Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Before The Vows Were Broken

Before The Vows Were Broken

Ipinagkasundo si Cassidy ng kanyang mga magulang kay Chester Montecalvo. Bata pa lang ay minamahal na ng dalaga si Chester kaya tinanggap niyang maikasal dito. Pero sa loob ng dalawang taon nilang pagiging mag-asawa ay walang ginawa si Chester kundi pasakitin ang puso niya. At nang mamatay ang mga magulang niya ay mas lalo pang lumabas ang tunay na kulay ni Chester nang ikulong siya nito at pilitin papirmahin ng mga dokumento para mailipat dito ang pagmamay-ari ng kompanya. Cassidy killed herself bago pa makuha ng asawa niya ang lahat ng meron siya. Hindi niya hahayaan na mapunta sa walanghiya niyang asawa ang pinaghirapan ng kanyang mga magulang. Pero iba ang plano ng kapalaran sa kanya. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nasa harapan siya ng altar, ikinakasal muli kay Chester. She had given a second chance, nabuhay siyang muli.
Romance
336 viewsOngoing
Read
Add to library
Descendant of the Last Red Moon

Descendant of the Last Red Moon

Sinisikap ni Matt na mamuhay ng malayo at tahimik, Sinikap niyang hindi maging mundo ang mundo ng totoo niyang pagkatao. Sinikap nilang kahit sa kanyang sariling paraan ay hindi matulad sa mga taong kinasusuklaman pero isang babaeng ang nakatakda ng tadhana na siyang babago sa kanyang pananaw ay mamahalin ng kanyang puso at buong pagkatao. Ngunit ang babaeng iyon din ang lilipol ng kanyang uri at tatapos ng kanyang huling hininga. Tama nga bang mahalin pa nila ito?
Other
103.1K viewsCompleted
Read
Add to library
My Brave heart's desire (Filipino)

My Brave heart's desire (Filipino)

rosellemarie0530
Does her Brave heart's willing to endure the pain and hurt for the desire or for the agreement? Naranasan na ni Feona na mabigo at sobrang masaktan sa kanyang pagmamahal sa boyfriend na MVP celebrity basketball player na si James Alvaro. Dala ng kanyang mga dinaramdam napaaga siya ng R and R bilang isang babaeng opisyal ng sandatahan ng Pilipinas. Sa pinagdadaanang kalungkutan at betrayal nagawa niyang aliwin ang sarili sa bar ng isang kilalang hotel, nalasing at nakakilala siya ng isang estrangherong lalaki na ubod ng kisig at gwapo sa bar ng isang sikat na hotel na iyon. Sa nadaramang heartbreak ay nakalimot si Feona sa kalasingan. Ngunit nagulantang siya isang umaga nang magising sa isang di pamilyar na silid at nasa bisig ng lalaking kakakilala niya pa lamang. Hindi akalain ni Feona na muling magkukrus ang landas nila ng estrangherong lalaki. Paano kung may kanya kanya silang advantages at kondisyon para sa isa't isa nang dahil sa naganap sa pagitan nilang dalawa?
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan

ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan

Ang kapangahasan ni Rose ang nagdala sa kanya sa isang malaking panganib. Kung saan sa malayong probinsiya at liblib na bayan sa Cotabato siya ay napadpad. Habang nasa biyahe ay hinarang ang kanyang sinasakyang bus ng mga masasamang loob. Binitbit siya ng mga armadong lalaki na may nakakatakot na mga pagmumukha. Animo mga buwitreng gutom na nakakita ng karneng pag-aagawan sa katauhan niya. Nanganganib siyang malapastanganan. Subalit sa kabila ng takot ay hindi pinanghinaan ng loob si Rose. Dinala sya ng grupo sa kuta ng mga ito at ginawang bihag. Sa puntong iyon alam niyang nasa panganib ang kanyang buhay lalo na at natipuhan siya ni Horan ang mabagsik na pinuno ng mga bandidong dumukot sa kanya. Napasakamay siya sa pangangalaga ni Dimitri. Ang lalaking may mala-leon na lisik ng mata. Ngunit Imbis na mas lalong mangamba sa kaligtasan ay natagpuan niya ang sariling nais na mahulog sa mga bisig ng lalaking tulisan.
Romance
1010.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Hacienda Del Puedo #1 Hara

Hacienda Del Puedo #1 Hara

Si Hara Del Puedo ay kilala sa buong hacienda bilang pinakamabait, pinakamadaling lapitan at higit sa lahat ay pinakamatapang na apo ni Don Ernesto. Iginagalang at minamahal siya ng mga tauhan nila. Sa edad niyang bente anyos ay marami na siyang naranasan katulad ng isang insidente limang taon na ang nakakaraan. Dahil dito ay umalis ang dalaga sa Hacienda Del Puedo upang makalimot. Ngayon, nagbabalik na si Hara sa kaniyang bayang sinilangan upang harapin ang malagim na trahedya ng kahapon. Sa kaniyang pagdating ay may isang Xandro na naghihintay sa kanya. Kasabay ng mga alaalang muling nanunumbalik ay ang pagkahulog ng loob ng dalaga sa lalaking katulad niya ay may amnesia rin. Sa tulong ng binata ay gagawin ng dalaga ang lahat upang hanapin ang mga totoong salarin sa Hacienda Del Puedo massacre. Unti-unting makakamit ng dalaga ang hustisya ngunit maraming hadlang ang sa kaniya'y naghihintay. Pakiramdam ng dalaga ay pilit ibinabaon ng sinuman ang katotohanan upang wala siyang matuklasan. Gamit ang tatag ng loob at determinasyon ay malalaman ni Hara ang mga lihim ng kahapon kasama na rin ang mga sikreto ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ang katotohanang akala niya ay magpapalaya sa kaniya ay muli palang susugat sa puso niyang durog na durog na kaya gagawin ni Xandro ang lahat upang muling mabuo ang dalagang ngayon ay hindi na kayang magtiwala pa sa kahit sino man.
Romance
9.936.4K viewsCompleted
Read
Add to library
MR SEA-MANLOLOKO

MR SEA-MANLOLOKO

Binansagan siyang NOTORIOUS PLAYBOY ng mga pinsan. Siya si ClarenceKeithMckevinMondragon. Dahil kung magpalit siya ng babae sa buhay ay parang damit na kung ayaw ay basta na lamang tanggalin at ibato kung saan. Hanggang sa basta na lamang sumulpot ang babaeng nais magpakamatay sa kaniyang barko. Si Maria Concepcion Herrera isang lady pilot ng Swedish Airlines. Nang dahil sa kagustuhang lumayo sa pamilyang magulo ay hindi siya umuwi ng walong taon. Maari siyang mabuhay ng hindi nagtatrabaho dahil sa laki ng kumpanya at assets ng mga Herrera. Subalit nang nalaman ang katotohanan sa pamilyang inabandona ng maraming taon ay muli siyang lumayo at napadpad sa MARGARITA INTERNATIONAL CRUISESHIP.
Romance
1.6K viewsCompleted
Read
Add to library
One Night With Him

One Night With Him

Pagkatapos niyang ma promote bilang Secretary ng CEO ay inaya niya ang kaibigan niyang mag bar,In enjoy niya ang Gabi at nagpaksaya hanggang sa nagising nalang siya na walang ibang saplot katabi ang lalaking nakakuha ng virginity niya, hindi niya pinag sisihan ang nangyari dahil gwapo naman ang nakakuha ng virginity niya pero ng makaharap niya ang CEO ay pinag sisihan niya ang lahat,Ang lalaking naka talik niya ng isang Gabi at Ang CEO ng kompanyang pinag tratrabahuan niya Ngunit paano kung hindi lang iyon ang mangyayari, paano kung aayain din siya ng boss niya sa isang Fake Marriage kapalit ng isang million Tatanggapin niya ba ito o tatanggihan?
Romance
1072.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Babysitting The Ruthless Billionaire's Son

Babysitting The Ruthless Billionaire's Son

Mag-a-apply sana si Giselle bilang Domestic Helper sa Saudi Arabia. Pero pagdating niya sa Maynila, nadukutan siya, nawala ang mga papeles pati na rin ang perang inipon ng kanyang ama. Dahil insidenteng iyon, napadpad siya sa puder ni Raul Montoya—isang single dad na ubod ng gwapo, matipuno, at mayamang negosyante, ngunit ubod nga lang din ng sungit at palaging iritado. Magtatrabaho siya rito bilang nanny ng anak nito. Unang araw pa lang niya sa trabaho, naranasan na niya ang hagupit ng sama ng ugali nito. Tila ang init ng dugo nito sa kanya at mas lumala pa ito sa mga sumunod pang mga araw hanggang sa natuto siyang lumaban dito, dahilan para mas lalo itong magalit sa kanya. Ngunit hindi mapaalis-alis ni Raul si Giselle dahil napalapit na rito ang anak niya. Nagpatuloy ang bangayan ng dalawa hanggang sa may nangyaring hindi inaasahan—isang makasalanang gabi ang nangyari sa kanilang dalawa. Isang gabing hindi nila malilimutan. Isang gabing nagparanas sa kanila ng kakaibang init at sarap. Ito na kaya ang maging hudyat ng tuluyang pagbabago ng relasyon nilang dalawa?
Romance
416 viewsOngoing
Read
Add to library
Game of Love

Game of Love

Si Mayumi Sperbund "Yumi" ay isang simpleng babae na ang tanging nais lamang ay makapagtapos ng pag-aaral para matupad ang pangarap ng kanyang Nanay at Tatay. Sa kabutihang palad ay naging iskolar s'ya sa Kugimiya University at dito mag-uumpisa ang bagong kabanata ng kanyang buhay. Makakakilala s'ya ng mga bagong kaibigan at ituturing n'ya na parang pamilya. Makikilala ni Yumi si Ryuu Kugimiya "Barry" na isang mayaman, antipatiko, pilyo at gwapong lalaki na magiging dahilan upang mabago ang paniniwala n'ya pagdating sa pag-ibig. Dahil dito magbubunga ang pagmamahalan nila, mabubuntis si Yumi at itatakwil s'ya ng kanyang Tatay. Magbabago rin ang pagmamahal sa kanya ni Ryuu dahil sa isang pagkakamali at hindi pagkakaintindihan at nang dahil sa pag-ibig paglalaruan silang lahat ng tadhana at mauuwi ang lahat sa isang masalimuot na trahedya. Makalipas ang pitong taon ay isa ng sikat na modelo si Yumi dala-dala ang sugat ng nakaraan na pilit n'yang tinatakasan at muli silang pagtatagpuin ng mapaglarong tadhana at muling mabubuksan ang nakaraan na laro ng pag-ibig. Sa pagkakataon bang ito ay maliliwanagan na ang lahat at gagaling na ang sugat ng nakaraan?
Romance
9.97.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Tamara, The Mafia's Gem

Tamara, The Mafia's Gem

Tamara, the mafia's gem! But in real life, isa lang siyang walang kwentang tao na ipinadala sa mafia's underground world para patayin ang pinuno ng mga mafia group kasama na ang lider ng Devil's Angel Mafia Organization. Hanggang sa muling magtagpo ang landas niya at ng mga taong nagpadala sa kaniya sa mafia's world. Sa pagkakataong ito, kalaban na ang turing nila sa kaniya. Sa gitna ng panganib at kalituhan, isang alagad ng batas, sa katauhan ni Lt. Andrei Montillano, ang maninindigan upang iligtas siya sa bingit ng kamatayan. Dahil sa ginawa ni Andrei, ituturing siyang bayani ni Tamara. Subalit lingid sa kaalaman ng dalaga, pagbabayarin siya ng bilyonaryong binata sa kamatayan ng ama nito na minsan ay naging target niya sa isang misyon. Ngunit paano kung sa huli'y kapwa sila mahulog sa kumunoy ng mapaglarong pag-ibig? Handa ba nilang kalimutan ang poot sa kanilang mga puso alang-alang sa nanganganib nilang anak? May halaga ba ang salitang pagmamamahal sa dalawang taong handang ipaglaban ang prinsipyo at katarungan kung pareho na silang natutupok sa apoy ng galit?
Romance
1026.3K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3031323334
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status