Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
A Night With the Wrong Man

A Night With the Wrong Man

Loreigna Miguel, anak ng isang business tycoon. Laki sa luho at nakukuha lagi ang gusto—well except sa puso ng lalaking nagugustuhan niya. Mula mag-dalaga ay naging pantasya niya ang barkada ng kanyang kuya na si Dr. Lance Valdez, isang veterinary. Kaya kahit wala siyang hilig sa pet ay kumuha siya ng alagang aso, para may dahilan siya sa madalas na pagpunta sa clinic ni Lance. Ngunit kahit nagawa na niya ang lahat ng pagpapapansin hindi talaga tinatablan ito sa kanya. Batang kapatid lamang ang tingin sa kanya ng binata. Kung kaya naman sa labis na pagkagusto dito ay gagawa siya ng desperadang hakbang upang maangkin ang lalake, Pipikutin niya ito! Plinano niya ng maayos ang gagawin niya at kung kailan feeling niya ay successful ang ginawa-nagkamhali siya. Dahil sa halip na ang lalakeng pantasya ang makikita kinaumagahan. Si Bjorn, ang lalakeng labis na kinakainisan niya ang bumungad sa kanyang tabi. She made the biggest mistake in her life. She spend the night with the wrong man.
Romance
1083.8K viewsCompleted
Show Reviews (19)
Read
Add to library
madhie
nice story, from puppy love to enemy to one true love. sobrang green flag ni Bjorn kasi kahit sobrang topakin ni Loreigna still mahal na mahal sya thank you Ms.A sa magandang story waiting for King & lance story.. now waiting sa update sa love story nina Ally at Roger na mga ex ni Ardent & Beryl
Margie Roylo
ayy ang ganda nito Ma'am sana po may update na agad nakita ko lng po ito kagabi then inunlock ko yong chapters hanggang natapos ko yong chapter 15 so excited for the next update favorite ko na tema yong love hate relationship Ma'am at fan mo po ako doon sa The Billionaire's Annoying Assistant......️...
Read All Reviews
Protecting the Billionaire's Daughter

Protecting the Billionaire's Daughter

Ziana Alcantara is a policewoman, known for her honesty and good records. Sa edad na bente-tres anyos ay Police Leutenant na siya.She took a leave to fix something in her province. Umuwi siya sa Daraga dahil sa lupang iniwan ng kanyang lola sa kanyang pangalan.Sa pagbabalik niya sa lugar na iyon ay bumalik ang lahat ng masasakit na alaala ng kanyang kabataan pero wala siyang magawa. She was also endorsed by her Uncle to a rich man to be a girl's lady bodyguard as her part time job.Nakita niya ang litrato ng batang may nagtatangka raw sa buhay, cute na batang babae at maamo ang mukha, hindi tulad ng ama nitong parang may galit sa mundong ibabaw.And because she was endorsed, she was hired immediately. Kaya lang, nang mag-umpisang maging maayos ang pagsasama nila ni sa iisang bahay, saka naman unti-unting nauungkat ang kanyang totoong pagkatao at masamang pinagmulan.Ang pagkatao na iyon ay taliwas sa ganda ng records niya bilang isang pulis. Kumbaga sa isang libro, maganda ang kanyang pabalat pero hindi ang nilalaman.
Romance
1015.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Psycho Employee

Psycho Employee

Angelo Allen Santos
Psycho Employee a suspense/ thriller novel as seen as movie on Cinema UP Adarna Theatre 2019. Ang istorya ng Psycho Employee ay tungkol sa buhay ni Fred bilang isang ordibaryong tao na ang gusto lamang ay magtrabaho at kumita ng maayos para buhayin ang kanyang pamilya ng maayos. Subalit sya ay mapupunta sa mga malulupit at mapagsamantalang mga boss sa mga mapapasukan niyang trabaho. Sa pagmamalupit sa kanya ng kanyang mga boss ay ipapanganak ang isang bagong Fred isang malupit at pumapatay na Psycho. Sa istorya ay may isa din mahusay na Police Detective na susubaybay sa kanyang mga kaso ng pagpatay at mag iimbestiga kay Fred ito ay si Allan isang Police Detective. Kalaunan sa pagpatay ni Fred ay may isa siyang tao na labis din nyang masasaktan at magiging Psycho din na tulad niya. Tunghayan ang istorya ni Fred at matuto tayo na huwag maging mapagmalupit sa kapwa kung tayo ay nasa itaas at sila ay nasa ibaba upang wala ng ipanganak pa muli na Psycho sa mundo.
Mystery/Thriller
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
till I found you

till I found you

Umuwi si Aliya probinsya nila. Gusto niyang ipahinga muna ang sarili sa toxic na mundo ng trabaho niya ang pagiging call center agent. Lalo na at gusto din ng kanyang ama at kapatid na magbakasyon siya. Doon niya makilala ang binatang mekaniko na si Jayson Fuentebella, na kapit bahay din nila. Madaming babaeng umaaligid dito at mga nagpapalipad hangin. Pero ang labis na ipinagtataka ni Aliya, ay ang pagiging masungit nito sa kanya. Habang, hindi naman nagsusungit sa iba at maayos naman ang pakikitungo nito sa ibang kadalagahan na katulad niya. Kapag bumibili siya sa grocery store nito ay palaging pasinghal, at hindi man lang kakikitahan ng lambing tulad sa iba. May pag-asa pa kayang mapalambot ni Aliya ang matigas at masungit na binata? Kung sa simula pa lang na lalapit siya ay itinataboy na siya nito.
Romance
1014.2K viewsCompleted
Read
Add to library
My Chubby Romance

My Chubby Romance

bleu_ancho15
Walang ibang gusto si Becky kundi ang makarating ng ibang bansa lalong lalo na sa Amerika. Simula ng bata pa siya at makabasa siya ng tungkol sa mga Pilipinong nag a-abroad at gumanda ang buhay kaya siya nag umpisang mangarap. Kaya naman ng magkaroon siya ng chatmate na Kano na nagpapahiwatig sa kanyang gusto siya nito ay dun siya nabuhayan ng dugo na mangarap ulit. Lalo na ng magsabi itong handa daw itong puntahan siya sa Pilipinas para makipagkilala at personal siyang ligawan. Maayos na sana ang lahat maliban lamang sa isang problema: buong akala ng Kano ay seksi siya. Kung noong bata pa siya ay chubby na siya ay mas dumoble pa ata ang pagtaba niya ngayong nagdalaga na siya. Isa ito sa dahilan kung bakit lagi siyang inaasar na mataba ng kapitbahay niya mula pagkabatang si Brix; na siya namang nag-alok sa kanya na tutulungan daw siyang magpapayat kapalit ng pagiging modelo ng gym na pag-aari niya. Galit man siya dito ay pumayag na rin siya alang alang sa pangarap niyang makarating sa Amerika. Kasabay ng pagpapapayat niya ay ang unti-unting pagkawala ng galit niya kay Brix. Ang puso niyang dati'y nababalutan ng kolesterol ay nagsisimula ng tumibok para sa binatang wala ng ibang ginawa noon kundi asarin siya. Mababago kaya nito ang matagal na pangarap niyang makapunta ng ibang bansa?
Romance
2.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Pagmamay-ari Kita

Pagmamay-ari Kita

Dahil sa maling daan.....makikilala at maa-angkin ni Phyton Alvarez ang dalaga'ng si Ariana Morgan.Isang inosente,mabait at mapagmahal sa kanyang lolo Damian niya. Siya ay may magandang mukha at may nakakaakit na hugis na katawan.Ang balat nitong makinis na parang alaga sa sabon na mamahalin at kong hawakan mo ito ay kusang madudulas ang kamay mo. Walang lalaki ang hindi magnanasa sa katawan nito-na agad makakaramdam ng libog sa katawan. Kaya isang gabi habang naliligo ang dalaga sa isang bukal....hindi mapigilan ni Phyton ang sarili na panuorin lang ang dalaga habang ito ay naliligo na walang suot na panloob- na tanging malaking t-shirt na puti ang suot. Inangkin niya ito- hindi lang isang beses kundi naging paulit-ulit.Ngunit may hanggangan ang lahat. Dumating ang araw na malalaman nila ang pagkatao ng babae'ng iniibig niya.Si Ariana pala ang nawawalang anak ng yumaong kapatid ng ina nito. Matatanggap kaya niya ang dalaga bilang pinsan o ipagpapatuloy ang pag-iibigan nila?
Other
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Love by the Iron Fist (The Billionaire's Prisoner)

Love by the Iron Fist (The Billionaire's Prisoner)

Ang kamangmangan at kahirapan ang naging dahilan upang masadlak si Thalia Alvarez sa isang nakakapanghilakbot na pangyayari. Paano niya ipagtatanggol ang sarili na inosente siya gayung sa nakakatakot na tingin ng isang napakagwapong bilyonaryo na si Maximus Villaroman ay isa siyang kriminal? "Mamamatay kang mabubulok dito. Pero bago mangyari yun, papakinabangan ko muna ang katawan mo." NOTE: THIS BOOK CONTAINS SEXUAL AND ABUSIVE CONTENT. THIS IS A DARK ROMANCE AND NOT INTENDED FOR YOUNG, MINOR AND SENSITIVE READERS. PLEASE BE GUIDED.
Romance
9.9155.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Mistress

The Billionaire's Mistress

"Money over men." 'Yan ang motto ni Ladja Ronquillo simula noong saktan siya ng pinakaunang lalaking minahal niya. Walang mga magulang at pinapaaral pa niya ang kaniyang nag-iisang kapatid kaya mas importante na sa kaniya ngayon ang pera. Hanggang sa nakilala niya si Radzmir Al-Andas, isang napakamayamang businessman na gagawin ang lahat para lang matikman ang kaniyang mga labi at makasama siya. Dahil dito, nagdesisyon siyang gamitin ang lalaki para sa pera. Akala niya magiging mas maayos na ang lahat sa halip, ito ang naging dahilan nang muling pagkadurog ng kaniyang puso.
Romance
10297 viewsOngoing
Read
Add to library
Mama, Tingnan Niyo Ang Puso Ko

Mama, Tingnan Niyo Ang Puso Ko

Dahil lang kumain ako ng isa pang extra na paa ng manok kaysa sa kapatid kong lalaki, pinalayas ako ng tatay ko mula sa bahay sa gitna ng isang snowstorm. Noong tumagal, ang tatay ko na isang archeologist ay nahukay ang aking katawan. Dahil sa nawawalang ulo ko, hindi niya ako nakilala. Kahit na noong nakita niya ang katawan ay may parehong mga peklat na meron ako, wala siyang pakialam. Pagkatapos, ang nanay ko ay kinuha ang aking puso at pinakita ito sa kanyang mga estudyante. “Ngayong araw, pag aralan natin ang puso ng isang taong may congenital heart disease.” Minsan niyang sinabi na makikilala niya ako kahit na anuman ang itsura ko. Mama, ngayon at ang tanging natitira sa akin ay ang puso ko, nakikilala niyo pa rin ba ako?
Read
Add to library
Battered Wife's Sweet Revenge

Battered Wife's Sweet Revenge

Ang akala niyang magandang buhay bilang bagong kasal ang magbibigay sa kaniya ng sobrang kaginhawaan at labis na saya, ay siya palang mag-uuwi sa kaniya sa magulong buhay. Ang akala niyang wagas na pag-ibig dahil sa wakas ay natali na siya sa taong mahal niya, ay iyon pala ang dahilan kung bakit siya sobrang magdurusa. Ang sagradong kasal na inaakala ng lahat na magiging masaya, iyon pala ang siyang magdadala sa kaniya ng labis na kalungkutan. Hindi niya alam kung kakayanin pa ba niya ang mga nangyayari sa buhay niya lalo na't nag-iba na ang turing sa kaniya ng kaniyang mahal. Hindi niya alam kung saan siya lulugar at hindi niya na alam kung saan pa niya ilalagay ang pagmamahal na meron siya sa kanilang relasiyong dalawa. Hirap na hirap na siya lalo na at pakiramdam niya ay siya na lang ang lumalaban sa kanilang dalawa at tila siya na lang ang gumagawa ng paraan para maging maayos sila. Pero sa huling pagkakataon, gagawin niyang muli ang lahat para bumalik sa dati ang takbo ng kanilang relasiyon. Sa huling pagkakataon, sasabayan niya ang takbo ng panahon at maghihintay muli na dumating ang oras na sasaya siya muli sa piling ng kaniyang mahal. Ito ang kuwento ng isang babae, kuwento ng isang aping asawa... ito ang kuwento ni Rowena.
Romance
10986 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2526272829
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status