Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND

FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND

Tahimik na buhay. Ipinagbabawal na pag-ibig. Isang lihim na maaaring sumira sa lahat. Para kay Elicia Torrez, nagsimula ang lahat sa isang pagkakamali—ang umibig sa dating asawa ng kanyang ina, si Demon Villamor. Ngunit ang pagkakamaling iyon ay nag-iwan ng isang lihim: siya’y buntis, at si Demon ang ama. Ayaw niyang sabihin ang katotohanan. Ex-husband ng ina niya si Demon, at anak ni Demon ang lalaking ngayo’y papasok sa kanyang buhay—si Daniel Valdez. Ngunit si Daniel ay may puso, at handang maging ama ng bata, kahit hindi niya ini-expect na ang pagmamahal na ibibigay niya ay magdadala rin ng panganib at sakit. Dahil si Daniel… anak din ni Demon. Sa pagbabalik ng ina, at sa pagbubunyag ng mga lihim, pipili si Elicia sa dalawang lalaking magdudulot ng kapahamakan sa kanya: Ang lalaking bawal na ama ng kanyang anak… o ang lalaking tapat na magmamahal sa kanya, kahit dala niya ang sugat ng nakaraan?
Romance
102.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Pretend Bride

The Billionaire's Pretend Bride

chantal
Si Luke Andersons, isang bilyunaryo sa sektor ng luxury real estate, ay nasa ilalim ng matinding pressure na patatagin ang legacy ng kanyang pamilya. Nang makilala niya si Pia Barrington, isang waitress na may mga pangarap na maging chef at nahaharap sa mga kagyat na problema sa pananalapi dahil sa mga bayarin sa medikal ng kanyang lola at mga bayarin sa kolehiyo ng kanyang kapatid, ang kanilang buhay ay nagsalubong sa isang hindi inaasahang paraan. Si Luke ay nagmungkahi ng isang pekeng kasal kay Pia, na nag-aalok sa kanya ng pinansiyal na seguridad bilang kapalit ng kanyang tulong sa kanyang kinakailangan sa mana. Habang nilalalakbay nila ang kanilang pagpapanggap na relasyon, ang tunay na damdamin ay nagsisimulang lumitaw, na naglalagay ng kanilang kaayusan sa pagsubok. Ang kanilang gawa-gawang pagsasama ay magiging isang tunay na kuwento ng pag-ibig, o ang kanilang mga indibidwal na pakikibaka ay maghihiwalay sa kanila?
Romance
921 viewsOngoing
Read
Add to library
My Bittersweet Mistake

My Bittersweet Mistake

Si Marion Yuna "Mayu" Selvestre ay bunga ng isang kataksilan. Uhaw sa pag-ibig ng mga magulang. Walang hiniling ang dalaga kun'di maging parte ng pamilya ng kanyang Tatay o Nanay. Ngunit iyon ay naging mas malabo matapos siyang mapiling fiancée ng isang kilalang bilyonaryo na parehong gusto ng kanyang mga kapatid. Hindi iyon matanggap ng kanyang mga magulang sapagkat maging ang mga ito ay naghahabol sa bilyonaryo. At mas lalo pang lumabo ang kanyang kahilingan nang siya ay mabuntis dahil sa isang gabing pagkakamali. Sa takot na ito ay ipalaglag ng kanyang mga magulang at sa takot na malaman ng lalaki na siya ay nagdadalang tao, nagawa niyang lumisan sa kinagisnang lugar at magpalipat-lipat pa sa tuwing siya'y nahuhuli nito. Takot man sa buhay ay mas takot si Mayu na kuhanin sa kanya ang anak ng tuso at tinuturing niyang halimaw na si Aldo Hendrix Castellanos.
Romance
1072.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Tipo kong lalaki

Ang Tipo kong lalaki

Lady Moon
Mula sa pag papanggap ng bilang isang nobya dala ng pagmamayabang, napahamak ang dalaga, ngunit na iligtas ng hindi kilalang tao. Buwan ang lumipas muli silang pinagtagpo ng tadhana. Ano kaya ang istorya sa pagitan nilang dalawa.
Romance
2.2K viewsOngoing
Read
Add to library
A Stolen Night of Seduction

A Stolen Night of Seduction

BabyblueAye
Para sa kaniyang inang may sakit, kinailangan ni Kaia na maghanap ng trabaho na makakatulong sa kaniyang humanap ng malaking pera para sa pagpapagamot ng kaniyang ina. Kahit na masira pa ang kaniyang buong pagkatao, gagawin niya kumita lang ng pera na makakatulong sa kaniya sa pagpapagamot ng kaniyang Nanay. Seduction is the only key to success. Pero makakaya kaya niya kung kainosentehan ang namamayagpag sa kaniyang isipan? Magtatagumpay kaya siya sa balak niyang gawin na nakawin ang puso ng lalaking alam niyang mahirap paamuhin?
Romance
832 viewsOngoing
Read
Add to library
Contract Marriage With The CEO

Contract Marriage With The CEO

Walang ibang hinangad si Leil Hidalgo kung hindi ang mabigyan nang maayos at matiwasay na buhay ang kanyang pamilya, lalong-lalo na ang kanyang kapatid. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang lahat ng kanyang pinaghirapan ay biglaang naglaho, pati na rin ang kanyang pinakaiingatang trabaho. Kasabay ng kanyang paglugmok ay ang pagbabalik ni Roscoe Villafuerte, ang kaniyang dating kaibigan. Siya ang may-ari ng pinakamalaking construction company sa buong Pilipinas. Sa kanilang pagkikita, umusbong ang galit na mayroon si Roscoe kay Leil at dahil nasisiguro niyang nangangailangan ng pera ang babae, inalok niya ito ng kasal, kapalit ng bagay na sigurado siyang hinding-hindi matatanggihan ng babae.
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Love Resurrection

The CEO's Love Resurrection

Si Marcuz Villafuerte ay isang matagumpay na CEO at mapagmahal na ama sa kanyang anak na si Spencer. Sa kabila ng tagumpay, nakagapos siya sa alaala ng kanyang yumaong asawa, na nag-iwan ng malaking puwang sa kanyang puso. Ngunit isang gabi sa isang art exhibit, nakilala niya si Lennah Jane, isang gallery assistant na nagtatrabaho ng ilang part-time jobs para lamang makaraos. Agad siyang nahulog sa simpleng ganda at kabutihan ni Lennah, na may kakaibang pagkakahawig sa kanyang nasirang asawa. Habang palaging bumibisita si Marcuz sa gallery, lalong lumalalim ang kanyang damdamin kay Lennah. Ngunit hindi lang basta pagkahumaling ang nadarama niya—may misteryosong koneksyon sa pagitan nila na hindi maipaliwanag. Sa kabila ng masalimuot na nakaraan at pagkakaibang buhay, may damdaming umaalab sa puso nilang dalawa na tila may sariling daan ng pagtutuloy. Ngunit sa pag-usbong ng kanilang relasyon, napagtanto nilang maraming bagay sa kanilang mga buhay ang tila magkaugnay. Isa itong kwento ng pagmamahalan at pagkakahanap muli sa sarili—ng dalawang taong parehong may sugat sa puso na naghahanap ng paghilom. Ngunit handa bang harapin ni Marcuz at Lennah ang lahat ng pagsubok na kasama ng bagong pagmamahalan, lalo na kung ang kanilang nakaraan ang magbabanta sa kanilang kinabukasan?
Romance
1.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Wife For Sale

Wife For Sale

Blazingfire
Si Tyronia Gonzales ay anak sa labas ng kanyang ama. Namatay ang ina niya dahil sa panganganak sa kanya kaya naman sa bahay ng ama niya siya nakatira, at lumaki. Kahit pa mayaman ang ama niya ay kahit kailan ay hindi siya naging buhay prinsesa dahil galit sa kanya ang asawa ng ama niya. Walang araw na sinasabi nito na anak lang siya sa labas, at malandi ang ina niya kahit hindi naman totoo. Isang araw dahil nalulugi na ang kompanya ng ama niya ay nakaisip ng paraan ang asawa nito. Nabalitaan nito na naghahanap ng mapapangasawa si Grey Del Rosario. Bibili ito ng mapapangasawa dahil walang gustong magpakasal dito dahil sa sunog nitong itsura. Binenta si Tyronia ng asawa ng ama niya, at wala siyang nagawa. Naging madali din naman kay Tyronia na mahalin ang binata lalo na't mabait ito sa kanya, at binibigay ang lahat ng gusto niya. Pero natatakot siya na baka magbago ang pakikitungo ng binata sa kanya kapag nalaman nitong isa lang siyang bastardo. Pero ang mas malaking tanong ay handa ba siyang makita ang mukha ng asawa na nakatago sa maskara? Handa kaya niya itong tanggapin kapag nalaman niya ang malaki nitong lihim sa kanya?
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Tycoon's Triplets

The Tycoon's Triplets

Natuklasan ni Maximus na nakatakas siya sa assasination attempt dahil sa pagkakamaling nagawa ng hotel. Maling susi ang naibigay sa kaniya kaya siya napunta sa kwarto ni Celeste. Ang akala ni Celeste kasama niya ang lalaking handang magbayad sa kaniya ng malaking pera para sa isang gabi pero isang pagkakamali dahil ang lalaking pumasok sa kwarto niya ay ang pinakamakapangyarihan na businessman sa bansa. Gusto niyang magsimula para mabawi niya ang kompanya ng kaniyang ina sa kamay ng half-sister niya kaya nagawa niyang ialok ang sarili niya sa hindi niya kilala pero itinakwil siya ng kaniyang ama nang mapanuod nito ang malaswang video ni Celeste.Ipinahanap ni Maximus ang babaeng nakasama niya, ang babaeng itinuturing niyang nagligtas sa kaniya noong gabing muntik siyang mamatay. Nang malaman ni Hannah na ibang lalaki pala ang nakasama ng kapatid niya mabilis siyang gumawa ng paraan. Nagpanggap si Hannah na siya ang nakasama ni Maximus sa hotel ng sa ganun ay magkaroon sila ng romance relationship with the most powerful man. Paano kung pagbalik ni Celeste ng bansa, malaman niyang boyfriend na ng kapatid niya ang ama ng tatlo niyang anak? Will she tell to Maximus the truth about the kids or will she hide it until she can?
Romance
9.6798.8K viewsCompleted
Show Reviews (77)
Read
Add to library
Zea Hara Kaira Suficiencia
Hi author, ilang araw na tong nasa library ko pero ngaun ko lang nabasa .. ang ganda ng kwento promise pero pansin ko may hawig siya sa three little guardian na isa mga paborito ko din dito sa GN .. Pero ganun pa man pwd pakituloy po ng kwento kasi ang ganda ganda po eh. maraming salamat po author..
nezz agg
ganda naman ng kwento nila maximus at celeste. ang inantay ko kung ano ang naging ending nila. nagtataka ako bakit napunta ang kwento kay aurora at hunter. iniisip ko na baka kasi connected pa rin sa pagkawala ni hunter kaya kinuwento ang naging buhay ni hunter ng nawala cya sa sirkulasyon.
Read All Reviews
The Fine Print of Falling in Love

The Fine Print of Falling in Love

“Isang halik lang dapat… pero bakit parang gusto kong ulitin?” ani Alexis Vergara sa sarili, habang hinahabol ang sariling hininga matapos ang mainit na tagpo sa pagitan nila ni Ralph Santillian — ang bestfriend ng ex niyang cheater na si Julio. Isang gabing puno ng emosyon, galit, at alak, nagbago ang lahat sa isang iglap. Ang halik na dapat ay para lang ipamukha kay Julio na hindi siya nasira, ay bigla na lang nag-iwan ng init at kaguluhan sa puso’t isipan ni Alexis. Si Ralph, tahimik, misteryoso, at hindi interesado sa drama ng paligid, ay bigla na lang naging bahagi ng isang planong puno ng kasinungalingan: isang contractual marriage. Hindi sila in love, hindi sila magkaibigan, pero pareho silang may gustong patunayan — na kaya nilang makabangon mula sa mga nanakit sa kanila at gumanti sa ginawang pananakit ng mga taong minsang minahal nila ngunit sumira din sa kanila. Habang ginagampanan nila ang papel ng mag-asawa, unti-unting nabubura ang mga linya ng kasunduan. Si Alexis, na dating galit at puno ng poot, ay nahuhulog kay Ralph. Samantalang si Ralph, na tila bato ang puso, ay natutong ngumiti at masaktan para sa babaeng minsang bahagi lang ng isang plano. Ngunit paano kung bumalik si Julio para muling guluhin ang lahat? At paano kung ang dating kasunduan ay maging totoo na sa mata ng batas… at sa tibok ng puso?
Romance
9.97.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4041424344
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status