Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Obsession (Tagalog)

The Billionaire's Obsession (Tagalog)

Mayaman. Maganda. Tinitingala ng lahat. Iyan ang kadalasan na maririnig sa tuwing binabanggit ang pangalan ng sikat na artistang si Rasheeqa Laurent. Perpekto na ang buhay niya kung tutuusin at hindi maipagkakailang hinahangaan siya ng karamihan dahil sa taglay niyang husay sa pag-arte. Sa kabila ng mala-perpekto niyang buhay, ano ang mangyayari kapag malaman ng publiko na may sekreto siyang anak? Paano niya mapapanatili ang kanyang reputasyon at kredibilidad gayong hindi niya kontrolado ang sasabihin ng iba? At higit sa lahat, paano niya ipapaliwanag sa ama ng kanyang anak na siya ang ama nito gayong simula't sapol, ang lalaki na mismo ang nagputol sa ugnayang meron sila?
Romance
9.6650.6K viewsCompleted
Show Reviews (68)
Read
Add to library
Mercy Santiago
Very interesting at mas nakain love ang bawat episodes. Hanggang sa huling episode nakakatrill. Thank you very much kahit medyo matagal basahin o mabagal ang mga free episodes nakaka thrill ang bawat episodes. May halong thrill at very loving ang mga bida sa sa bawat episodes. More power and tnx.
?abby??
i like this novel very much!!..it was a very very nice,good,lovely!!i don't know what to but i love this very much!!mahal kuta author ipagpatuloy mo ito author😊😊🌺🌺❤❤!!i can't believe na kahit sa mga bonus lang na u-unlock ko pa din ang mga chapters😊🌺❤mahal kita author😊😊❤🌺🌺❤❤
Read All Reviews
The Instant Wedding

The Instant Wedding

Maisie Jade
Hindi akalain ni Margarette na dalawang buwan bago ang nakatakda niyang kasal sa kasintahang si Bobby ay magagawa pa itong agawin ng kapatid niyang si Michaela. Ang masakit, itinakda agad ang kasal ng dalawa. Ang pangyayari ay nagawa pang isisi ng mga ito sa kanyang katabaan at pagiging abala sa trabaho. Dala ng galit sa pamilya niya at pagluluksa sa sinapit niyang kabiguan, natagpuan ng dalaga ang sariling nagpapakalasing at naglalabas ng sama ng loob sa isang estranghero. Estrangherong nagising na lang siyang asawa na niya! Wala siyang matandaan pero pumayag siya sa alok ni Wallace na tulong na paghihiganti kapalit naman ng sarili nitong hangarin, ang mapabalik sa piling nito ang babaeng mahal nito. Madali at satisfying noong una, pero habang lumalakad ang panahon ay unti-unting nahulog ang loob niya sa asawa. Paano na lang kapag natapos na ang isang taong palugit ng kanilang pagsasama? Ano ang kahihinatnan ng isang pagmamahal na tila panlabas na kaanyuan ang labanan?
Romance
2.4K viewsOngoing
Read
Add to library
BOUGHT BY THE DEVIL BILLIONAIRE

BOUGHT BY THE DEVIL BILLIONAIRE

Isang gabi. Isang kasunduan. Isang halimaw na may mukha ng diyos. Desperada si Sierra Ramirez na mabayaran ang utang ng amang may sakit, kaya’t kahit labag sa loob, pumayag siyang ibenta ang sarili—sa halagang tinakda ng lalaking may pinaka-mabangis na reputasyon sa buong siyudad. Si Leonardo Dela Vega, kilala bilang “The Devil Billionaire,” ay hindi lang mayaman. Siya ang lalaking kinatatakutan at kinahuhumalingan ng lahat. Malamig. Mapanganib. At walang puso. “Isang gabi lang,” aniya. Pero hindi iyon ang naging kapalaran ni Sierra. Dahil matapos ang gabing iyon, isinara ni Leonardo ang lahat ng pinto ng kalayaan ni Sierra. Ginawa niya itong alipin ng kanyang kagustuhan—hindi lang sa katawan, kundi maging sa puso. Ngunit may mas malalim na dahilan ang pagkakabili niya sa dalaga. At kapag nalaman ni Sierra ang tunay na rason… ito ba'y magiging wakas ng kanyang pagkatao—o simula ng impyerno sa piling ng lalaking hindi niya kailanman kayang takasan?
Romance
776 viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire’s Bride: The Classroom Deal

Billionaire’s Bride: The Classroom Deal

Si Allison Reyes ay isang simpleng guro na ang gusto lang ay makaraos sa bawat araw; makabayad sa gamot ng tatay niya, makapagturo ng tahimik, at mabuhay nang disente. Pero nagulo ang mundo niya nang isang viral photo ang nag-ugnay sa kanya sa lalaking ni wala man lang siyang planong kausapin. Walang iba kundi ang may-ari ng eskwelahan, si Zion Almonte. Mayaman, malakas ang dating, at malamig ang pakikitungo ni Zion sa lahat. Pero sa likod ng itsura at yaman, desperado rin siyang ayusin ang pangalan niya. Kaya’t inalok niya si Allison ng kasunduan: isang taong peke nilang kasal kapalit ng pambayad sa hospital ng ama nito. Walang feelings na involved, walang komplikasyon, tanging business lang. Pero paano kung habang ginagampanan nila ang papel ng mag-asawa, may mga tingin at kilos silang nagagawa na hindi parte ng usapan? Paano kung kahit anong iwas nila, may parte pa rin ng araw-araw nila na unti-unting nagiging totoo?
Romance
452 viewsOngoing
Read
Add to library
ACCIDENTALLY IN LOVE

ACCIDENTALLY IN LOVE

“Nothing hurts more than being betrayed by someone you love.” Iyan ang naramdaman ni Reyna nang matuklasan niya ang pagtataksil ng kanyang ama sa kanilang pamilya. Mulat man sa marangyang buhay, mas pinili ni Reyna na mamuhay ng simple sa poder ng kanyang Auntie Vanessa dahil hindi niya kaya ang klase ng living set-up na meron ang kanyang mga magulang. Isang umaga niyanig ng malungkot na balita ang mundo ni Reyna, bumagsak ang kumpanya ng Jhudwung Company kung kaya'y hindi na nito kayang bayaran ang mga obligasyon ng mga scholars nito sa Whiz Franklin University kung saan siya nag-aaral bilang university scholar ng nasabing kumpanya. Habang nasa kalagitnaan siya ng problema, isang Filipino-Japanese Kanji Fujisawa ang lumitaw na parang kabute sa buhay niya. Ang nag-iisang lalaking nag order ng beer sa cofee shop kung saan siya ay barista. Na wewerdohan man, napilitan siyang gawin ang isang bagay para sa lalaki, dahil ang scholarship na pinakaiingatan niya ay tanging Kanji lang ang makakasalba.
Romance
1010.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)

The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)

'Siya ang asawa pero hindi siya ang mahal. Siya ang pinakasalan pero ibang babae ang inaalagaan at pinapahalagahan ng kanyang asawa...' Pilit na ipinakasal ng kanyang mga magulang si Cyanelle Louise Natividad kay Zach Khaleed Samaniego bilang pambayad ng malaking utang nila sa pamilya ng lalaki. Subalit sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama, hindi siya kailanman tiningnan ni Zach bilang babae at nagkaroon pa ito ng kabít kung saan ang babae rin ang nais ng anak ni Zach na maging ina nito kaysa sa kanya. Nang mapagtanto niyang wala ng patutunguhan ang relasyon nila, napagpasyahan niyang tuluyan ng hiwalayan ang lalaki. Subalit kung kailan naisipan na niyang sumuko at iwan ang asawa, isang trahedya ang magpapabalik sa kanya sa piling nito. Matutunan na kaya siyang mahalin ni Zach at matugunan ang damdamin niya para sa lalaki? O mabibigo siyang magkaroon ng puwang sa puso nito sa ikalawang pagkakataon at mauuwi lang sa wala ang lahat...
Romance
8.895.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Make Me Your Wife

Make Me Your Wife

aeonia
Akala ni Iyana Lopez ay hindi na siya muling tatapak pa sa mansyon ng mga Gromeo pagkatapos ang divorce na naganap sa kanila ni Bryant Gromeo. Ngunit isang araw ay natagpuan na lamang niya ang sarili na muling nakatayo sa harap ng mansyon dahil sa aksidenteng naganap sa anak. Baon si Iyana sa utang. Kailangang operahan ang anak niya at kailangan niya ng pera upang mailigtas ang buhay ng anak. Tanging si Bryant na lang, ang ama ng anak niya, ang naisip niyang makatutulong sa kaniya. Ngunit pagkatapos magmakaawa at lumuhod ni Iyana, sa huli ay natagpuan niya ang sarili niyang lumuluha sa labas ng mansyon ng mga Gromeo. Doon siya natagpuan ni Arden Gromeo, ang kapatid ni Bryant. Desperado si Iyana na siyang dahilan ng nangyaring pagtanggap niya sa kasunduan na matagal nang inalok sa kaniya ng lalaki. Papakasalan ni Iyana si Arden kapalit ng pagligtas nito sa anak niya. Ang akala ni Iyana ay natapos na ang problema niya. Ngunit, paano kung 'yon lang pala ang simula?
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
REVENGE OF INNOCENT WIVES

REVENGE OF INNOCENT WIVES

Ang inaakala ni Nadine Cruz na maginhawang buhay sa piling ni Jayson Saavedra ay isa palang bangungot. Isa lang pala siya sa apat na naging asawa ng bilyonaryong gwapo. Isa lang pala siya sa sasaktan, pahihirapan at pinaghihigantian nito dahil sa kasalan ng nauna nitong asawa sa kanya. Hindi niya kayang lumabang mag-isa. Kailangan niya ng tulong ng dalawa pang pinakasalan ng akala niya, solo niyang asawa. Ngunit ano nga ba ang magagawa nilang tatlong inosente? Kaya ba nilang pantayan ang lakas at kapangyarihan ng kanilang demonyong asawa?
Romance
1012.1K viewsCompleted
Read
Add to library
My Crush, My Groom (Tagalog)

My Crush, My Groom (Tagalog)

Penelope Samiento ang isang babaeng hindi man gano'n ka talino at kagandahan ngunit siya naman ay puno ng saya, nangangarap ng isang lalaking kinahuhumalingan niya si Darrel Lim, isang vocalista ng banda sa school nila. Suplado pero gwapo at higit sa lahat matalino. Paano kaya kung pagbuklodin sila ng tadhana at itinakdang ikasal para sa isang kasunduan? Magiging masaya kaya sila sa kabila ng pagiging magka-iba?
9.856.2K viewsCompleted
Read
Add to library
BABY IT'S ONLY YOU

BABY IT'S ONLY YOU

Nagpasya si Aldrin John Villafuerde na umuwi ng Pilipinas pagkatapos ng pag-aaral niya sa kolehiyo. Maaga siyang nagbook ng kanyang ticket para maaga rin siyang makarating ng Pinas. Excited na siyang makauwi para bisitahin si Jamaica Montefalcon, ang kababata niya at malapit na kaibigan noong sekundarya. sa di inaasahang pagkakataon ay makakasalubong niya si Athena Salazar, dati nilang kaklase ng sekundarya at matagal ng may gusto sa kanya. Napagplanuhan na ng mga magulang ni Jamaica at Aldrin na ipakasal sila sa lalong madaling panahon kaya naman ay nag-usap sila tungkol sa kasalang magaganap. Pumayag sila sa kagustuhan ng kanilang mga magulang dahil mahal naman nila ang isa't isa pero hindi pa nila ito inaamin sa bawat isa. Matagumpay silang ikinasal ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay unti unting masisira ang tiwala nila sa isa't isa.
Romance
423 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4243444546
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status