Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Sealed Marriage with a Disabled Billionaire

Sealed Marriage with a Disabled Billionaire

Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pagbabayad mo sa utang na loob na sinasabi ng pamilya mo? Simula nang malaman na hindi siya ang tunay na anak ng pamilya Lopez, nagbago ang buhay niya. Siya si Eloise Jane, na ang akala ng lahat ay ang nag-iisa at tunay na anak ng mga Lopez. Itinakwil siya pagkatapos, at upang mabayaraan ang pag-aalala ng mga Lopez sa kanya, kailangan niyang magpakasal sa mayamang lalaki. Si Cozmo Dominguez, nag-iisang tagapagmana sa pinakamayamang pamilya sa lungson. Ngunit sa kabila ng lahat ng meron siya, isa lang ang hindi niya kayang gawin---ang makalakad. Magagawa kaya siyang matulungan ni Jane, o kaya niya bang tanggapin si Jane sa buhay niya?
Romance
109.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Husband's Only Woman (Filipino)

The Husband's Only Woman (Filipino)

COMPLETED. Mature Content. ***** Nahulog si Diana kay William, ang asawa ng kaniyang matalik na kaibigang si Gianna. Hanggang sa nakaisip siya ng masamang balak at nakagawa ng dalawang krimen. Ano at saan ang magiging hantungan niya? Si Gianna ay tapat na asawa kay William. Labis siyang nasaktan nang malaman niya sa kakaibang paraan ang hindi niya inisip na makakayang gawin ng matalik niyang kaibigang si Diana. Mapapatawad pa kaya niya ito at si William? Ano ang gagawin niya sa asawa? Maayos ang buhay ni William kasama ang pinakamamahal niyang asawang si Gianna at ang dalawa nilang anak na sina Wyler at Greisha. Naging magulo ang buhay niya nang dumating si Diana na kailanman 'di niya minahal. Paano niya ibabalik ang dating matamis na pag-ibig nila ni Gianna? Si Yuan ay may gusto kay Gianna ngunit hindi niya ginulo ang buhay nito dahil may asawa't mga anak na ito. Gagawin niya ang lahat para 'di masaktan si Gianna kay Diana at 'di masira ang samahan nina Gianna at William. Ano ang gagawin niya kay Diana? At ano ang papel ng kapatid na babae ni William na si Willa sa buhay niya? Ito ay istorya ng pagkakaibigan, pagpapatawad, pagmamahalan, pagpapalaya, pagiging buo ng isang pamilya at iba pang mga aral.
Romance
9.847.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Of Roses, Thorns, and Everything Nice

Of Roses, Thorns, and Everything Nice

Ulila si Jacob at walang maipagmamalaki sa buhay nang pakasalan niya si Adelyn. Dahil doon puro pang-iinsulto ang inabot niya mula sa pamilya nito. Kung hindi dahil sa pagmamahal sa asawa, baka matagal na siyang sumuko. Subalit umiikot ang gulong ng kapalaran… Isang taong hindi niya inaasahan ang nagbalik sa kanyang buhay ang bumago ng lahat. Now, Jacob’s up for revenge. Pero mas matimbang ba ang paghihiganti niya kaysa pagmamahal sa asawa…?
Urban
103.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Claimed By The Haciendero

Claimed By The Haciendero

"I always get what I want." Iyan ang motto sa buhay ng spoiled brat na si Daciana Vittoria. Ngunit ng makilala niya ang binatang si Kane Sylvester ay nasubok ang kanyang pagiging spoiled. Mas nagkaroon ng thrill ang inaayawan niyang pag uwi sa Hacienda ng Lolo niya dahil kay Kane. Sa paglipas ng maraming taon ay nagmatured at natuto sa buhay si Daciana at sa pagbabalik niya sa Hacienda ng Lolo niya ay muli niyang nakita si Kane. Paano kung sa pagbabalik niya ay muling bumalik ang nararamdaman niya para sa binata? Ang nasa isip lamang ni Kane ay ang magantihan si Daciana dahil sa ginawa nito noon. Ano ang mangyayari sa paghihiganting kanyang gagawin? Kakayanin ba niyang saktan ang damdamin ng babaeng kahit kailan ay hindi naalis sa puso niya?
Romance
108.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan

Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan

“Oh my… ang aking Kapitan! Mabuti naman naalala mo ako! Hmp malapit ng magtampo sa’yo si Lola. Ilan taon na din ang nakalipas.” Sabi ni lola ng may pagtatampo sa kaniyang tinig. “Magagawa ba naman kitang tiisin, ikaw ata ang pinaka-mamahal kong Lola!” nakangiti kong sagot kay Lola sabay yakap sa kaniya. Habang masaya akong bumabati kay Lola ay isang pigura ng babaeng nakatalikod ang unti-unting tumayo at nakangiting humarap sa amin. Si Yvette. Hindi ko inaasahan na dadating siya ngayong araw. Nakangiti siya pero makikita sa kaniyang mata ang kakaibang lungkot, isang damdamin na kahit anong tago ang gawin ay hindi niya maitatanggi. Si Yvette ang dati kong karelasyon at muntik ko ng mahalin matapos kong aliwin ang aking sarili ng malaman kong naging boyfriend ni Karmela si Andrew. Tumaas ang kilay ko ng makita ko siya. Wala naman akong pakielam sa kaniya pero knowing Yvette? Paniguradong gagawa siya ng eksena at ayokong matakot si Karmela dahil sa kaniya. Lumapit siya sa akin at nag beso. Nakangiti niya akong binati ngunit may halong pait sa kaniyang boses “My Captain Xian Herrera… its nice to see you again. Ang tagal na din ng huli nating pagkikila” may panunuya siyang tumingin kay Karmela at mapait ng ngumiti sa kaniya “siya ba? Siya ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako sinuyo? Kaya naman pala bigla kang nawala sa picture. May bago ka na palang pinagkaka-abalahan!” Nang marinig ko ang sinabing iyon ni Yvette ay alam kong hindi lang iyon simpleng pagpuna. Naramdaman ko sa kaniyang boses ang matinding hinanakit. Kinapitan ko ng mahigpit ang kamay ni Karmela at tinignan siya na parang sinasabing “ huwag kang mag-alala hindi kita pababayaan.”
Romance
1024.8K viewsOngoing
Read
Add to library
He's Her Nightmare

He's Her Nightmare

"I thought, he's my dream, but it turns out that he's my nightmare." Oprah Rizario has everything she wants; a mansion, a lot of money and luxury life. Swerte siya sa buhay ngunit sa kabila nito ay hindi na niya kapiling pa ang kaniyang mga magulang. Hindi niya inaasahan na darating sa kaniyang buhay si Garrett Rhoden na nagtatrabaho sa underground business. Nais din nitong paghigantihan ang natitirang Rizario dahil sa pagkawala ng kaniyang ama. Sa kabila ng galit at poot ay hindi inaasahan na ang pagtatagpo nila ay magdudulot din ng hindi inaasahang pangyayari. Tuluyan bang maglalaho ang paghihinagpis at galit ng mga ito?
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Just Another Heist Story

Just Another Heist Story

K.T Trinidad
Si Klarissa Salcedo ay lumaki sa Tondo. Musmos pa lamang ay pagnanakaw na ang naging hanap buhay nito. Salat sila sa pera at madalas na kumakalam ang kanilang sikmura kung kaya't laging mahigpit ang kanilang sinturon. Ngunit kailangan niyang tanggapin ang katotohanan ng malaman niyang mayroon siyang malala na karamdaman. Sinikap niyang maghanap ng disensteng trabaho upang tustusan ang pangangailangan nila, ngunit makikita niya ang sarili niya sa pagitan ng buhay at kamatayan, tungkulin at kalayaan, pag-ibig at pagtataksil. At nang malaman niya ang sikreto ng kanyang kasintahan, dapat niyang matutunan ang magpatawad at mahalin ang kanyang sarili bago mawala ang mga taong mahalaga sa kanya.
YA/TEEN
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
His Heir, My Son

His Heir, My Son

Calixto Cortez III
Marissa was only eight when her mother sold her. Hikaos sila sa buhay kaya kailangan ng kanyang ina na dumeskarte. Nabenta siya ng kanyang ina sa halagang tatlong daang libo sa mag-asawang nangangarap magkaroon ng anak. Akala nya ay magiging masaya na siya sa buhay dahil sa yaman ng mga bumili sa kanya, lingid sa kaalaman niya ay pinagkasundo siyang ipakasal sa lalaking di nya kilala. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, nabuntis si Marissa ng isang lalaki na kinamumuhian nya. Kilala ni Marissa ang lalaki dahil madalas nyang makita ito sa mga business meeting ng kanyang mga adoptive parents. Nang mabalitaan ng kanyang adoptive parents ang nangyari sa kanya ay pinalayas nila si Marissa sa kanilang pamamahay. Bumalik sya sa kanyang tunay na pamilya dala-dala ang sanggol sa sinapupunan.
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Psycho Secrets

Psycho Secrets

Tanya Sanchez, isa siyang nurse sa ospital ng mga baliw. Devin Ferrer, isang pasyente ng hospital na may kakayahang makita ang kamatayan ng mga tao sa ospital na iyon. Ilang buhay ang masasawi? Sino ang salarin? Posible bang mahulog ang loob ng nurse sa kanyang pasyente? Samahan ang dalawa sa paglutas ng misteryo ng katakot-takot na ospital.
Paranormal
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Hiding The Billionaire's Twin Heir

Hiding The Billionaire's Twin Heir

Lumaki si Louise na mulat sa panglalalaki ng kaniyang ina na siyang naging dahilan para maghiwalay ang kaniyang mga magulang. Dahil pinili ni Louise na sumama sa kaniyang ama, naranasan niyang apihin ng mapagmataas na pamilya ng kaniyang ama. Wala na halos mapuntahan si Louise, pakiramdam niya kalaban niya ang mundo, lalo na nang mapag-alaman niyang niloloko siya ng kasintahan at matalik na kaibigan. Sa paghahangad niyang makalimot sa lahat, isang gabi ang bumago ng tuluyan sa takbo ng buhay ni Louise ng makatalik niya ang pinakamayaman at kilalang bilyonaryo sa bansa. Ang bilyonaryong ito ay matagal ng naghahangad na magkaroon ng tagapagmana. Ngunit dahil sa isang sekretong napag-alaman ni Louise tungkol sa lalaki ay labis siyang natakot para sa kaligtasan ng kambal na pinagbubuntis niya. Naisipan ni Louise na magtrabaho bilang sekretarya sa kompanya para mabantayan ang bawat galaw ng bilyonaryo at masiguradong hindi sila mahahanap ng kambal. Gayunpaman, ginagawa ng bilyonaryo ang lahat at habang nakikita ni Louise kung gaano ito kapursigido na mahanap ang kambal ay mas lalo rin niyang nakikilala ang tunay na katauhan ng misteryosong bilyonaryo. Ngunit kung kailan pa naging sapat ang dahilan niya para ipakilala ang kambal sa ama ng mga ito ay matutuklasan niya na ang sariling ama ang dahilan sa likod ng panganganib ng buhay ng bilyonaryo at ng kambal. Napagtanto ni Louise kung gaano kagahaman sa pera ang ama at gagawin nito ang lahat kahit mapahamak pa sila ng anak mga niya. Sa puntong ito magbabago ang kagustuhan ni Louise sa buhay — ipagkakatiwala niya ang kaligtasan ng kambal sa bilyonaryo at tutulungan itong pabagsakin ang ama at ang pamilya nitong umapi sa kaniya.
Romance
108.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status