Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
The  Billionaire Surrogate's Secret: A Love Betrayed

The Billionaire Surrogate's Secret: A Love Betrayed

Si Cassandra "Cassie" Saavedra, isang dalagang puno ng pag-asa para sa kanyang kinabukasan, ay nagiba ang mundo nang marinig niya ang isang nakakasakit na sikreto tungkol sa kanyang kasal. Habang naghihintay para sa kanyang prenatal checkup, hindi sinasadyang nakasaksi siya sa isang pag-uusap sa pagitan ng kanyang asawang si Tristan Troy Olivares at ng kanyang kapatid na si Chloe Ava Saavedra, na magbabago sa kanyang buhay magpakailanman. Ang kanyang asawa, na kanyang akala ay malamig at walang amor, ay naging malalim na kasangkot sa kanyang kapatid sa isang lihim na plano na kinasasangkutan ng kanilang hindi pa isinisilang na anak. Nalaman ni Cassie na siya ay isang surrogate lamang, nagdadala ng isang bata na naisip nina Troy at Chloe. Niloko at nasaktan, napilitang harapin ni Cassie ang isang masakit na katotohanan. Habang nakikipaglaban siya sa mga komplikasyon ng pag-ibig, pamilya, at panloloko, kailangan niyang pumili sa pagitan ng kanyang sariling kaligayahan at ang kabutihan ng anak ng kanyang kapatid. Ang kwento ay tumatalakay sa pangloloko, sakripisyo, at ang mga hangganan ng pag-ibig habang sinusubok ni Cassie ang kanyang mga paniniwala sa harap ng isang malaking pagsisinungaling. Habang si Cassie ay nagpupumilit na bumangon mula sa mga labi ng kanyang dating buhay, kailangan niyang pumili sa pagitan ng paghihiganti at pagpapatawad.
Romance
101.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Vengeance of the Heiress

Vengeance of the Heiress

Pinagkatiwalaan. Minahal. Pero tinraydor. Gumuho ang mundo ni Dari nang mahuli niyang magkasama sa kama ang kanyang asawa at kakambal. Sa sakit at galit, tumakas siya sa gabing puno ng dalamhati—at natagpuan ang sarili sa bisig ng isang estranghero. Si David Kranleigh, isang bilyonaryong CEO. Isang gabing dapat ay malimutan. Pero hindi iyon basta nawala. Sa pagtatangkang magsimulang muli, isang trahedya ang tuluyang sumira sa kanya—isang aksidenteng nagdulot ng kanyang pagkabulag. Wala nang saysay ang lahat. Hanggang sa muntik na siyang sumuko… at isang pamilyar na tinig ang pumigil sa kanya. Si David. Hindi siya nito nakalimutan. At sa pagkakataong ito, hindi na siya nito hahayaang mawala. Upang iligtas siya mula sa mga traydor, pineke ni David ang kanyang pagkamatay at dinala siya sa Australia para magpagamot. Limang taon ang lumipas. Ngayon, hindi na siya ang dating Dari Wilson. Bumalik siya sa mismong anibersaryo ng kanyang pekeng pagkamatay—hindi bilang biktima, kundi bilang isang babaeng uhaw sa hustisya. Sisirain niya ang mga taong sumira sa kanya. Babawiin niya ang lahat ng ninakaw sa kanya. Ngunit isang sagabal ang hindi niya inaasahan—si David. Ang lalaking hindi sumuko sa kanya. Ang lalaking handang ipaglaban siya. Pero kaya ba niyang pigilan ang galit ni Dari? Sa laban ng pag-ibig at paghihiganti, sino ang mananalo?
Romance
10926 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Lahid

Lahid

Rick Resonable
Ang nobelang ito ay pagbalik-tanaw sa taong 1884 kung saan ang Pilipinas ay nasa pamumuno pa ng kahariang Espanya. Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang Italyano-Pilipinong mestisa na gustong ibaon sa limot ang pagiging isang bampira at ninais mamuhay ulit ng karaniwan bilang isang tao. Mula sa mga magagandang kuwento ng kanyang yumaong ina, naisipan ni Carmela Salvanza na manirhan at simulan uli ang ibig na pangkaraniwang pamumuhay sa isang bansang tinawag na Felipinas (dating pangalan ng Pilipinas noon), sa bayang ipinangalang Santa Lucia kung saan ang siyang lupang tinubuan ng kanyang ina. Lingid sa kaalaman na siya ay isang bampira, tinanggap siya ng kanyang nag iisang tiyuhin na si Don Graciano Agoncillo kung saan naman nakilala niya at naranasan ang mainit na pagtanggap nang masaya at karaniwang pamilya nito. Nakilala din ni Carmela ang isang Kastila-Pilipinong mestiso na si Eduardo Ramirez na siyang naging kanyang irog at pinakatatanging minamahal. Ngunit sa buong akala ni Carmela ay nalalasap na niya ang inaasam-asam na pamumuhay bilang tao ulit dahil sa nararanasang init ng pagtanggap ng isang pamilya at sa masaya't puno ng pagmamahal na pag-ibig , siya ay madadala sa isang malagim at nakatagong lihim ng Santa Lucia, ang mga sekreto ng mga sumpa at dugo na itinago ng maraming nagdaang taon.
Fantasy
108.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Lust Night With The Billionaire CEO

Lust Night With The Billionaire CEO

Hindi inaasahan ni Jessica Dela Cruz na ang isang gabing iyon ay magdadala ng malaking pagbabago sa kanyang buhay. Napilitan siyang makipagtalik sa isang misteryosong lalaki sa isang sasakyan at humingi ng bayad pagkatapos. Akala niya’y tapos na ang lahat sa gabing iyon, ngunit dalawang buwan ang lumipas, natuklasan niyang ang lalaking iyon ay walang iba kundi ang kanyang boss—isang maginoo at respetadong presidente ng kumpanya! At mas malala, nabungaang gabing iyon. Ngayon, sa pagitan ng kanilang lihim, maliliit na lambing sa araw-araw, at ang hindi mapigilang pagtukso, magagawa ba nilang harapin ang damdaming pilit na nabubuo?
Romance
107.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Love in the Shadows of Unexpected Marriage

Love in the Shadows of Unexpected Marriage

Celine never thought her life would change overnight. Isang simpleng saleslady na kumakayod araw-araw para mabuhay, hanggang sa isang gabing malasing siya at magising na may iniwang marka, at isang misteryosong numero. Akala niya, tulad ng iba, lilipas lang iyon… pero hindi pala. When she finds herself pregnant and cornered by her own family, destiny pushes her to dial that number. Sa hindi inaasahang pagkakataon, bumalik sa kanyang buhay si Adrian Castillo, isang lalaking mayaman, makisig, ngunit malamig at misteryoso. Sa harap ng mayor mismo, napilitan silang magpakasal. Will their unexpected marriage bloom into love, or will it remain just a shadow of an arrangement?
Romance
10290 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Brave heart's desire (Filipino)

My Brave heart's desire (Filipino)

rosellemarie0530
Does her Brave heart's willing to endure the pain and hurt for the desire or for the agreement? Naranasan na ni Feona na mabigo at sobrang masaktan sa kanyang pagmamahal sa boyfriend na MVP celebrity basketball player na si James Alvaro. Dala ng kanyang mga dinaramdam napaaga siya ng R and R bilang isang babaeng opisyal ng sandatahan ng Pilipinas. Sa pinagdadaanang kalungkutan at betrayal nagawa niyang aliwin ang sarili sa bar ng isang kilalang hotel, nalasing at nakakilala siya ng isang estrangherong lalaki na ubod ng kisig at gwapo sa bar ng isang sikat na hotel na iyon. Sa nadaramang heartbreak ay nakalimot si Feona sa kalasingan. Ngunit nagulantang siya isang umaga nang magising sa isang di pamilyar na silid at nasa bisig ng lalaking kakakilala niya pa lamang. Hindi akalain ni Feona na muling magkukrus ang landas nila ng estrangherong lalaki. Paano kung may kanya kanya silang advantages at kondisyon para sa isa't isa nang dahil sa naganap sa pagitan nilang dalawa?
Romance
101.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Accidental Billionaire Boyfriend

My Accidental Billionaire Boyfriend

“Isang fake na relasyon. Isang tunay na kilig. Paano kung ang puso ang unang bumigay?” Hindi inakala ni Luna Reyes na ang simpleng pagtatrabaho sa isang coffee shop ay mauuwi sa viral na love story—at hindi rin niya inakalang billionaire pala ang tinapunan niya ng kape. Enter Ethan Villareal—isang mysterious, drop-dead gorgeous CEO na may sariling tech empire. Sa isang maling akala at trending video, napagkamalan silang magkasintahan ng publiko. Imbes na itama ang lahat, may alok si Ethan: pumayag na lang sa fake relationship kapalit ng tulong sa pangarap ni Luna—ang sarili niyang café. Walang commitment, walang feelings. Acting lang. Pero habang tumatagal ang palabas nila, parang hindi na scripted ang mga ngiti, hawak-kamay, at titig. At kung dati, kunwari lang ang kilig… ngayon, parang totoo na. Sa isang mundo kung saan lahat ay pwedeng pekein, paano kung ang puso nila ang maging totoo?
Romance
10959 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Master Is A Monster (Tagalog)

My Master Is A Monster (Tagalog)

Planet Wayne, isang planeta kung saan itinuturing na Diyos ang mga bampira at tila hayop naman ang mga tao na ginagawang alipin. Bilang isang alipin, isa itong walang katarungang mundo para kay Lana. Mahahanap pa kaya niya ang kaligayahan at kalayaan na pinakaaasam niya lalo pa at isang masamang prinsepe na kilala sa pagpatay ng mga alipin ang nakabili sa kanya?
Mystery/Thriller
9.937.6K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Collector's Darling (Brutal Order Series 2-Taglish)

The Collector's Darling (Brutal Order Series 2-Taglish)

Si Lishana Lizvaha ay isang masayahin at chubby na babae na mahilig gumuhit ng makukulay na librong pambata. Isang araw, sapilitan siyang dinala ng kanyang mga kaibigan sa isang marangyang club. Ngunit imbes na sumayaw, nahulog ang atensyon ni Lishana o Lisha sa isang crossword puzzle sa dyaryo na nakita lamang niya sa isang sulok, na hindi naman sa kanya at hindi niya dapat kunin, hawakan o pakialamanan. Ang maliit na desisyong iyon ang naging daan para makilala niya si Trego, a gravely handsome mafia and classic toy collector. At first, everything went smoothly. The man was charming, despite his intimidating aura. But Lishana should’ve listened to her instincts that night. Because a few days later, Lishana Lizvaha vanished like smoke from a blazing fire; 'kidnapped' by the irresistible stranger named, Trego Gregory Braganza.
Mafia
237 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Billionaire One Night Stand with the Saleslady

Billionaire One Night Stand with the Saleslady

Si Jela ay isang simpleng saleslady na nagtatrabaho sa isang high-end na department store. Sanay na siya sa simpleng buhay, tahimik, iwas sa gulo at paulit-ulit na routine sa buhay—trabaho, bahay, ulit. Iwas siya sa mga katrabaho upang maiwasan ang mga intriga sa kanyang buhay. Gusto niyang panatilihing lihim ang kanyang buhay, lalo na pagkatapos ng isang gabing pagkakamali at nagbunga ang kapusakang iyon. Si Jupiter ay kilala sa kanyang malupit na taktika sa negosyo, ngunit kulang ang kanyang personal na buhay. Pagkatapos ng nakaka-stress na meeting sa kumpanya, naisipan niyang pumunta sa luxury bar. He spends a passionate night kasama ang isang kaakit-akit na babae. Sa isang gabi ng kapusakan, walang pangalan, walang contact details ang mayroon sila sa isa't isa. He can't shake the memory of their night together. Bigla kasi siyang na-attach sa babae mula sa 'di malilimutang gabi. Pursigido siyang hanapin ang misteryosong babae na humatak sa kanyang puso. Habang iniimbestigahan niya kung sino ang babaeng iyon, hindi niya akalaing nasa paligid lang pala ito. Na-recognize niya ang isang pabango na katulad sa pabango ng naka-one night stand niya. Pabango ng isang saleslady na nagtatrabaho sa pagmamay-ari nilang department store. Habang lumalalim ang koneksyon nila, lalo pang lumalaki ang mga sikreto, mga intriga, at mga hadlang sa kanilang dalawa, lalo na ang malaking agwat sa estado ng buhay nila. Ngayon, kaya ba nilang panindigan ang isang pagmamahalan na nagsimula sa isang gabing pagkakamali? Puso ba ang pipiliin o katahimikan para sa lahat?
Romance
108.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3637383940
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status