Secret Contract:The CEO is my Twins' unknown father
What if you accidentally slept with a complete stranger, not knowing that he would one day be the man responsible for sending your father to jail?
Ganiyan ang nangyari kay Serena Dela Cruz—isang babaeng handang isakripisyo ang lahat para sa pag-ibig. Upang mailigtas ang naluluging negosyo ng pamilya ng kanyang nobyong si Eric Santos, ibinigay niya ang pitong milyong piso na inilaan sana para sa operasyon ng kanyang inang may sakit sa kidney. Ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang sakripisyo, pinagtaksilan siya ni Eric kasama ang kanyang matalik na kaibigang si Celine Watson.
Lubos na ang mundo ni Serena nang matuklasan niyang buntis siya matapos ang isang gabing hindi niya inaasahan kasama ang isang estranghero. Sa kabila ng sakit, utang, at kahirapan, pinili niyang buhayin at mahalin ang kambal na anak na siyang naging dahilan upang muli siyang bumangon.
Ngunit muling magtatagpo ang kanilang mga landas ni Mark Sebastian Lancaster—ang lalaking nakabuntis sa kanya—hindi bilang ama ng kanyang mga anak, kundi bilang isang makapangyarihang lalaki na naghahanap ng kontratang asawa upang makuha ang buong mana ng mga Lancaster. Kapalit ng kanyang alok ay mga bagay na hindi kayang tanggihan ni Serena.
Hindi nila alam na matagal nang pinagtagpo ng tadhana ang kanilang mga buhay at nagbunga iyon ng dalawang anak.
Matutuklasan kaya ni Sebastian na siya ang tunay na ama ng kambal? At mabubuksan pa kaya ni Serena ang sugatan niyang puso para sa isang lalaking kilala niyang malamig, ambisyoso, at gahaman sa kapangyarihan at pera?