TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )
"Nagsimula tayo sa maling paraan, sa magulong mundo. Pero ngayon... wala nang kumpanya sa pagitan natin, wala nang sikreto, at wala nang laro. Lindsay, handa akong maghintay, kahit gaano katagal, para ligawan ka nang tama. Yung walang takot, at may purong pagmamahal."
Naramdaman ko ang muling pag-init ng aking mga mata, ngunit sa pagkakataong ito, dahil ito sa labis na kapanatagan. Ang pag-ibig na akala ko ay wawasak sa akin, siya rin palang magbabalik ng aking buong pagkatao.