Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Take you out (BL - Taglish)

Take you out (BL - Taglish)

Si Vance Haidezo, isang friendly, hard working and charismatic Journalist. Naatasan siya para sa isang private project ng TV Station na pinapasukan niya. He will make a documentary film for the daily life of a billionaire heir. Hindi niya inaasahan na ang tinutukoy na tagapagmana ay si Steven Kiazxon. Si Steven Kiazxon na heartthrob, bad boy ay boyfriend niya Vance noong nasa college sila na hanggang ngayon ay mahal na mahal niya. Vance waited him after Steven promised to come back but suddenly disappeared three years ago. Now that they meet again. Akala ni Vance tapos na ang paghihintay niya pero hindi pala dahil hindi na siya kilala ni Steven na nagka-amnesia. Ano ang dapat gawin ni Vance para maalala siya ng nobyo? Paano niya gagawin 'yon kung nakalimutan na din ni Steven ang tunay nitong pagkatao? Na ang kaya din nitong ibigin at pangarapin ay isang lalakeng kagaya niya... "Steven, kung hindi ako maalala ng isip mo, ipapaalala ko 'yon sa puso mo. Ramdam kong alam mong mahalaga ako sayo kaya maghihintay ako hanggang sa maalala mo ako. Nababasa ko sa mga mata mong mahal mo pa rin ako kaya hindi ako susuko." - Vance. Anong misteryo ang matutuklasan ni Vance sa pangyayari tatlong taon na ang nakakaraan na dahilan ng pagkawala ng alaala ni Steven?
LGBTQ+
109.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying My First Love

Marrying My First Love

Leigh Green
Si Alexandra Jane Diaz ay isang book illustrator na simple at ordinaryong namumuhay araw-araw kasama ang aso niyang St. Bernard na ang pangalan ay Smarty. Nang isang araw ay sadyang pagkainteresan siya ng isang kapritsusong estranghero at basta na lang alukin ng kasal. Ang pangalan nito ay Daniel. Si Daniel St. Claire ay isang tahimik subalit magaling na negosyante. Isa siyang uri ng lalaki na maraming baliw na ideya at mas nanaising manahimik kaysa magsalita pero magaling magpatsutsada o mangulit. Mahal niya ang kababata niyang kaibigan na si Sarah. Si Sarah Geneva Kale ay isang magandang babae na nagmamay-ari ng isang makulay na flower shop. Hindi niya alam na ang batang lalaki na nagustuhan niya ng bata pa siya ay mahal pa rin siya hanggang ngayon hanggang sa napagpasiyahan nito na magpakasal sa isang babaeng hindi niya kilala kaysa sa kanya. Damay sa gulo't buhol ng pag-ibig at pagtatago ng mga puso, kailangan ni Alex na sumabay sa plano ni Daniel at magpakilalang pekeng fianceé nito hanggang makilala niya ang mahiwagang Sarah Kale. Makakatuluyan ba ni Daniel si Sarah at ang dalawa ang magpalitan ng "I do" sa altar? O makakatugma niya si Alex sa isang hindi inaasahang pagbabaliktad ng tadhana?
Romance
2.9K viewsOngoing
Read
Add to library
My Loveless Marriage With Attorney Chandler

My Loveless Marriage With Attorney Chandler

Kung ang iba ay ikinasal dahil sa pagmamahal, si Adaghlia Perez naman ay ikinasal upang magbayad ng utang. Katumbas ng limang taong pagbaba ng sentensya ng kanyang ina ay limang taong pagdurusa sa piling ng abogadong si Grayson Chandler. Kaliwa't kanang kasinungalingan at panloloko ang nararanasan niya araw-araw. Para bang iiyak ang araw kung hindi siya nito nasasaktan. Hindi lang siya harap-harapang pinagtaksilan ng lalaki, kung maka-deny pa ay sobrang kapal ng mukha nito kahit mahuli pa sa akto. Hindi asawa ang turing nito sa kanya kundi isang alipin. Alam niyang walang babaeng dapat makaranas ng ganito pero wala siyang ibang magagawa. Bukod sa may utang na loob siya dito, hindi maipagkakailang mahal na mahal niya ito. Hanggang sa dumating na ang araw na pinakahinihintay. Handa na siyang iwan ang lahat at ayusin ang sarili. Pero isang bagay ang kumurot sa kanyang puso nang malamang nagbunga ang kanyang pagiging parausan ng isang taong hindi naman siya mahal. Isang gabi pagkatapos pirmahan ang divorce papers, bigla siyang nakatanggap ng tawag ng isang taong lasing, “Don't sign the papers. I didn't sign it.” Itutuloy pa kaya ni Adaghlia ang pag-alis? O hahayaan na naman niya ang sariling maging alipin ulit ng pag-ibig?
Romance
354 viewsOngoing
Read
Add to library
Hindi Inaasahang Asawa

Hindi Inaasahang Asawa

Ang araw na inakala ni Ruby na magiging pinakamasayang sandali ng kanyang buhay ay nauwi sa isang bangungot. Iniwan siya sa altar ng lalaking pinakamamahal niya—si Haven Davidson—walang paliwanag, walang mensahe, walang bakas. Sa loob ng maraming taon, tapat siyang naghintay. Kumapit sa pag-asa, sa pag-ibig, na unti-unting naging sugat sa puso. Hanggang sa dumating ang araw na nalaman niya ang katotohanan—at tuluyang gumuho ang kanyang paniniwala. Ang lahat ng paghihintay... ay nauwi sa wala. Ang pagmamahal niya... matagal nang namatay. Pagkalipas ng apat na taon, bumalik si Haven. Ngunit hindi yakap ang sumalubong sa kanya—kundi isang demanda ng diborsyo. At si Ruby? Nawala na lang na parang bula. Doon lamang napagtanto ni Haven: mahal pa rin niya si Ruby. Mahal na mahal. Ngunit huli na ba ang lahat? Sa pagitan ng pag-ibig at konsensya, determinado si Haven na hanapin si Ruby at itama ang lahat ng pagkakamali. Pero... maaari pa bang buhayin ang pusong matagal nang nawasak? Ano nga ba ang tunay na nangyari noon? At ano ang nagtulak kay Ruby para tuluyang lumayo at tapusin ang lahat?
Romance
4.2K viewsOngoing
Read
Add to library
MagkaDugo

MagkaDugo

Mahal ko siya. Hindi ko kayang labanan ang aking nararamdaman. Hanggang sa lumipas ang panahon ang pag ibig na nararamdaman ko sa kanya ay parang kumunoy, na kahit anong gawin ko'y hindi na makakaahon. Natuklasan ko na pareho ang nararamdaman naming dalawa. Ang siyang simula ng hirap ng aming pag iibigan.
Romance
1028.5K viewsCompleted
Show Reviews (9)
Read
Add to library
Babz07aziole
maraming salamat sa napakagandang akda author. na hook talaga ako dito at hindi ko talaga tinigilan, iyon lang ung title parang nawalan ng sense dahil sa naging flow ng story hanggang dulo. Bet ko talaga iyong dialogue tag ni bebe Dayanara ganoon yata kapag pov ng mismong character mas strong
emiluvs
2 chapters na lang... grabeh napakaganda Ng story na ito.. lahat na Ng emotions naramdaman ko sa story na ito, pero higit sa lahat sobrang na inlove ako sa story nina Ara at Santi.. love na love ko mga characters nila.. uulit ulitin ko talaga basahin to!!!!
Read All Reviews
A SECOND CHANCE TO LOVE

A SECOND CHANCE TO LOVE

JMC
Dahil sa pangba-blackmail ng tiyuhin ni Lilac ay pinakasalan niya ang binatang mayaman at 25 years old ngunit ang isip naman ay 15 years old teenager na si Fugo Clemente. Inapi-api niya si Fugo para kusang makipaghiwalay ito sa kanya. Nang hindi na makayanan ni Fugo ang ginagawa niya ay lumayas ito sa bahay nila at hindi na nagpakita pang muli sa kanya. Ngunit nang wala na ito ay saka naramdaman ni Lilac na nagkaroon na pala ng puwang sa kanyang puso ang kanyang asawa nang hindi niya namamalayan kaya hinanap niya ito ngunit hindi niya ito natagpuan. After three years, nakilala ni Lilac si Falcon na pinuno ng mafia sa Pilipinas at kamukhang-kamukha ito ng kanyang asawang si Fugo. Ngunit magkamukha man ang dalawa ay magkaiba naman sila ng pag-uugali. Aloof, rude at higit sa lahat ay wala itong pakialam sa kanyang nararamdaman. Malayong-malayo ito sa asawa niya na bagama't batang mag-isip ay sobrang mahal na mahal naman siya. Ngunit malakas ang kutob niya na si Fugo at Falcon ay iisa kaya gagawin niya ang lahat para maalala at ibigin siya nito. Magawa kaya niya itong paibigin kahit na may ibang babae nang nagmamay-ari sa puso nito? O kailangan pa bang malagay sa panganib ang buhay niya bago nito ma-realized na mahal pa rin siya nito?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying the Devil

Marrying the Devil

Kung ikaw si Lyresh Fontanilla, mamahalin mo ba ang lalaking pinagkait sayo ang bawat pangarap ng mga babaeng makasal sa taong mahal at pinapangarap nila? Makakaya ba ng puso mong palagpasin ang sapilitan pagkuha sa iyong pagka babae? Ang isang Zyaire Torricelli ba ay may pag asang magbago kung sa paningin mo ay isa siyang demonyo?
Romance
9.539.3K viewsCompleted
Read
Add to library
A Mistress's Revenge

A Mistress's Revenge

Paano nga ba maging masaya lalo na kapag nalaman mong isa ka na lang kabit ng lalaking unang nangako sa'yo ng kasal at pagmamahal? Si Joy Fuego, isang simpleng babae na masaya at kuntento na sa buhay pag-ibig niya kay Ricks Gregorio-- ang kan'yang nobyo dahil kahit na mahirap lang sila pareho ay responsable at mapagmahal naman ito sa kan'ya. Hindi man nito naibibigay sa kan'ya ang lahat ay alam niyang mahal na mahal siya nito at kahit na kailan ay hindi siya nito magagawang lokohin. Pero paano na lang kapag dumating ang isang malaking pagsubok sa pagsasama nila at malaman niyang kasal na pala ito sa iba? At ang masakit pa ay bago lamang nito nakilala ang babaeng pinakasalan. Matitiis ba niyang maging isang kabit lang ng lalaking pinakamamahal alang-alang sa magiging anak nila o nakahanda na siyang palayain ito at hayaang lumigaya sa piling ng babaeng pinili nitong pakasalan?
Romance
106.1K viewsCompleted
Read
Add to library
AKALA KO AY LANGIT

AKALA KO AY LANGIT

Warning! Bawal po sa bata! ---------- Walang pagdadalawang-isip na inialok ni Leia ang sarili niya sa sundalong si Bryle na maging asawa nito. Umasa siyang iyon ang magiging susi upang matakasan niya ang kahirapan. Subalit ang hindi alam ni Leia ay mas mararanasan pa pala niya ang hirap ng buhay kapag siya ay may asawa na. Gayunman, dahil mahal na mahal na niya ang kanyang asawa ay hindi niya ito sinukuan. Sunod-sunod man ang naging dagok ng kanilang pagsasama ay nanatili siyang tapat sa kanilang pangako na magsasama sa hirap at ginhawa. Pero ang hindi inasahan ng mag-asawa ay biglang darating sa buhay nila ang isang bilyonaryo at gustong maging asawa si Leia. Ginawa nito ang lahat maagaw lamang si Leia kay Bryle. Paano kaya haharapin ng mag-asawa ang pinakamatinding hamon ng kanilang pagsasama? Malalagpasan pa kaya nila kung si Leia ay may kapansanan na at si Bryle naman ay may problema sa pag-iisip at wanted pa sa batas? Magkikita pa kaya sila at bubuo pa kaya nila ang kanilang pamilya?
Romance
107.4K viewsCompleted
Read
Add to library
My First Love

My First Love

carmiane
Am I ready to be in love? Am I ready to sacrifice myself? Handa na ba ako sa mga mangyayare kapag sinabi ko sa kaniya na mahal ko siya? Paano kung hindi niya ako mahal? Paano kung wala naman siyang nararamdaman para sa akin ano ang gagawin ko? Deserve niya ba ako? Hindi ako para sa kaniya. Kaya titignan ko na lang siya na masaya sa ibang babae na kayang ipagtanggol at mahalin siya ng lubusan.
Romance
3.6K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1617181920
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status