AUDITION FOR HER BED
Si Nosgel Jademara Francisco, dalawampu’t walong taong gulang, ay hindi naniniwala sa salitang "pag-ibig." Ang kanyang mundo ay umiikot lamang sa tatlong bagay: kasunduan, kontrol, at salapi. Siya ang nag-iisang tagapagmana ng malawak na yaman at ang punong tagapamahala ng Vance Industries. Sa kanyang silid-tulugan at saanman siya magpunta, iisa lamang ang kanyang batas: Siya ang laging masusunod.
Dahil dito, nagpagawa siya ng isang anunsyo na kumalat sa buong siyudad:
"Nagpapahanap ng Lalaki. Taas: 6 talampakan pataas. Lakas at tibay: Buong gabi. Katapatan: Walang pasubali. Pagkasira ng Puso: Maaaring mangyari."
Hindi naghahanap ng kasintahan si Nosgel. Ang kailangan niya ay isang ari-arian—isang lalaking magsisilbi lamang sa kanyang kagustuhan at magpapasaya sa kanyang katawan
Hanggang sa dumating si Gabriel Hawthorne, dalawampu’t anim na taong gulang, ang lalaking tila pinakadesperado sa lahat ng nag-aplay. Gwapo, matapang ang tingin, at tila mayaman kung kumilos kahit na ang totoo ay lugmok siya sa utang. May limampung milyong piso siyang kailangan—isang halagang handa niyang ibigay kahit anong mangyari—para sa kanyang dating kasintahan na si Scarlet Merry, na umano’y dumaranas ng malubhang sakit na leukemia.
Pumirma siya sa kontrata nang walang pag-aalinlangan. Hinubad niya ang kanyang damit at dangal. Mula sa araw na iyon, pag-aari na siya ni Nosgel... katawan man o kaluluwa.
Ngunit dito nagsimula ang gulo
Binili niya ang katawan nito upang punan ang kanyang pag-iisa at lamunin ang kanyang pighati.
Ngunit paano kung sa paglipas ng panahon, ang gusto na niyang angkinin ay hindi na lamang ang katawan nito... kundi pati na rin ang pusong matagal nang hindi umiibig?
AUDITION FOR HER BED
Binili niya siya upang makalimot.
Ibinenta niya ang sarili para sa isang sinungaling.
Ngunit ano ang mangyayari kapag ang may-ari ay nagsimulang mahulog sa kanyang sariling pag-aari?