Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Love Me Angel [Filipino]

Love Me Angel [Filipino]

Simula ng mamatay ang pinaka importanteng tao sa buhay ni Ivy, ang mama nya ay naging impyerno na ang buhay nya sa kamay ng tiyahin at tiyuhin nya. Nagawa syang ipambayad ng mga ito sa utang, sa may ari ng beer house kung saan talamak ang bentahan ng laman. Sa pagtakas nya ay nagtago sya sa sasakyan ng isang retiradong sundalo. Pansamantalang kinupkop sya nito. Binihisan at pinakain. Hanggang isang araw ay nag alok ito na babayaran ang mga taong humahabol sa kanya kapalit ng pagpapakasal. Dapat ba syang magtiwala dito? O kagaya din ito ng mga lalaking walang ibang hangad kundi ang katawan nya? Jeizhiro Natividad and Ivy Crisostomo story #TAGALOG #MATURE
Romance
1022.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The CEO's Personal Maid

The CEO's Personal Maid

Siya si Erika Fernandez, bata pa lang ay mulat na siya sa hirap ng buhay. Hindi na bago sa kanya ang pagta-trabaho ng mabibigat, at ang paninilbihan sa iba. Isang araw, nakilala niya si Brandon Monteverde, isang gwapong mayaman na sing-lamig ng yelo kung umasta. Palagi itong seryoso at parang galit sa kanya. Pero kahit iritado sa senyorito, ginawa ni Rika ang lahat manatili lang sa trabaho. Iyon ay ang pagiging personal maid ng isang CEO. Si Brandon Montevede, isang lalakeng lumaki sa marangyang pamilya. Lahat ay nagagawa at nakukuha niya. Maliban na lang ang makawala sa planong pagpapakasal sa babaeng 'di niya gusto para lang sa paglago ng negosyo. Iyon ay dahil nahulog ang puso niya sa makulit at anim na taong mas bata sa kanya na si Erika. Palagi siya nitong napapasaya, at siya rin ang naging depinisyon ng salitang "pahinga". Magiging sapat nga ba ang pagmamahal para piliin ni Brandon si Erika kapalit ng lahat ng kayamang meron siya? Lalo na't ang pagmamahalan ding iyon ay nakabuo ng isang tagapagmana?
Romance
1067.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Contracted Night with Billionaire

Contracted Night with Billionaire

BABALA: ANG KWENTONG ITO AY HINDI ANGKOP SA MGA MENOR DE EDAD.🔞 NAGLALAMAN ITO NG MARAMING SPG (STRIKTONG PATNUBAY AT GABAY) 🔞 Dahil sa kahirapan nakagawa si Andrea ng isang di malilimutang nakaraan kasama ang taong pilit na sana niyang kinalimutan, ngunit tadhana ang humanap ng paraan para ito'y kanyang muling masilayan. Sa ikalawang pagkakataon nagtagpo muli ang landas nila ng lalaking unang kumuha ng pagka birhen niya. Si Tyron Madrigal ang taga pagmana ng Madrigal Group of Companies, at nag alok sa kanya ng kontrata bilang taga pag aliw nito sa kama kapalit ng trabaho at pera para sa sakit ng lolo niya. Ngunit paano kung sa kasundoang iyon ay matalo siya? Mahal niya na ang bilyonaryong boss.
Romance
1045.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Secret Affair with My Hot Ninong

Secret Affair with My Hot Ninong

Matapos mamatayan ng mga magulang, natagpuan ni Liana ang sulat ng kanyang ama na naglalaman ng isang pangakong proteksyon mula sa Ninong niyang si Rafael Vergara. Sa pag-asang matulungan siya nito, lumuwas siya sa lungsod. Ngunit ang inabutan niya ay hindi ordinaryong Ninong, isang bilyonaryong haciendero, gwapo, at makapangyarihan ngunit sobrang istrikto. Tinanggap siya nito bilang kasambahay, kapalit ng pagkakataong makapag-aral. Ngunit habang tumatagal, unti-unting nagiging malabo ang hangganan ng respeto at pagnanasa. Hanggang sa ang pangako nitong proteksyon ay nauwi sa pagkahumaling. Paano na kung ang Ninong niya ang dahilan ng bawat tibok ng kanyang puso? Ngayon, siya ay bihag ng pag-ibig na ipinagbabawal… sa lalaking hindi niya dapat mahalin, ang kanyang Ninong na nakatakda ng ikasal sa kasintahan nito.
Romance
1011.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Manliligaw kong Doctor at CEO

Ang Manliligaw kong Doctor at CEO

MHAYIE
"Pag-ibig nga naman  !, hindi mo Hiniling pero Dalawa ang Dumating!" . Isang NBSB (No boyfriend since birth) ang bibihag sa Dalawang kilala sa larangan ng kanilang mga propesyon na mag-aagawan sa puso ng babaeng Simple pero pang Miss universe ang mukha . Si Doc  ang hot na Surggeon Doctor at kinababaliwan ng lahat ng mga Nurse at kababaihan ,at ang isang susubok na makuha ang puso ng isang College student /model . At ang C.E.O na Seryoso sa buhay pero Sweet sa dalagang iniibig at malakas ang Sex Appeal sa lahat ng kababaehan at handang makipagsabayan , makuha lang ang puso ng babaeng iniirog. Hanggang saan masusubok ang pasensya ng dalawang iibig sa Magandang kolehiyala na wala pang karanasan sa pag-ibig. Sino ang magwawagi at sino ang magpaparaya ?.
Romance
2.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Betrayed Wife's Revenge

The Betrayed Wife's Revenge

Sa loob ng dalawang taon ng kanilang pagsasama, natuklasan ni Aliyah na ang kanyang pinakaiingatang sertipiko ng kasal ay isang huwad. Sa kanyang pagtatangkang komprontahin ang asawang si Frederick, hindi niya sinasadyang marinig ang katotohanan—ang lalaking nagpakita ng walang kapantay na pagmamahal sa kanya sa loob ng anim na taon ay matagal na palang kasal sa kanyang guro, na mas matanda pa sa kanya. Hindi lamang siya ginamit bilang isang panakip-butas, kundi pinaratangan pa siyang baog at pinilit na mag-ampon ng anak na dalawa. Sa matinding pagkadismaya, tinawagan ni Aliyah ang abogadong nangangalaga sa kanyang mana at buong diin na sinabi: "Walang asawa, walang anak, ako ang tanging tagapagmana." Iniwan ni Aliyah ang pamilyang Finch, habang si Frederick ay kampanteng naghihintay sa kanyang pagbabalik, umaasang magmamakaawa siya para sa tulong. Ngunit isang araw, nasaksihan ni Frederick ang hindi inaasahang paglitaw ni Aliyah sa pambansang telebisyon, kung saan ipinahayag ang kanyang pagpapakasal sa isang lalaking may angking yaman at kapangyarihan. Sa gitna ng atensyon, nakatayo si Aliyah sa tabi ng lalaking ito, tinatanggap ang mga pagbati at inggit ng nakakarami.
Romance
140 viewsOngoing
Read
Add to library
VENGEANCE AND DESIRE

VENGEANCE AND DESIRE

Dahil sa trahedyang nangyari sa pamilya ay nawalay si Kiana sa kakambal. Nangako siyang babalik ngunit natagalan dahil nawalan ng alaala. Sa kaniyang pagbabalik ay maniningil at nagpanggap na si Karen—ang kakambal upang maipaghigante rin ito mula sa pang-aapi ng pamilya ng napangasawa nito. Upang magtagumpay sa misyon, kailangan ni Kiana gamitin ang katawan upang mapalapit sa taong may malaking influence sa oraganisasyong may kasalanan sa kanilang pamilya. Ngunit nagulo ang plano niya dahil dominante at mapang-angkin si Xavier, ang lalaking gusto lang sanang gamitin. Lahat ay nakukuha ni Xavier kahit hindi na gumamit ng dahas o bakal na kamay. Ngunit pagdating sa babaeng naka one night stand ay nagbago ang lahat. Gagawin niya ang lahat upang mapaamo ang babae, kahit ang kapalit ay pagkabuwag ng organisation na pilit na pinagbubuklod ng abuelo at pagkasira sa relasyon ng kapamilya. Paano pagtagpuin ng tadhana ang landas ng dalawang taong may pusong bato at ang isa ay namamahay ang puot sa puso para sa mga taong may kasalanan dito? Alin ang pipiliin ni Kiana sa bandang huli, ang paghihiganti o reputasyon?
Romance
1011.7K viewsOngoing
Read
Add to library
HEIGHT DOESN'T MATTER

HEIGHT DOESN'T MATTER

Sofia Grace Alejo, iniwan ng kaniyang ina sa panga-ngalaga ng kaniyang abusadong tiyahin simula ng iwan sila ng ama niya. Nahihihirapang makahanap ng trabaho dahil kahit magna cum laude siya noong kolehiyo ng secretarial ay pagdating sa height niya ay doon siya bumabagsak. Ang malas niyang buhay ay biglang mapapalitan ng suwerte ng matanggap siya sa isang law firm bilang Personal logistic Assistant, ng isa sa kilalang lawyer ng Valenzuela firm, si Ezekiel Nehemiah Riego. Workaholic, masungit na lawyer na wala pang naitatalong kaso. Paano magki-click ang isang 4'11 na si Sophia at isang 6'9 na si Ezekiel kung sa height at ugali ay hindi sila magkasundo. May mabuo kayang pag-ibig na parehas babago sa buhay nila? "Sinusumpa ko! Hindi ako maiinlove sa egocentric kong boss!"
Romance
646 viewsOngoing
Read
Add to library
Crown Prince Proposal

Crown Prince Proposal

“Don’t expect me to love you, Lian. I only married you because I knew I could control you. You’re just a plaything, easy to use, easy to manipulate.” – Prince Yul Maagang namulat sa realidad si Lian, isang babaeng kayod-kalabaw para sa pamilyang puro luho ang inaatupag at walang ginawa kundi lustayin ang perang pinaghirapan niya. May tatay siyang lasinggero, kapatid na lulong sa bisyo, at inang comatose sa ospital. Kahit anong trabaho, pinasok niya makaraos lang hanggang sa nakuha siyang bodyguard ng isang miyembro ng royal family. Akala niya, doon na magsisimula ang pagbabago. Pero mas naging demanding pa ang pamilya niya pagdating sa pera. Sa trabaho, hindi rin maganda ang trato sa kanya pero tiniis niya dahil sa laki ng sahod. Pakiramdam niya, palagi siyang pinagkakaitan ng tadhana. Hanggang sa isang araw, dumating ang prinsipe sa bansa upang maghanap ng mapapangasawa. Sa gitna ng isang engrandeng event sa palasyo, aksidente siyang nakita ng prinsipe. At sa harap ng maraming tao, bigla siya nitong inalok ng kasal, isang eksenang ikinagulat ng lahat. Ang akala ng prinsipe, madali lang kontrolin si Lian. Bodyguard lang naman niya ito dati. Pero ang totoo, inalok niya ito ng kasal para pagtakpan ang matagal na niyang relasyon sa isang babae, isang sikretong ayaw niyang mabunyag sa kanyang maharlikang pamilya. Pero nagkamali siya. Habang patagal nang patagal ang pagsasama nila, unti-unting nahuhulog ang loob ng prinsipe kay Lian. Sa araw-araw na bangayan, asaran, at hindi inaasahang mga lambingan. Napalapit sila sa isa’t isa. Pero paano kung mabunyag ang sikreto ng prinsipe? Tatanggapin pa rin ba siya ni Lian lalo't dinadala na nito ang anak niya? O mas pipiliin nitong tumakbo palayo at bumalik sa dating buhay?
Romance
397 viewsOngoing
Read
Add to library
Falling for My Boss

Falling for My Boss

Sa murang edad, maagang namulat si Elisia Delgado sa hirap ng buhay. Sa paglipas ng panahon, hindi nagbago ang kanyang sitwasyon, ngunit sa gitna ng kanyang paglaki, natutunan niyang maging matatag at mangarap para sa sarili. Ang buhay ay mahirap ngunit madaling maging matatag, iyon ang naging panlaban ni Elisia. Sa kabila ng lahat, mawawala ba ang kanyang lakas ng loob sa pagdating ng isang lalaki sa kanyang buhay? Lalo na't siya ay unti-unti nang nahuhulog sa lalaking ito. Mahina nga ba ang mga babae pagdating sa pag-ibig? Dahil tila ba nawawala na ang kanyang lakas. Ano kaya ang gagawin ni Elisia kung ang nagiging hadlang sa kanyang pangarap ay ang siyang magpapaibig sa kanya nang wagas?
Romance
22.7K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
4445464748
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status