Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Secretly Loving You (Tagalog)

Secretly Loving You (Tagalog)

Mark Ivan Barcelon and Eizel Francine Story (Hello, sa nakabasa na po ng Book 1 ng MY STALKER, eto na po ang kwento ni Eizel at Ivan, Bestfriend at kambal ni Kisha. Enjoy Reading!) Si Eizel ay may lihim na pag-ibig kay Ivan, ang kambal ng kanyang matalik na kaibigan. Ang magmahal niya dito ay hindi madali, pero para kay Eizel, walang mahirap pagdating sa pag-ibig. Mula pagkabata, may pagtingin na siya kay Ivan, at habang tumatagal, lalong lumalalim ang nararamdaman niya. Natatakot siyang umamin dahil baka layuan siya nito at hindi na pansinin. O mas takot siyang masaktan sa magiging sagot nito. Kaya't nakukuntento na lang siya sa pagtingin mula sa malayo at pag-silay. Matapang siyang babae, pero pagdating sa nararamdaman niya kay Ivan, wala siyang lakas ng loob na umamin. Pero dahil sa suporta ng kanyang kaibigan sa kabaliwan niya, nakapag-isip siya ng paraan kung paano unti-unting makuha ang atensyon nito. Tinext niya ito at nagpakilala sa ibang pangalan. Hindi siya sumuko kahit napaka-ilap nito sa text at chat. Hindi naman nasayang ang effort na ginawa niya. Napansin din siya nito. Pero paano kung nakuha na niya ang atensyon na matagal na niyang inaasam? At hiniling nito na magpakilala na siya at magpakita? Kaya ba niyang sundin ang hiling nito? Handa na ba siyang harapin ang lalaking mahal niya? Tatanggapin kaya siya nito kapag nalaman na siya si Eizel Francine Evangelista, ang bestfriend ng kambal niya, ang babaeng nasa likod ng lahat? ************************
Romance
9.8101.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Taste of Summer

Taste of Summer

Summer morning, Wynter ran away from home to avoid his father's wrath towards her. Despite being mistreated by her grandmother and relatives, she chose to go to her grandmother's province since it was her last resort. She planned to stay there until the end of summer before her school starts. Through her stay in her grandmother's mansion, she experienced an unusual happening. A ghost named Theros appears in her room and starts to pester her. She was scared at first until she finds comfort in the ghost that made them become friends. Sa maikling panahon na pagsasama nila, nahulog si Theros kay Wynter at sa kabila ng pagkakaiba nila, naglakas loob na umamin si Theros. Kahit na may pagtingin din si Wynter kay Theros, Wyner decided to keep her feelings until her 18th birthday. Gusto niyang sa araw na 'yon sabihin kay Theros ang sagot sa pagtatapat nito. However, the supposed special day turns into a sorrowful one. Sa araw na dapat pagkikita nila ay walang sumipot na Theros. Wynter waited from dawn until dusk but he didn't come. She waited until her last day staying at her grandmother's home, but still, no one came. After a year, in an Art Museum, she saw Theros again, right in front of her eyes. Theros, on the other hand, didn't recognize her. He introduced himself as Aziz. Upang hindi pagtabuyan ni Theros, hindi na lamang niya ipinilit ang katotohanang may pinagsamahan sila noon. Sa paraang 'yon ay naging malapit muli sila. But what if Aziz was not the real Theros, but the twin brother, Ajax? Will she start again with Ajax, or continue the deal between her and Aziz?
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Unlucky girl is billionaire

The Unlucky girl is billionaire

"P-Pa..bat nyo naman ako iniwan" sabi ko sa malamig na bangkay ni papa na nasa loob ng kabaong,umalis lang ako saglit pagdating ko patay na sya. "Ano pang ginagawa mo dito?" Napatingin ako kay tita habang nakapamewang sya. Napayuko nalang ako dahil pinagtitinginan kami ng mga tao dito. "T-tita--" "Wag mo akong matita tita dyan! Ikaw ang malas sa buhay namin! Pati asawa ko namatay dahil sa kamalasan mo!! Ngayon layas!!" Malakas na sigaw nito,nagbubulungan na ang ibang tao. "T-tita wala p-po akong m-matutuluyan e" Umiiyak na sabi ko kay tita.Bigla nya akong kinaladkad palabas ng mansyon. "Pag sinabi kong layas! Layas!!" Sigaw nanaman nito dahilan para mapatingin maging ang mga tao sa labas ng gate. Umiiyak na tumayo ako,nagmamakaawang wag naman sana nya akong palayasin. "Malas ka samin alam mo ba yun?! Ha?! Dahil sayo nawalan ng pake sakin ang asawa ko! Nasa sayo ang atensyon nya! Huh! Bakit nga ba ganun?! E AMPON KA LANG NAMAN!!" Malakas na sigaw nanaman nito kaya mas lalong lumakas ang mga bulungan. "Mom whats happening here?" Tanong ni Stella....anak nya. "Pinapalayas ko na sya" maawtoridad na sabi ni Tita,tumawa naman si Stella. "So ano pang ginagawa mo? Layas na! Chupi! Bawal ang malas dito!" Sigaw nito. Wala akong nagawa kundi ang tumakbo ng tumakbo.Siguro nga malas ako,wala na si Papa sakin...wala na rin akong matutuluyan,bakit pa ako nabuhay?!
Other
852 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Secret Wife

The Billionaire's Secret Wife

angbabaingsuplada
Nang maaksidente ang kinikilalang ama ni Amanda ay napilitan siyang huminto sa pag-aaral at magtrabaho para makatulong sa pang araw araw na gastusin ng kanyang pamilya. She tried different jobs pero hindi pa rin sapat ang kanyang kinikita para sa pagpapaopera ng kanyang ama. Kaya naman napilitan siyang tanggapin ang alok na trabaho ng kanyang boss sa isang sikat na bar at doon niya nakilala si Adam Smith, ang lalaking handang ibigay ang lahat ng kailangan niya kapalit ang pagpapakasal niya dito. Hindi naman siya nagdalawang isip sa kagustuhan ng lalaki, ang tanging gusto lang niya ay mabuhay ang kanyang ama kahit ang kapalit pa nito ay ang kaligayahan niya. Adam Smith is a billionaire that owns a big construction company in the Philippines. He's the only son of a famous couple in the business industry. He's the type of person that gets everything he wants kaya naman ng unang makita niya si Amanda ay agad niya itong nagustuhan. With the power and connections he had, he got Amanda in a snap. Amanda Salvador is a simple yet gorgeous woman who can capture the heart of every men. Ang hindi niya inakala ay mabibihag rin niya ang puso ng nag-iisang Adam Smith. When she agreed to the offer, hindi niya akalain na tuluyan ng mahuhulog ang loob niya sa lalaki. Paano kung ang inaakala niyang masayang buhay ay masira dahil sa mga taong humahadlang sa pagmamahalan nila. Makakaya pa kaya nilang ipaglaban ang isa't isa kung mismong tadhana ang gumagawa ng dahilan para magkalayo at kalimutan nila ang isa't isa.
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)

ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)

Narnia Melpomene Alvarez—ang tinaguriang "rebelde" na kakambal ni Urania, ayon sa kaniyang tiyuhin na si Luis Grimaldi. Buong buhay niya, iisa lang ang kanyang layunin: ang makamit ang hustisya para sa kanyang mga magulang, anuman ang kapalit. Sa murang edad pa lamang, buo na ang kanyang loob na ipaglaban ito, kahit sariling buhay ang isugal, lalo na para sa natitira niyang pamilya—ang kakambal niyang si Urania. Kaya’t hindi na nakapagtataka nang sumali siya sa isang lihim na grupo na konektado sa underground society. Alam niyang delikado ito, pero iyon ang tanging paraan para maabot ang matagal niyang pinapangarap. Ngunit isang gabi ang nagbago ng lahat—isang gabing ginulo ng hindi inaasahang estranghero. Ang pagtulong niya kay Zuhair Eros Smith ay tila isang maling hakbang na hinding-hindi niya makakalimutan. Bigla na lang napasok si Eros sa buhay niya—isang lalaking misteryoso, mapang-asar, at puno ng mga lihim. Wala sa plano ni Narnia ang pagbukas ng kanyang puso para sa sinuman, lalo pa’t hindi niya lubos kilala ang lalaking tila may koneksyon sa kanyang madilim na nakaraan. Hanggang saan ang kaya niyang isugal para sa pangako niya sa kanyang pamilya? Paano kung ang taong nagbubukas ng pintuan sa pagmamahal ay isa ring susi sa kasinungalingan? At paano kung ang laban para sa hustisya ay makasira sa pag-ibig na unti-unting namumuo? Ngayong nagbabanggaan ang kanyang puso at prinsipyo, kailangan niyang pumili: ipaglaban ang nakaraan o tanggapin ang pagmamahal na dala ng lalaking hindi niya sigurado kung kaibigan o kalaban.
Mafia
102.6K viewsCompleted
Read
Add to library
My Sweetest Downfall (Tagalog)

My Sweetest Downfall (Tagalog)

Buong akala ni Hope Vasquez ay siya na ang pinakamasuwerteng babae sa buong mundo nang pakasalan siya ni Dr. Isaac Monteverdi, ang lalaking pinapangarap niya simula pa noong bata pa lamang siya. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman na ang dahilan lamang ng pagpapakasal ng lalaki sa kaniya ay para sundin nito ang kagustuhan ng kanilang mga magulang at para na rin takasan nito ang masakit na alaala sa dating kasintahan. Hope gave her all for Isaac para matutunan din siya nitong mahalin. She even gave up her glamorous career in show business and became the kind of wife every man dreams of. Subalit gumuho ang kaniyang pangarap na mamahalin din siya ng asawa nang biglang bumalik sa buhay nito si Angenette, his first love. Kung kailan nagsisimula niya nang makuha ang loob ni Isaac ay saka naman ito bumalik para bawiin ito sa kaniya. Despite of everything Isaac did that could ruin their marriage, Hope remained loyal to him. Handa siyang magpakatanga at tanggapin ang pagtataksil nito as long as na hindi siya iiwanan nito. Subalit isang trahedya ang nagpabago sa kaniyang pananaw at sa pag-ibig niya para rito na buong akala niya ay walang katapusan. She wanted revenge. Gagawin niya ang lahat para iparamdam dito ang sakit na pinaramdam nito sa kaniya. She's willing to risk everything para maisagawa ang paghihiganti niya kahit pa ibig sabihin n'on ay kailangan niyang gamitin si Zeke, ang best friend niya na totoong nagmamahal sa kaniya. Saan kaya hahantong ang paghihiganti niya?
Romance
105.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Taming the  Sunshine

Taming the Sunshine

Death Wish
Dala ng wala nang iba pang solusyon sa sitwasyon ng nag-iisang tagapagmana ng Multi-billionaryong kompanya, si Gabriel Aquinas, nagawa ng kanyang dalawang ama-amahan na gawin ang isang bagay na labag sa kalooban ng dalaga na si Serena Madison ang dalhin nito ang kanyang anak. Ang dalaga lamang ang nag-iisang babae na malapit kay Gabriel dahil pihikan ang binata na makipag-usap o makipagkilala man lamang sa mga babae. Sa una hindi malinaw kay Gabriel kung bakit napakagaan ng loob niya sa dalaga na kahit problema niya sinasabi niya dito kahit nga nililihim niya ang pagkatao sa dalaga. Ngunit ng may mangyari sa kanilang dalawa kaagad naman luminaw ang lahat kay Gabriel. Simula ng may mangyari sa kanila hindi na hinayaan pa ng binata na makalayo sa kanya ang dalaga lalo na nagbunga ang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Ngunit ano na nga lang ba ang mangyayari kung wala namang nararamdaman sa kanya ang dalaga at hindi nito nagustuhan ang ginawa niya sa kanya? Paano na kung ang nangyari sa kanila ang dahilan upang mawala ng tuluyan ang tiwala ni Serena kay Gabriel? At paano na rin kung ang matagal nang hinahanap na kahinaan at butas ni Gabriel ng kanyang mga kalaban ay ang dalaga na naging malinaw na nga sa lahat? Paano ba niya mabibigyan ng proteksyon ang dalagang nagalit sa kanya sa likod ng maraming maaring manakit dito? At paano niya mapapatunayan sa dalaga na mahal niya ito? TAMING THE SUNSHINE @DeathWish [HER RETURN 2024]
Romance
4.32.7K viewsOngoing
Read
Add to library
She’s the Man

She’s the Man

charmainglorymae
Her name is Sapphire Emerald Maxine Lopez. Ang hahaba ng mga pangalan nila di ba? Well it was because of their mom na talagang pinaghandaan ang mga pangalan nila. Their mother dreamed for the future of her two children pero hindi sumang-ayon sa kanya ang kapalaran. Sapphire or preferred to be called as Max is the opposite dream of her mother. She doesn't like girls stuff and even acting and dressing up like a man. Pero, hindi naman siya tomboy o kahit confused man lang. Alam niya na babae siya, nagkataon lang na panlalaki ang interes niya. She built her car remodeling business na unti-unting umani ng pansin sa loob lang ng isang taon. Life is amazing as she think about it. Meet Chase Luke Racinni the only son of one of the richest family in the world. All the girls will line up in just a single snap of his fingers. A womanizer, Casanova and a heartbreaker, name it, he all has it. He doesn't like to see his competitors, especially when he learned that some of his clients, made their cars remodeled from a small company called Transformers Inc. His own brand of cars has been remodeled and he could not accept it. So what he did is, he destroyed it. In just one night, Max's remodeling company kissed the ground to it's downfall without knowing the real reason. Paano kung magtagpo ang kanilang mga landas sa isang hindi inaasahang pangyayari? The circle of fate started to change when the two of them met. Pero paano na lang kung malaman ni Max na ang itinuturing niyang mabait at matulungin na kaibigan na nagkataon na gusto pa niya ay siyang dahilan ng pagbagsak ng niya?
Romance
1.8K viewsCompleted
Read
Add to library
After Divorce: My Ex-husband Is Not Letting Me Go!

After Divorce: My Ex-husband Is Not Letting Me Go!

Sa loob ng pitong taong pagsasama nila at pagiging kasal sa asawang si Shiro fulvuente. He never treated her with warm and she just get from him was icy and indifferences, pero— Reeve Carzen, just face those indifferences with a smile dahil sobrang mahal na mahal nya si Shiro at masyado siyang naging tanga para maniwala na darating pa ang araw kung saan makakaya nyang palambutin ang puso neto. Ngunit, mukhang mapaglaro talaga ag tadhana. Sa pitong taong paghihintay, sakit lamang ang tangi niyang nakuha. Reeve just get to witness how the man she loves so much fall in love with someone, they said it was love at first sight— he shower her with all his love and care, mga bagay na di natanggap ni Reeve. Pero kahit ganun ay nanatilli pa rin sya sa kanilang kasal, nagmatigas si Reeve. Not until, it was her birthday. Lumipad sya mula Pilipinas papuntang California upang puntahan ang asawa't anak nya, only to find her husband and very own daughter laughing so sweetly accompanying his husbands mistress or should I say, her step-sister— leaving her alone in their empty villa. Watching her daughter, na halos sya na ang nagpalaki at nag-alaga, about and wished to have a new mother. mukhang namamanhid na ang buong pagkatao ni Reeve, She no longer felt any pain. She just drafted the divorce agreement, gave up custody for her daughter and left. Slowly detaching her presence to her family. After Leaving her family, What will Reeve do? Will she get her divorce and leave happily finding herself again? But what if her cold hearted man who is cold and indifferent to her suddenly clings to her? not granting the divorce she wants.
Romance
9.437.4K viewsCompleted
Show Reviews (41)
Read
Add to library
Leo🦁
Alam mo author, same lang kayo ng storyline nito "Zillionaires Abandoned Wife" naka 300 chapter na, ikaw po 50 chapter pa lang, names lang ng Ang nag iba pero same ang storyline, sino po ba original? wala ka na din update, nasayang yong binayad ko
Miriam Valones
The Zillionaire 's Abandoned Wife and Husband , Let Me Go and this novel are the same story. But this novel is much more interesting and this author is really smart , I became your fan. Sa tatlo itong version mo ang pinakamaganda. Sana matuloy mo na story. ...
Read All Reviews
Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Sa taong 2030, sa lungsod ng Maynila, magtatagpo ang dalawang taong galing sa magkaibang mundo. Elaine Santos—isang simpleng babae mula sa isang maralitang pamilya, determinadong gawin ang lahat para mailigtas ang kanyang kapatid na may malubhang karamdaman. Nang mawalan ng pag-asa at pagkakakitaan, mapipilitan siyang tanggapin ang isang alok na magbabago sa kanyang kapalaran. Aidan Velasquez—isang batang negosyante at bilyonaryong kilala sa kanyang lamig, determinasyon, at pusong sarado sa pagmamahal. Sa mata ng publiko, siya ay perpekto. Ngunit sa loob, siya'y wasak—binuo ng pagkabigo, at nilason ng isang nakaraang hindi niya matahimik. Ang kanilang landas ay magtatagpo sa pamamagitan ng isang kasunduan—isang isang-taong kasal kapalit ng tulong pinansyal para sa kapatid ni Elaine. Sa simula, malinaw ang mga hangganan: walang damdamin, walang komplikasyon, isang kontrata lang. Pero sa bawat araw ng pagiging "asawa" ni Aidan, mararamdaman ni Elaine ang paglamlam ng kanyang mga pader. Unti-unti, binubuksan niya ang pintuan ng kanyang puso—hindi lang kay Aidan kundi sa lahat ng taong nakapaligid dito. At si Aidan, sa kabila ng kanyang malamig na maskara, ay masusubok harapin ang katotohanan ng kanyang nakaraan—lalung-lalo na ang sakit na iniwan ni Selene Navarro, ang babaeng minsan niyang minahal. Habang tumatagal, mas lumalalim ang komplikasyon. Lilitaw ang mga lihim. Mabubunyag ang mga sugat. At masusubok ang tibay ng damdamin sa gitna ng mga kasinungalingan, takot, at responsibilidad. Sa huli, ang tanong: Ang pag-ibig ba ay kailangang ikontrata—o ito'y malayang nararamdaman sa tamang panahon?
Romance
661 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status