Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez

Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez

Nagkaroon ng malaking pagkakautang si Laica kay Hendrick Montañez nang ang binata ang gumawa ng paraan upang maisalba ang buhay ng kanyang nakababatang kapatid. Isang bagay iyon na wala siyang kaalam-alam. Ang tanging malinaw kay Laica ay ang pagkamuhing nadarama ni Hendrick para sa kanya dahil sa pag-aakalang mas pinili niya ang pera kaysa sa relasyon nilang dalawa. Lumipas ang maraming taon. Nang muling magkrus ang kanilang mga landas ay naniningil na ang binata sa malaking halagang nagastos nito para sa kapatid niya. But how can she ever pay him if what he wants is for her to... marry him? Would she agree knowing that what he's offering is nothing but a contract marriage? That she needs to be his wife just for business purposes? Or she would take his offer, not only to pay her debt, but because deep inside, she's hoping that he loves her still? "Magiging asawa lang kita sa papel, Laica. We'll stay married 'til I get the company. Once it's done, we'll have an annulment. Don't worry 'cause it would be easy since I don't have any plan to consume our marriage..."
Romance
1018.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Ang Santo Sa Likod Ng Pinto 2: Si Father Mer

Ang Santo Sa Likod Ng Pinto 2: Si Father Mer

Delicate8
Kapalit ng dalawang pari na bigla na lang nawala na parang bula, dumating sa Iglesia Catolica de Villapureza si Father Merlindo "Mer" Fabian na may sariling bagahe rin na dinadala. Lingid sa kanyang kaalaman, may mas malaking problema pa pala siyang kakaharapin sa kanyang pagbabalik mula Vaticano kabilang na doon ang batang babae na nagngangalang Minggay at ang mga lihim nito na pilit niyang itinatago.
Mystery/Thriller
2.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Aggressive Maid

The Billionaire's Aggressive Maid

Tahimik ang mansyon. Tahimik… maliban sa mahinang iyak ni Princess sa bisig ko—isang buwang gulang, walang alam, walang kasalanan. Pero siya ang unang nasaktan sa lahat ng ‘to. Siya ang naiipit sa pagitan ng dalawang taong hindi na alam kung paano magmahal nang sabay. Nakaluhod ako sa harap ni Elise. Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng bestida niya, parang batang takot na maiwan sa dilim. Nanginginig ang labi ko, pinipigilan ang mga luhang ayaw na sanang lumabas—pero hindi ko na kayang kontrolin. “Please, Elise…” garalgal kong pakiusap. “’Wag mo kaming iwan. Hindi ko alam kung paano palalakihin si Princess nang wala ka. Hindi ko alam kung paano mamuhay kung wala kayo…” Pero wala. Wala siyang emosyon. Wala siyang luha. Matigas ang titig niya, parang ako pa ang mali. Bitbit niya ang maleta niya—hindi lang punô ng damit, kundi punô ng lahat ng alaala namin. Lahat ng pangarap. Lahat ng ‘akala ko tayo.’ “Hindi ko ‘to pinlano, Levi,” mahina niyang sagot. “Pero kailangan kong piliin ang sarili ko. Pagod na akong umasa. Pagod na akong maging pangalawa sa trabaho mo, sa mundo mo. Hindi ko kayang maging ina habang ako mismo’y hindi buo.” Gumuho ako. Literal. Napayuko ako habang yakap ko si Princess, habang nararamdaman ko ang init ng iyak niya sa dibdib ko. Halik ako nang halik sa noo niya, para bang kaya kong takpan ng pagmamahal ang kawalan ng ina niya. “Anak mo ‘to, Elise. Anak natin…” pabulong kong daing. “Kung hindi mo na ako kayang mahalin… kahit siya na lang. Kahit siya. ‘Wag mong iwan ang anak mo…” Pero wala. Ni hindi siya lumapit. Ni hindi siya tumingin. Tumalikod siya, dala ang katahimikang mas malakas pa sa kahit anong sigaw ng pagtanggi. "Ayoko na" mahina niyang sabi at hinila ang maleta palabas ng mansion.
Romance
1017.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Billionaire’s Desire (Tagalog)

Billionaire’s Desire (Tagalog)

Nang malaman ni Anastashia ang pagtataksil ng kaniyang nobyo ay talagang gusto niyang maghiganti. Si Michel ang kaniyang kaibigan na umagaw sa kaniyang nobyo. Dahil din doon, maghihiganti siya sa pamamagitan ng pag-seduce ng nobyo din ni Michel. Si Arthuro. Ngunit akala niya hanggang doon lang ang lahat. Na-in love siya sa isang napaka-dangerous na tao. Arthuro Gatciano, the leader of Gatciano group of Mafias, multi-millioner, and the member of Gatciano Circle. He is ruthless and arrogant man. Walang ibang hinangad si Anastashia kundi maghiganti lamang. Ngunit na-in love na pala siya kay Arthuro at ganoon na rin ito sa kaniya. But within that time, their love was not strong. Lalo pa sa mga twisted things that happened. May malaking kasalanan si Arthuro. Ang kanilang love story ay parang isang rollercoaster na isa lang ang dinadaanan ngunit mapanganib, paikot, at buhay ang kapalit. Pag-ibig kaya ang magwagi sa kanilang dalawa o hanggang sa silang dalawa na lang din ang magpatayan sa isa’t isa? “If you love someone, you are willing to kill or die.”
Romance
1017.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire

Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire

“Alam ko kung ano ang pinagdadaanan mo,” sabi niya kay Hannah, habang nakatitig sa mga mata nito. “Alam mo?” napamaang na lang si Hannah ng marinig ang sinabi niya. Ang mga mata nito ay unti unting nabasa na parang binubukalan ng tubig. “Oo– alam ko ang lahat ng nangyayari sayo, Hannah.. At marahil.. Natatandaan mo na kung sino ako,” sabi niya sa babae. “Ni-ninong Edward–” halos pabulong lang ang tinig na iyon, subalit puno iyon ng pagsusumamo at parang paghingi ng tulong. “Anong nais mo?” tanong niya kay Hannah, determinado siyang tulungan ito sa abot ng kanyang makakaya. “Nais ko silang magdusa.. At magsisi sa mga ginawa nila sa akin. Nais kong lumubog sila at masaktan, gaya ng mga ginawa nilang kahayupan sa akin ninong. Gusto ko silang gumapang sa putik kung saan sila nagmula. Nais kong bawiin ang lahat ng pag aari ko!” umiiyak nitong sabi sa kanya. Nahabag si Ed sa babae. Pinagmasdan niya ito ng husto. "Pwede kitang tulungan, pero may kondisyunes ako sayo.." sabi niya dito. "Kahit ano ninong, gagawin ko, sabihin mo lang!" determinado ang mga mata ni Hannah habang nakatingin sa kanya. "Pakasalan mo ako.. Nais kong magkaroon ka ng karapatan sa kayamanan ko, upang makalaban ka ng patas sa kanila. Sa papel lang tayo magiging mag asawa hannah.. nais ko lang na makapaghiganti ka.."
Romance
1021.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Billionaire Marry Me For A Bet

Billionaire Marry Me For A Bet

Nagsimula ang lahat sa isang taya, isang pustahan na ginawa ni Stanford Guzman sa kanyang dating kasintahan, isang pustahan na nagpapahintulot kay Veronica Montenegro na pakasalan ang kanyang lihim na pag-ibig. Naisip ni Stanford na palagi siyang mananalo ngunit hindi inaasahan, na ang pagkawala ni Veronica ang magiging pinakamalaking pagsisisi niya. Nakahiga pa rin ako sa kama, hubo't hubad, na may mga marka sa buong katawan ko, nang binitawan niya ang malamig na mga salitang iyon, "Melissa Johnson is back. I want a divorce." Nagulat ako kung gaano siya ka-callus. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko. Ano ang dapat kong gawin ngayon? Makakalimutan ba niya si Melissa at ipagpapatuloy ang kasal na ito kung sasabihin ko sa kanya? "Malinaw na nakasaad sa kontrata na maaari nating tapusin ang kasal na ito kung hindi tayo magmamahalan sa isa't isa sa loob ng isang taon. Hindi kita mahal, Veronica. You failed to win my heart." Walang emosyon niyang sinabi ang mga salitang iyon, nakatingin sa mga mata ko. Naiintindihan ko na hinding-hindi ko mapapalitan si Melissa sa puso niya, kaya nagpasiya akong ilihim sa kanya ang pagbubuntis ko. "Maghiwalay na tayo," sabi ko Naisip ni Veronica na mabubuhay siya nang masaya kasama ang kanyang sanggol na malayo kay Stanford at sa kanyang malamig at walang pusong mundo. Ngunit gumawa na ng ibang plano ang tadhana para sa kanya. Sa huli ay tumawid siya sa kanyang landas. "Naglakas-loob kang itago sa akin ang anak ko. Ngayon humanda ka sa mga kahihinatnan." Nang muling lumitaw si Stanford sa buhay ni Veronica, naging buhawi ng kaguluhan ang lahat. Paano niya ilalayo ang kanyang sarili at ang kanyang anak sa kanya? Maililigtas kaya niya ang sarili na hindi na muling masaktan?
Romance
210.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
I Love you, Bodyguard

I Love you, Bodyguard

Si Mark San Andres. Seryosong tao, workaholic at tila hindi alam ang salitang pahinga. Isang magaling na Bodyguard si Mark, magaling sa lahat nang bagay pero walang oras sa pakikipag-relasyon Ngunit nang dahil sa isang text message, Nagbago ang lahat. pati ang kanyang puso. matatanggap ka
Romance
9.830.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Wedding Plan (Billionaire Series 01)

The Billionaire's Wedding Plan (Billionaire Series 01)

Everything happen for a reason, noong una talaga inakala ni Samantha na 'yon ang pinaka the best na gagawin n'ya sa buong buhay nito. But she's wrong, sa sobrang mali hindi niya akalain na dito pala s'ya hahantong. Being a best friend of a man who named Judd Harrison dapat alam mo kung hanggang saan ka lang at 'yon ang nalagpasan ni Samantha, na kahit kasiyahan na ng kaibigan n'ya ay hinadlangan pa nito. But Samantha just did it the way she knew upang hindi mahulog sa trap ng dapat ay mapapangasawa nito ang kanyang kaibigan na si Judd. Pero hindi lang bilang isang kaibigan ang tingin n'ya kay Judd, ito ay malala at mas higit pa sa pagmamahal bilang isang kaibigan.
Romance
1011.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
HIS ONLY WOMAN: Billionaire Romance

HIS ONLY WOMAN: Billionaire Romance

Lumaki sa saktong pamumuhay si Nessa Villego, siya ngayon ay 25-taong gulang na at isa ng lisensyadong engineer. Tanging ang nakababata na lamang niyang kapatid na si Tasha 20-taong gulang, ang mayroon siya nang mamatay ang mga magulang nila 5 years ago sa hindi inaasahang trahedya. Dahil dito ay mas lalong naging malapit ang dalawang magkapatid na halos siya na ang tumayong ina at ama para kay Tasha. Naghangad si Nessa ng magandang pamumuhay upang matulungan ang kapatid. Hanggang sa isang araw ay labis siyang nabanas nang mapansin niya na tila unti-unting nagsisilipatan ang mga dati niyang kliyente. Si Engr. Veos Dimitre, ang lalaking labis na nagdala ng pagbabago kay Nessa dahil naging kakompentensya niya ito dahil sa pagkakapareho nila ng propesiyon. Ngunit ano kaya ang magiging reaksyon ni Nessa kapag nalaman niya na palihim na minahal ng kanyang kapatid na si Tasha si Veos? At paano kung ang damdamin ni Veos ay hindi pala nakalaan kay Tasha? At sa ibang babae ito mas nahuhumaling. Ano kaya ang magiging takbo ng buhay nina Nessa, Veos at Tasha. May pag-asa pa kayang magkasundo ang dalawa sa kabila ng kanilang propesiyon o tuluyan ng masisira ang pagkakaibigan dahil sa hindi nila palaging pagkakaunawaan.
Romance
9.913.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Self-centered Billionaire's Lady Makulit

The Self-centered Billionaire's Lady Makulit

Bradenton is the center of attraction, center of the limelight and center of wealth. Wala siyang balak na mag-asawa dahil ang focus niya lang ay sa sarili niya at kanyang milyong dolyar na halaga ng kumpanya. Ang tanging kailangan lang niya ay tagapagmana. When he thought of that thing and came up to a certain realization, he decided to buy a woman who will bear his child for a certain price...and nothing more.
Romance
1021.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3233343536
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status