Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Divorced Wife Is Back

The Divorced Wife Is Back

Author Eli
Abot tainga ang ngiti ni Elisa habang naglalakad papunta sa opisina ng kanyang asawa. Pinaglalaruan niya sa isip at ini-imagine ang mga eksena kung paano maaaring mag-react ang asawa niya sa balita tungkol sa kanilang magiging anak. Buntis siya, dalawang buwan na. Habang papalapit siya sa opisina, napansin niyang bahagyang nakabukas ang pinto, sapat na para makita at marinig ang usapan sa loob. “Tama na, Azrael, ang kulit mo talaga!” malakas na hagikgik ng isang babae. "Nakikiliti ako!" Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Elisa, at pakiramdam niya ay dumaloy nang mabilis ang dugo sa buong katawan niya. Hindi siya sigurado sa narinig, kaya napagpasyahan niyang sumilip—ingat na ingat na hindi makita o marinig. Dahan-dahan siyang yumuko at nakita niya si Azrael, ang kanyang asawa, nakayakap sa baywang ng babae at mapusok na hinahalikan ang leeg ng babae. Nanlaki ang mga mata ni Elisa sa nakita, lalo pa nang sakupin ni Azrael ang mga labi ng babae. Parang sinasaksak nang dahan-dahan ang puso niya, hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya rin namalayan na tumutulo na pala ang mga luha niya. "A-Azrael..." nanginginig niyang bulalas, dahilan kung bakit napatingin sa kanya ang asawa.
Romance
10622 viewsOngoing
Read
Add to library
The Mr. CEO Daughter

The Mr. CEO Daughter

Handang gawin ni Camille ang lahat para sa kaniyang anak, at kahit mahirap ang maging single mom ay kinakaya niya para sa nag-iisa niyang anak. Masaya at kuntento na siya sa buhay niya kasama ang kaniyang anak at kaniyang ina. Ngunit hindi inaasahan ni Camille na magku-krus ang landas nila ng ex-boyfriend niyang si Damon Monteverde, na sa loob ng ilang taon ay isa nang ganap na business man at bilyonaryong CEO na nagmamay-ari ng tanyag na kumpanya, ang Sapphire J-well. Wala na sanang balak si Camille na sabihin kay Damon ang tungkol sa kanilang anak, ngunit mismong ang tadhana ang gumawa ng paraan para malaman iyon ni Damon at wala siyang magawa kundi ang ipagtapat dito ang totoo. Hahayaan niyang pasukin ni Damon ang buhay ng anak nila, ngunit itinatak na ni Camille sa puso at isip niya na tanging ang anak lang nilang si Joana ang ugnayan nila ni Damon. Pinipigilan niya ang sariling mahulog muli sa lalaki, kahit alam niyang hindi naman talaga namatay ang pag-ibig niya para rito kahit halos anim na taun na ang lumipas. Ngunit paano niya makakayang pigilan ang nararamdaman para sa lalaki kung madalas niya itong makita dahil sa kanilang anak?
Romance
8.524.5K viewsOngoing
Read
Add to library
When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband

When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband

"Love can be learned." Iyan ang paniniwala ni Seraphina. Kaya nang ipahayag ng kanyang mga magulang na ikakasal siya kay Sebastian Aldridge Singson—isang lalaking may yaman, kapangyarihan, ngunit walang emosyon—hindi siya tumutol. Sa isip niya, matutunan din nitong mahalin siya… balang araw. Ngunit ang kasal niya ay naging isang bilangguan. Kahit anong pagsisikap niyang makuha ang atensyon at pagmamahal ng kanyang asawa, nananatili itong malamig at walang pakialam. Isinilang ang kanilang anak, ngunit sa halip na maging daan upang mapalapit ang kanyang pamilya, mas lalong lumalim ang kanyang pagdurusa. Hindi lang siya itinuturing na estranghero ni Sebastian—pati ang sarili niyang anak ay may hinanakit sa kanya. Sa wakas, napagod si Seraphina sa laban na siya lang ang lumalaban. Sa unang pagkakataon, pinili niyang mahalin ang kanyang sarili. Iniwan niya ang buhay na puno ng sakit at hinanap ang kalayaang matagal niyang inasam. Ngunit sa kanyang muling pagsisimula, hindi niya inaasahan na ang lalaking minsang nagpaikot sa kanyang mundo ay siya ring maghahabol upang maibalik siya sa kanyang piling. Handa pa ba siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon ang lalaking minsang bumasag sa kanyang puso? O tuluyan na niyang pipiliin ang isang bagong simula?
Romance
107.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife

The Heartless CEO's Vengeful Ex-Wife

Paghihiganti. Iyan ang nasa isip ni Amelia nang matapos makipag-divorce sa asawa niyang si Dalton Williams—ang CEO ng Williams Corp. Throughout their marriage, pinaramdam nito sakanya na isa siyang balakid sa pagmamahalan nila ng first love nitong si Grace. Harap-harapan na pagtataksil at pang-aapi, iyan ang naranasan niya sa piling ni Dalton. Pati ang pinakamamahal na anak niya ay inabandona nito para sa isang babae. But when her daughter died, mas lumalim ang kagustuhan niyang maghiganti. Ngunit paano? Then there comes Luther Dio Gracia—the heir and the chairman of the Di Graci Empire. Nagbabalik hindi lang para tulungan siya kundi upang angkinin ang babaeng bumabaliw sakanya sa loob ng maraming taon—si Amelia. Subalit, kaya bang magmahal muli ni Amelia gayung puro pasakit at mapait na alaala lang ang ibinigay nito sa kanya? Mahuhulog ba siya sa pang-aakit Luther at matatamis na pangako, o mananatili paring bilanggo sa pait ng kahapon? ***** "You can use me all you want Amelia. My riches, my heart, my body, my soul and my life. Tanggapin mo lang ako at hayaan na angkinin ka. Kasi kung hindi....kung hindi ka magiging akin... then I'll make sure no one else can." — Luther Dio Gracia
Romance
1013.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid

Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid

Synopsis Siya si Attorney Harrison, isang matagumpay ngunit ubod ng supladong abogado, na ang isip ay higit sa lahat. Nagulo ang tahimik niyang buhay nang kumuha siya ng bagong kasambahay, si Margarita, na isang palaban na babae, determinado, at hindi natatakot na sabihin ang kanyang nasa isip. Habang sila ay nagbabangayan, nagsasagutan, at nagbibiruan, nagsimulang makita ni Harrison si Margarita, na nagbibigay liwanag sa napakaboring niyang buhay na hindi niya naramdaman sa fiancée niya. Naging masaya ang bawat araw ni Harrison dahil sa atensyon na ibinibigay ni Margarita sa kanya. Hindi lang niya matanggap na nahuhumaling na siya kay Margarita dahil sa kanyang pride at takot na umamin sa nararamdaman. Lalo na't nalaman na ni Margarita na may fiancée na siya. Pero huli na ang lahat dahil iniwan na siya ng babaeng bumago sa buhay niya. Pinilit niyang kalimutan si Margarita, pero hindi kayang turuan ang puso, siya pa rin ang hinahanap-hanap. Hiniwalayan niya ang fiancée niya at nagsimula siyang hanapin si Margarita. Ginawa niya ang lahat para bumalik lang sa kanyang buhay si Margarita. Mapaamo at mapamahal ulit ito sa kanya. This time, hindi na niya pakakawalan pa.
Romance
9.9175.0K viewsOngoing
Show Reviews (33)
Read
Add to library
Analyn Bermudez
Hala!! grabeh Tama nga ako binayaran pla SI Judy ni Tiffany hays..Buti nlng nabisto niya agad...sana maputulan din Ng pakpak itong mahaderang nanay ni Harrison sobrang kontrabida na Ms A asan naba Sina grandpa at grandma baka skali Sila Ang makaputol sa sungay Ng nanay ni Harrison hahaha
Chelle
Hello Guys! Happy to share this achievement to all of you that this book is got promoted to non-exclusive to exclusive. This is all for you my dear readers. CONGRATULATIONS sa ating lahat. Thank you sa walang sawang pagsuporta sa story na ito. God bless you all ......🫶🩷...
Read All Reviews
Breach Of Trust

Breach Of Trust

SPG ALERT! WARNING: R-18 Aliyah Deguilda is 18 years old and wants to take revenge on the ruthless CEO of VICL. Palaging bukang bibig ng ina niya na ang lalakeng iyon ang may kasalanan, rason kaya iyon ang tumatak sa isip ni Aliyah, ito rin ang rason ng pagkakaroon niya ng plano na maghiganti at para magawa ang plano ay balak niyang pa-ibigin ang lalake, hahanap ito ng paraan para masira ang kompanya nito, pero sadyang mapaglaro ang kapalaran. Hindi niya napansin na ang galit na nararamdaman niya ay napalitan ng unti-unting pag-usbong ng pag-ibig niya sa lalake. Makakaya kaya ng pag-ibig na umusbong na pigilin ang masamang balak ni Aliyah? O mananatili siya sa balak na wasakin ang CEO ng VICL? Maddix Villaranza, A CEO of Villaranza Infinite Cruise Line (VICL). Maddix have a trust issue. Wala siyang ibang gustong pagkatiwalaan maliban sa pamilya niya, no more, no one. Magbabago ang lahat nang makilala niya si Aliyah Deguilda. Is it right for him to trust again for a long time? Or will his trust breach again just like before? Paano kung malaman ni Maddix na kunektado si Aliyah sa taong sumira sa tiwala niya noon? Anong gagawin ni Maddix kapag nalaman niya na ang taong unti-unting nilalaanan niya ng tiwala ay anak ng taong sumira at nagtaksil sa kanya?
Romance
1011.3K viewsCompleted
Show Reviews (13)
Read
Add to library
jamaicalyn
Highly Recommended nakakakilig, pero medyo nalulungkot ako kasi baka ipagpatuloy ni Aliyah ang plano niya. Sana magbago ang isip niya. Author pakiramdam ko papayakin mo na ako sa mga susunod na chapters please huwag muna, pakiligin mo muna kami
Genalyn Castro
Ang ganda. Ang dami kong natutunan. napaiyak. napatawa. napakilig at lahat na sa isang story na to. iyong title niyang breach of trust talagang hindi lang eme eme. subrang ganda talaga. kudos to the author. halos lahat ng sinulat niya nabasa ko na at talagang 5 star siya sa akin,
Read All Reviews
Chasing Zander Frovizo

Chasing Zander Frovizo

youreminestrawberry
Zander Frovizo was her besfriend since his day one in the orphanage. Bata pa lang, hinahangaan na ng babaeng si Novelyn Basañes ang kaibigan na lalaki. Malapit sila sa isa't isa at palaging pinoprotektahan ni Zander ang kaibigan niyang babae. Hindi sila mapaghiwalay. Magkasama sa hirap at ginhawa. Ngunit, ang maginhawang buhay ni Novelyn kasama ang kanyang pinapangarap na makasama habang buhay ay sa isang iglap, napalayo sa kanya. She thought she lost him at hindi na niya maibabalik iyong pagkakaibigan nila. After several years of carrying the pain, nagpakita sa kanya ang kaibigan niya at minuto pa lang ay napaibig na siya nito ulit. She became more possessive and obsessed with him. Ang gusto niya lang ay makuha ang lalaki at maitali na sa kanya habang buhay. Ngunit, makakaya niya nga ba ang kagustuhan sa isang tao na nalimutan na siya at ang pinagsamahan nila? Zander couldn't remember her or their past. Ni pangalan niya ay hindi maalala nito. Magtatagumpay kaya siya sa pag angkin rito kahit na hindi siya maalala ng lalaki? O susuko nalang siya at aalamin ang mga nangyari sa kaibigan noong hindi sila magkasama?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
CEO's Hidden Twin

CEO's Hidden Twin

5 years later, nagbalik na si Arzelle na malakas, matatag at handa na siyang harapin ang malupit na buhay para hanapin ang anak. Nagbalik siya sa syudad! Ang Cordova City kung saan siya pinahiya. Nagbalik siya at handa ng harapin ang hamon sa syudad at ayusin ang buhay niya. Sa paghahanap niya ng trabaho ay may naliligaw na batang lumapit sakanya upang magpatulong hanapin ang ama neto. Sa paghahanap nila sa ama ng bata ay pinagbintangan pa siya ni Zuri na kidnaper dahilan ng iskandalo na naman ng buhay niya at inalipusta na naman siya ng mga taga syudad. That's when she meets the caring, sweet, the owner of Araneta Airlines and a famous pilot, at ama ng batang nawawala na si Gabion Araneta, during the times when the man was helping her, he became her hero, making her slowly fall Inlove with him. Nalaman niyang ikakasal na sina Zuri at Daniel, pero tinulungan siya ni Gabion na harapin ang dalawang taksil sa buhay niya. She didn't know that Gabion was the one bought her from Zuri, the one who ruined, causes her misery and even the one stole her twin 5 years ago.
Romance
1025.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Mayor's Contract Wife

The Mayor's Contract Wife

Isang matapang na dalagang negosyante si Ysabella Cruz na handang gawin ang lahat para mailigtas ang pamilya nila sa pagkakautang—kahit pa ang kapalit ay isang kasunduang kasal. Ang catch? Ang lalaking papakasalan niya ay si Mayor Alaric Dela Vega—bata, makapangyarihan, at misteryosong lider ng kanilang bayan. Hindi inaasahan ni Ysabella na ang lalaking minsang tumulong sa kanya noong kabataan pa sila ay siya ring magiging "asawa" niya ngayon—ngunit sa papel lamang. May sariling dahilan si Mayor Alaric kung bakit pumayag siya sa kasunduan: kailangan niyang mapanatili ang imahe niyang "settled" upang matuloy ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa pulitika. Ngunit habang lumilipas ang mga buwan sa ilalim ng iisang bubong, unti-unting nabubura ang hangganan ng kasunduan. Sa pagitan ng mga scripted na halik sa harap ng kamera at mga gabing puno ng katahimikan, may damdaming unti-unting nagigising. Hanggang kailan sila magtatago sa likod ng kontrata? At kapag dumating ang oras ng pag-pirma ng annulment papers, sino ang unang aatras—ang pusong natutong magmahal o ang pusong takot masaktan muli?
Romance
10612 viewsOngoing
Read
Add to library
The Unwanted Billionaire

The Unwanted Billionaire

Ambisyosa22
Misha Rivera ang babaeng hinubog ng mga pinagdaanan n'ya sa buhay. Mula noong kabataan n'ya danas n'ya ang hirap ngunit sadyang mabiro parin ang tadhana, Ang akala mong simple at payak na pamumuhay gugulantangin pala ng isnag trahedya na mag dadala sa kanya sa poot at pag aasam ng katarungan kahit gumamit pa ng ibang paraan. Sa ika tatlong pagkakataon kaya na mag krus ang landas ni Thamaus Rexor Severillo at ng babaeng nag iisang tinangi mag mula pa ng s'yay bata pa lang, mapagbibigyan na ba ang asam na makasma ito o mas titindi pa ang banggaan sa pagitan nilang dalawa. Babaguhin ba ng tibok ng damdamin ang mga plano na matagal ng kasado. Mahahanp ba nila ang sagot sa nakaraan? na puno't dulo ng gulo na hanggang sa kasalukayan ay dala ay buntot sa kanualng pag katao. Hahayaan na lang ba nilang tangayin ng pagmamahal ang galit, pagkamuhi at paghihiganti. Mananaig ba ang katotohanan at ibabalik sila kung saan sila laan. Matatapos ba ang pagiging The Unwated Billionaire ni Rexor o mauuwe ang lahat sa pagkaubos??.
Romance
105.4K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3940414243
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status