Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Lorenzo Montemayor"The CEO’s Twins & Young Beautiful Nanny"

Lorenzo Montemayor"The CEO’s Twins & Young Beautiful Nanny"

Mhiya Anne, 17 years old, is a hardworking high school student juggling studies and work in the public market just to survive. Wala na siyang pamilya — mag-isa na lang siya sa buhay. Pero isang gabi, sa hindi inaasahang pangyayari, nabuntis siya ng kaklase niya matapos ang isang gabing di niya maalala—isang gabing lasing siya at walang matandaan. Pinatira siya ng pamilya ng lalaking nakabuntis sa kanya. Sa una, mabait. Pero nang mailabas ang anak niya, nagsimula ang totoong hirap. Pinilit siyang magtrabaho muli dalawang buwan pa lang ang nakakalipas mula sa panganganak, para raw “makabawi.” Ang mas masakit, ang ama ng kanyang anak may iba na — at never siyang pinanindigan. Hanggang sa isang araw, tumanggap siya ng text na bumasag sa puso niya: *“Dinala na namin sa ospital ang anak mo. Mataas ang lagnat. Maghanda ka ng malaking pera. Hindi kami magbabayad pang hospital ng anak mo. Kulang pa ang binibigay mo kada linggo.”* Luhaan siyang tumakbo sa ospital kahit walang-wala. Pero huli na ang lahat. Hindi na niya inabutan ang anak niya nang buhay. Doon gumuho ang buong pagkatao niya. Ang nag-iisa niyang dahilan para mabuhay… nawala. At sa araw ding ‘yon, wala na rin siyang dahilan para lumaban — hanggang sa isang hindi inaasahang babae ang lumapit sa kanya. Si Lorainne Montemayor. At isang alok ang magbabago sa buhay niya **Lorenzo Montemayor**, 30 years old. Gwapo. Matalino. Mayaman. Kilala sa mundo ng negosyo. Pero sa likod ng tagumpay ay isang pusong sugatan — iniwan ng kanyang long-time childhood fiancée, na nag loko pa at hindi kayang panindigan ang kanilang anak. Ayaw ng babae sa responsibilidad, iniwan ang lahat kay Lorenzo. Dalawang magkaibang mundo. Dalawang magkaibang sugat. Pero iisang dahilan kung bakit sila natutong lumaban — **ang kanilang anak.**
Romance
783 viewsOngoing
Read
Add to library
The Secret of His Obsession (POSSESSIVE BOYS SERIES 2)

The Secret of His Obsession (POSSESSIVE BOYS SERIES 2)

Si Azriel Dela Vega, isang bilyonaryo sa edad na 35, ay nakatuon sa pagpapayaman at pagpapalago ng kanyang kompanya. Tatlong taon na ang nakalipas mula nang pumasok siya sa isang contract marriage kay Zephyrine Rivera, isang maganda at sopistikadang babae na naghahangad din ng kapangyarihan sa negosyo. Sa kabila ng kanilang contract marriage, mayroon si Zephyrine na lihim na itinatago. Siya ay may Multiple Personality Disorder, isang sakit sa pag-iisip kung saan siya ay may alter personality na nagngangalang Zaraeah. Dalawang pagkatao sa iisang katawan na magkaibang magkaiba ng ugali at paraan ng pamumuhay. Ngunit sa likod ng kanilang kasunduang kasal, si Zephyrine ay may pagtingin sa kanyang kababata at Psychiatrist na si Aiden at batid ito ni Azriel subalit wala syang pakialam dahil wala naman syang nararamdaman sa kanyang asawa. Malapit na ring matapos ang kanilang kontrata sa kasal, ngunit isang pangyayari ang magbabago ng lahat. Makikilala ni Azriel si Zaraeah. Maaakit siya sa kanyang maamong mga mata at ang mga ngiting kahalihalina. Ibang-iba siya kay Zephyrine, na dominante at ambisyosa. Upang maitago ang kanyang sakit, nagpanggap si Zaraeah na kambal ni Zephyrine. Dahil dito, naging malapit sila ni Azriel, at sa kauna-unahang pagkakataon, nahulog ang loob ni Azriel kay Zaraeah. Ang pag-ibig na ito ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng ganito, at nag-obses siya sa babaeng kanyang minamahal. Ngunit ano ang mangyayari kapag nalaman ni Azriel ang katotohanan tungkol sa sakit ni Zephyrine? Paano kung malaman niyang isang imahinasyon lamang ang babaeng minamahal niya? Ano ang mangyayari sa kanilang relasyon kung malaman niya na dalawang magkaibang puso ang tumitibok sa iisang katawan? Ano ang kayang gawin ni Azriel para sa babaeng kanyang pinakamamahal at kanyang obsesyon?
Romance
105.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Dirty Rich Billionaire

Dirty Rich Billionaire

Tinakbuhan ni Cassandra ang sariling kasal para makatakas sa arranged marriage na ginawa ng kaniyang ama. Sa kaniyang pagtakas, makikilala niya si Rico Varela na nakatira sa teritoryo ng mga low class. Dahil anak siya ng isang tycoon, kinailangan niyang magpanggap na isang ordinaryong babae. "Ako si Sandy at hindi isang diyamanteng kumikinang." Sinakyan naman ito ni Rico at naniwala sa kasinungalingan niya. "Mukha ngang mababa ang estado mo sa buhay. Wala kang matinong tsinelas." Bubuweltahan niya sana ang binata ngunit naalala niyang nagpapanggap nga pala siyang mahirap. Kahit inis na inis na siya ay kailangan niyang magtiis. Lalo na't kinamumuhian ng binata ang mga katulad niyang lumaki na may ginto sa higaan.
Romance
180 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Backup Plan

The Billionaire's Backup Plan

Akala ni Elize ay wala nang mas malala pa pagkatapos siyang mawalan ng trabaho at pagtaksilan ng kaniyang nobyo. Pero ang magulo niyang buhay ay lalong nagulo nang pagkamalan siyang ibang tao. Lumayo siya, umiwas, at nagtago. Pero hindi niya inaasahan na ang magiging boss niya ay ang taong baliw na baliw sa isang babae na halos kamukha niya. Ang pinakamalala pa roon ay inalok siya nito na magpanggap bilang si Aelice, ang babaeng puno't dulo ng sitwasyon niya ngayon. Sa pagpanggap niya bilang si Aelice, makakaya kaya niyang pigilan ang damdamin at huwag mahulog sa lalaking iba ang gusto? Pero paano niya lalabanan ang bugso ng damdamin kung sa bawat sulok ng silid ay naroon ang tukso?
Romance
10309 viewsOngoing
Read
Add to library
ROSE BEHIND THOSE LETTERS

ROSE BEHIND THOSE LETTERS

Si Rosanne Oliveros ay isang anonymous writer sa isang writing platform. Ikinagulat na lamang niya isang araw nang may magkagusto sa kaniyang anonymous writing persona. At mapaglaro nga naman ang tadhana dahil ang taong may gusto sa kaniya ay nagugustuhan ng kaniyang kapatid. Dahil doon ay gumawa ng plano ang kapatid niya at nagkunwaring siya; ginamit ng kapatid niya ang kaniyang anonymous writing persona para mapansin ng lalaki. Niloko nilang dalawa ang lalaking inosente. Hindi man agree sa bagay na iyon ay wala nang nagawa pa si Rosanne dahil naipit siya sa mga utang na loob sa kapatid. Ano ang gagawin niya? Paninindigan na lang ba niya at kukunsintihin ang panloloko ng kapatid? Subaybayan ang kuwento ni Rosanne Oliveros tungo sa pagpapakatotoo.
Romance
2.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Maid For Me

Maid For Me

Misty22
Sa sobrang kalasingan ni Drei ay hindi sinasadyang may nangyari sa kanila ng kanyang katulong sa bahay ngunit hindi malalaman ni Drei na ang katulong nya ang kanyang nakasiping dahil pag gising niya ay wala na siyang katabi at hindi niya maalala ang mukha ng dalaga na kanyang nakasama. Gusto niyang panagutan ang nangyari sa kanila dahil bukod sa birhen ang babae ay maari pang mabuntis ito dahil isa lang ang sigurado niya , hindi siya gumamit ng proteksyon ng gabing iyon. Paano maitatago ni Lianna ang kanyang pagbubuntis na bunga ng isang gabing pagkakamali kung ang pinagtataguan nya ng kanyang lihim ay kasama lang nya sa iisang bubong ang amo niyang si Alexandrei Zanders.
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Florist In Dangwa

The Florist In Dangwa

MissJAM
Bata pa lang ay namulat na si Alie sa kahirapan ng buhay. Naiwan sa pangangalaga niya ang kapatid na may kapansanan dahil maagang nawala ang Tatay niya at iniwan naman sila ng Nanay niya para sumama sa mayamang lalaki. Hindi niya gustong lahatin pero ang tingin ng mga mayayaman lahat ay naaareglo ng pera. Kaya naman ng magdalaga at magka-isip ay galit na siya sa mga nakakaangat sa buhay at wala siyang balak makipagmabutihan sa mga ito. Pero dumating si Erwann Vallejo para ipamukha sa kanya na hindi lahat ng mayaman ay ganoon. Tanggap nito kung ano siya at ganoon rin ang kapatid niya. He has everything and he's willing to give it to her. But one unfortunate event will ruin her life and what they have.
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
SOLD For Him (Tagalog)

SOLD For Him (Tagalog)

"I'll give you a choice, Kara! Be mine, or you will die? Kara, choose wisely."- Brandon Acosta Nagiging mabait si Brandon, kapag lumalabas ang alter ego niya na si Grand. He was diagnosed with DID or split personality. Simple lang ang buhay na mayroon si Kara, pero ang tahimik niyang buhay ay nagulo nang ginawa siyang pambayad utang nang kinilala niyang ama sa isang notorious na syndicate group. Sa takot na masaktan ang pamilya niya ay pumayag siya. Takot siya sa lider ng grupo dahil wala itong awa at kung tumitig ay parang gusto siya nitong patayin. Paano kung matuklasan niya ang iniingatan nitong sekreto? She was given a choice, isang choice na pwedeng makapagpabago ng kanyang buhay. Ano ang pipiliin niya? Ang makasama ito o ang mamatay.
Romance
1036.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Savage Billionaire Series 1:Lorenzo Olivar

Savage Billionaire Series 1:Lorenzo Olivar

Lorenzo hates the likes of Tamara--- a user and a gold-digger. Para sa kanya ay wala itong pinagkaiba sa dati niyang kasintahan na si Charmaine. He was even disgusted with the idea that Tamara was having an affair with a married man just to get money. He doesn't like her. . . he was so sure of that. But how come he lust over her? How can he explain the urge of wanting to take her? Paano niya nga ba tatanggapin na unti-unti ay nagkaroon na ng puwang sa buhay niya ang katulad nito? Ang gusto lang naman niya ay ang maturuan ito ng leksyon dahil sa paghuthot na ginagawa sa mga may-edad nang lalaki. He'll teach her a lesson that she'll never forget in this lifetime--- a lesson that he'll give her in his own way. . . in a savage way!
Romance
1017.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Damn You! I'm A Girl! [Completed]

Damn You! I'm A Girl! [Completed]

The only rose among the thorns ang peg ni Eclair Lockwood-- Limang magkakaibigan ngunit nag-iisang babae. Madalas na tuksuin at husgahan ng nakararami dahil sa kilos at kanyang pananamit. Alam ni Eclair na wala siyang kontrol sa iniisip ng iba pero hindi iyon ang kumukuha sa atensiyon niya... ...Eclair made a vow with her four best friends that they won't ever fall in love with her and they will stay as COMPANIONS. However, this oath is meant to be broken by Kyle-- who confessed his feelings towards her that made everything changed.  Dumagdag lang iyon nang malaman niyang may lihim ding hindi mailabas-labas si Vince, Arvin, at Richard.  How will she choose a guy if she doesn't want to open her heart to anyone else? Does she have to choose? Who will she choose? Paano na ang kasunduan nila?
Romance
107.4K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3738394041
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status