Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Joey: Princess Charming 1

Joey: Princess Charming 1

Pagkamatay ng nanay ni Joey ay bigla na lamang nagpakita ang tatay niyang ni sa hinagap ay hindi niya alam na buhay pa. Dinala siya nito sa magarbo nitong bahay at ganon-ganon na lamang nagbago ang buhay ni Joey. *** “Fine, I will let you stay here. But in one condition. You must prove yourself to us. You will enter the Ember University and pass their upcoming exams. If not, you must leave.” Halos lumubog si Joey sa kinatatayuan nito dahil sa bilis ng pagsasalita ng kanyang madrasta. ‘Nag-fli-fliptop ba ‘to?’ tanong niya sa isipan. Pero napakamot na lamang siya ng kanyang ulo. “Do you understand?” Nakaka-pressure pang dagdag na tanong ni Aling Mariebeth. Mas lalo lang tuloy lumalim ang gitla sa noo niya saka siya mabagal na napalunok. “Uhm, ang galing niyo naman pong mag-English. Pwede pong pa-translate?” nakangiwing saad niya rito dahilan para mamula ang mukha nito sa pinaghalong inis at galit. *** Ngunit paano nga ba niya haharapin ang pagbabagong ito ng buhay niya? Mula sa isang kahig, isang tukang paghihirap, ngayon ay anak pala siya ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa. Idagdag pa ang mukhang laging galit na madrasta niya at prinsesitang hilaw na kapatid niya. Isa lang ang kailangang gawin ni Joey at iyon ang pumasa sa Ember University. At magagawa lamang niya ‘yon kung tutulungan siya ni Ivan Dela Fuente, ang lampa at nerd niyang kaklase. Pero bakit ba bigla-bigla na lang tumitibok ng malakas ang puso niya dahil sa loser na lalaking ito? ‘Bwesit! Hindi nakakaastig ‘to!’ Inis na sita ni Joey sa sarili lalo pa kung ang gusto naman ni Ivan ay ang hilaw niyang kapatid at hindi siya.
Romance
375 viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire's Hidden Mask

Billionaire's Hidden Mask

Paano kung ang kagustuhan mong mamuhay nang mapayapa upang takasan ang nakaraan ay unti-unting nabubuhay sa kasalukuyan? Ang nangyaring unos, krimen o trahedya sa pamilya ni Bethany Francheska Hamilton ay hindi pangkaraniwan. Sa loob ng dalawang taon ay namuhay siya nang normal. Maaraw sa araw na iyon. Nakilala ni Bethany ang lalaking si Danger. Sumulpot ito bilang kapitbahay niya sa inuupahang apartment katabi nang sa kanya. Wala itong sinabi noong una, ngunit ang panahon na mismo ang nagtalaga kung bakit dumating ang lalaki roon nang biglaan. Iyon ay magiging bodyguard 'raw niya ito. Sa hindi ni Bethany malamang rason at kung kaninong utos nanggagaling iyon. They became acquaintance. Pinoprotektahan siya nito sa abot nang makakaya nito. Ang totoong katauhan ni Danger ay hindi tuluyan ni Beth na napagtanto. Paano kung isang araw ay matuklasan ni Beth ang lihim nitong itinatago. Ang pangalan nitong ipinakilala sa kanya ay isa lamang palang palayaw na konektado sa napakadelikado nitong trabaho. Higit sa lahat, paano kung mapag-alaman niyang matagal na pala siyang niloloko nito at pinaglalaruan lamang siya nito. The Mask is literally hidden. At hindi alam ni Bethany kung paano pakiharapan iyon. Lalo na nang makumpirma niyang nahulog na pala ang loob niya rito sa ganoon kaikling panahon. Magagawa kaya niyang patawarin ang lalaki at kalimutan ang ginawa nito? O susundin niya ang iniutos nang kanyang puso dahil napamahal na siya rito?
Mafia
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
ISLA FERRER: Unspoken Sacrifice

ISLA FERRER: Unspoken Sacrifice

"Let's file an annulment, Isla..." Ibinigay ni Isla Ferrer ang lahat-lahat sa pinakamamahal niyang asawa na si George Madrigal. Mula sa pagmamahal, oras, atensyon at salapi. Subalit imbes na suklian ng kaakibat na pagmamahal, isang pagtataksil ang ginawa ng kanyang asawa at balak pang pakasalan ang kabit nito, dahilan kung bakit tuluyang nawasak ang puso ni Isla. Dahil sa sakit na ipinaramdam ni George sa kanya, ipinapangako ni Isla sa sarili niya na gaganti siya sa mga taong nanakit sa kanya. Kahit pa pabagsakin ang sarili niyang asawa na minsan na niyang minahal at sinamba. At sa kanyang pagbangon, mapagtatagumpayan kaya ni Isla ang balak niyang paghihiganti? O muli lang na manunumbalik ang dati niyang pagmamahal sa lalaki. Hanggang saan dadalhin si Isla ng galit na bumabalot sa kanyang puso? Magawa kaya niyang pabagsakin ang negosyo at ang pamilya Madrigal? Kayanin kaya niyang paghigantihan ang pamilyang naging ikalawa niyang tahanan?
Romance
103.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Finding Daddy

Finding Daddy

Nicolet Mae Talessdo, mabait, matlino at magandang bata. Sa napakamura nitong edad ay nakitaan na ito ng mga talent na higit para sa kanyang gulang. Ngunit sa kabila ng mga bagay na kanyang nakukuha at ibinibigay sa kanya ni Maeve, ang kanyang mommy, nanatiling kulang. Lumalaki si Nami na may pagtataka kung sino ang kanyang tunay na ama ngunit hindi iyon magawang sagutin ng kanyang ina. Gusto niya magkaroon ng ama tulad ng mga bata kung kaya nang sandaling makauwi sila ng kanyang Mommy Maeve sa Pilipinas ay agad niyang sinimulan ang paghahanap sa kanyang tunay na ama. Nang sandaling makita niya si Nicholas Sandoval, ang boss ng kanyang mommy, tinawag niya itong ‘Daddy’. Ano ang kaugnayan ni Nicholas kay Nami? Siya na ba ang tunay na ama ni Nami? Abangan ang mangyayari sa buhay ni Maeve at ang paghahanap ni Nami sa kanyang tunay na ama.
Romance
108.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Beyond Reach: The President's Obsession With The Tycoon's Ex

Beyond Reach: The President's Obsession With The Tycoon's Ex

Sa ilang taong pagsasama ni Viviene at Theo ay ginawa ni Viviene ang lahat upang mahalin siya ni Theo at maging masaya ang pagsasama nila bilang mag-asawa. Ngunit sa isang iglap ay sinalubong siya nito ng mga papeles ukol sa kanilang paghihiwalay. Ang akala niyang fairytale ay nauwi sa isang masalimuot na kwento. Umalis siya sa tahanan nila at pinangako sa sarili niyang hinding-hindi na niya ibababa pa ang sarili dahil sa isang lintek na pag-ibig. She will surprise everyone with the new version of herself.
Romance
773 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Twins: Mommy, Daddy Want Us Back

The Billionaire's Twins: Mommy, Daddy Want Us Back

VioletPepper
Akala ni Lila ay nasa kanya na ang lahat: isang mapagmahal na asawa at perpektong buhay. Magkakaroon na rin sila ng anak, at kambal pa ito. Pero nang traydorin siya ni Michael sa pinakamasakit na paraan, gumuho ang kanyang mundo. Sugatan ang puso at galit na galit, gagamitin ni Lila ang pangalang Violet Fields para unti-unting kukunin ang lahat ng meron si Michael—The company, the fame... everything. With this new identity and a fierce determination, Violet sets out on a path of revenge, ready to watch her ex-husband's world burn.
Romance
10688 viewsOngoing
Read
Add to library
MARRIED TO THE BILLIONAIRE IN 128 DAYS

MARRIED TO THE BILLIONAIRE IN 128 DAYS

pedrosays
Sa isang hindi inaasahang pangyayari, nasa bingit ng kamatayan ang buhay ni Rosianne Santiago dahil sa isang aksidente. Sa tulong ni Nathalie Lucero ay nabigyan siya ng pangalawang buhay ngunit may kapalit lahat ng tulong nito. Sa pamamagitan ng marriage contract ay nakilala niya si Jacob Illustre, ang lalaking bilyonaryo at ang papakasalan niya. Para kay Rosianne, pera lamang at utang na loob ang nagpapatagal at nagpapatibay ng kanyang sikmura upang ipagpatuloy niya ang kanyang pagpapanggap. Ngunit, unti-unti ng nahulog ang kanyang loob kay Jacob kahit alam niyang labag ito sa kanyang nilagdaang kontrata. Matigas man siya sa panglabas na anyo ngunit hindi maatim ng kanyang puso na ipagpatuloy niya ang panloloko habang minamahal niya ito kaya lilisan na lamang siya. Ngunit, sa hindi inaasahang pangyayari ay nagbalik si Nathalie at iniba nito ang takbo ng kwento. Hindi na mahanap ni Rosianne ang kontratang hawak niya bilang katibayan na napagkasunduan nilang dalawa ito. Paniniwalaan pa kaya siya ni Jacob nung malaman nitong niloloko siya nito? Ipaglalaban kaya ni Rosianne ang kanyang nararamdaman kay Jacob kahit na makulong siya? Mananaig kaya ang kanilang pagmamahalan O tatakbo na lamang siya at mamuhay ng payapa kasama ang dinadala niyang anak nila ni Jacob Illustre?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
My Hottest Gay Friend

My Hottest Gay Friend

Ryan Rayl Samoray
Ang dating pinapangarap ni Austine na magkaroon ng matiwasay na pamilya ay parang isang bulang biglang naglaho. Noon pa man ay alam na niyang mahihirapan siyang makamtan iyon pero hindi nawala ang kaniyang tiwala sa sarili hanggang sa makilala niya ang isang David Ortega. Sabay silang nangarap at nangako na balang araw ay matutupad din ang kanilang mga pangarap. Ngunit sadyang taliwas ang panahon sa kanilang namumuong samahan. Kailanman ay hindi na nagkaroon ng balita si Austine kay David nang malaman niya na umalis na nga ito at wala nang planong bumalik. Manatili pa kayang buo ang tiwala ni Austine kahit wala na ang dating kaibigan na minsan na rin niyang minahal? Makikilala pa ba ni David ang bagong mukha ni Austine Alcantara? Ngunit paano kung sa paglipas ng panahon ay maging dahilan iyon para makilala ni Austine ang tunay at bagong David Ortega? Kaya pa ba niyang tanggapin ito gayung masaya na ito sa bagong kasintahan?
Romance
4.2K viewsOngoing
Read
Add to library
MARRY ME AGAIN

MARRY ME AGAIN

Imbes na saya labis na nasaktan at kahihiyan ang nangyari nung di tinanggap ni Natalie ang pag propose ni Marco dahil mas pinili pa nitong umalis papuntang New York para sa pag momodel kaysa ang manatili sa kanya, ngunit nagpupumilit parin ang binata na magsama silang dalawa, kaya para matigil na ang kahibangan ng binata gumawa ng paaran ang ina niyang si Donya Esmerald, nagdesesyon ang ginang na ipakasal ito sa Secretary niyang si Lexien upang tumigil na siya sa pangungulit kay Natalie, ngunit ang binata ay tutol sa gusto niya. Kaya naman para mapapayag ang binata sa gusto niya nag kunwaring may malubha siyang sakit at ito na lang tanging hiling niya ang magpakasal silang dalawa, ngunit ang binata ay hindi parin sumusuko kahit sobrang nasasaktan na ito bina balak parin na magpropose kay Natalie. Matutupad pa kaya ang kahilingan ni Donya Esmeralda?,Ano kaya ang magiging buhay ni Lexien kapag natuloy nga ang kasal nilang dalawa ni Marco?,
Romance
1016.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Mafia's Marked Nanny

The Mafia's Marked Nanny

Hulog ng langit kung ituring ni Evie si Amora. Dumating ito sa buhay niya kung saan nasa gitna siya ng kagipitan. Pero sa tuwing nagtatama ang mga tingin nila ng ama nitong si Russell ay impyerno ang hatid niyon sa kanya— init na nagmumula sa kung saang hindi niya maintindihan. Mommy kung tawagin siya ni Amora gayong yaya lang naman siya nito. Paano kung ang susunod na offer sa kanya ni Russell ay hindi na bilang nanny ng anak niya? Paano rin kung sa paglipas ng panahon, hindi na siya kilalaning 'mommy' ni Amora? ----- Ang batang si Amora ay lalaking puno ng galit kina Evie at Russell. Hindi na siya ang inosenteng bata, kundi siya ay magiging si Gray, isang matapang at nakakatakot na nilalang. At tulad ni Evie ay magiging 'nanny' rin siya ng isang makapangyarihang mafia lord. Sa paglipas ng panahon ay magiging mortal silang kaaway. May pag-asa bang magkapatawaran o mananaig ang kasamaan? ---- Si Alliyah, isang batang naging parte ng misyon ni Gray na siiyang dahilan kung bakit lalambot ang pusong bato nito. Ngunit paano kung magaya si Alliyah kay Gray? Lumaki na puno ng pagkamuhi sa kanya. Anong gagawin ni Gray para maisalba ang batang nagpamulat sa kanya? ---- Tatlong babaeng may iba't ibang kwento pero may iisang tapang at prinsipyo. Mananaig ba ang kabutihan o aapaw ang kasamaan?
Romance
106.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2526272829
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status