Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Ang Lihim Ni Dhalia (TAGALOG)

Ang Lihim Ni Dhalia (TAGALOG)

"Hypersexuality is not a good thing. It was a need that I had to fill." -Gabe Howard BLURB Bata pa lamang si Dhalia Uson ay nakaranas na ito ng iba't ibang pang-aabuso sa mga kalalakihan. Hanggang sa magdalaga ito'y dala-dala nito ang mapait na karanasan. Ginamit niya ang ganda ng mukha at kakaibang alindog na sadiyang bumabaliw sa mga lalaking naiuugnay sa kaniya. Hanggang isang lalaki ang dumating sa kaniyang buhay. Tinanggap siya nito ng buong-buo at walang pag-aalinlangan. Nahanap niya rito ang tunay respeto at pagmamahal na matagal din niyang inaasam. Ngunit... Sadiya yatang mapagbiro ang tadhana, dahil lalong naging magulo ang mundo ni Dhalia magmula noon. Unti-unting gumuho ang lahat ng pangarap niya sa buhay. Maski ang kaniyang pagkatao na pilit niyang isinasalba ay naiwala niya ng tuluyan...
Urban
10102.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Kakaibang Tikim

Kakaibang Tikim

Tatlong taon nang kasal sina Keilani at Braxton, pero sa halip na lumigaya, nauwi sa sumbatan, kasinungalingan, at pananakit ang kanilang relasyon. Sa likod ng mga ngiti nila, may sikretong nakatago. Si Braxton pala ay may kabit. At si Keilani? May lihim din na nakakatikimang lalaki. Sa gitna ng sakit at pagtataksil, pumasok sa buhay ni Keilani si Sylas, ang CEO at Bilyonaryong asawa ng kabit ni Braxton na si Davina. Habang tinatago ni Keilani na alam niyang nangangabit ang asawa niya, doon na rin siya nademonyong gumawa ng mali. Nabighani si Keilani sa asawa ni Davina na si Sylas dahil sa guwapo at ganda ng katawan nito. Nung una, dapat ay magkakampihan lang sila sa pagtugis sa kani-kaniyang asawa, pero iba ang nangyari dahil nagkahulugan sila. Hindi na dapat itutuloy ni Keilani ang binabalak niyang pagtataksil na rin sa asawa niyang si Braxton, kaya lang, kakaiba mang-akit si Sylas, kaya nung gabing iyon, hindi na rin niya napigilang gawin ang kakaibang tikim na nasubukan niya sa piling ni Sylas. Simula nang may mangyari sa kanila, nagsunod-sunod na ito dahil aminado si Keilani na ibang sarap ang dulot ng isang Sylas sa kama kapag kasama niya ito. Pagkalipas ng ilang buwan, lumubo na lang bigla ang tiyan ni Keilani. Nung malaman ni Braxton na buntis na siya, doon ito biglang nagbago. Hindi na siya nakikipagkita kay Davina, nagbalik ang dating niyang asawang mabait, sweet at maalaga. Naiyak na lang si Keilani kasi alam niyang siya naman ang may malaking problema ngayon. Kung kailan nagseryoso na ang asawa niya, saka naman na niya ito gustong hiwalayan dahil nahulog na ang loob niya kay Sylas.
Romance
10104.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Jojo and Coco's Unexpected Love

Jojo and Coco's Unexpected Love

Matapos mahuli ang kaniyang dating kasintahan sa kama kasama ang kaniyang half-sister, lumingon si Chloe at itinuon ang kaniyang mga mata sa tiyuhin ng kanyang dating kasintahan. Dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari, silang dalawa ay ikinasal.Habang siya ay lihim na natutuwa at gumagawa ng mga plano upang masiguro na siya ay magiging batang tiyahin, ang kaniyang loko-lokong kaibigan ay naghulog ng isang bombshell—siya ay nagpakasal sa maling tao.Habang naguguluhan ay tinititigan ni Chloe ang lalaking nasa harapan niya. Kahit na hindi ang lalaking ‘to ang kaniyang orihinal na target, napagdesisyunan niyang ayos na rin ito at nagpatuloy siya sa kaniyang plano.Gayunpaman, isang araw sa isang press conference, nalaman niya ang isang nakagugulat na balita—ang kaniyang napangasawa ay isang well-known investor, at ang uncle ng kaniyang dating nobyo na labis niyang hinahangaan ay nagta-trabaho sa kaniya.
Romance
9.475.6K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Ex-Wife

The Billionaire's Ex-Wife

Lumaki si Angela mula sa bahay ampunan dahil sanggol pa lamang siya nang iwan siya ng kanyang mga magulang. Simula nang magkaisip siya ay si Donya Cynthia na ang nagbibigay ng lahat ng pangangailangan pati na rin ang nagpaaral sa kanya hangang kolehiyo. Ngunit nang maka-graduate siya sa kursong business administration ay tuluyan na siyang inampon ni Donya Cynthia. Upang ipakasal sa nag-iisa nitong apo na si Rafael Valdez. Matangap kaya ng binata si Angela upang maging asawa? Paano kung bumalik ang kasintahan ni Rafael na dalawang taon nang nang-iwan sa kanya ng walang dahilan? Kaya bang panindigan ni Rafael ang sapilitang kasal?
Romance
10100.2K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Kidnapped by the Billionaire After Divorce

Kidnapped by the Billionaire After Divorce

Para kay Liberty, siya na yata ang pinakamasayang asawa sa piling ni Duncan. Ngunit napagtanto niyang ilusyon lamang iyon nang aksidenteng malaman na nakikiapid ito sa kanyang kaibigan. Habang magkapatong sa ibabaw ng kama, natuklasan niya ang pagtataksil ng dalawa. Gusto niyang makipaghiwalay rito ngunit ang napakasalan pala ay isang demonyo na matagal ng nagbabalat-kayo. Sa araw ng kanilang diborsyo, na-kidnapped siya ng dominanteng tiyuhin nito. Ngayong kontrolado siya ni King Baron, matatakasan niya ba ang mga pang-aakit nito? Upang makalayo sa isa pang Salvantez, hanggang saan ang kaya niyang takbuhan? Makakaya niya bang dinggin ang idinidikta ng kanyang puso o pakikinggan ang sinasabi ng kanyang isipan?
Romance
9.997.9K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Beast's Obsession, Akin Ka At Age 18

The Beast's Obsession, Akin Ka At Age 18

Saturn
Anastasha Natividad is the perfection of woman to describe by Zaturnino Villamar. At Age 17, kapansin-pansin na ang likas niyang ganda. Kaya naman marami ang nahuhumaling sa kan'ya, at isa na roon ang panganay na anak ng Governor sa kanilang lugar na si Zaturnino. Ang binatang matanda sa kan'ya ng maraming taon! He has all the opposite of her so called ideal man! But the Beast was so-obsessed with her! Nagbitaw ito ng isang pangako. Akin Ka at Age 18! Pangako, Akin ka...
Romance
10104.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Mine ang Baklang CEO

Mine ang Baklang CEO

"Mine ang baklang CEO!" Lakas loob na sigaw ni Janina habang titig na titig siya sa mata ng lalaking isinusuka siya. Janina Marie, isang babaeng pilit iaangat ang sarili para sa dignidad na dati'y taglay ng kaniyang pamilya. Handa siyang maging pambayad utang kung kapalit noon ay ang puso ng baklang CEO. Xavier Wesley, the ruthless CEO. Walang kasal ang kayang baguhin ang puso niyang kasing tigas ng bakal, lalo na kung ang mapapangasawa niya ay isang babaeng baliw na baliw sa kan'ya. Ngunit paano kung biglang sumingit sa kasal nila ang isang Jake Admerson, kakayanin bang panoorin ni Xavier ang unti-unting pagkawala ng pag-ibig na dati'y nakalaan sa kan'ya? Tuluyan na nga bang bibitawan ni Janina ang kaniyang baklang CEO para sa isang pag-ibig na wagas?
Romance
1074.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Hiding The Billionaire's Son

Hiding The Billionaire's Son

MissBangs001
Highschool buddies, college girlfriend, at number one supporter siya ni Szellous Veron Dela Vega o mas kilala sa screen name nitong Seve.Mayaman ang pamilya ng lalaki kaya kahit nobya na siya, ay di pa rin siya matanggap ng pamilya nito. Nangako ang lalaki na ipaglalaban siya nito sa pamilya niya ngunit ang di niya inaasahan ay ang pakikipagbalikan nito sa dating nobya. Nalaman na lamang niya na ginamit lang pala siya nito para pagselosin ang dating nobya nito.Umalis siya nang Pilipinas para itago ang pinagbubuntis niya sa pamilya ng lalaki, at sa kanyang pagbabalik isa lang ang nais niya. Ang maghiganti sa mga taong umapi at nagbigay ng poot sa kanyang dibdib.---Limang taon ang lumipas at nagkita sila muli, ngayon ay isa na siyang hinahangaan na Solo Artist at CEO sa isa sa pinakamalaking Entertainment Company.'LJ Entertainment were build to compete with Dela Vega's Entertainment company'at gagawin niya ang lahat para bumagsak ang lalaki na dati niyang hinahangaan.
9.7103.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The ruthless CEO's second chance

The ruthless CEO's second chance

DEVAUX SERIES 1: (Aiden) Paano kung sa araw nang iyong debut ay bigla ka nalamang mapunta sa isang celebration na akala mo ay para sa iyong kaarawan ngunit hindi dahil iyon pala ay iyong kasal, kasal sa isang taong hindi mo naman kilala o sa ingles ay Arrange Marriage. Sabrina De Guzman isang dalagang pilipina ngunit sila ay nakatira sa Canada magmula nang mamatay ang kaniyang ina. Gumimbal sa kaniyang pagkatao ang kasal na siyang ikinawala niya matapos ang seremonyas. Ang tanong, bakit biglang nawala si Sabrina gayong lahat nang babae ay nangangarap na maikasal kay Aiden Devaux. _________ COMPLETED
Romance
10153.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
My Vegetative Husband is the Hottest Billionaire in Town

My Vegetative Husband is the Hottest Billionaire in Town

Mature Content! "Do you want to divorce your useless husband and be with me instead?" Ang baritonong boses na iyon mula sa kaniyang likuran ay nagpatinding ng kaniyang balahibo. Tila muling nabuhay ang katawang lupa ni Adeline nang marinig muli ang boses na iyon. Pumikit siya, dinama ang init ng hininga ng estranghero hanggang sa nahagip ng kaniyang tingin sa pamilyar na tattoo sa ilalim ng pulsuhan nito. Takot ang lumukob sa kaniyang pagkatao, natabunan ang init na nararamdaman. Mabilis siyang humiwalay sa lalaki habang tinatambol ng kaba ang kaniyang dibdib. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman habang nakatitig sa itim na mga mata ng lalaking tila lalamunin siya ng buhay. "I-Ikaw?" Ngumisi ang mapula nitong mga labi, "Hello, my beautiful wife. Fancy seeing you here." *** Sa ngalan ng paghihiganti, nagpakasal si Adeline sa isang lalaking nakaratay. Ang tanging gusto niya lamang ay mabigyan ng hustisya ang dinanas niya sa kamay ng dating asawa at stepsister. Maayos sana ang lahat kung hindi lamang siya ginugulo ng isang misteryosong lalaki na nakasiping niya sa gabi ng kaniyang kasal. Dumagdag pa ang gulo nang biglang magising ang kaniyang asawa. Adeline was so confused but she knew she would choose the right path. Ang tama ang pipiliin niya pero isang sikreto ang biglang sumabog sa kaniyang harapan na nagpagulantang sa kaniyang buong pagkatao.
Romance
1072.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3435363738
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status