Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
A Contract Marriage With Abe Dela Torre

A Contract Marriage With Abe Dela Torre

Kinakaya ni Isla Aguilar ang mabigat na hamon ng buhay. Nagtatrabaho sa araw, nag-aaral sa gabi para sa pangarap na mas maayos na buhay at makatulong sa gamutan ng bunsong kapatid na may Down Syndrome at butas sa puso. Sa gitna ng kanyang pagsusumikap, ang kanyang tanging pahinga ay ang lihim na talon malapit sa likod ng kanilang bahay, kung saan isang araw ay iniligtas siya ng isang guwapo at matipunong estranghero sa pag-aakalang siya ay nagpapatiwakal. Hindi niya inakalang ang estrangherong iyon ay si Johan Abraham Dela Torre, ang bagong CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya na kilalang istrikto at malupit sa pamamalakad sa kumpanya, at mailap sa mga babae. Kaya’t laking gulat ni Isla nang bigla siyang alukin ng CEO ng kasal kapalit ng tulong para sa operasyon ng kanyang kapatid. May kundisyon ang kasunduan: walang pisikal na relasyon, sikreto ang kasal maliban sa pamilya ng lalaki, at isang taon lamang ang bisa. Habang tumatakbo ang mga araw, unti-unting nahuhulog ang loob nina Isla at Abe sa isa’t isa. Dahil sa angking galing at talino, si Isla ay naging isang asset ng kumpanya, at si Abe, sa kabila ng pagkukunwaring malamig at matigas, ay palihim na sinusuportahan si Isla sa kanyang pangarap. Ngunit paano kung may ibang babae na nagpupumilit maging parte ng buhay ni Abe at palaging minamaliit ng matapobreng ina ni Abe si Isla? Magagawa ba nilang ipaglaban ang pag-ibig sa kabila ng takot, sakit, at mga hadlang?
Romance
1015.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Unconditional

Unconditional

Prinz Amaranthine GonzalesDramaGoodgirlIndependent
Sabi nila, ang buhay daw ay isang walang katapusang pakikibaka. Minsan, ang mga labang kailangan mong pagtagumpayan ay yaong mga hindi mo inaasahan. Handa ka ba sa anumang hamon ng buhay? Gaano kahanda ang puso mo sa mga bagay na ni sa hinagap ay hindi mo akalaing haharapin mo? Paano kung kinakailangan mong mahiwalay sa pinakamahalagang bahagi ng pagkatao mo? muli ka bang babangon para magpatuloy, o hahayaan ang sariling malugmok sa sitwasyong kinalagyan mo? Sa kabilang dako, gaano kalaking sakrepisyo ang handa mong ibigay para sa isang buhay na nakasalalay sayo? Handa mo bang talikdan ang lahat para sa isang responsibilidad na biglang naatang sa mga balikat mo? Ano ang mga hamon na kaya mong suungin, mga pagbabagong kaya mong harapin para sa isang bagay na hindi mo naman lubos na ma-a-angkin? Ang pag-ibig ba ay laging may depinisyon? Lagi ba itong may basihan at kaagapay na kondisyon? Pano kung ang pagmamahal ay ipinagkait ng panahon, mabibigyan pa ba ng isang pagkakataon? Ito ang mga tanong na minsan ko nang naitanong sa sarili ko, at hanggang ngayo'y gumugulo sa isipan ko. Simple lang naman sana ang mithihin ko, subalit bakit ipinagkait ito sa akin? Naalala ko pa kung paano nagsimula ang lahat...
Other
1.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Mark Me, Mr. Lawrenceville

Mark Me, Mr. Lawrenceville

Para kay Margarette Martha Graciano, tama nang minsang nabaliw siya para sa pag-ibig. Tumigil ang mundo niya para sa pagmamahal na ngayo'y pinaniniwalaan niyang hindi para sa kaniya. Kinalimutan niya na ang batang puso, ang batang puso na umibig nang husto sa lalaking unti-unti niya nang kinalimutan. Ngunit sa pagbabalik sa lugar kung saan nais niyang lumagay na sa tahimik, ay siya ring pagbabalik ng taong takot siyang sirain ulit ang mga pader na matayog niyang itinayo para sa kaniyang sarili. Timothy Ian Lawrenceville, Margarette's greatest first love, heartbreak, and her biggest downfall. Kailanganmay hindi na niya lilingunin ang lalaki. Ngunit hinding-hindi na nga ba babalik pa kung may malaking sugat na naiwan sa mga puso nila? Paano kung ang pag-ibig na mismong gustong kalimutan ay may marka ng kahapong patuloy na bitbit ni Margarette. Ang kanilang anak, ang batang inalagaan niya ng ilang taon, pinuno ng pagmamahal at aruga ay nagnanais din ng kalinga ng isang amang ipinagkait ni Margarette rito dahil sa kaniyang poot dahil sa paniniwalang nagtaksil ang lalaki sa kaniya. Wala nga ba talagang pangalawang pag-ibig at pagkakataon, o sadyang hindi naman talaga ito nakalimutan kahit lumipas ang panahon. It marked, a mark that would not fade easily. A Mark that lasts forever.
Romance
2.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Thank Your Stars

Thank Your Stars

Iya Perez
Enemies. Iyan ang uri ng relasyon na mayroon sina Georgianna Ramirez at Eliam Sevilla. Ang kanilang mga magulang ay matalik na magkakaibigan kaya isang malaking palaisipan sa mga ito kung bakit lumaking hindi magkasundo ang dalawa. Bata palang sila ay hindi na sila magkaintindihan sa mga bagay-bagay. At ang kanilang diskusyon ay palaging nauuwi sa mga away. Pareho kasing matalino ang dalawa. At walang ayaw magpatalo sa kanila. Bukod kasi sa palaging magkalaban sa mga patimpalak sa kanilang eskuwelahan ay palagi ring nag-aagawan ang dalawa sa pagiging top 1 sa kanilang klase. Ang kanilang hindi pagkakaunawaan ay nagpatuloy hanggang sa kanilang pagtanda. Kahit graduate na ang mga ito at may kaniya-kaniya nang trabaho, hindi pa rin nagbabago ang tingin nila sa isa’t isa. Parehong rin silang galing sa angkan ng mga negosyante. Hindi pa man sila naipapanganak ay may kasunduan na ang kanilang mga lolo na silang dalawa ang siyang magbibigkis at mag-iisa sa dalawang pamilyang pinagtibay na ng panahon ang pagsasama. At kasal din lang ang natatanging paraan para mailigtas nila sa pagkakabenta ang plantasyon ng manggahan na matagal nang pag-aari ng kanilang pamilya. Pero paano nila gagawin iyon kung hindi naman nila gusto ang isa’t-isa? Handa ba nilang iwan ang kanilang mga karelasyon para lang sa kasal na hindi nila inakalang magaganap nang biglaan? At sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa, posible nga kayang may mabuong pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Supreme (TAGALOG VERSION)

The Supreme (TAGALOG VERSION)

"Ang mga PUTI at ITIM ay parehong mga lahi ng BAMPIRA na mahigpit na magkaribal sa mahabang panahon simula sa taong Pitong-daan at dalawa (702)." Ang mga puting bampira ay ang mga bampirang itinuturing na mabubuti at may puso ngunit sa kabilang banda naman, ang mga itim ang siyang kabaliktaran. Mga traydor, gahaman, at walang mga puso sa kapwa nilang kalahi. Nang maisilang ang Ikalabing-tatlong Prinsipe ng mga itim ay naalerto ang mga puti dahil nakasaad sa orakulo na matutuldukan na ang kanilang lahi kung maisisilang ang itim na bampirang iyon ngunit hindi nila napigilan ang pagluluwal ng Reyna ng mga itim. Habang lumalaki ang bunsong anak ng Supremo ng mga itim ay mas lalo itong nagiging makapangyarihan kung kaya't nagsagawa sila ng hakbang upang unahan ang nga itim sa gagawin ng mga itong pag-ubos sa kanila. Hindi nila inaasahan na mapapatumba nila ang Prinsipe ng mga itim sa pamamagitan ng isang kemikal na magpapatulog nito sa mahabang panahon. Nagkaroon ng pag-asa ang mga puti nang sabihin ng orakulo na may sanggol na magmumula sa kanilang lahi na siyang tuluyang makakagapi sa Prinsipe ng mga itim. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman na may natitira pa pa lang mga bampira na nagmula sa lahi ng mga itim na desididong muling pabangonin ang kanilang lahi na matagal nang natutulog sa mahabang panahon. Sino lahi ang magwawagi? At sinong lahi ang tuluyang mabubura sa kasaysayan?
Fantasy
1010.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My gay husband (TAGLISH)

My gay husband (TAGLISH)

High school palang ay crush na crush na ni Trixie si Ken kahit na alam niya ang secreto nito, na isang bakla si Ken. Maraming babae ang nagkakagusto pero ang di nila alam na kagaya nila, lalaki rin pala ang gusto ni Ken. Nang maka graduate sila ng college ay napilitan si Ken na pakasalan si Trixie dahil sa mga magulang nila, labag man sa kalooban niya ay pumayag siya kahit na may kasintahan na itong lalaki. May pag-asa kayang magkagusto ang isang bakla na kagaya ni Ken sa babaeng pinakaayaw niya sa lahat? Ilang taon pa kaya ang dadaan bago pa ma-realized ni Ken kung gaano siya kamahal ni Trixie? Lagi nalang ba silang parang aso at pusa na laging nag aaway?
Romance
1011.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
THE BILLIONAIRE SWEET NANNY

THE BILLIONAIRE SWEET NANNY

Isabela? Caroline? Patricia? Vivian? Nakasubsob si Enrique sa gitna ng puting satin sheet at tinitigan ang blonde na may umaagos na buhok na natutulog sa tabi niya, pero wala siyang ideya kung sino ang babaeng iyon... Na para sa kanya ay normal lang, dahil tuwing gabi ay iba ang babae. nakahiga sa kanyang kama. Si Enrique ay isang batang bilyonaryong CEO na palaging nasa kanyang mga kamay ang lahat ng gusto niya... Mga mansyon, magagarang sasakyan at maging ang mga babae. Ang malamig, sarado at ganap na brutis na lalaki ay namumuhay sa isang madilim at mapanglaw na buhay na sarado sa sarili niyang mundo, ang hindi niya inaasahan ay ang isang matamis na yaya na may magandang kalooban at mapang-akit na ngiti ay magpapabaligtad sa kanyang buong mundo.
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Wrath of the Mafia Boss

Wrath of the Mafia Boss

Jenanaa
Si Xavier Morgan ay isang lampang pulis na wala ng ibang ginawa kun'di ang maging palpak maski sa maliliit na gawain. Siya ay nasa pamamahala ni Aurelia Raine Aragon na mahusay sa lahat ng bagay dahilan upang maitalaga sa kaniya ang binata nang sa gayon ay maturuan niya ito. Ngunit paano na lang kung may nakakubli palang galit sa kabila ng maamong mukha ni Xavier?
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)

Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)

Isang kontrata ang magtatali kila Ysla at Nathan. Kasunduan na may hangganan at dahil lamang sa mga personal nilang dahilan. Si Nathan upang masunod ang kanyang lola at si Ysla upang makaganti sa kanyang fiance at sa mga taong inakala niyang pamilya. Paano kung magbago na ang pagtingin nila sa isa't-isa kasabay ang pagbabalik ng dating pag-ibig ni Nathan at pagdating ng mga problemang dulot ng pamilya ni Ysla?
Romance
1021.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
If We Love Again

If We Love Again

J.R. McKay
Istrikta si Sarah pagdating sa rules; hindi niya ‘yon nilalabag at ayaw niyang may lumabag niyon lalo na kung mismong rules niya ang sinuway. Subalit nagbago ang takbo ng mundo niya nang makilala si Erhart, ang lalaking mahilig lumabag sa rules. Araw-araw nitong pinapasakit ang kaniyang ulo simula nang mag-krus ang landas nila. Ginawa na niya ang lahat ng paraan upang iwasan ito pero talagang makulit ang binata at ayaw siyang tantanan hanggang siya na mismo ang bumali sa sarili niyang batas—na BAWAL siyang magmahal. Dahil tinanggap niya ito ng buong puso kahit na hindi niya lubusang kilala ang pagkatao nito. Masaya ang naging pagsasama nila ngunit ang magandang panaginip na ‘yon ay naging isang bangungot nang may matuklasan siya sa pagkatao nito. Ang babaeng kinamumuhian niya, na nagluwal sa kaniya ay konektado sa binata. Ito pa mismo ang humiling sa kaniya na layuan ang kasintahan dahil kung hindi, masisira ang kilalala at respetadong pamilya ng binata. Magawa niya kayang talikuran ang lalaking minamahal o dapat niya bang itong ipaglaban?
Romance
2.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3536373839
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status