Arrange Marriage with Mysterious Billionaire
Si Leana Allegre ay isang babae na nasawi sa kanyang unang pag-ibig, nagdesisyon siyang gumamit ng baraha upang pagsisihan ng ex-boyfriend niyang si Felix ang ginawang panloloko sa kanya. Ginamit niya si Damian, isang gusgusing estudyante na sa tingin niya ay madaling bilhin para maging fake boyfriend niya.
Lingid sa kaalaman ni Leana na ang lalaki pala ay isang CEO at bilyonaryo na may lihim na pagtingin sa kanya.
Sa gitna ng pagpapanggap, unti-unting nabura ang mga linya ng pagkukunwari. Nahulog si Leana kay Damian, at ibinigay niya ang sarili rito pero hindi niya alam na ang lalaki ay may mga lihim na dahilan sa paglapit sa kanya—Isang kasal na biglaan, isang pagtatapat na magpapabago sa lahat.
Paano kung ang pekeng pag-ibig ay naging totoo? Paano kung ang katotohanan ngayon ay mas masakit pa kaysa sa naramdaman mo noon?!