan niya.
Romance
108.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Unexpected to be Yours

Unexpected to be Yours

Dark Ash
Para kay Vien ang malas niya sa pag ibig,ang taong minahal niya sa loob ng mahabang panahon ay ikinasal sa pinsan niya.. Malungkot siya ng mga sandaling iyon,malungkot na tinanggap niya ang buong katutuhanan na kahit kailan hindi magiging sila ng lalaking mahal niya.. Pero may isang Dion na walang ibang ginawa kundi sirain ang araw niya..isang lalaking kina iinisan niya,bukod kasi sa playboy ito mukhang wala pa itong balak mag seryuso sa buhay.. Only to find out na may tinatago rin palang kabutihan ang binata,na hindi ito gaya ng iniisip niya..sometimes first impression will be the last one, that hatred turns into love. We can't choose kong sino ang mamahalin natin, sometimes our enemy or those person na we hated too much ay ang siya pang nagbibigay sa atin ng saya..we can't predict love or futures ahead us.
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Mundong Pagitan

Mundong Pagitan

Sa ika-limang taon ng pagsasama nina Gwyneth Payne at Asher Crowe, sinabi ni Asher ng tatlong beses na gusto niyang isama si Liana Quayle para mag-migrate. Ibinaba ni Gwyneth ang mga platong kakahanda lang niya at nagtanong kung bakit. Naging prangka siya sa kanya. “Hindi ko na ito gustong itago mula sa iyo. Nakatira si Liana sa katabing residential area natin. Siyam na taon niya akong kasama, at malaki ang utang ko sa kanya. Kailangan ko siyang isama kapag nag-migrate tayo.” Hindi umiyak si Gwyneth o gumawa ng gulo. Sa halip, bumili siya ng ticket para kay Liana sa flight nila. Iniisip ni Asher na sawakas nakakaintindi na siya. Sa araw na nilisan nila ang bansa, pinanood ni Gwyneth si Asher at Liana na sumakay sa flight. Pagkatapos, tumalikod siya at sumakay sa ibang eroplano na dadalhin siya pabalik sa tahanan ng mga magulang niya.
Short Story · Romance
1.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3637383940
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status