분야별
상태 업데이트 중
모두진행 중완성
정렬 기준
모두인기순추천평점업데이트됨
Deception And Pain

Deception And Pain

DreamerIsGood
Sa kuwento ng pag-ibig, panlilinlang, at pagbabago, sumasalamin ang kwento ni Sofie, isang babae na nagtrabaho sa isang club upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Isang araw, dumating si Matias Chavez, ang may-ari ng isang condo at ilang illegal na negosyo, na nagdulot ng pag-ibig at kaguluhan sa buhay ni Sofie. Ngunit ang pag-ibig na inakala niya ay hindi ganap, dahil may kakambal si Matias na si Mateo na puno ng inggit at galit sa kanya. Nahulog ang puso ni Sofie kay Matias, ngunit hindi niya alam na ang lalaking minamahal niya ay hindi palaging si Matias, kundi ang kanyang kakambal na si Mateo. Sa gitna ng mga pagpapanggap at panlilinlang, nagpatuloy ang pag-ibig ni Sofie kay Matias. Ngunit ang pagkakataon na mabuo ang kanilang pamilya ay laging nasa panganib dahil sa mga plano ni Mateo na sirain ang relasyon nila. Napapaligiran ng mga pagsubok, pagkakamali, at sakit, nagpasya si Sofie na gantihan si Matias at ipakita ang kanyang galit. Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, maaaring mayroong pag-asang mabuo ang kanilang pag-ibig at magkaroon ng pangalawang pagkakataon. Sa huli, ang kwento ng pag-ibig nina Sofie at Matias ay nagpapakita ng mga sakripisyo, pagkakamali, at pag-asa. Ito ay isang kuwento na magpapaalala sa atin na ang pag-ibig ay hindi perpekto, ngunit may kakayahan itong magdulot ng pagbabago at pagpapatawad.
Romance
10806 조회수연재 중
읽기
서재에 추가
My Vegetative Husband is the Hottest Billionaire in Town

My Vegetative Husband is the Hottest Billionaire in Town

Mature Content! "Do you want to divorce your useless husband and be with me instead?" Ang baritonong boses na iyon mula sa kaniyang likuran ay nagpatinding ng kaniyang balahibo. Tila muling nabuhay ang katawang lupa ni Adeline nang marinig muli ang boses na iyon. Pumikit siya, dinama ang init ng hininga ng estranghero hanggang sa nahagip ng kaniyang tingin sa pamilyar na tattoo sa ilalim ng pulsuhan nito. Takot ang lumukob sa kaniyang pagkatao, natabunan ang init na nararamdaman. Mabilis siyang humiwalay sa lalaki habang tinatambol ng kaba ang kaniyang dibdib. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman habang nakatitig sa itim na mga mata ng lalaking tila lalamunin siya ng buhay. "I-Ikaw?" Ngumisi ang mapula nitong mga labi, "Hello, my beautiful wife. Fancy seeing you here." *** Sa ngalan ng paghihiganti, nagpakasal si Adeline sa isang lalaking nakaratay. Ang tanging gusto niya lamang ay mabigyan ng hustisya ang dinanas niya sa kamay ng dating asawa at stepsister. Maayos sana ang lahat kung hindi lamang siya ginugulo ng isang misteryosong lalaki na nakasiping niya sa gabi ng kaniyang kasal. Dumagdag pa ang gulo nang biglang magising ang kaniyang asawa. Adeline was so confused but she knew she would choose the right path. Ang tama ang pipiliin niya pero isang sikreto ang biglang sumabog sa kaniyang harapan na nagpagulantang sa kaniyang buong pagkatao.
Romance
1074.1K 조회수연재 중
리뷰 보기 (11)
읽기
서재에 추가
Justforkikay
I highly recommend this story sa mga naghahanap ng plot na revenge sakitan.. maganda sya at nakuha ni author Ang interest ko. mapapaisip ka nalang sa bawat chapter. maganda Ang daloy ng plot so far sa mga nababasa ko hindi Ako naboringan....
NJ
Happy 1.2k views!!!!! Thank you po sa bumabasa at nagbibigay ng gems! Patuloy pa po nating suportahan ang kwento nina Drake at Adeline dahil marami pang pasabog sa mga susunod na kabanata. Ihanda ang sarili sa nakakakilig, nakakagigil, nakakaiyak at nakakatuwang mga susunod na eksena! Happy Reading!
전체 리뷰 보기
The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]

The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]

“My God, Maurine! Dalawa na ang anak mo pero ni isa sa mga ama nila ay hindi mo kilala!? Paano kang nabuntis ng hindi mo nalalaman!?” Mga katanungan na hindi alam kung paano sasagutin ng dalagang si Maurine. Walang siyang hinangad kundi ang makatapos ng pag-aaral at makatulong sa kanyang kapatid. Subalit hindi niya sukat akalain na mangyayari sa kanya ang mga nababasa lamang niya sa mga novela. One night stand, not once but twice, dahilan kung bakit sa murang edad ay naging dalagang ina si Maurine Kai Ramirez. Ang masaklap, wala siyang pagkakakilanlan sa mga lalaking nakabuntis sa kanya. Hanggang sa natuklasan niya na ang ama ng panganay niyang anak ay ang CEO na si Andrade Quiller Hilton ang kakambal ni Storm Hilton. Naiskandalo ang CEO ng Steel Quiller Corp. dahil sa biglang pagsulpot ng mag-ina, ngunit mariǐng itinanggi ng binata na hindi siya ang ama ng anak ni Maurine. But for the sake of his name ay kinuha niya ang mag-ina pero para gawing katulong ang dalaga sa sarili nitong pamamahay. Paano ipaglalaban ni Maurine ang karapatan ng kanyang anak kung ang pinanghahawakan lang niya ay ang tattoo sa likod ng binata? Kung ikaw si Andrade ay a-akuin mo ba ang responsibilidad, hindi lang ng isang bata kundi ng dalawang anak ni Maurine? Isa na namang kwento ng pag-ibig ang ating susubaybayan mula sa pamilyang Hilton. Ang kwentong ito ay tungkol sa ikalimang anak ni Cedric Hilton na may title na: “The CEO’s Sudden Childs”
Romance
1074.7K 조회수완성
읽기
서재에 추가
BOUGHT BY THE BILLIONAIRE

BOUGHT BY THE BILLIONAIRE

May magandang mukha, makurbadang katawan, malaporselanang kutis, simple lang mag ayos, at higit sa lahat may busilak na puso ang dalagang lumaki sa malayong probinsya na si Berry Marasigan. Sa angking kagandahan ni Berry ay marami sa kanya ang nagkakagusto o nahuhumaling. Sa edad niyang bente dos ay simpleng inosente pa rin siya dahil hindi pa siya nakaranas magkaroon ng kasintahan. Nang maulila si Berry sa mga nag ampon sa kanya ay nangarap na siyang makarating ng Maynila upang hanapin ang kanyang tunay na ina, kaya mabilis na nahikayat si Berry ng bagong kakilala ng alukin siyang makapagtrabaho sa Maynila at agad niyang sinunggaban ang oportunidad na iyon ng hindi na nagdalawang isip pa. Pagkarating sa Maynila ay ibinenta naman siya ng recruiter niya sa may ari ng isang sikat na night club na ang mga costumer ay mga mayayaman. Sa angking kagandahan at kaseksihan ng dalaga ay maraming lalaki ang gusto siyang maangkin at isa na sa kanila si Jayden Curtis, ang binatang CEO ng GC Construction Company na pagmamay-ari ng pamilya nila. Na love at first sight ang binata sa dalaga kaya nais niyang tulungan si Berry na makaalis agad sa club. Ngunit hindi iyon naging madali para kay Jayden, dahil sa pinagkaguluhan ang kagandahan ng dalaga ay ipina-auction si Berry ng may ari ng club at na bid ang dalaga sa napakalaking halaga. 20 Million pesos ang naging last bid ng bidder mapasakanya lang ang kaakit-kaakit na si Berry Marasigan.
Romance
1018.4K 조회수완성
읽기
서재에 추가
Saakin Nagtagal Sa Iba Ikinasal

Saakin Nagtagal Sa Iba Ikinasal

death_pen23
Ashton Kiel Alvarez, ay isang binatang nangulila sa kalinga ng kanyang pamilya. Bata pa nung siya'y iniwan ng kanyang kuya, na nag sanhi na rin sakan'ya ng trauma. Hindi na syang ng iwan ng iba, kasi takot narin syang maiwan tulad ng ginawa ng kanyang kuya. Taon ang lumipas at handa na sya upang pamunuan ang kanilang kompanya. Sa panahong 'yon nakilala nya ang babaeng alam nyang para sakanya. Pinangarap upang dalhin sa altar at pagsilbihan habang buhay. Ngunit nabuo ang isang pagkakamali. Na hindi nya inakalang 'yon ang wawasak sa lahat ng pangarap nya. Kaya nyang bang iwan ang taong ginawa na nyang tahanan? Kaya nya bang iwanan yung taong lubos nyang pinahalagahan. Mananatili ba sya o tanging abo ang haharap sa altar.
YA/TEEN
3.8K 조회수연재 중
읽기
서재에 추가
The Maid Who Married The Boss

The Maid Who Married The Boss

Isang maid ang inalok ng kasal ng kanyang boss para makuha nito ang mana. Dahil sa hirap ng buhay, pumayag siya kapalit ng ginhawa para sa kanyang pamilya. Ngayon, asawa na siya ng isang bilyonaryo. Pero kaya ba niyang manatili sa kasal na ito nang hindi nahuhulog sa boss niya—lalo na kung alam niyang mahal pa rin nito ang dating kasintahan?
Romance
1032.8K 조회수완성
읽기
서재에 추가
EXPOSING THE BILLIONAIRE'S SECRET

EXPOSING THE BILLIONAIRE'S SECRET

itsmeaze
Si Arielle Natividad o mas kilala bilang AGENT RED, ay isang miyembro ng JUSTICE CREED. Ang samahang kinabibilangan niya ay konektado sa mga Government Agencies na nagpapatupad ng kaayusan sa bansa kagaya ng mga Police at NBI Agents. Dahil sa pagiging mainipin nito ay muntikan ng mapahamak ang mga kasama niya sa isang mission. Kaya napagpasiyahan ng mga nasa higher ups na bigyan siya ng sariling mission bilang parusa—EXPOSING THE BILLIONAIRE'S SECRET. Nagpanggap siya bilang tatanga-tanga na babae. Sa pagpapanggap na iyon ay nalaman niya ang natatagong pag-uugali ng lalaki—ni Ace Raiden Benedict. Mailap at masungit ito ayon sa deskripsiyon ng iba ngunit para sa kaniya, ang lalaki ay isang arogante at mahilig makipagbangayan sa kaniya. Ano kaya ang mangyayari sa kaniyang mission? Ano nga ba ang itinatago na sekreto ng bilyonaryong lalaki?
Romance
10871 조회수연재 중
읽기
서재에 추가
My Naughty Young Wife (Filipino)

My Naughty Young Wife (Filipino)

Dahil sa utang-na-loob ay pinakasalan ni Amber ang apo ni Don Fidel Salvatore na si Phil Salvatore, ang acting CEO ng Salvatore Conglomerate. At dahil naman nakalagay sa last will and testament ng kanyang lolong may sakit na mapupunta lamang kay Phil ang mga ari-arian nito at pati na rin ang malaking shares nito sa kompanya kung pakakasalan niya si Amber na anak ng pinagkakatiwalaang secretary ng mga magulang niya kaya niya pinakasalan ang dalaga. Dalawang taong magkaiba ng mundong kinagisnan ang magsasama sa iisang bubong bilang mag-asawa. Matutunan kaya nilang mahalin ang isa't isa sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad at pagkakaiba ng kanilang mga ugali? Mabago kaya ng isang babaeng masayahin at kuwela ang isang lalaking seryoso sa buhay at tila hindi marunong umibig? O mauuwi lamang sa paghihiwalay at hindi pagkakaunawaan ang kanilang kuwento?
Romance
10242.5K 조회수완성
읽기
서재에 추가
Tres Marias: Ada

Tres Marias: Ada

Hindi naging hadlang ang yaman at pribilehiyo upang tuparin ni Atty. Ada Esquivel--- isang matapang at ma-prinsipyong babae--- ang kanyang misyon sa buhay. Bagaman lumaki siyang laki sa yaman at karangyaan, pinili niyang i-alay ang kanyang buhay upang tulungan ang mga mas higit na nangangailangan. Ang kanyang pangalan ay isang malaking tinik sa lalamunan ng mga mayayamang mapang-abuso, sapagkat kilala siya sa pagpanalo ng ng mga kasong isinasampa laban sa ilan sa kanila. Sa kauna-unahang pagkakataon ay natalo siya sa isang kaso. Kasunod nito ay ang kalunos-lunos na pagkamatay ng kanyang dating Propesor. Dahil dito ay mapapadpad siya sa isang malayo at maliit ngunit tahimik na bayan ng Bagong Silang. Sa patuloy na pakikibaka para sa karapatan ng mga taong naninirahan dito, unti-unti ring mabibigyan ng linaw ang sinapit ng kanyang propesor, maging ang misteryo sa likod ng kauna-unahang kasong hindi niya naipanalo ay mabubunyag din. Lingid sa kaalaman ni Ada ang bawat sikretong matutuklasan niya ay magiging mitsa ng kanyang buhay. Makakaligtas kaya siya sa tiyak na kapahamakang nakaabang sa kanya? Posible kayang makatagpo siya ng pag-ibig sa gitna ng digmaan? How much will it take to win against the fight outside the courtroom?
Mystery/Thriller
1.4K 조회수연재 중
읽기
서재에 추가
Sextuplets Para Sa Hot CEO

Sextuplets Para Sa Hot CEO

Hindi inasahan ni Amy na ang asawang minahal at pinagkatiwalaan niya nang husto sa loob ng maraming taon ay niloloko siya sa gamit ang secretary nito sa trabaho. Nang magharap sila, pinagtawanan at kinutya lang si Amy ng kanyang asawa at ng kabit nitong secretary. Tinawag siyang baog ng mga walang hiyang yun dahil lang hindi pa siya nabubuntis sa nakalipas na tatlong taon na kasal sila ng asawa niyang si Callan. Dahil sa pagiging heartbroken niya, nag-file siya ng divorce at pumunta sa isang club, pumili siya ng isang random na lalaki, nagkaroon ng mainit na one night stand, binayaran ang lalaki at biglang naglaho papunta sa maliit na syudad. Bumalik siya sa bansa pagkalipas ng anim na taon kasama ang tatlong cute na lalaki at tatlong cute na babae na magkakaedad at magkakahawig. Nagsettle down siyang muli at nakakuha ng trabaho pero di nagtagal ay nalaman niyang ang CEO sa kumpanyang pinatatrabahuhan niya ang lalaking naka-one night stand niya sa club anim na taon na ang nakalilipas. Magagawa ba niyang itago ang kanyang six little cuties mula sa CEO na nagkataong ang pinakamakapangyarihang tao pa sa NorthHill at pinaniniwalaang baog rin? Pwede bang magkasundo si Amy at ang pinakamakapangyarihang tao sa NorthHill sa kabila ng pagiging langit at lupa ng estado nila sa buhay?
Romance
9315.0K 조회수완성
읽기
서재에 추가
이전
1
...
4142434445
...
50
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status