Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
HIDING THE BILLIONAIRE'S SON

HIDING THE BILLIONAIRE'S SON

KweenMheng12
Paano ba maging mabait na bestfriend.Yun ba yung pagtatakpan mo lahat ng mga mali na kanyang nagagawa o tatanggihan mo siya para ipaunawa sa kanya ang mga mali nakanyang nagawa. Si Moira isang probisyana na lumuwas sa maynila para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Nakakuha kasi siya ng scholarship sa isang unibersidad. Habang nag-aaral nagpa-partime din siya bilang taga-gawa ng mga projects at reports ng mga kaklase niyang anak mayaman. At isa na nga ang kanyang bestfriend na si Gregory Grant. Gustong-gusto niya ito kapag magpapagawa sa kanya ng mga projects at reports kasi doble binabayad ni Grant sa kanya. Pero paano kung hindi na projects at reports ang ipapagawa nito sa kanya. At hihilingin nito na ipaalaga sa kanya ang naging anak nito sa ex- girlfriend na si Beverly. Kapalit ang malaking halaga para maging mommy ng anak nito. Tatanggapin o tatanggihan ba niya ang kanyang bestfriend kasi may sarili din siyang pangarap na nais matupad. Kung aalagaan nya ang anak nito, ano ang mangyayari sa kinabukasan nya. Gusto niyang tanggihan ang kanyang bestfriend,pero naguguluhan siya nang ihatid nila ang bata sa bahay-ampunan. Nakonsensya siya kaya tinanggap niya ang alok ni Grant . Binigyan siya ng malaking halaga ni Grant para magsimula ng panibagong buhay kasama ang anak nito, hiniling din ng kanyang bestfriend na hindi muna sila magkita pa.Malungkot na lumayo si Moira kasama ang batang si Prince na inabandona ng mga magulang nito. Lumipas ang pitong taon, nabalitaan ni Moira na ikakasal na si Grant isa sa anak ng mga kasosyo nito sa negosyo. Kaya tinitulan niya ang kasal nito para sa anak niya na si Prince. Sobrang galit ni Grant sa ginawa ni Moira, pero hindi nagsisi si Moira tama lang ito sa taong walang puso tulad ni Grant at pera lang mahalaga.
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Hidden Wife

The Billionaire's Hidden Wife

SAMPUNG TAON... Ganoon katagal nitong minahal si Noah hanggang umabot sa puntong naging parte na ito ng buhay niya. Wala siyang ibang pinangarap kung hindi ang lalaki at kung kailan akala nito ay magiging masaya na sila sa piling ng isa't isa ay kailangan na pala nitong magising sa mahaba at masarap niyang panaginip. "Finally, matatawag ko na ring Nicole Saavedra ang aking sarili nang walang halong pag-aalinlangan. Siguro oras na para anihin ko ang bunga ng pagsisikap ko bilang butihing maybahay ni Noah," aniya saka napangiti sa kinatatayuan. Dalawang taon ang lumipas magmula nang ikasal si Nicole sa bilyonaryong apo ng lalaking kumupkop at nagpalaki sa kaniya. Hindi masukat ang tuwang naramdaman ng puso niya nang mga oras na iyon hanggang sa alukin siya nito ng isang kasunduang maghihiwalay sila pagkatapos ng tatlong taon oras na manatiling walang apoy ang kanilang pagsasama. Sa kabila noon, ginawa ni Nicole ang lahat upang maging mabuti at mapagmahal na asawa habang hindi rin naman ito nagkulang na iparamdam sa kaniya ang prebelihiyo bilang misis nito. Muntik na nga nitong makalimutan ang kasunduan dahil naramdaman niyang tunay na ang ipinapakita nila sa isa't isa. Ngunit sa kaniyang kaarawan, isang annulment paper ang natanggap nitong regalo mula sa asawa. Dahil sa malungkot na balita ay nawalan siya ng lakas ng loob na sabihin ang tungkol sa anghel na nasa kaniyang sinapupunan. Sinubukan nitong alamin ang dahilan ng pakikipaghiwalay ng asawa hanggang sa tuluyang gumuho ang mundo niya nang malamang balak palang balikan ni Noah ang babaeng muntik na nitong pakasalan five years ago. Magagawa niya kayang iwan si Noah kung wala siyang ibang minahal sa tanang-buhay niya kung hindi ito lamang? Paano kung kailangan niyang maging lihim na asawa nito kapalit ang pananatili at pagiging responsable nitong ama sa kaniyang ipinagbubuntis?
Romance
106.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Akala ko Construction Worker yun pala Engineer

Akala ko Construction Worker yun pala Engineer

DwataQeenTeenager
Prologue "Ate pabili ng Candy Piso. " Piso lang? Naku Alam mong bata ka kanina kapa e! Oh ayan wag ka nang babalik ha kung piso lng naman pera mo tsk.--Bulyaw ko sa batang yun nakakaloka na kasi, kanina pa pabalik - balik Sarap hambalusin,Naku Sarap patulan. "Hay Naku Jing! L kokonti Customer natin nito e kapag lagi kang ganyan sa mga bata. Always ka yatang dinudugo kasi parati nalang mainit ang ulo mo. - - Bulyaw din sakin ng pinsan Kong si Bea. " Wala akong paki kung kokonti man ang Benta at least ganun parin sahod ko noh!" "Hystt mapapagalitan tayo ni Madam nito sa ginagawa mo e! Oh ayan may paparating na Customer asikasuhin mo. And Speaking of Which, ang isa rin sa nagpapa-init ng ulo ko, ang Kolokoy na Construction Worker na'to. Bakit ko sya iniinisan? Jusko manliligaw daw kasi! Yuk ang mukang to? Papatol sa kagaya nya? Ew Never! Mahirap na nga ako tapos Mahirap pa Magiging Jowa mo? Apaka Malas ko naman kung ganun dzuh kahit gwapo sya hinding hindi ko sya papatulan I SWEAR period. AT AYUN, Halos araw araw nalang dito bumibili ang Lalaking yun, nakakainis kasi halata namang nagpapansin Ew kadiri. LUMIPAS ang ilang araw ganun parin, Walang pinagbago pero parang may kakaiba sa Lalaking to e! Mahirap na nga, gastos pa ng gastos dzu feeling Rich? "Engineer! Pinapatawag kana sa Office ng Lolo mo! E reveal mo na raw ang Designs mo. Engineer? Whahh Asan yung tinutukoy nyang Engineer? Naku for sure Apaka Gwapo ng isang yun, Engineer na Umiigting ang panga Where na You? Pero teka..niloloko lng yata ako ng kumag na yun e, e nag-iisang nakaupo lng naman dito si Construction Worker. "Pakisabi kay Lolo susunod ako!ha?? Engineer sya? Sya yung Tinutukoy ng lalaki kanina? Panu nangyari yun?
Other
1010.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Running Away From My Billionaire Baby Daddy

Running Away From My Billionaire Baby Daddy

Isa sa dahilan kung bakit nais ni Yamila na maging doktor ay para iligtas ang buhay ng mga taong nasa binggit na ng kamatayan o kaya'y may malubhang sakit. Ngunit hindi niya inaasahan na isa pala sa kaniyang magiging pasyente ay ang dati niyang hipag. Dinudugo ito at nanganganib na makunan. Matagal na silang hindi magkasundo ni Mia, akala niya'y hindi na sila muling magkikita pa. Lalo pa't sa loob ng apat na taon ay naging tahimik naman ang buhay niya— malayo sa mga Esquivel. May pagdadalawang-isip siya, ayaw niyang magkaroon muli ng interaksyon sa mga Esquivel, lalo pa sa kapatid ni Magnus. Ngunit sa huli, mas nangibabaw ang kaniyang pagiging responsable. Kailangan niyang tulungan si Mia kahit na ang kapalit nito ay muling magkrus ang kanilang landas ni Magnus... nang dating asawa. Hindi nga siya nagkamali, dahil sa nangyari ay nagkita silang muli ng lalaki. Kung kailan hindi siya handa— kung kailan nasa gitna sila ng panganib at matinding kaba. Apat na taon na ang lumipas nang umalis siya ng Pilipinas. Tanging ang divorce paper lamang ang iniwan niya kay Magnus bago siya umalis. Walang paalam. Wala nang seremunya. Umalis siya na buo ang loob. Ngunit ang hindi alam ni Magnus, sa kaniyang pag-alis ay mayroon siyang ibang dala. Ang dugo't laman nito... isang Esquivel. Buntis na pala siya kay Magnus. Ngunit pagkatapos ng nangyari sa kanila, paano niya masasabi ang tungkol sa supling na kaniyang isinilang? Hindi niya magawang sabihin kay Magnus ang tungkol kay Thadeus... ang anak nito. Natatakot siya. Gayunpaman, muli silang pinagtagpo ng tadhana. Tila ang kapalaran na ang nagtakda na muli silang magkita. Makakatakas pa ba siya sa dating asawa? Maitatago niya pa ba ang tungkol sa kanilang anak? O mabubunyag ang kaniyang lihim? Handa na ba siyang magpatawad? O matatakot siyang sumugal muli?
Romance
1011.4K viewsOngoing
Read
Add to library
NINONG KONSI (SPG)

NINONG KONSI (SPG)

Anim na taon ang nakalipas, muling nakaluwas sa Manila si Apple Gallardo upang makatulong sa kanilang business. Nang gabing din iyon ay niyaya siya ng matalik niyang kaibigan na pumunta sa bar para sa kanyang welcome back party. Kasagsagan na ng init at kasiyahan bumaba si Apple, may nakabagga si Apple, isang lalaking matipuno na siyang natipuhan niya agad. Zamuel Zimmerman, isang konsehal sa Kyusi. Ang pamilya niya rin ang may hawak na Internet provider sa buong Pilipinas. Ang lalaking nabunggo ni Apple ng gabing iyon. Nang dahil sa alak ay uminit ang katawan ni Apple nang makita ang binata, hinalikan niya ito na siyang may nangyari sa kanila ng gabing iyon. Nang magising si Apple kinabukasan, nauna siyang umalis at hindi pinagsabi ang tungkol sa nangyaring one night stand sa kanya at ng lalaki. Sa hindi inaasahan, nakita muli ni Apple ang lalaking naka—one night stand niya. Nagpakilala ito at nalaman niyang barkada ito ng kanyang kuya at isa rin siyang konsehal, lalo naʼt Ninong pala niya ang lalaki. Sa pagkagulat niya ay gusto na sana niyang umalis pero nakita na lamang niya ang kanyang sariling umuungol muli habang sinasamba siya. Kaya inalok niya itong itago ang kanilang relasyon, kahit naguguluhan si Zamuel ay pumayag siya sa gusto ni Apple. Lumipas ang buwan, naging masaya ang tagong relasyon nilang dalawa. Balak na sana sabihin ni Apple ang tungkol sa kanila ni Zamuel, pero biglang dumating ang problema sa pagitan nila. Si Tanya — ang babaeng nakalaan na ipakasal kay Zamuel. Sa pagdating ng babae ay magbabago ang pakikitungo ni Zamuel sa kanya, lalo naʼt nalaman niyang ikakasal na sila. Ilalaban kaya ni Apple ang pagmamahal niya sa binata kung mismo ng lalaki na ang pumutol sa pagitan nila? Lalaban pa ba si Apple para sa salitang pag-ibig?
Romance
7.816.8K viewsOngoing
Read
Add to library
To love or To kill

To love or To kill

Ginoong Hugotero
Dalawang taong anibersaryo ng mag-asawang Dindo at Annabelle, pinaghanda ni Annabelle ang asawa ng mga paborito nitong pagkain upang kanilang pagsaluhan. Gabi na noon at wala pa rin ang asawa niya, matiyaga siyang naghintay hanggang sa umuwi itong lasing, labis-labis ang pagkainis niya sa asawa sapagkat hindi nito naalala ang mahalagang okasyon ng kanilang pagsasama. Hindi niya inasahan ang pangyayaring bumago sa takbo ng kanilang pagmamahalan. Napagtanto ni Annabelle na mayroong kerida ang kaniyang asawa at ito'y inamin din naman nito sa kaniya. Nang gabing iyon ay pinahirapan siya nito, niyurakan ang kaniyang pagkababae at dangal. Kinulong siya nito sa loob ng basement. Akala niya ay doon na siya mamalagi nang mahabang panahon ngunit sa kabutihan palad ay nakaligtas siya mula sa madilim na basement na iyon sa tulong ng kaniyang pinsan na si Slyvia. Lumipas ang isang taon ay hindi pa rin nakalilimutan ni Annabelle ang masalimuot na pangyayari ng kaniyang buhay sa kamay ng dating asawa. Sa isang grocery store ay nagtagpo ang landas nilang mag-asawa kasama ang kabit nitong si Carla, walang kaalam-alam ito na kaharap na pala nito ang asawa ni Dindo. Hindi naglaon ay bumaliktad ang mundo nina Dindo at Annabelle matapos pumayag ni Dindo na maging drayber ng dating asawa. Nakilala rin ni Annabelle si Mr. Khou at nahumaling ito sa kaniya. Kitang-kita ni Annabelle ang pagngingitngit ng dating asawa kaya naman sinamantala niya ito. Umaayon ang takbo ng panahon sa kaniyang mga binabalak para sa dating asawa. Sa pagpapatuloy ng kuwento ay nais lang naman ni Annabelle na makapaghiganti sa kaniyang asawa dahil sa madilim na karanasan niya rito na siyang dahilan ng pagkawala ng kaniyang kauna-unahang baby. Makakayanan bang mahalin muli ang taong nakapanakit sa iyo? O handa mong dungisan ang iyong mga kamay para makapaghiganti sa kaniya?
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
789101112
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status