Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Revenge of Iza

The Revenge of Iza

Iza, isang matagumpay na negosyanteng babae na tila nasa kanya na ang lahat - isang mayaman na asawa, isang pamilya, at isang maunlad na karera. Sa araw kung saan nalaman nyang buntis sya ay wala na syang maihihiling pa. Gayunpaman, gumuho ang kanyang mundo nang matuklasan niya na ang kanyang asawa, si Roman, at ang kanyang kapatid na si Rebecca, ay may lihim na pag-iibigan at nagtaksil sa kaniyang likuran. Hindi makapaniwala si Iza at luhaang umalis sa unit ng asawa, hanggang sa maganap ang aksidenteng babago sa kaniyang buhay. Matapos ang anim na taon, nagpasya si Iza na tanggapin ang mga bagay sa kanyang sariling mga kamay. Taglay ang matibay na determinasyon, masinsinan niyang pinaghandaan ang kanyang paghihiganti laban kina Roman at Rebecca. Habang mas lumalalim ang kanyang paghahanap ng kasagutan, natuklasan niya ang lihim at nakatagong motibo na sumagot sa lahat ng inaakala niyang alam niya tungkol sa kanyang mga mahal sa buhay. Dapat niyang harapin ang sariling mga desisyon at makipagbuno sa kumplikadong pag-ibig at pagpapatawad. Sa paghihiganti na hinahangad ni Iza, mahahanap ba niya ang pagmamahal at hustisyang hinahanap, o uubusin siya ng pagkauhaw niya sa paghihiganti, na hahantong sa kanya sa landas na walang kasiguraduhan?
Romance
9.639.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
MAGDA:THE PRODIGAL SERIES 1

MAGDA:THE PRODIGAL SERIES 1

Jonai Barnabas
"MAPAGLARONG TADHANA." Ito lagi ang aking bukambibig sa tuwing binabalikan ko ang masasayang ala-ala ng nakaraan. Ang dati na masayang pamilya na binuo ng aking mga magulang na ngayon ay hindi ko na yata masisilayan pa. MAGDA ang tawag sa akin. Tulog sa umaga, gising sa gabi. Hindi ko ginusto ang kapalaran kong ito. Isang tanikalang bakal na tila nakagapos sa aking mga paa na kahit pilit akong kumawala ay wala akong magawa. Wala na bang pag-asang makaahon sa putik na aking kinalugmukan? Huli na ba ang lahat?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's

Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's

Sa limang taong kasal ni Daisy Lopez at Kent James Hernandez, pinanatili ni Daisy na maging maayos ang lahat kahit pa niyuyurakan na ang kanyang dignidad at pagrespeto sa sarili. Akala niya na kahit walang pag-ibig at siya lang ang nagmamahal, ay dapat na buo at kumpleto ang isang pamilya. Hanggang sa araw na nalaman niya na malubha na ang sakit ng kanyang nag-iisang anak at kasabay ng balita tungkol sa annulment ng kasal niya kay Keint. May umusbong na pag-asa sa puso ni Daisy dahil sa wakas, hindi na niya kailangan magpanggap pa bilang asawa ni Kent James. Ngunit hindi pumayag ang malupit niyang asawa, at nagbigay ng suhol sa lahat ng media at lumuhod sa harap niya, humihiling ito sa kanya na bumalik siya sa buhay nito. Pero humarap si Daisy sa dating asawa na may kasamang ibang lalaki at magkahawak ang kanilang kamay upang ipakita na may mahal na siyang iba.
Romance
10693 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Brother's Best Friend (Filipino)

My Brother's Best Friend (Filipino)

Matagal na si Divine na may gusto sa best friend ng Kuya Ivan niya na si Marcus ngunit nililihim lang niya 'yon. Hindi niya sinasabi 'yon dahil nahihiya siyang umamin na may gusto siya rito. Ulilang lubos na silang dalawa ng kuya niya. Isang araw ay kinailangan ng Kuya Ivan niya na pumunta sa ibang bansa dahil napili itong isama ng boss nila na magtatagal ng isang buwan. Hindi naman puwedeng tumanggi ang kuya niya kaya pumayag ito. Ang problema lang ay wala siyang makakasama sa bahay nilang dalawa. Ayaw pa naman ng kuya niya na mag-isa lang siya. Naisip ng Kuya Ivan niya na doon muna patirahin sa bahay nilang dalawa na magkapatid ang best friend nito na si Marcus para may kasama siya. Mapagkakatiwalaan naman ito at higit sa lahat ay babantayan siya. Imbis na matuwa ay kinabahan si Divine matapos niyang malaman 'yon na ang matagal na niyang gusto na lalaki ay ang makakasama niya sa bahay nila habang wala ang kuya niya. Ano kaya ang posibleng mangyari sa kanilang dalawa na magkasama sa iisang bubong? Masabi kaya ni Divine ang totoong nararamdaman niya para kay Marcus? May chance kaya na mahalin rin siya ni Marcus pabalik kung umamin siya ng totoong nararamdaman niya para dito?
Romance
1014.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Ang Reyna At Ang Abnoy ( Filipino / TagLish )

Ang Reyna At Ang Abnoy ( Filipino / TagLish )

*The Queen And The Freak (Filipino/Taglish Edition)* --- Si Blair ay isang bampira na kakalipat lang mula sa Transylvania upang maranasan ang buhay ng isang normal na tao kasama ang kanyang ina-inahan sa Amerika. Nakilala niya ang isang nakakabighaning dalaga na nagngangalang Pryce, na buong akala nya ay kinasusuklaman siya sa kadahilanang hindi maganda ang kanilang unang pagkikita. Lahat ay nagbago sa buhay ni Blair nang 'di niya inakala na darating ang panahon na mahuhulog siya kay Pryce, na hindi pala isang normal na tao, ngunit isang werewolf na nalalapit na ang awakening. And none of them knew na si Pryce ay hindi lamang isang ordinaryong werewolf kundi ang nakatadhanang reyna.
Other
1016.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Una Vez en Diciembre

Una Vez en Diciembre

LightStarBlue
Dahil sa maling bahay na pinasukan, biglang nagbago ang takbo ng buhay ni Seraphim. Hindi niya inaasahan na mapupunta siya sa panahon kung saan makikilala niya ang isang napakasungit na binatang nagngangalang Manuel Saenz. Okay naman kay Seraphim na makitira sa masungit na nilalang na ito. Kaso napapansin niya na kung dati naii-stress siya sa pagiging masungit nito pero ngayon ay hindi na. Mas naii-stress siya kapag may ibang babaeng kasama si Manuel. Gusto niya sa kanya lang ang atensyon nito. Ayos lang naman sa kanya na magsungit ito basta makasama lang niya ito palagi. Nalintikan na! Mukhang pati rin yata siya nagiging abnormal na dahil sa masungit na lalaking ito.
History
3.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Return of the Vengeful Ex-Wife

The Return of the Vengeful Ex-Wife

Dahil sa isang aksidente, nalaglag ang dinadala ni Aeris na siyang dahilan kung bakit naging impyerno ang kanyang buhay-may asawa. Sa kamay pa lamang ng kanyang byenan, lalo na sa kanyang asawang si Flyn. Lahat na yata ng klase ng pang-aabuso ay naranasan niya, at tinanggap niya iyon dahil naniwala siyang kaparusahan iyon sa kanyang ginawa. Hanggang sa dumating ang tiyuhin ni Flyn na si Lucien, na tila ba handa siyang iligtas sa buhay na ayaw niyang iwanan. Dumating ang araw na desidido na si Aeris na tumakas at sumama na lamang kay Lucien, ngunit agad na naglaho ang kanyang mga pangarap nang bigla niyang masaksihan ang sikretong nag uugnay sa kanilang dalawa ng lalaki. Handa ba siyang maranasan muli ang kalupitan na minsan na niyang tinakasan sa kamay ng lalaking naging dahilan kung bakit niya piniling mabuhay?
Romance
10645 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
HIDING HIS TWINS (BOOK 2)

HIDING HIS TWINS (BOOK 2)

Pseudonym
Ilang taon niyang inantay na mahalin siya ng lalakeng noon palang ay gustong-gusto na niya. Ipinagkasundo silang ikasal ng mga magulang nila at sobrang saya niya simula nong tumira na sila sa iisang bahay at sa wakas makakasama niya na rin si Ken. Sa tagal ng pagsasama nila ay nabago niya si Ken, si Ken na malambot na sa lalake lang dapat na a-attract kase nga isa itong bakla. At dumating na nga ang pinakaaantay niya. Minahal na siya ng taong mahal niya pero di nag tagal biglang nag bago ang lahat. Biglang naging cold at mapanakit ang dating malambing niyang asawa... Hanggang sa nalaman niya rin na niloloko siya nito...
Romance
101.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession

Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession

Jeadaya_Kiya18
Kinakayod ni Ella ang hirap ng pagiging-escort para sa mga utang ng mabisyo niyang nanay. Mula pa bata nang siya ay magsimulang pasukin ang iba't-ibang trabaho dahil sa hirap ng buhay. Isang simpleng babae na walang ibang pinangarap kung hindi ay ang magkaroon ng maganda at payapa na pamumuhay. Ngunit, nang dahil sa isang kasalanan na hindi naman siya ang gumawa ang kaniyang pagbabayaran. Nang dahil sa pagkakahawig nito sa isang gold digger na minamahal ng isang bilyonaryong tao ay tuluyan na nagbago ang takbo ng kaniyang buhay. Gumanda ang kaniyang pamumuhay, wala na ang araw-araw na pagsabak niya sa pagpapasaya sa iba't-ibang lalaki sa bar at kahit hindi ito magtrabaho ay maaari na niyang bilhin at gawin ang lahat ng naisin nito habang, kapalit ng mga ito ay ang pagkakakulong niya sa isang lalaki na minsan man ay hindi niya nakilala o nakita sa tanang buhay. Isang lalaki na sa una pa lang ay pinakitaan na siya ng kasamaan at pagmamalupit. Dito na ba tuluyan mababago ang isang normal at payapang pamumuhay ni Ella? Titingnan na lamang ba niya itong oportunidad para iahon sa hirap ang kaniyang sarili at nanay o mas pipiliin niya pa rin na tumakas sa nakasasakal na kamay at nakasusulasok na pag-uugali nito? Paano niya nga ba magagawa na malulusutan ang problema na hindi naman siya ang gumawa?
Romance
995 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Arranged Marriage To My Boss

Arranged Marriage To My Boss

Isang araw nagising ako sa katotohanan na may asawa na pala ako. kung hindi niya lang binili ang nalulugi namin na kumpanya hindi ko gagawin ito. Lalo na't kung alam ko na siya na boss ko pala ang nakabili nun.
Romance
93 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
454647484950
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status