Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Collateral for the Billionaire

Collateral for the Billionaire

Duchess GN
Sapat nga bang gawing pambayad utang ang pagmamahal at katawan? Desperadong maibalik ni Quinton James ang yamang nawala nang dahil sa panloloko sa kaniya ng isang paluging business tycoon na si Oscar Santibañez. Kaya't gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya maibalik lang ang multi-million peso na ninakaw nito sa kanyang kompanya. Sa kanyang paghahanap sa nawawalang tao ay matatagpuan niya sa isa sa properties nito ang 24 taong gulang na si Renata Santibañez, ang ulilang pamangkin ni Oscar. Sa kagustuhang maibalik agad ang yamang nawala, gagawing collateral ni Quinton ang dalaga at habang hindi pa nagpapakita si Oscar ay gagawin niya ang lahat ng kanyang nais kay Renata. Walang kalaban-laban na bibigay ang dalaga sa lahat ng kagustuhan ni Quinton kapalit ng kanyang buhay. Hanggang sa isang pangyayari ang babago sa ikot ng kanilang mundo. Sino nga ba talaga si Renata at ano ang kinalaman ng kanyang nakaraan sa kinatatayuan ni Quinton?
Romance
1.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Unveiling Mr. CEO's Daughter

Unveiling Mr. CEO's Daughter

Ang akala ni Monica Prado siya na ang magiging masyaang babae sa araw ng kasal niya kay Jericho Mendel pero kabaligtaran niyon ang nangyari dahil hindi siya nito sinipot sa mismong kasal nila. Dahil sa sakit na nararamdaman ni Monica, uminom siya sa isang bar at doon niya nakilala si Zymon Coreal at inakala niyang si Jericho ang binata. Dahil sa matinding tama ng alak hindi namalayan ni Monica na may nangyari sa kanila ng binata nagbunga ng isang supling. Lumayo si Monica sa Manila para layuan ang mga taong naging parte ng buhay niya roon. Tumungo siya ng Davao para roon itaguyod ang anak niya. Ngunit paano kung habang nililimot niya ang nakaraan saka naman babalik si Zymon at Jericho sa buhay niya? Paano kung pareho nilang akuin ang pagiging ama sa bata? Handa ba si Monica na malaman ng dalawang lalaki kung sinong tunay na ama ng bata? May pag-ibig bang muling mabubuo sa pagitan ni Monica at Jericho o uusbong ang pag-ibig ni Monica kay Zymon?
Romance
1041.6K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
My Step- Brother's Temptation

My Step- Brother's Temptation

Scorpiowarrior
Sinisi ni Kidlat ( Light Aero) si Shein sa pagkamatay ng girlfriend nitong si Azalie. Namuhi ang binata sa dalaga subalit mariin ding nitong itinanggi ang akusasyon sa kanya. At gusto ni Kidlat na makulong si Shein, subalit nalaman din na hindi sadya ang mga nangyari. Subalit nanatiling namumuhi si Kidlat kay Shein at hindi naniwala sa mga ebidendsyang ipinakita sa kanya. Hanggang sa isang pangyayari ang naganap at naging step- siblings silang dalawa. Lihim na natuwa si Kidlat dahil chance na nitong mapahirapan si Shein. Hanggang kailan kamumuhian ni Kidlat si Shein? Wala na nga bang kapatawaran na natitira sa puso nito upang kapwa na sila matahimik? Anong klaseng paghihiganti ang gagawin ni Kidlat kay Shein?
Romance
102.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Secret Heirs

The Secret Heirs

Makalipas ang pitong taon na pagsasama nila ni Diane, si Rico ay nanlalamig at unti-unti nang nawawala ang pagmamahal niya kay Diane, ngunit kahit na iyon ang pinaparamdam ni Rico kay Diane ay labis pa rin ang pagmamahal nito kay Rico.
Romance
396 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Casual Lovers

Casual Lovers

Matalik na magkakaibigan sila Nathan Jake, Aljosh, Tyronne at Ezekiel. Pagkatapos nilang maka-graduate ng High School ay s'ya namang pag-alis ni Aljosh papuntang states. Nangako si Aljosh kay Jake na babalik s'ya after n'yang maka-graduate doon at saka ito pormal na manliligaw sa kanya. Aksidenteng nagkrus ang landas nila Jake at ng isang estranghero. Nung inaakala ni Jake na magpapakamatay ito. Makakapaghintay ba si Jake sa pagbabalik ni Aljosh? o matutuon ang pagmamahal n'ya sa estranghero?
LGBTQ+
102.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Mistress On-Duty (PEG SERIES: 1)

Mistress On-Duty (PEG SERIES: 1)

SYNOPSIS: Leila Reign Dominguez is an elite mistress of the most well-known CEO in the business world. Walang ibang hangad ang puso niya kundi ang mapasa kanya ang lalaking minamahal kahit may kahati siya rito. She tortured herself as the second, a mistress, and a prey of the most prominent person in her life. Ginawang magpaka baba para sa taong mahal niya. They have past that hard to forget. Kaya noong nag offer si Rameses Vin Salgado sa kanya bilang mistress nito ay kaagad siyang pumayag dahil sa kanyang pagmamahal dito. She fulfills her duty as a mistress habang wala ang asawa nito sa tabi. Lingid sa kaalaman ni Leila nagkaroon ng amnesia si Ram at pinakasal siya ng kanyang mga magulang sa isang mayaman at kilalang pamilya. Nang maalala na ni Ram ang nakaraan nilang dalawa ni Leila ay kaagad nag offer ng proposal ang huli kay Leila. Leila has no idea that Ram still loves her and never forget their past. Boung pag aakala niya na hindi na siya mahal ni Ram dahil iniwan siya nito at nagpa kasal sa iba. Nang malaman ng asawa ni Ram na nagkaroon ito ng relasyon sa isang secretary ay kaagad nitong nakipag kita kay Leila. Hindi nagpa tinag si Leila o na sindak sa asawa ni Ram. Kaya ng hindi tumalab ang ginawang komprontasyon ng asawa ni Ram na si Suzy kay Leila ay kaagad itong nagsa gawa ng ibang plano. Magagawa kayang pag hiwalayin ang pagmamahalan na naka kubli pa sa nakaraan? Leila lost and broken again because of the love that is not meant for her. Is she be able to find the love that she wanted? Or be able to find herself way back to him again.
Romance
10335 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Kakaibang Tikim

Kakaibang Tikim

Tatlong taon nang kasal sina Keilani at Braxton, pero sa halip na lumigaya, nauwi sa sumbatan, kasinungalingan, at pananakit ang kanilang relasyon. Sa likod ng mga ngiti nila, may sikretong nakatago. Si Braxton pala ay may kabit. At si Keilani? May lihim din na nakakatikimang lalaki. Sa gitna ng sakit at pagtataksil, pumasok sa buhay ni Keilani si Sylas, ang CEO at Bilyonaryong asawa ng kabit ni Braxton na si Davina. Habang tinatago ni Keilani na alam niyang nangangabit ang asawa niya, doon na rin siya nademonyong gumawa ng mali. Nabighani si Keilani sa asawa ni Davina na si Sylas dahil sa guwapo at ganda ng katawan nito. Nung una, dapat ay magkakampihan lang sila sa pagtugis sa kani-kaniyang asawa, pero iba ang nangyari dahil nagkahulugan sila. Hindi na dapat itutuloy ni Keilani ang binabalak niyang pagtataksil na rin sa asawa niyang si Braxton, kaya lang, kakaiba mang-akit si Sylas, kaya nung gabing iyon, hindi na rin niya napigilang gawin ang kakaibang tikim na nasubukan niya sa piling ni Sylas. Simula nang may mangyari sa kanila, nagsunod-sunod na ito dahil aminado si Keilani na ibang sarap ang dulot ng isang Sylas sa kama kapag kasama niya ito. Pagkalipas ng ilang buwan, lumubo na lang bigla ang tiyan ni Keilani. Nung malaman ni Braxton na buntis na siya, doon ito biglang nagbago. Hindi na siya nakikipagkita kay Davina, nagbalik ang dating niyang asawang mabait, sweet at maalaga. Naiyak na lang si Keilani kasi alam niyang siya naman ang may malaking problema ngayon. Kung kailan nagseryoso na ang asawa niya, saka naman na niya ito gustong hiwalayan dahil nahulog na ang loob niya kay Sylas.
Romance
10268.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Secret of His Obsession (POSSESSIVE BOYS SERIES 2)

The Secret of His Obsession (POSSESSIVE BOYS SERIES 2)

Si Azriel Dela Vega, isang bilyonaryo sa edad na 35, ay nakatuon sa pagpapayaman at pagpapalago ng kanyang kompanya. Tatlong taon na ang nakalipas mula nang pumasok siya sa isang contract marriage kay Zephyrine Rivera, isang maganda at sopistikadang babae na naghahangad din ng kapangyarihan sa negosyo. Sa kabila ng kanilang contract marriage, mayroon si Zephyrine na lihim na itinatago. Siya ay may Multiple Personality Disorder, isang sakit sa pag-iisip kung saan siya ay may alter personality na nagngangalang Zaraeah. Dalawang pagkatao sa iisang katawan na magkaibang magkaiba ng ugali at paraan ng pamumuhay. Ngunit sa likod ng kanilang kasunduang kasal, si Zephyrine ay may pagtingin sa kanyang kababata at Psychiatrist na si Aiden at batid ito ni Azriel subalit wala syang pakialam dahil wala naman syang nararamdaman sa kanyang asawa. Malapit na ring matapos ang kanilang kontrata sa kasal, ngunit isang pangyayari ang magbabago ng lahat. Makikilala ni Azriel si Zaraeah. Maaakit siya sa kanyang maamong mga mata at ang mga ngiting kahalihalina. Ibang-iba siya kay Zephyrine, na dominante at ambisyosa. Upang maitago ang kanyang sakit, nagpanggap si Zaraeah na kambal ni Zephyrine. Dahil dito, naging malapit sila ni Azriel, at sa kauna-unahang pagkakataon, nahulog ang loob ni Azriel kay Zaraeah. Ang pag-ibig na ito ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng ganito, at nag-obses siya sa babaeng kanyang minamahal. Ngunit ano ang mangyayari kapag nalaman ni Azriel ang katotohanan tungkol sa sakit ni Zephyrine? Paano kung malaman niyang isang imahinasyon lamang ang babaeng minamahal niya? Ano ang mangyayari sa kanilang relasyon kung malaman niya na dalawang magkaibang puso ang tumitibok sa iisang katawan? Ano ang kayang gawin ni Azriel para sa babaeng kanyang pinakamamahal at kanyang obsesyon?
Romance
105.0K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
My Maid, My Love (Filipino)

My Maid, My Love (Filipino)

Gustong makatulong ni Shaina sa pamilya niya kaya ay nagdesisyon siya na sumama sa Tita Delia niya sa Maynila para magtrabaho doon bilang isang kasambahay. Akala niya ay magkasama silang dalawa ng Tita Delia niya sa isang mansion ngunit hindi naman pala. Doon siya sa kalapit na mansion na pagmamay-ari ni Jacob Lopez na ulilang lubos na. Isa siyang bilyonaryo. Guwapo siya. Malaki ang pangangatawan. Hot na tingnan at kahit sinong babae ay magkakagusto kaagad ngunit walang gustong maging katulong niya dahil sa ugali nito na hindi kanais-nais. Ang huling naging katulong nito ay bali-balitang nabuntis nito kaya ay bigla na lang na umalis. Unang kita pa lang ni Shaina kay Jacob ay aminado siya sa sarili niya na gusto niya ito. Ano'ng gagawin ni Shaina sa nararamdaman niya para kay Jacob? Saan kaya siya dadalhin ng pagmamahal na 'yon para kay Jacob? Mahalin rin kaya siya ni Jacob o baka magaya lang siya sa mga babaeng naging panandaliang kaligayahan lang nito?
Romance
824.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Carrying the Mafia's Son

Carrying the Mafia's Son

KnightNovel
Nagbago ang buhay ni Carissa nang ipagkasundo siya ng kanyang ama sa amo nito kapalit ng kanilang kaligtasan. Ngunit ang kapalit nito ay ang kanyang kalayaan. Si Dark Severilla ay CEO billionaire ng pinakamalaking global gold brand, ngunit kilala rin bilang "Dark Mafia" dahil sa pagiging walang-awang pagpatay nito sa mga nagtatangkang mag-traydor sa kanya dahil sa mundong meron siya ay hindi nawawala ang mga pangnib gaya nila. What he believe is blood doesn't exist kapag-tinarantado na siya. Kaya’t hindi lang negosyo ang alam niyang paikutin. Kahit baril ay kaya niyang paputukin. Nang maghalo ang mundo ni Carissa at Dark, napagtanto ni Carissa na hindi niya kayang mabuhay sa madilim na mundo ni Dark. Tumakas siya at naglaho ng ilang taon, dala ang bunga ng kanilang isang gabi. Ngunit sa kanyang pagbabalik, natuklasan niya na hindi siya tinitigilan ng panganib. Mahuhulog ba siya sa mundo ni Dark na puno ng panganib, o pipiliin niya ang takot para sa kaligtasan ng kanyang anak?
Romance
10757 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3435363738
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status