Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
One Hot Night with the CEO

One Hot Night with the CEO

Isang gabing hindi dapat nangyari ang naging simula ng lahat. Sa gitna ng kalituhan at isang insidenteng kinasangkutan ng droga, napadpad ang isang simpleng babae sa bisig ng pinakabatang CEO sa bansa—si Sebastian Cross. Isang gabi ng lambing at pagkakamaling hindi nila lubos na naunawaan, at kinaumagahan, naglaho siya na parang panaginip. Nang matuklasan niyang buntis siya, pinili niyang tumakas kaysa harapin ang isang mundong siguradong dudurog sa kanya. Iniwan niya ang lungsod, ang nakaraan, at ang lalaking hindi niya akalaing magiging ama ng kanyang anak. Sa isang tahimik na probinsya, isinilang ang kanyang anak at doon niya piniling buuin ang buhay nilang dalawa—mag-isa, tahimik, ngunit puno ng pagmamahal. Samantala, si Sebastian ay nilalamon ng konsensya at mga tanong na hindi niya masagot. Sa kabila ng tagumpay at kapangyarihan, may bahagi ng kanyang buhay na patuloy na kulang—ang babaeng nawala at ang posibleng anak na hindi niya kailanman nakilala. Muling magtatagpo ang kanilang landas sa isang pagkakataong hindi inaasahan. Habang unti-unting nabubunyag ang katotohanan, kakayanin ba ng pagmamahal ang bigat ng mga sugat, lihim, at takot? O huli na ang lahat para sa isang pamilyang isinilang mula sa isang gabing dapat sana’y nakalimutan?
Romance
1073 viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Ganti ni Amarra Villasanta

Ang Ganti ni Amarra Villasanta

Sa likod ng karangyaan ng Hacienda Avaristo, may mga lihim na itinago — mga sigaw ng kababaihang inapi, mga pag-ibig na pinagkait, at mga kasalanang sinilaban ng panahon. Isang dalagang kasambahay, isang panginoong marahas, at isang pag-ibig na ipinagbawal— mula sa abo ng kahapon ay babangon ang isang babaeng gagamitin ang bawat sugat bilang kanyang sandata. Ito ang kuwento ni Amarra Villasanta, ang babaeng minsang inalipin, ginahasa, itinapon, ngunit muling bumangon upang ibalik ang hustisya sa lupaing minsang kinasusuklaman niya. Isang epikong kasaysayan ng pagdurusa, paghihiganti, at kapatawaran, kung saan matutuklasan na ang tunay na “lihim” ng Hacienda ay hindi ang kasalanan ng nakaraan— kundi ang kapangyarihan ng isang pusong marunong magmahal kahit sa gitna ng impyerno.
Romance
10173 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Prince

The Billionaire's Prince

Hindi magkamayaw ang mga tao sa mall na iyon. Si Andrea Buenaventura, isang model turned actress ay may mall show doon para sa isang upcoming serye. Lahat ay gustong makita ang dalaga, makamayan at mapicturan. Matapos ang mall show ay dumalo naman sila sa isang thanksgiving party sa isang five star hotel dito sa Puerto Princesa. Nababagot man ay napilitang sumunod si Andrea sa utos ng manager. At sa gitna ng mga kumikislap na camera ay nahagip niya ang isang pamilyar na mukha. Anthony Falcon. Ang lalaking bigla na lang nawalang parang bula eight years ago. Malayo na ang itsura nito ngayon. He is now a bachelor. A business magnate. And a billionaire's prince.At higit sa lahat, ang kaisa isang lalaking inibig niya.
Romance
9.465.7K viewsOngoing
Read
Add to library
A Night with Mr. Billionaire

A Night with Mr. Billionaire

Si Amethysts Quizon, isang dalaga na lumaki sa karangyaan, dahil sa di inaasahan pangyayari biglang nawalan ng lahat dahil sa isang trahedyang yumanig sa kanyang buhay. Sa desperasyon ng kanyang tiyuhin, binalak siyang ibenta, ngunit sa huling sandali nakatakas siya sa isang madilim na kapalaran. Sa kanyang pagtakas, nakilala niya si Zack Delgado, isang misteryosong billionaire na hindi lamang tumulong sa kanya kundi nagbigay din ng panibagong direksyon sa kanyang buhay. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nauwi sila sa isang gabi ng pagnanasa. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, may isang tanong na bumabalot sa isipan ni Amethysts. Ano nga ba ang tunay na intensyon ni Zack? Dahan-dahang paghulog ng kanyang loob, ano ang magiging kapalit ng kanyang puso?
Romance
1036.0K viewsCompleted
Read
Add to library
His Brother's Bride

His Brother's Bride

Isang kasal na hindi niya pinili. Isang lalaking hindi niya inakalang babalik sa buhay niya. At isang lihim na babago sa lahat… *** Si Cassandra Dela Vega ay lumaki sa mundong puno ng kasunduan at obligasyon. Para sa kanya, ang pag-ibig ay hindi isang priyoridad—hanggang sa dumating si Sebastian Alcantara, ang lalaking minahal niya noon, ngunit bigla na lang nawala, iniwan siyang wasak at maraming mga tanong na hindi kailanman nasagot. Tatlong taon matapos ang masakit nilang paghihiwalay, muling nagkrus ang kanilang landas sa pinakamatinding paraan—sa altar. Sa halip na si Daniel Alcantara, ang groom na itinakda para sa kanya, napilitang pumalit si Sebastian, ang lalaking matagal niyang sinubukang kalimutan. Ngunit sa likod ng malamig na kasunduang ito, may mga lihim na pilit itinatago. Paano kung sa kabila ng lahat, ang pusong sinaktan noon ay muling magmakaawang mahalin? Sa isang relasyong puno ng sakit, pagsisisi, at matinding atraksiyon, matutuklasan ni Cassandra na minsan, ang pag-ibig ay hindi lang isang pangako—ito ay isang labanan. Sa labanang ito, sino ang unang bibitaw? O may pag-asa pa ba silang ipaglaban ang isang pag-ibig na minsang nawala?
Romance
104.6K viewsCompleted
Read
Add to library
My Crush, My Groom (Tagalog)

My Crush, My Groom (Tagalog)

Penelope Samiento ang isang babaeng hindi man gano'n ka talino at kagandahan ngunit siya naman ay puno ng saya, nangangarap ng isang lalaking kinahuhumalingan niya si Darrel Lim, isang vocalista ng banda sa school nila. Suplado pero gwapo at higit sa lahat matalino. Paano kaya kung pagbuklodin sila ng tadhana at itinakdang ikasal para sa isang kasunduan? Magiging masaya kaya sila sa kabila ng pagiging magka-iba?
9.856.2K viewsCompleted
Read
Add to library
LeighTria

LeighTria

Heyxelnut
Everleigh Chantria, isang babae na may dalawang pangalan dahil dalawa rin ang katangian. Si leigh ay kilala bilang simple at mabait na estudyante, samantalang si Tria ay isang secret serial killer. Nakadepende ang kanyang mission sa iuutos ni Madam Eve. Mahal na mahal nya ang kanyang pamilya, dahil sa kagustuhan na gumaling ang kanyang ina ay pumasok sya sa isang kasunduan na labis nyang pinagsisihan. Ipapadala sya sa isang lugar kung saan makikilala ang lalaking target nya. Papaanong ang isang simple at mabait na dalaga ay magkakaroon ng mission sa pagpatay? May iibig pa kaya sa kanya?
Mystery/Thriller
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
A Kiss of a Lifetime

A Kiss of a Lifetime

GELIN
Si Ivan Kim, isang mayaman at bilyonaryong CEO na nagmamay-ari ng hindi mabilang na hotel sa iba’t ibang bansa ay isa ding binata na hindi naniniwala sa pag-ibig at higit sa lahat.. sa KASAL. Si Ciela Luna Young, isang digital marketing assistant, breadwinner ng isang broken family. Isang dalagang pilit na nagsusumikap sa buhay upang patunayan ang kanyang sarili na karapat-dapat siyang pakasalan ng kanyang mayaman, perfectionist, soon to be lawyer at fiancè na si Jackson Chua. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang mag-uugnay sa kanilang dalawa. Ang cold hearted na CEO at hindi naniniwala sa pag-ibig at kasal ay aksidenteng maikakasal kay Ciela Luna isang gabi matapos silang pumunta sa wedding party ng kanilang mutual friend. Isang halik na magpapabago ng kanilang kapalaran. Ano ang mangyayari sa kanilang dalawa? Paninindigan kaya ni Ivan Kim si Ciela Luna? Matutuloy kaya ang kasal ni Ciela sa kanyang fiancè matapos ang nakagugulantang na balita? Abangan.
Urban
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
She's Back

She's Back

Isang di inaasahang insidente ang tumapos sa kanyang buhay. Dahilan ng panghihinayang niya sa isang bagay na di niya nagawa. At isang sinserong pagdarasal ang naging dahilan ng kanyang pagbabalik sa lupa. Sa kabila ng pagmamanipula ng isang Fallen sa kanyang muling pagbabalik, magawa niya kayang gawin ang bagay na di niya nagawa at mahanap ang naging dahilan ng kanyang pagbabalik? O tuluyan siyang mahulog sa kamay ng Fallen?
YA/TEEN
103.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Falling For The Billionaire

Falling For The Billionaire

“A marriage of convenience… turned into a love worth fighting for.” Isang kasal na hindi pinili, kundi ipinilit ng kapalaran. Para kay Vernice, ang kasal ay isang bagay na dapat nagmumula sa pagmamahal at hindi sa kasunduan. Ngunit biglang nagbago ang lahat nang mapilitan siyang pumayag sa isang arranged marriage—at ang lalaking nakatakda niyang pakasalan ay walang iba kundi si Caius, isang makapangyarihang negosyante na kilala sa kanyang malamig na ugali at walang interes sa pag-ibig. Sa simula, parang isang bangungot ang pagsasama nila. Ang buhay ng isang simpleng babae ay biglang naipit sa mundo ng karangyaan, intriga, at matinding pressure na dala ng pagiging asawa ng isang kilalang billionaire. Sa kanilang pagsasama, tila dalawang magkaibang mundo ang pinilit na pinagtatagpo—isang pusong naghahanap ng pagmamahal at isang pusong sanay nang magtago sa likod ng yaman at kapangyarihan. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, may mga simpleng bagay na unti-unting nagbabago. Ang mga tingin na dati ay malamig, naging mainit. Ang mga usapan na dati ay pormal at walang saysay, nagiging puno ng lambing at tawa. At ang kasal na dati’y walang emosyon, nagiging isang tahanan ng pag-ibig na hindi nila inasahan. Subalit hindi mawawala ang mga pagsubok—mga taong tututol, intriga ng lipunan, at takot na baka ang lahat ng ito ay pansamantala lamang. Ngunit sa kabila ng lahat, matutuklasan nilang hindi ang kasunduan ang magtatali sa kanila, kundi ang pusong natutong magmahal ng totoo. Isang kwento ng dalawang taong hindi pinili ang isa’t isa, pero pinili ng tadhana. Sa huli, mapapatunayan nilang minsan, ang pagmamahal ay dumarating sa pinaka–hindi inaasahang paraan.
Romance
10295 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2728293031
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status