Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Fake Marriage With The CEO

Fake Marriage With The CEO

Nang malaman ni Ysabela ang kaniyang pagbubuntis, takot at saya ang bumalot sa kaniyang puso. Hindi niya iyon inaasahan, lalo pa't alam niyang maaaring hindi matanggap ni Greig ang kaniyang pagbubuntis. Alam niyang maaaring mapawalang bisa ang kasal nila dahil simula't sapul ay peke lamang ito. Ano ang mangyayari kung biglang bumalik ang babaeng mahal nito? Ano ang magiging laban niya kay Natasha? Magagawa niya pa bang ipaglaban ang lalaki kung patuloy nitong pinipili ang dating kasintahan? O magpapaubaya na lang siya ng tuluyan?
Romance
9.2419.3K viewsOngoing
Show Reviews (55)
Read
Add to library
Analyn Bermudez
Ms A...tlga ba pahiihirapan ni Archie SI Yvonne dahil nagkasala Ang pamilya ni Yvonne sa pamilya ni Archie???grabeh kung ganun..sna lang Hindi totoong namatay SI Yvonne...sna lang pinalabas ni Yvonne na Siya ay namatay para tigilan na Siya ni Archie na pahirapan...hayss..sad nmn ...
Ludy Perez
hi otor,.bka andyan ka sa libing nila yvonne baka pedeng paki shareo naman samin ang ganap dyan.. Or baka Alam mo kun nasan c Archie wag mo nang papuntahin k Lindsy .yakapin mo ng mahigpit si Archie para di makapunta k Lindsy.Yaan mong mamuti Ang Mata nun mag amang yun kakahintay k Archie..hehe
Read All Reviews
Love Beyond Status: The Billionaire's Chosen Wife

Love Beyond Status: The Billionaire's Chosen Wife

Si Adam Joe, isang bilyonaryo. Maganda ang buhay dahil sa yaman na kaniyang pinag hirapan. Samantala si Elizabeth Fortes, hikahos sa kahirapan. May kapatid na malubha ang sakit, dahil sa sakit ng kaniyang kapatid na si AZ, kinailangan niyang kumapit sa patalim upang mapagamot ang nag iisang kapatid dahil wala na silang magulang. Si Adam ay mapaglarong tao, kahit na meron na siyang kasintahan ay nagawa pa din niyang magtaksil dahil hindi naman talaga niya lubos na gusto si Sabrina, pinag kasundo lang sila ng kaniyang Lolo at ng magulang ni Sabrina. Ano ang magiging papel ni Elizabeth sa buhay ni Adam? Magiging parausan lang ba siya ng bilyonaryong lalaki?
Romance
10488 viewsOngoing
Read
Add to library
One Night Mistake

One Night Mistake

It is a one night mistake, a mistake that she will never regret. Nagbunga ang isang gabing pagkakamali na nagawa ni Mikaya kasama ang estrangherong nakilala niya sa bar. Nang matuklasan niyang siya'y buntis ay agad siyang nakipaghiwalay sa kanyang kasintahan at piniling umuwi ng probinsya dahil na rin sa kagustuhan ng kanyang mga magulang. Naging masaya ang buhay niya kasama ng kanyang anak. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, dahil walang sikretong hindi nabubunyag. Nalaman ng kanyang dating kasintahan na mayroon siyang anak at handa nitong panagutan ang bata sa pag-aakalang siya ang ama nito. Handa na ba siyang sabihin ang katotohanan? O hayayaan niyang kilalanin ng kanyang anak ang taong hanggang ngayon ay mahal pa rin niya. But love cannot make two person stays with secrets and lies. Would a woman like her ready to reveal the whole truth?
Romance
1011.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Playing Pretend with Mr. Billionaire

Playing Pretend with Mr. Billionaire

Sa kagustuhang lumimot sa kataksilan ng kasintahan at sariling pinsan ay aksidenteng naibigay ni Jocelle ang virginty sa isang estranghero. Nang magtagpong muli ang landas nila ay napag-alaman ni Jocelle na isa itong bilyonaryo at maimpluwensyang tao kaya nakapagtataka ang pinapakita nitong interes sa katulad niyang malapit nang lumagpas sa kalendaryo. Nag-alok pa ito ng tulong upang tigilan na siya ng ex niyang matapos ikasal sa kanyang pinsan nagpapakita ulit ng interes sa kanya. Paano nga ba niya matatanggihan si Rowain Michael gayong binubuhay ng bawat ngiti nito ang natutulog niyang katawang lupa?
Romance
9.97.5K viewsOngoing
Read
Add to library
I'm in Love with that Girl

I'm in Love with that Girl

Z.R Cruz
Inalok ng kasal ni Francine sa kanyang nobyong si Leonard. Ngunit hindi pa handa si Leonard na pumasok sa buhay may asawa. Hindi niya tinanggap ang alok ni Francine at iniwan ang kasintahan. Labis na nawasak ang damdamin ni Francine. Si Ethan Fajardo, makisig at kilabot ng kababaihan, namamahala din siya ng isang automotive company kasama ang kanyang matalik na kaibigan, si Aaron. Isang playboy na hindi naniniwala sa totoong pag-ibig. Ngunit ang kanyang lola, si Elizabeth ay ipinagkasundo ang binata sa anak ng kanyang kaibigan. Tumutol si Ethan sa kasunduan at nagsabing may mahal s'yang iba. Kung kaya't hinamon s'ya ng kanyang lola na iharap sa kanya ang tinutukoy nitong kasintahan. Sa hindi inaasahang pagkakataon nagkrus ang landas ng dalawa. Papayag ba si Francine na maging kasintahan ni Ethan? Maniniwala ba si Elizabeth sa pagpapanggap ng dalawa?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Loyal Wife

The Loyal Wife

Nag-umpisa sa isang arrange marriage Ang relasyon na kailangan buuin nina Niel at Mekki. Dahil pinakasundo sila ng kanilang mga magulang. Dahil may ibang mahal si Niel at kakahiwalay lang nila nito. Kaya Hindi pa ito handa sa bagong relasyon. Pero Wala siyang magawa kailangan niyang tuparin Ang kasunduan ng amang yumao sa mga Reynares sa pamilya ni Mekki. Pero pa ano Pala kong Ang akala na anak Ng mga Reynares ay Hindi Pala tunay na Reynares. Magagawa bang tanggapin iyon ni Niel at Ang kayang Ina? At paano Kong bumalik Ang dating kasintahan nito at gusto niyang bawiin si Niel. Hahayaan ba ni Mekki. Na maagaw si Niel sa kanya. Paano sila magtitiwala sa isa't Isa at patunayan Ang kanilang pagmamahalan.
Other
1.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Trap In His Arms

Trap In His Arms

Sa edad na dalawampu't isa, hindi inaasahan na ganoon kaagang mabubuntis si Hashana Romero. Kahit nagdadalang-tao ay pinilit niyang makapagtapos ng pag-aaral para sa kinabukasan ng magiging anak. Subalit sa pakikipagsapalaran nito sa syudad, nakilala ni Hashana si Rheo Auxilio na sa huli ay kanyang naging nobyo. Ngunit hanggang saan nga ba susukatin ang pagmamahalan ng dalawa kapag nakilala ni Hashana ang ama ni Rheo na si Clifton Auxilio? Na kung saan doon lang niya napagtantong ito ang kanyang nakaniig anim na taon ang lumipas. Makakaya kaya ng dalaga na ipaglaban ang pagmamahalan nila ng kasintahan kahit ang ama nito ay ama din ng anak niya? O susukuan niya ang pagmamahalan nilang dalawa alang-alang sa limang taong gulang niyang anak? Subalit papaano nga ba kung malaman ni Clifton na may anak sila ni Hashana? Ano kaya ang kayang gawin at isakripisyo ng lalaki?
Romance
105.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire's Deal With A Divorced Wife

Billionaire's Deal With A Divorced Wife

Anning
Tuwang-tuwa si Cassandra nang ipagkasundo siya ng kanyang ama sa anak ng kaibigan nito, si Vincent. Mga bata pa lang kasi sila ay may lihim nang pagtingin si Cassandra kay Vincent at ang buong akala niya ay kapag nakasal sila, magugustuhan din siya pabalik ng binata. Pero doon nagkamali si Cassandra. Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, ni minsan ay hindi ipinaramdam ni Vincent na mahal siya nito. Pero nang malaman ni Cassandra na nagdadalang-tao siya at mabibigyan na niya ng anak si Vincent, muli na naman siyang umasa na masusuklian na ni Vincent ang nararamdaman niya. Pero ganoon na lamang ang gulat ni Cassandra nang malaman niyang nabuntis ni Vincent ang dating kasintahan, at sa halip na magpaliwanag ay humingi ito ng diborsyo. Wasak at sawi sa pag-ibig, gulong-gulo ang isip ni Cassandra—hindi niya alam kung saan pupunta at kung ano ang gagawin, not until a mysterious billionaire showed up in front of her and offered her marriage.
Romance
374 viewsOngoing
Read
Add to library
My Wife Is An Assassin

My Wife Is An Assassin

Labing walo taong gulang si Erica nang mabuntis siya ni Gregory Hans Miller dahil sa one night stand. Napilitan na pakasalan siya ni Greg dahil sa utos ng kanyang grandfather. Sinisisi siya ni Greg dahil sa pag hihiwalay nila ng kasintahan nito si Amira. Sinaktan at itinuring na katulong imbes na asawa. Nag offer si Greg ng sampung milyon kapalit na pipirmahan ang annulment papers at mawawalan ng karapatan si Erica bilang ina ni Greyson na kanilang anak. Nagmakaawa si Erica kay Greg kapalit ng magiging nanny siya ng kanilang anak sa loob ng isang taon. Pagkalipas ng isang taon. Kahit labag sa kalooban. Napilitan umalis si Erica para magpakalayo at kalimutan ang pagiging ina ni Greyson. Malaki ang pag sisi ni Greg dahil huli na ang lahat nang matanto niya na umiibig siya sa kanyang asawa. Hinanap ni Greg ang kanyang asawa subalit nawala na lang ito na parang bula. Pagkalipas ng anim na taon. Muli niyang nakita ang kanyang asawa. Subalit malaki na ang pinagbago ni Erica. Isang matapang at palaban na babae.
Romance
1026.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Captivated Bride

The Billionaire's Captivated Bride

Warning ⚠️ SPG 🔞 Lorenzo Del Mundo, isang makapangyarihang bilyonaryo na nababalot ng galit at paghihiganti. Matapos siyang pagtaksilan ng kanyang kasintahan, itinakda niyang sirain ang buhay ng karibal niyang si Chadrick Villanueva—sa pamamagitan ng pag-angkin sa fiancée nitong si Faye Salvacion. Sa isang iglap, nagkagulo ang tahimik na mundo ni Faye nang matuklasan ang pagtataksil ng kanyang fiancé kay Elara Reyes, ang babaeng hindi niya akalaing konektado rin kay Lorenzo. Ngunit ang pagsagip ni Lorenzo sa kanyang nasirang puso ay may kapalit—isang nakakalunod na laro ng pang-aakit at panlilinlang. Alam niyang delikado ang mahulog sa bitag ng bilyonaryo. Pero paano siya lalaban kung ang kanyang puso ay unti-unting bumibigay?
Romance
107.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
45678
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status