Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
REJECTED BY THE HEIR: Married to the tycoon uncle

REJECTED BY THE HEIR: Married to the tycoon uncle

Matapos ang tatlong taong pakikipagrelasyon sa isang mayaman na tagapagmana sa Cebu na si Simon, handa na sana si Zaniah na ipakilala ang tunay niyang pagkatao at mag-alok ng kasal para sa alyansa ng kanilang mga pamilya. Ngunit sa mismong araw ng proposal, gumawa ng dahilan si Simon para makaalis—yun pala ay nasa isang nightclub ito at napapaligiran ng ibang mga babae. Doon ay mayabang nitong sinabi na hinding-hindi ito magpapakasal sa isang babaeng mababa ang katayuan sa buhay. Nang makita ang tunay na ugali nito, hindi nag-atubili si Zaniah na iwan ito. Sa halip, lumapit siya sa mas makapangyarihang tao—ang tito ng lalaki si Conrad Martin. Para sa kanya, kung alyansa lang din naman ang habol sa kasal, wala namang pagkakaiba kung sino ang mapapangasawa niya. Sa araw ng engagement ni Simon sa anak sa labas ng pamilya ng Javier, nakita niya ang dati niyang girlfriend na si Zaniah, usap-usapang walang kwentang tagapagmana noon. Nakatayo ito habang nakaakbay sa kanyang tito Conrad, at ang ganda ng ngiti nito na tila hindi na niya kayang abutin pa. "Pamangkin," malumanay na pagtawag ni Zaniah, "Bakit hindi mo ako tawaging Tita?"
Romance
73 viewsOngoing
Read
Add to library
Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]

Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]

Nang dahil sa hirap ng buhay walang nagawa si Elyze kundi humingi ng tulong pinansyal sa kaniyang long time boyfriend na si Renz nang lumala ang sakit ng kaniyang ate Hope na asthma at nagkaroon pa ito ng komplikasyon sa puso. Kaya lang nagalit si Renz nang mag usap sila sa labas ng Hospital. Nag away silang dalawa at nauwi sa sumbatan. Naghiwalay sila dahil hindi matanggap ni Elyze na pagsasalitaan siya ng hindi maganda ni Renz. Narinig naman ni Oliverio ang pag uusap nang dalawa at nang tumakbo palayo si Elyze bumangga siya sa nakapaguwapong Bilyonaryo walang iba kundi si Oliverio, na siya ring CEO ng kompanya kung saan nagtatrabaho ang dalaga. Nakilala naman ni Elyze ang Boss kaya mas lalo siyang nahiya dahil naiyak siya nang mga oras na iyon. Hindi naman pinalampas ni Oliverio ang pagkakataon at inalok ng Kontrata tungkol sa kasal ang dalaga kapalit ng pagtulong nito sa problema niya. Dahil walang ibang pagpipilian pumayag si Elyze para maisalba ang kapatid. Ikinasal sila at napagamot ang kaniyang ate. Habang tumatagal nahulog sila sa isa't isa at nanatili silang in denial sa nararamdaman. Hahamakin kaya nila ang lahat para sa pag ibig?
Romance
1029.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Ex-Husband's Revenge

The Ex-Husband's Revenge

Kapag ang asawa ng isang lalaki ay nabuntis ng iba, karaniwan na pinapalayas ng lalaki ang asawa niya mula sa bahay nila o siya ang makikipag-divorce. Gayunpaman, baliktad ito para sa 26-taong gulang na si Leon Wolf. Trinato na nga siya na parang isang alipin ng mga biyenan niya, pinalayas siya ng bahay ng asawa niya at ng pamilya nito pagkatapos nitong ipagmalaki sa kanya na nabuntis ito sa iba! Naguluhan at puno ng sama ng loob si Leon, naglakbay siya patungo sa sementeryo, kung saan nagkataon na nasaksihan niya ang pagbabalak ng iba na patayin ang isang magandang babae. Habang niligtas ang babae, nakatanggap ng nakakamatay na saksak si Leon sa kanyang dibdib at hinila niya papunta sa ilog ang sumaksak sa kanya para malunod silang dalawa… Ang lahat ay senyales na mamamatay si Leon, dahil hindi na siya umahon mula sa tubig kahit na ilang minutong naghintay ang babae. Nang maniwala ang babae na pumunta na sa kabilang buhay si Leon, umalis siya habang nagsalita siya sa ilog, “Ang pangalan ko ay Iris Young. Puntahan mo ako minsan…” May malay si Leon sa ilalim ng tubig… ‘Iris… Isang magandang pangalan…’
Urban
9.1131.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Sweet Revenge (Atty. David Loyola)

Sweet Revenge (Atty. David Loyola)

“Limang milyon at proteksyon mula sa mapang-abuso mong pamilya kapalit ng anim na buwan na pagiging asawa ko?!” Isang tanong na makakapagpabago ng buong buhay ni Xyrille Himenez. Si Xyrille Himenez ay isang Room Cleaner Supervisor sa isang cruise ship na pag-ma-may-ari ng kaniyang long time boyfriend na si Tim Loyola ngunit dahil sa kasakiman sa pera ng kaniyang pamilya , sa unang araw ng kaniyang bakasyon sa Pilipinas ay magagawa siyang ibenta ng kaniyang sariling kadugo sa isang matandang mayamang matagal ng may gusto sa kaniya. Walang ibang pumasok sa isip niya kundi humingi ng tulong sa kaniyang boyfriend na si Tim ngunit laking gulat niya ng mas pinili nito ang project na inaalok sa kaniya abroad kaysa sagipin siya. Isang umaga. Matatagpuan na lang niya ang sarili niya na kasama ang pinsan ni Tim na si Atty. David Loyola sa iisang silid na hubo’t hubad. Matutulungan nga kaya ni Atty. David si Xyrille laban sa kaniyang pamilya? Matututunan nga bang mahalin ni Xyrille ang kaniyang asawa? Anong mga tinatanong lihim ang bumabalot sa pagkatao ni Atty. David? At paano nila haharapin ang pagbabalik ng pinsan niyang si Tim Loyola?
Romance
109.0K viewsCompleted
Read
Add to library
FORBIDDEN AFFAIR : Falling In Love With My Adopted Daughter

FORBIDDEN AFFAIR : Falling In Love With My Adopted Daughter

Si Visarius Lopez Realmondo, 20 taong gulang nang ampunin ang batang iniwan sa gate ng bahay nito, si Ashianna Lopez Realmondo. Pinangalanan, binihisan, pinakain, minahal at inalagaan. Habang lumalaki ang ampon, hindi nya hinahayaang mas mapalapit pa rito. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana, dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, tila ba sinadyang magustuhan nila ng lihim ang isa't-isa. Ang propesor ay lihim na nagkagusto sa kanyang ampon na lumaki sa kanyang piling. Habang si Ashianna naman ay lumaki sa malayong lugar para sa kanyang pag-aaral ng high school, ngunit si Vis ay madalas na bumibisita sa kanya dahil sa labis na pagmamahal at pag-aalala. Pag-aalala nga lamang ba o pagkasabik na makapiling ito araw at gabi. Naging maayos ang relasyong prinotektahan ni Professor Visarius. Ngunit ang kanilang relasyon ay naging komplikado nang malaman ng mga tao na may namamagitan sa kanila ng ampon na si Ashianna. Dahilan upang magkaroon ito ng kaso. Si Vis ay naaresto at nakulong dahil sa batas na hindi pumapayag sa relasyon ng isang guardian at adoptee. Hindi malaman ni Ashianna ang gagawin. Kung aalis ba o ipaglalaban ang pag-iibigang alam nyang kailanman ay hindi magiging tama.
Romance
103.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying You

Marrying You

Md Quinceañera
Ang pamilya Tengco ay may dalawang anak na babae. Ang kanilang bunsong anak na babae. Si Brianna Tengco, ay kilala sa kanyang kagandahan. May tsismis na hindi mailarawan ang ganda niya. Gayunpaman, ang panganay na anak na babae ng pamilya Tengco, si Heile Tengco, ay may mababang IQ mula noong siya ay bata pa at nagsimula lamang siyang magsalita noong siya ay anim taong gulang. Itinuring siya ng kanyang mga magulang bilang isang pasanin habang tinatrato siya ng labas ng mundo bilang isang katatawanan. Gayunpaman, walang nakakaalam na si Heile ay may tunay na kakaibang katalinuhan na nahuling nabuo. Pagkatapos, nabuntis si Heile sa hindi malaman dahilan. Apat na buwan sa kanyang pagbubuntis, pinilit siya ng kanyang mga magulang na pakasalan ang pinakamayamang lalaki sa City, ang pamilyang Bueno. Ang mga usapan ay ang kanyang asawa ay isang matandang lalaki na paralisado sa kama mula noong edad na walo. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nang magpakasal si Heile sa pamilya Bueno, nalaman niyang hindi lang matanda ang kanyang asawa, guwapo rin ito. Siya ang Young Master ng pamilya Bueno na hinangaan ng lahat— si Kerr Bueno.
Romance
107.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Release Me, Mr. Billionaire (Filipino)

Release Me, Mr. Billionaire (Filipino)

Rizza was kidnapped and brought to the place where Drake is living with his men. Hindi siya dinukot para ipatubos sa kanyang pamilya hindi kagaya ng mga napapanood niya sa mga drama sa telebisyon. Siya ay dinukot ng mga hindi kilalang lalaki upang bigyan ng anak na magiging tagapagmana si Drake na ayaw na mag-asawa sa takot na baka lokohin at iwan na naman ito. Pumayag kaya si Rizza sa nais ng bilyonaryong binata na bigyan niya ito ng anak na magiging tagapagmana ng lahat ng mga ari-arian at kayamanan ng pamilya nito? Paano kung tanggihan niya ang bilyonaryong binata na si Drake? Makabalik pa kaya siya sa kanyang pamilya na buhay? Kahit tanggihan niya ang bilyonaryong binata na si Drake hindi na niya matatakasan ito.
Romance
10.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Stealing My Husband From His Mistress

Stealing My Husband From His Mistress

Pinakasalan pero hindi minahal. Matapos makunan ay nagbabalik si Tessa sa buhay ng ex-husband niya. Hindi lang para maghiganti kay Darius kundi para agawin ito sa kabit nitong si Martha. Magtagumpay kaya siya ngayong kasal na ang dalawa at may anak na?
Romance
1022.4K viewsCompleted
Read
Add to library
My Assistant, My Secret Husband

My Assistant, My Secret Husband

Only child si Honey Jane  De Guzman. Kaya di nakapagtataka na lahat ng gusto niya ay makakakuha ng di na kailangang magbanat ng buto. Spoiled sa magulang at higit sa lahat ay napaka-care free niyang babae.  Ngunit paano kung isang araw bigla na lang siyang mawawalan ng magulang dahil sa isang aksidente na siyang sanhi ng pagpanaw ng mga ito?  At paano kung malaman niya na inihahabilin siya ng kanyang ama sa executive assistant nito na sobrang seryuso, expressionless, nonchalant na si Zacharias Joey Macapagal? At ang mas masaklap pa ay kailangan niya itong pakasalan upang makuha ang mana at ang pagiging CEO niya sa kumpanya? Makakatagal kaya ang isang makulit na si Honey Jane  sa isang introvert na si Zacharias? 
Romance
835 viewsOngoing
Read
Add to library
Marry Him At The Age Of Eighteen

Marry Him At The Age Of Eighteen

Hindi naisip ni Charlotte na sa edad na labing-walo ay magkakaroon agad siya ng asawa— lalo na sa kaibigan ng kanyang kapatid, ang seryoso at mapalinlang na si Elijah. Sa isang gabi na puno ng tensyon at luha, nauwi ang lahat sa kasal. Matatali si Charlotte sa lalaking hindi pa niya lubos na kilala kahit pa kaibigan ito ng kanyang kuya. Sa pagsasama ng dalawa maraming lihim si Elijah na mabubunyag, at maging si Charlotte dahil may nabuo sa kanyang sinapupunan. Ngunit ang lahat ay hindi matatahimik dahil sa isang babae na handang gawin ang lahat para lang sa pagmamahal ni Elijah. Magkaroon kaya ng pagbabago habang nagsasama sila, o mauuwi ang lahat sa trahedyang hindi inaasahan ng lahat?
Romance
1036.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4445464748
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status