Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Taming the  Sunshine

Taming the Sunshine

Death Wish
Dala ng wala nang iba pang solusyon sa sitwasyon ng nag-iisang tagapagmana ng Multi-billionaryong kompanya, si Gabriel Aquinas, nagawa ng kanyang dalawang ama-amahan na gawin ang isang bagay na labag sa kalooban ng dalaga na si Serena Madison ang dalhin nito ang kanyang anak. Ang dalaga lamang ang nag-iisang babae na malapit kay Gabriel dahil pihikan ang binata na makipag-usap o makipagkilala man lamang sa mga babae. Sa una hindi malinaw kay Gabriel kung bakit napakagaan ng loob niya sa dalaga na kahit problema niya sinasabi niya dito kahit nga nililihim niya ang pagkatao sa dalaga. Ngunit ng may mangyari sa kanilang dalawa kaagad naman luminaw ang lahat kay Gabriel. Simula ng may mangyari sa kanila hindi na hinayaan pa ng binata na makalayo sa kanya ang dalaga lalo na nagbunga ang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Ngunit ano na nga lang ba ang mangyayari kung wala namang nararamdaman sa kanya ang dalaga at hindi nito nagustuhan ang ginawa niya sa kanya? Paano na kung ang nangyari sa kanila ang dahilan upang mawala ng tuluyan ang tiwala ni Serena kay Gabriel? At paano na rin kung ang matagal nang hinahanap na kahinaan at butas ni Gabriel ng kanyang mga kalaban ay ang dalaga na naging malinaw na nga sa lahat? Paano ba niya mabibigyan ng proteksyon ang dalagang nagalit sa kanya sa likod ng maraming maaring manakit dito? At paano niya mapapatunayan sa dalaga na mahal niya ito? TAMING THE SUNSHINE @DeathWish [HER RETURN 2024]
Romance
62.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Ugly Duckling Squad: Rias

The Ugly Duckling Squad: Rias

MC Chan
Nakilala ni Rias si Dana noong binu-bully siya ng grupo ni Moira. Si Dana na malapit ang puso sa mga inaapi at galit sa mga taong judgmental na kagaya ni Moira. Si Moira na matagal ng may crush kay Aaron Samuels - ang kasalukuyang captain ng basketball team ng university nila. Handa siyang gawin ang lahat mapasakanya lamang si Aaron. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay matagal nang may gusto ang binata kay Rias. Tanggap niya ang kung anumang kapintasan ng dalaga. Subalit matatanggap din kaya niya oras na makalimutan siya ni Rias? Si Rias na may CTRL+ALT+DEL sa utak? Kakayanin ba ni Aaron na patuloy na mahalin si Rias kahit na hindi na siya naaalala ng dalaga? Sino ang sasalo sa kanya? At bakit nga ba napakadali kay Rias na burahin siya sa memorya nito?
3.1K viewsOngoing
Read
Add to library
His Unexpected Heir

His Unexpected Heir

Wala nang ibang makitang paraan si Chrizel Sy kung hindi ang itago ang kanyang pagdadalang-tao kay Aidan Barawell, isa sa pinaka makapangyarihang negosyante rito sa bansa. Chrizel was the highest paid model not just here in the country but in the whole Asia. She had a secret relationship with Aidan, the most prominent man in the business industry. Halos na kay Chrizel na ang lahat nang kagandahan sa buhay na matatamasa ng tao ngunit kahit anong ganda niya pa ay nagawa pa rin siyang lokohin at saktan ni Aidan. Nakipaghiwalay siya kay Aidan ngunit huli na ng malaman niya na buntis siya, nagdesisyon siyang itago ang bata dahil sa sakit na idinulot sa kaniya ni Aidan at para na rin sa magiging kapakanan ng bata. Ngunit paano kung malaman niyang hindi totoong nagloko si Aidan? Huli na ba ang lahat para sa kanila? MS_HEART_INKER WARNING: MATURE CONTENT|R-18 ONGOING
Romance
368 viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying My Twin's Fiancé

Marrying My Twin's Fiancé

Magkasundo sa lahat ng bagay ang kambal na sina Celestine at Seraphina. Magkamukha sila, pero laging si Celestine ang paborito ng lahat—matalino, mabait, at higit sa lahat, minamahal ng fiancé niyang si Lukas. Samantalang si Seraphina, tila pinagpala sa lahat maliban sa isang bagay… ang puso ng lalaking matagal na niyang minahal ngunit hindi kailanman maaaring angkinin. Mula pa noon, mahal na ni Seraphina si Lukas. Pero dahil kay Celestine, pinili niyang itago ito. Dalawang linggo bago ang kasal, isang masakit na katotohanan ang lumabas. Celestine is dying. Matagal na pala niyang itinatago ang sakit, at ngayon, isang huling kahilingan ang iniwan niya—nais niyang si Seraphina ang magpakasal kay Lukas. Para kay Seraphina, ito na ang pinaka-masakit na desisyon sa buhay niya. Pero paano niya matatanggihan ang huling hiling ng kakambal? Pumayag siya. Kinasal sila ni Lukas. Pero sa bawat araw na lumilipas, ipinaramdam nito na kailanman, walang makakapalit kay Celestine sa puso niya. Kahit pa ang sariling kakambal nito.
Romance
10314 viewsOngoing
Read
Add to library
Heat and Passion

Heat and Passion

Nagbunga ang isang gabing pagkakamali na nagawa ni Gwen at ng boyfriend ng kaibigan niya. Nang nalaman niya na siya'y buntis ay agad siyang umuwi sa Iloilo at itinago kay Alexander ang kanyang ipinagbubuntis. Masaya na siya sa buhay niya kapiling ang kanyang anak at ama na palaging sumusuporta sa kanya sa lahat ng oras. Ngunit sadyang walang sekreto na hindi nabubunyag. Nalaman ni Alexander na nagbunga ang isang gabing namagitan sa kanila at gusto nitong panagutan ang responsibilidad nito bilang ama sa anak niya. Ngunit paano kung malaman ng kaibigan niya na ang boyfriend nito ang ama ng kanyang anak? At paano na lamang siya ngayong nahuhulog na ang loob niya kay Alexander ngunit ang anak lamang niya ang nais nitong panagutan at hindi siya dahil engaged na ito kay Alice na kaibigan niya? As heat, passion, tears and love will invade them both. Will things fall into the right places or not?
Romance
1054.5K viewsCompleted
Read
Add to library
A PRETENDING HUSBAND FOR THE BLIND WIFE

A PRETENDING HUSBAND FOR THE BLIND WIFE

Isang advertisement sa internet, sa wakas ay nagdala ng isang Mike na kasangkot sa isang deal kay Dave. Ibig sabihin ay isang kasunduan na magpanggap na si Dave sa loob ng tatlong buwan. "You just need to pretend to be me. Stay at my house, with my wife. And get her pregnant! I'll give you three months. The sooner Sunshine gets pregnant, the better," paliwanag ni Dave kay Mike. Noong una, nalilito si Mike. Paano niya kaya ikakaila ang sarili bilang Dave kung magkaiba ang mukha nila? Imposible diba? Gayunpaman, pagkatapos na isama ni Dave si Mike papunta sa bahay nila para makita si Sunshine Reyes ang asawa ni Dave, sa wakas ay naunawaan ni Mike Fernandez . Isang inosenteng babae, na ikinasal batay sa isang arranged marriage kay Dave Gray. Isang inosenteng babae na napakaganda, ngunit sa kasamaang palad... Bulag siya!
Romance
1.7K viewsCompleted
Read
Add to library
My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)

My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)

Moonstone13
Natagpuan nila Yanna sa tabing ilog ang katawan ni Sergeant Dixson Sanchez na sugatan at walang malay. Ginamot at inalagaan nila ang lalaking estranghero. Nang magkamalay ang lalaki ay hindi na ito makaalala. Hinala nila Yanna ay nagkaroon ng amnesia ang lalaking kanyang tinulungan. Kinupkop ng tiyuhin ng dalaga ang lalaki at pinangalanan nilang Anton. Sa paglipas ng mga araw ay nagkapalagayan ng loob sina Yanna at Anton. Hanggang sa magkaaminan ng kanilang nararamdaman. Gustong pigilan ni Yanna ang damdamin para kay Anton, ngunit hindi niya kayang labanan ang isinisigaw ng kanyang puso. Kahit may pangamba at maraming tanong sa isipan ang dalaga na masasagot lang kapag bumalik na ang memorya ng lalaki ay sumugal pa rin sa pag ibig si Yanna. Nang manumbalik ang mga alaala ni Dixson ay agad siyang bumalik sa pamilya niya at wala itong matandaan sa nakalipas na buwan na inakala ng pamilya niya na patay na siya. Para siyang bula na bigla na lang nawala sa buhay ni Yanna. Paano kung sa muli nilang pagkikita ay malaman ni Yanna na nagbalik na pala ang mga alaala ng lalaki at siya naman ang nabura sa ala-ala nito? Sabihin kaya ni Yanna kay Dixson kung sino siya sa buhay nito? Ipabatid kaya ni Yanna na may anak silang dalawa o ililihim na lang niya ang lahat kay Dixson na malapit ng ikasal kay Chelsea, na step-sister ni Yanna?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
My Maid, My Love (Filipino)

My Maid, My Love (Filipino)

Gustong makatulong ni Shaina sa pamilya niya kaya ay nagdesisyon siya na sumama sa Tita Delia niya sa Maynila para magtrabaho doon bilang isang kasambahay. Akala niya ay magkasama silang dalawa ng Tita Delia niya sa isang mansion ngunit hindi naman pala. Doon siya sa kalapit na mansion na pagmamay-ari ni Jacob Lopez na ulilang lubos na. Isa siyang bilyonaryo. Guwapo siya. Malaki ang pangangatawan. Hot na tingnan at kahit sinong babae ay magkakagusto kaagad ngunit walang gustong maging katulong niya dahil sa ugali nito na hindi kanais-nais. Ang huling naging katulong nito ay bali-balitang nabuntis nito kaya ay bigla na lang na umalis. Unang kita pa lang ni Shaina kay Jacob ay aminado siya sa sarili niya na gusto niya ito. Ano'ng gagawin ni Shaina sa nararamdaman niya para kay Jacob? Saan kaya siya dadalhin ng pagmamahal na 'yon para kay Jacob? Mahalin rin kaya siya ni Jacob o baka magaya lang siya sa mga babaeng naging panandaliang kaligayahan lang nito?
Romance
824.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Craving Dad's Best friend

Craving Dad's Best friend

Mula pagkabata ay may paghanga na si Crisanta kay Lysander, ang matalik na kaibigan ng kanyang ama. Sa muli nilang pagkikita, lalo pang tumindi ang damdamin niya at ganoon din kay Lysander. Sa kabila ng pagtutol ng iba, pinili nilang pumasok sa bawal na relasyon. Ngunit sapat ba ang kanilang pag-ibig para labanan ang lahat ng humahadlang?
Romance
372 viewsOngoing
Read
Add to library
Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos

Kapag Ang Tadhana Nga Ang Siyang Kumilos

Patuloy parin umaasa at naghihintay si Melisa na balang araw ay magkikita muli sila ng kanyang kaibigan na si Albert. Simula kasing nag aral si Albert ng kolehiyo ay Manila ay wala na itong balita pa. Pero alam niyang babalikan siya ni Albert upang ipagpatuloy ang kanilang pangarap na makapag patayo ng Dream House sa lugar na kanilanh tagpuan. Ngunit isang araw ay nabalitaan niyang magpapakasal na si Albert kay Devina. Gumuho ang mundo ni Melisa ng malaman niyang ang pinagawa ni Albert na Dream House ay magiging bahay na pala nila ni Devina. Ngunit lingid sa kaalaman ni Melisa na ito ay para talaga sa kanya at hindi para kay Devina. Gustong kausapin ni Albert ang dalaga upang maintindihan niya kung paano at ano ang nangyari sa kanya noong siya ay nag tatrabaho sa America. Ngunit hindi ito nagpapakita sa kanya. Nagpakalayo muna si Melisa upang makalimutan ang bangungot na kanyang naranaaan. Lumipas ang taon ng malaman ni Melisa na hanggang ngayon ay hindi pa kasal si Albert at Devina. Nabalitaan din niya sa kanyang ina na araw-araw siyang hinahanap ni Albert upang magpaliwanag at muling mag balik ang kanilang pagkakaibigan at (Pagmamahalan). Bumalik si Melisa. At ibang Melisa na iyon hindi na mahina hindi na iyakin at hindi na kailan pa matatalo at masasaktan. Nagkita sila ni Albert sa hindi inaasahang lugar. Dahil sa pananabik ni Albert kay Melisa ay bigla niya itong hinalikan sa mga labi. Kapwa sila nagulat sa nangyari. Isang malakas na palad ang dumapo sa pisngi ni Albert. Magiging huli naba ang lahat para kay Melisa? Maipaglalaban pa kaya niya ang kanyang tunay na nararamdaman para sa kaibigan? Lalo na at magpapakasal na ito kay Devina.
Romance
9.817.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3435363738
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status